Siguro kung may langaw na umaaligid for sure nakapasok na sa bibig ko sa tagal at laki ng pagkakabuka. Hindi ko ko akalain na may bago na namang babaeng kasama sa bahay si kuya. Iba siya. Iba ang dating sa mga pinagasawaan niya. Madalas kasing mukhang
easy to get ang ibang naging
gf or
fling niya. Huwag sana siyang mapagaya dun sa ibang na naging mataba pa sa paanaking baka o kaya ay naging mas pangit pa sa sunog na kaserola sa sobrang insecurities noong iwanan ni kuya. Alam ko ilang sandali na lang at palalabasin na ako ng bahay ni kuya. Maliit lang kasi ang bahay naming inuupahan kaya madidinig ang anumang mangyayari sa loob ng kwarto. Minabuti ko na lang magkusang lumabas kesa makiusap na naman siya.
Base sa maikling usapan namin ni kuya, Raquel ang pangalan ng babae. Hindi ko na inalam ang apelyido dahil malamang hindi rin alam ni kuya ang isasagot niya. Maganda si Raquel bagamat hindi sophisticated ang style, may kakaiba naman sa kanyang features na kahuhumalingan ng lalaki bukod pa sa katawan na pamatay talaga.
Ginto ang dila ni kuya kaya maraming nahuhumaling na babae. Kahit siguro bantay ng sanglaan papatusin siya e. Sa katunayan, may pumatol na sa kanyang asawa ng isang
seaman. Sa pagkakaalam ko tumagal din ang relasyon nila kasi may
thrill daw ang pangangaliwa pero sa kalaunan iniwan din ni kuya.
Naging mahaba sa akin ang bawat minutong ginugugol nila sa loob. Natatakot ako para kay Raquel dahil alam kong hindi siya mahal ni kuya. Bahagi lang siya ng libangan, laruan ng kuya ko. Hindi ko alam kung bakit ako apektado. Tinamaan yata talaga ako.
Hindi naiwasang magtama muli ang landas namin ni Raquel, pareho lang kasi kami ng college na pinapasukan. Nagtama ang aming mata sa may
journals section ng
library. Iiwas pa sana ako kaso kita ko siya na inaalok ang bakanteng silya sa tabi niya.
Inalis niya ang kanyang bag sa upuan at idinikit malapit sa kanya. Kinuha ko ang dyaryo malapit sa upuan at hinanap ang
entertainment section.
"Tahimik ka pala kumpara sa kuya mo." basag niya sa katahimikan.
"
Raquel right?" tanong ko. "
Nahihiya lang siguro ako kasi hindi pa tayo gaanoong kaclose." Pumasok sa isip ko ang mga bagay na maari nilang ginawa sa loob ng bahay na. Nagugulo ang utak ko. Hindi ko dapat iniisip ang bagay na hindi ko dapat panghimasukan. Pero naaawa ako sa kanya.
"
Ganun ba"? Oh anong pakay mo dito sa journals? Maybe I can help?"
"
Need ko ng review sa isang film. Nagcheck lang ako ng latest movie sa broadsheets."
"T
ry the net? Maraming reviews dun," si Raquel.
"
No. Marunong naman akong gumawa. Inalam ko lang kung anong latest movie."
"Ah, good! Hindi tulad ng kuya mo na lahat ng pandaraya e alam na."
"Instead of comparing, why don't you join me? My treat!"
"Nakakahiya naman." umiiling na sabi niya.
"Para hindi ka mahiya, libre ko sine kaw naman maglibre ng lunch."
"Oh sige. Let's go!"
Walang masyadong naging usapan o nangyari sa loob ng sinehan maliban sa ilang kurot na natanggap ko kapag nagugulat siya sa
suspense film na aming pinapanood. Tulad ng napagkasunduaan inilibre niya ako ng lunch.
"Bangus?!"
"Oo. Paborito ko kasi yan," sagot niya.
"Wow. Pareho pa tayo. Madalas ko ngang lutuin yan sa bahay e."
"Parang gusto ko yata tikman ang pinagyayabang mo na yan a."
"Sure baka malimutan mo pa pangalan mo. Punta ka lang sa bahay alam mo naman 'di ba?" pagyayabang ko.
Bumuhos ang ulan. Para kaming magkasintahan na nagde-
date dahil kami lang ang tao sa native restaurant naming kinakainan. Napagkwentuhan na namin halos lahat maliban sa estado ng
relationship nila ni kuya. Inisip ko sa mga oras na yun ay akin siya.
"You know, I really like you." Matapos kong marinig ang katagang yon ay natutunan ko ng mahalin ang ulan.
"I like you too." sagot ko agad.
"Pero not in the sense na...."
"I know.." Putol ko agad baka may marinig pa akong hindi ko magugustuhan. Parang gusto kong tumakbo palayo o kaya ay tumalon sa mataas ng gusali pero mas gusto kong manatili dahil alam ko iiwan din siya ni kuya. Masama bang maging rebound?! Ewan ko. Basta sa bawat salita na binibitawan niya ay lalo ko siyang nagugustuhan. Pati kilos niya may dating sa akin.
Araw ng Linggo. Halos tangahali na din ako nagising. Papasok na sana ako ng banyo pero may tao pa sa loob. Nagulat ako. Si Raquel ang lumabas mula sa banyo. Nakatapis lang na pumasok sa kwarto ni kuya. Naiwan pa ang samyo ng shampoo at sabon niyang ginamit. Para akong rebulto na hindi man lang niya ng pansin kahit alam niyang nasa tapat lang ako ng banyo.
Lumabas ako ng bahay. Naghintay ako ng ulan. Mas gusto kong maligo sa ulan. Mas gusto ng aking paa na magtampisaw sa tubig galing sa ulan. Mas gusto kong tumakbo ng nakayapak sa basketball court habang bumabagsak ang ulan. Higit sa lahat gusto ko muling maalaala ang salitang binitawan ni Raquel noong umuulan.
Tanghalian. Nagluto ako ng paboritong sinigang na bangus para kay Raquel. Tinitigan ko ang kanyang mata pero walang anumang reaksyon. Siguro gusto niyang ilihim kay kuya ang aming pagkikita.
Kinabukasan matapos ang klase ay nagkasabay pa kami sa lobby ng college. Medyo apektado ako sa naging asal niya kahapon. Sobra naman siguro yung hindi niya ako kausapin kahit isang segusdo lang. Pero heto siya ngayon at nakangiti pa.
"Sabay na tayo umuwi Jerlo?.." masuyong wika niya.
"Hindi ka ba ihahatid ni kuya?" pasusot ko.
"Bakit naman ako ihahatid nun?" Sa bagay wala sa dictionary ng kuya ko ng maghatid ng babae dahil mabubuking siya ng iba pa niyang nililigawan.
"Sige tara.""Wait, Ipagluto mo na lang ako ng bangus.""Sige." Napangiti ako. Siguro hindi lang niya masabi kahapon na masarap dahil mabubuking kami ni kuya. Pero ngayon siya pa ang nag
request. Tinawagan ko muna si kuya para alamin kong nasa bahay siya. Buti na lang late pa siya uuwi kaya may time kami ni Raquel. Kahit nakaw lang ang sandali masaya na ako.
"Sarap naman ng luto mo. Woh!..""Sabi ko sa'yo e. Tsaka special yan e.""Ganyan din ba ang linya mo sa ibang babae mo?""Babae? Ikaw pa lang ang babaeng naipagluto ko. Hindi ako sing pabling ng kuya ko.""Uy defensive. Siguro ano.. Nahuhulog ka na sa akin no?""What if I am?" Natigilan ako. Mali ang binitawan ko.
"San ang CR?" biglang paglilihis ng usapan. Parang hindi niya alam ang banyo gayung nakaligo pa nga siya dun.
"Sa last na pinto bago magkusina." Namumula pa siya bago umalis ng upuan. Ako naman ay nanatiling nakatungo.
Matapos ang sandaling yon ay namaalam na si Raquel. Hindi na namin nabalikan ang naiwang tanong ko kanina.
"Jerlo, salamat sa bangus." "Welcome," mababang tugon ko.
"Siya nga pala. Noong sinabi kong I like you. I mean it." Hinalikan niya ako sa pisngi saka tuluyang umalis. Lalo akong nalito, hindi ko alam ang ibig sabihin ng halik na yon.
Lumipas ang mga araw. Nanatiling matabang si Raquel kapag kasama siya ni kuya pero sweet naman siya kapag kasama ko sa school. Magaling siyang magpanggap. Masakit kapag nakikita ko siyang hinahalikan ni kuya.
Dumating ang araw na kinatatakutan ko. Iba na ang babaeng isinasama sa bahay ni kuya.
"Napakawalang hiya talaga ng kuya mo!" sumbat sa akin ni Raquel.
"Ano ginawa niya?"
"Huwag ako ang tanungin mo." "Ako na ang humihingi ng tawad para sa kanya. Alam ko ng kasi ang kahihinatnan nito." Ilang salita pa ng pagmamakaawa ang sinabi ko.
"Sana ako na lang ang minahal mo." Natigilan si Raquel matapos ang ang binitawan kong salita.
Niyakap niya ako.
Napilitan akong kausapin siya tungkol sa kanyang mga babae sa unang pagkakataon.
"Kuya hindi ka ba talaga makukuntento sa babae?"
"What's the big deal Jerlo?""Iba na naman ang kasama mo. Sinaktan mo lang si Raquel. Iniwan mo lang siya."
"Raquel?"
"Magkukunwari ka pa na inosente. Si Raquel yong babaeng huling inuwi mo dito bago yang si Jean."
"Ah you mean Jhea, parang napakaapektado mo ah.
"Jhea?. Dahil mahal ko si Raquel nagkikita kami sa school kapag wala ka. Mahal ko siya kaya ayaw kong nasasaktan siya." "Funny. Akala ko ako lang ang nalilito. Si Raquel ay twin sister ni Jhea, nunal nga lang sa may tenga ang palatandaan ko dun. Pumunta lang yun Raquel dito noong kinuha ng libro ng Jhea," patuloy niya.
"Kung mahal mo si Raquel go!"Ay ganun ba." Napahiya ako pero hindi ko ibinaba ang boses ko.
"Sorry kuya pero dapat magtino ka na this time." Umiling siya matapos kong magsalita.
Hinanap ko agad si Raquel matapos ang pagtatalo namin ni kuya. Ikinuwento ko ang lahat at halos gumulong siya sa katatawa.
"Poor Jerlo. Kaya nagtataka ako sa mga sinasabi mo e." natatawang wika ni Raquel.
"Oo nga e. Napaamin tuloy ako na mahal kita."
"Well, I like you. Pero ligawan mo muna ako.".finish.-----
personal
back to business ang blog ko..kwentuhan na ulit.