Skinpress Rss

for play (1)


for play = para sa play (iskul-iskulan play)

request story lang. gagamitin daw sa play ni DJ.

Topic : high school life...

----------
Mga tauhan

Teacher Nantes - class adviser, play director
DJ - bobong estudyante at palaging lumilipad ang isip
Kate - presidente at pinakanangunguna sa klase
Rico - matalik na kaibigan ni DJ.
Joel - gwapong manliligaw ni Kate.
Gem - tagalista ng maingay at matalik na kaibigan ni Kate
Mervin - Kenkoy ng klase. May lihim na pagtingin kay Gem.

------

Teacher Nantes : Mr. Reyes!! Mr. DJ Reyes!! Mrrrr.. Reyesssss!!!

DJ : Present Ma'am!!!

Teacher Nantes : Anong present? Hello, nasa kalagitnaan na tayo ng class at still hindi ka pa din nakakamove-on sa checking ng attendance?

Class : HAHAHAHA

Rico : (pabulong kay DJ) Pre, absent-minded ka naman.

Teacher Nantes : Kanina pa ako nagdidiscuss dito at hindi ka pala nakikinig. So, how was your trip sa neverland? (tawanan ulit ang klase)

DJ : (kakamot-kamot) Ma'am can you repeat the question?

Teacher Nantes : Wala akong itinatanong DJ. Uulitin ko para maliwanagan ka. Ikaw ang pinakakulelet sa klase at ayaw kong maiwan ka sa graduation, kaya naisipan kong gawin kang leading man sa gagawin play. At dahil ikaw ang bida mas mataas ang grade mo kesa maging support ka lang. At higit sa lahat nakasalalay sa'yo ang grade ng klase para naman maging masipag ka at hindi magpabaya.

DJ : Hindi po ba pwedeng iba na lang?

Teacher Nantes : Hindi pwede. Dahil nasabi ko na sa nanay mo. Tuwang-tuwa nga sila e. Naibili ka na nila ng custome. (Nakangiti)

Rico : (malademonyong bulong) Pumayag ka na pare si Kate ang partner mo. Kung ako nga ang pinili ni Ma'am hindi na ako tatanggi. (Sinisiko pa si DJ para kumbinsihin)

DJ: Natatakot po kasi ako Ma'am.

Teacher Nantes : Huwag mag-alala si Kate ang partner mo. Siya bahala para matuto ka. Siya ang Juliet mo. (Hang isesenyas ang kamay kay para tumayo.) Siya ang magtuturo sa iyo. May one month preparation kayo.

DJ: Patay... Mukhang napagkaisahan ako ah.

Teacher Nantes : May sinasabi ka?

DJ : Wala po..

Mervin : Meron Ma'am. Gusto nya daw pong private ang practice nila ni Kate para makapagconcentrate.

Teacher Nantes : Nice idea. Sige, pakikiusapan ko si Ms. Medina na gamitin ang guidance office para makapagpractice tuwing free time.

Mervin : (pabulong) Ayos! Masosolo ko na si Gem kapag wala si Kate.

*bell rings*

Umalis si DJ ng masama ang loob. Pakiramdam niya ang napagkaisahan na naman siya ng klase. Dahil alam na mahina siya sa academics madalas siya maging sentro ng tawanan kapag may mga tanong siyang hindi maintindihan. Kaya minamabuti na lang niyang tumahimik kesa mapahiya.

Kate : (tumatakbo papunta kay DJ) Hintay!!!

Rico : Tol si Kate.

DJ : Bakit?

Kate : Ibibigay ko lang ang script para mapag-aralan mo na.

DJ : Paano kaya kung hindi ko mamemorize 'to?

Kate : Huwag naman. Baka maapektuhan ang grades ko e kukuha pa naman ako ng full Scholarship sa University.

DJ : So ako pala ang pag-asa mo?

Rico : Ehem!! Exit muna ako.. Pare una na ako kay Mervin na lang ako sasabay. ( tumango si DJ)

Kate : Parang ganun na nga kaya kailangan kitang tutukan.

DJ : Ganon ba? Halika samahan mo ako.

Kate : Saan naman?

DJ : Sa lumang Plaza.

Kate : Hindi pwede kailangan kong umuwi ng maaga at mag-aaral pa ako para bukas.

DJ : Sige. Ako na lang. Sana maalala ko may pag-aaralan akong script.

Kate : Black mail?

DJ : Hindi ah. Alam mo naman na absent minded ako.

Kate : Fine. Sama na ako.

DJ : Tara. Babagal bagal ka pa.

Naglakad papunta plaza ang dalawa. Nauunang maglakad si DJ na para bang walang kasama. Sa may plaza naghanap si DJ ng bakanteng upuan saka inilabas ang ilang gamit sa bag.

Kate : Bilis mo naman maglakad.

DJ : Mabagal ka lang talaga. Uwi ka na.

Kate : What? (nataas ng boses at namewang) Matapos mo akong paglakarin pauuwiin mo na agad ako?

DJ : Akala ko ba mag-aaral ka pa? Concern lang ako sa grades mo. (May pagkasuplado)

Kate : Pagpahingahin mo muna ako Mr Reyes.

DJ : Fine..

Binuklat ni DJ ang isang sketch pad. Nagsimula siyang magdrawing. Natawag ang atensyon ni Kate, hindi niya alam na may talent pala sa pagguhit ang kaklase dahil lagi naman itong walang imik.

Kate : Wow. Ganda naman niyan.

DJ : Salamat.

Kate : DJ? May tanong ako..

DJ : Yes?

Kate : Bakit hindi ka mahilig mag-aral?

DJ : (Natigilan). Mahilig akong mag-aral Kate.

Kate : Eh bakit madalas hindi ka makasagot sa klase?

DJ : Sabihin na nating mahina talaga ang ulo ko pagdating sa academics. Halos hindi na nga ako makatulog sa pag-intindi sa lessons pero hindi ko talaga maunawaan.

Kate : Bakit hindi ka magtanong para maging madali?

DJ : Ginawa ko na. Kaso naging katawa-tawa ako sa klase. Kumbaga nasa chapter six na ang lesson ang tanong ko nadiscuss na noong chapter 1.

Kate : Tutukan mo kaya ng mabuti ang pag-aaral para na din sa sarili mo?

DJ : Alam mo Kate, hindi lahat ng tao pareho pareho. Alam ko mahalaga ang pag-aaral pero paano mo ipipilit ang isang bagay na mahina ka talaga. Tulad ng pagsayaw, ayaw na ayaw mong pinasasayaw ka kasi hindi ka marunong kahit anong effort ang gawin mo.

Kate : Eh matigas ang katawan ko e. Sensya na.

DJ : Sa part ko naman, sketching ang hilig ko at hate ko naman ang academics. Til now nga nalilito pa din ako kung bakit ang nagiging postive ang negative sa subraction e. Imagine, 1 - (-2) = 3. Baluktutin ko man ang utak ko hindi ko makuha ang logic nun binawasan na nga naging positive pa.

Kate : May rule kasi di ba nadiscuss na natin iyon noong first year tayo?

DJ : Hindi ko na matandaan e.

Kate : Teka, ang play?

DJ : Dito na lang tayo magpractice. Mas tahimik kasi dito.

Binuklat ni DJ ang folder na ibinigay ni Kate kanina. Sinimulang humanap ng linya niya.

DJ : If I profane with my unworthiest hand.
This holy shrine, the gentle fine is this:
My lips, two blushing pilgrims, ready stand
To smooth that rough touch with a tender kiss. (tumawa ng malakas matapos ang linya.)

Kate : (with diction) Good pilgrim, you do wrong your hand too much,
Which mannerly devotion shows in this;
For saints have hands that pilgrims' hands do touch,
And palm to palm is holy palmers' kiss.

DJ : Wow. Galing naman. Pwede ka bang maging idolo?

Kate : Abnormal. Tutor na lang.

DJ : Ganda naman ng tutor ko.

Kate : Uwi na tayo nagkakabolahan na e.

itutuloy muna.

ang tunay na maginoo


ang tunay na maginoo

...ay inihahatid at sinusundo ang babae
...hindi basta nagagalit ng walang dahilan
...walang nalilimutang mahalagang araw
...isinasaalang-alang ang damdamin ng babae
...unang nagsosorry kahit walang kasalanan
...nakangiti pa din kahit nahihirapan
...hindi nahihiyang may kahawak kamay
...iniisip pa lang ng babae nasa harap na niya ang kailangan
...kahit malamig, ibinibigay ang jacket
...hindi nauubusan ng tsisi lines
...pupurihin ang babae kahit sa pinakasimpleng bagay
...sa mata niya isang babae lang ang maganda kahit may panis na laway pa
...willing maghintay kahit naiputan na ng ibon sa mukha
...nakangiti pa din kahit di makarelate sa usapang babae
...kakampi kahit sa pinakamaling desisyon.
...higit sa lahat, ang tunay na maginoo ay kalokohan lamang.


-----
wala akong maisulat
a poem for aling dionisia maybe..

Tricycle: Revenge, Lies and Love (end)






Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

XII. Revenge, Lies and Love


Inihatid ng mga tauhan ni Marco sina Luis at Jo-Anne sa isang kwarto na magsisilbi nilang kulungan habang hinihintay ang paglubog ng araw. May mga bantay sa pinto para tiyaking hindi sila makakatakas. May naatasan ding bantayan ang bintana kung sakaling tangkain ni Luis na siraan ito.

'Paano na tayo?' nag-aalalang tanong ni Jo-Anne.

'Ewan ko. Ipanalangin na lang natin na maging makulimlim ang langit para hindi agad nila makita ang mapa. Magkakaroon pa tayo ng pagkakataon na makahanap ng butas sa kwartong ito.'

'Galit ka pa ba sa akin?'

'Huwag muna natin isipin ang mga bagay na may kinalaman sa atin. Isa pa hindi ko pa din alam kung dapat kang pagkatiwalaan. '

'Luis... Biktima din ako! Huwag mo ako basta na lang pagduduhan!' nagtaas ng boses si Jo-Anne.

'Sige nga? Bakit malapit sa bahay ko ikaw nakatira? Bakit kailangan mo ako palaging sundan sa may ilog?!' sumbat ni Luis.

'Dahil kay ate. Siya ang orihinal na magreresearch ng black chid pero nasawi siya kaya naisipan kong ituloy. Hindi ko alam kung anong mundo ang pinasok niya, ang alam ko lang mas naging masaya siya noong umalis siya ng bahay. Sinubukan ko dahil gusto ko din maging masaya kaya inalam ko kung saan siya dati nakatira at kahit iyon ang dahilan ng kamatayan ng magulang ko palihim kong itinuloy ang research. At ang pagsama ko sa ilog, lahat iyon ay sa kagustuhan ko ng makilala ka hindi dahil boyfriend ka ng kapatid ko.'

Natahimik si Luis, hindi siya nagkomento dahil alam niya sa sarili na hindi nagsisinungaling ang babae. Nag-isip siya. Mula sa bintana ay tinatanaw niya ang lagay ng panahon. Binilang sa kanyang isip kung ilang oras pa bago lumitaw ang mapa. Napailing siya, sa isip niya kung wala si Jo-Anne ay mabilis siyang makakatakas, hindi naman niya pwedeng pabayaan na lang ito.

'Ano ba ang lihim sa likod Black Child?' baling niya kay Jo-Anne at pag-iiba sa usapan.

'May mapa din ito sa katawan na magtuturo naman ng mga itinagong kayamanan ni Roysus na ipapamahagi sana sa mga datu ng Mindoro at karatig lalawigan.' tugon niya.

'Kaya siguro hindi sinabi sa akin ni Arden ang bagay na iyon sa takot na hindi ko ibigay ang kayamanan.' Nanlaki ang mata ni Luis sa nadinig. 'Napakatuso.'

Naghanap si Luis ng posibleng lagusan. Sinubukan niyang humanap sa kisame subalit kongkreto ang ginamit na materyales. Maging ang mga dingding ay matibay ang pagkakayari.

'May parating yata.' bulong ni Jo-Anne matapos marinig ilang yabag papalapit sa kwarto.

Mula sa labas ay maririnig ang ilang piraso ng maliliit na bakal na nag-uumpugan. Kasunod nito ay paggalaw ng door knob. Bumukas ang pinto at lumapit ito kina Luis.

'Alam n'yo bang ipinapapatay na kayo sa akin ni Marco sa sandaling lumitaw ang mapa?' tanong ng nito.

'Hindi na ako magugulat.' maikling sagot ni Luis.

'Sigurado ako, alam mo kung saan nakatago ang black child. Tutulungan ko kayong makalaya kung sasabihin mo sa akin. ' tanong niya kay Luis.

'Pinapatawa mo ba ako? Mga traydor kayo hindi ka dapat paniwalaan. Isa ka sa mga assassin pero nagawa silang talikuran dahil kakampi mo si Marco at ngayon siya naman ang aahasin mo.'

'Luis, duda ka pa ba sa akin? Palagay mo sino ang tumulong sa iyo noong naganap ang enkwentro sa may tulay? Naiisip mo ba kung bakit buhay ka pa ngayon? Hindi ba dapat papatayin ka na ni Arden? Dahil lahat iyon sa akin. .. At kung sasabihin mo sa akin kung nasaan ang black child, makakaligtas ka ulit. Kayo.. '

'At bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na iyan? Para paniwalaan ka at mauto ako?'

'Dahil hindi ako kaaway at hindi mo din ako kakampi.'

Pamilyar ang linya na iyon. Nagulantang si Luis. 'Lady Armela?'

'Ssshh...! Hayaan mo manatiling lihim ang aking pagkatao bilang assassin. Tutulungan kita kung tutulungan mo ako.'

'Hindi ko alam kung nasaan ang black child.' Napailing si Luis.

'Nasa ilalim ng chapel ng Divine Academy ang Black Child!' sabat ni Jo-Anne. 'Tulungan mo kami.'

Napalingon ang dalawa. 'Magaling kung ganoon.' Lumapit si Lady Armela kay Jo-Anne. Inalis ang takip sa mukha at ngumiti kay Jo-Anne matapos ay bumulong ito. 'Napakaswerte mo at pinapahalagahan ka ni Luis.'

'Paano mo kami patatakasin?' balik ni Jo-Anne.

'Kapag lumitaw ang mapa iyon ang hudyat ng pagpatay ko sa inyo. Magpapanggap akong natalo ni Luis at panahon iyon para umalis kayo sa kwartong ito. Kung may haharang sa inyo ako na ang bahala.'

'Maasahan ko ba ang salita mo?' paninigurado ni Luis.

'Baka kailanganin mo.' Inabot ng assassin ang ilang armas matapos ay muli nitong isinara ang pinto.


Habang papalapit ang paglubog ng araw ay inihanda mismo ni Marco ang replika, gusto niyang personal na masaksihan ang palitaw ng mapa. Nakisama ang panahon kaya abot tenga ang ngiti nito.

Unti-unti ay gumuhit ang ngiti Marco habang may nabubuong imahe sa replika. Halos lumundag siya sa tuwa dahil totoo ang sinabi nina Jo-Anne at Luis tungkol sa replika. Sa isip niya, mabuti na lang na hindi niya ito sinira matapos matuklasan hindi iyon ang totoong black child. Kinunan niya ng picture ang mapa bago tuluyang mawala ito. Isenyas niya ang pagpatay sa dalawa nang tuluyang mabuo ang mapa. Agad umalis si Marco matapos ang utos.

Mabilis na kumilos si Lady Armela. Agad niyang pinakawalan ang dalawa bago tuluyang mapasakamay ni Marco ang black child. Maari niyang gamitin ang lakas at galing ni Luis para ubusin ang tauhan ni Marco. Sinigurado muna niyang walang personal na interes ang dalawa sa kayamanan bago niya binigyan ng sapat na gamit si Luis.

'Sa gawing kanan ng pasilyo mas kakaunti ang bantay. May inihanda na akong sasakyan sa labas na gagamitin ninyo sa pagtakas.'

'Paano kung masundan kami?' tanong ni Luis.

'Hindi kikilos ang grupo kung patay na ang pinuno at ikaw na ang bahala doon Luis,' diin ni Lady Armela. 'Kilos na!'

Mabilis na tumakbo palabas ng kwarto ang dalawa. Tinungo ang daan na itunuro ni Lady Armela. Mga ilang grupo ang humabol sa kanila pero nagawa itong pigilan at patayin ni Lady Armela. Nanatili sa tabi ni Luis si Jo-Anne. Mahigpit ang pagkakapit nito sa kanyang kamay para tiyakin ang kaligtasan.

'Dito ka muna.' Nagtago sa isang bakanteng kwarto si Jo-Anne dahil sa palapit na grupo ng kaaway.

Bago pa man makaporma ang kalaban ay agad nilundag ni Luis ang nasa unahan ng grupo. Sinaksak niya ito sa dibdib at nagawang tadyakan ang isa pang parating na kalaban. Ginamit niya ang katawan ng napatay bilang pananggalang sa atake. Animo'y dahon na inililipad ng hangin si Luis, mabilis niyang nababasa ang kilos ng kalaban ng hindi siya napapansin. Hinila niya ang sinulid sa kanyang kwintas at isa-isang ginilitan ng leeg ang kalaban.

Sa likod naman niya ay kumikilos din si Lady Armela, sa pagkakataong ito hindi na niya suot ang maskara at damit bilang assassin para hindi mahalata ni Marco na siya at ang assassin ay iisa. kung sakaling may magsusumbong. Lumabas si Jo-Anne sa kanyang pinagtataguan sa utos ni Luis. Tinungo nila ang daan palabas.

Bago pa man makalabas ay may ilang lalaki muli ang humarang sa dalawa. Nagtago sa likod ni Luis si Jo-Anne. Sumugod ang grupo at gayundin si Luis. Nagawa niyang hawakan ang kamay ng unang lalaking sumugod, inikot niya ang braso nito saka sinaksak mula sa likuran. Hinarap ni Lady Armela ang iba. Sinaksakan niya ito ng poisonous needles na agad ikinaparalisa ng mga kalaban.

Sumakay sila ng kotse para sundan si Marco. Alam nilang patungo ito sa Divine Academy. Inihatid muna ni Luis si Jo-Anne sa bahay para wala siyang alalahanin at isa pa masyadong brutal ang nangyayari. Maaring hindi matanggap ni Jo-Anne na maghaharap ang dalawang lalaking naging bahagi ng buhay niya kaya mas makabubuting wala siyang makita.


'Marco!!!!' sigaw ni Luis matapos makita sa aktong papasok ng Chapel si Luis.

'Aba buhay ka pa. Hindi talaga matatawaran ang galing mo.' sarkastikong sambit ni Marco.

Lumapit si Luis kay Marco. Agad nagsalubong ang galit ng dalawa. Bakas sa kanilang mga mata ang poot at paghihiganti. Ibinaba ni Luis ang lahat ng gamit, gusto niyang ang kanyang lakas ang tumapos sa dating kaibigan.

Sinuntok ni Marco si Luis sa mukha subalit parang hindi ito ininda ni Luis. Ilang suntok pa ang binitawan ni Marco subalit hindi natinig sa kanyang kinatatayuan si Luis. Akmang tatakbo na si Marco subalit nahawak siya ni Luis. Pinilit ni Luis ang braso ni Marco. Napaluhod ito sa sakit.

'Patawarin mo ako.' Naging bingi si Luis.

Tinapakan ni Luis ang ulo ni Marco hanggang dumikit sa sahig. Ilang saglit pa ay narinig ang pagkabali ng mga buto ni Marco. Saka lang tumigil si Luis nang mapansing wala ng buhay ang dating kaibigan. Isinubo ni Luis a sa bibig ni Marco ang isang soundless bomb saka tuluyang umalis.


Epilogue

Napasakamay ni Lady Armela ang Black Child. Hindi na ito hinagad ni Luis dahil malaking pera ang nakuha niya mula kay Arden at higit sa lahat, kasama niya ang babae niyang pinakamamahal. Si Jo-Anne.

'Luis anong plano ngayon?' tanong ni Jo-Anne.

'Pumunta sa ilog.' nakangiti si Luis. ' Pero bago ko gawin iyon may ieexplore muna ako.'

'Ano naman?'

'Ang puso mo. At ngayon ko na sisimulan!!! Humanda ka!!' Mapusok ang ngiti ni Luis kay Jo-Anne at agad niya itong siniil ng halik.

-WAKAS-


Alas siete


Naligo ako, nagpabango at siniguradong maayos ang itsura ko. Magkikita kasi kami ngayon ni Danna. Sa may hardin kami nakatakdang magtagpo, may ihanda akong mesa at may sorpresa din akong kumpol ng paborito niya bulaklak. Sinigurado ko din na walang istorbo dahil gusto ko palaging espeyal ang pagkikita namin.

Nakilala ko kasi Dana isang gabi sa may tapat ng aming hardin. Madalas ko siyang makitang umiiyak. May kalakasan ang kanyang hagulhol kaya naisip kong lapitan. Noong una, may alinlangan pa akong mag-usisa. Pero interesado din akong malaman ang dahilan kaya nagdesisyon akong lumapit. Kumuha muna ako ng buwelo bago nag-usisa. Hindi agad siya sumagot. Pinagmasdan ang itsura ko. Naghihintay ako. Tantya ko may limang minuto bago siya nagkwento. Iniwan pala siya ng kanyang boyfriend. Hindi niya matanggap na may bago ng kinahuhumalingan dahil mahal na mahal niya ito. Dumating nga sa puntong nagmamakaawa siya pero hindi iyon pinansin. Bakas ko sa mukha niya ang kalungkutan. Nakinig ako magdamag, wala kasi akong maipayo dahil aminado akong minsan ding naglaro sa damdamin ng babae. pagdamay na lang ang ibinigay ko.

Naging mabuti kaming magkaibigan, nakikinig pa din ako sa mga kwento niya na ilang beses ko ng nadinig. Memorized ko na nga kung tutuusin. Inililibot niya ako sa sarili naming hardin. Sabagay hindi ko nasabing kami ang may-ari ng kanyang madalas pasyalan at matagal din akong di nanirahan dito kaya hindi niya ako kilala. Lumiliwanag ang kanyang mata sa tuwing nagkikita kami. Hindi uso ang salitang boring kapag si Danna ang kasama. Kaya minahal ko na ang probinsya kesa manatili sa lungsod. At higit sa lahat tuluyan na akong napaibig kay Danna.

Maganda ang boses niya. Kumakanta siya habang pumapasyal kami sa ilog. Kung hindi pa makuntento, nagtatampisaw kami sa dalisay na tubig. Pinapanood din namin ang repleksyon ng buwan sa tubig. Sumasayaw ito sa tuwing may malilikhang maliit na alon.


Alas siete ng gabi, unti-unti lumalamig ang hangin partikular sa may hardin. Hudyat ng pagdating ni Danna. Umaangat ang mga dahon at nililipad sa iba't ibang direksyon. May kakaibang tunog ang maririnig at makapanindig balahibo sa pakiramdam. Doon sa may lumang groto mamumuo ang isang imahe ng babae hanggang sa tuluyan siyang lumitaw. Base sa mga balita, doon nagpakamatay si Danna dahil sa panloloko ng mahal niya. Syempre noong una natatakot pero ngayon ako pa mismo ang naghihintay sa pagdating niya. Ang dahilan? Mahal ko siya.