Skinpress Rss

The Fall of Adam - Ten





Wala ng atrasan. Tinanggap ko si Cristine kasama ang mga baluktot na paniniwala niya. Kung mapapatunayan ko sa kanyang mahal ko siya ay maaring magbago ang isip niya at tuluyang kalimutan ang pakikipaglaro ng apoy. Babae siya. Malambot ang puso ng babae basta makuha ang kiliti nito.

"Wala ka ng ibang kondisyon? Mukhang hindi ako mahihirapan ah." wika ko sa kanya habang  hinahaplos ko ang kanyang braso.

"Sigurado ka?"

"Oo naman!"  Dahil mahal ko siya gagawin ko ang lahat para hindi na siya maghanap ng iba. Kung nagawa kong limitahan ang night life niya maari kong maiiwas siya sa pakikipagflirt. "Tayo na ba?"

"Sige. Honestly, masaya akong kasama ka kaya walang masama kung susubukan ko ang gusto mo. Pero wag kang aasang susuklian ko ang pagmamahal mo."

"Masaya na ako kung anong mayroon tayo ngayon. Hindi siguro ako magdedemand pa ng iba."

"Kung ganoon, wala palang magiging problema e." Hinawakan niya ang aking baba at hinalikan ng bahagya sa labi. "You're officially mine Mr. Policeman..."

"Yes. You can take me home... anytime."

"So pwede na akong magselos?" tanong ni Cristine. Siguro ako dapat ang magtanong ng ganoon sa kanya lalo pa't napapadalas ang pagkikita nila Philip.

"Basta nasa lugar e," sagot ko.

"Kailan ba masasabing nasa lugar ang selos?"

"Kung palagay mong nababalewala ka. Sa pagkakataong ganoon naman dapat kinakausap mo ako para wala tayong maging misunderstanding."

"Sanay akong sinasarili ko lang e. Hindi ako masyadong vocal sa mga feelings ko."

"Malawak naman ang pang-unawa ko e kaya walang masamang magshare.. We are trained to negotiate...."

"...make alibis and excuses?" putol ni Cristine sa sasabihin ko pa. "Kayong mga lalaking mabilis humanap ng lusot e."

"Kung hindi open makinig ang isang taong kausap sa mga possibilities, alibis ang tawag nila doon. Dapat maayos ang communication natin para maiwasan iyon..."

"Moody ako e. May magagawa ka ba dun?"

"Alam ko naman ang kiliti mo e." Hinawakan ko ang bewang niya at pinadulas iyon sa kanyang likuran. Kinabig ko siya palapit sa akin saka pinaluguan muli ng maiinit na halik.


Kinaumagahan hindi ko na inabutan si Cristine sa aking tabi. Nag-iwan naman siya ng note sa pintuan ng ref na kailangan niyang umalis. Bago kami makatulog kagabi, nangako naman siya na sasabihin niya sa akin kung may nakilala siyang lalaki at aaminin niya kung may nangyari sa kanila. At para mabawasan ang inaalaala ko, kung sakaling may nangyari sa kanila ng isang lalaki, hindi siya makikipagtalik sa akin sa loob ng isang buwan  para malinaw kung sino ang ama ng ipagbubuntis niya.

Handa na ang almusal at ang idineklara niyang paborito kong pancake sa dining table. Nakaorder na din sya agad ng set of fresh flowers para palitan ang plastic na rose sa aking mesa. Kung tutuusin, sweet na tao si Cristine nagkataon lang na mayroon siyang baluktot na paniniwala kaya natatabunan ang totoong ugali.

"Hello? Saan tayo magkikita?" tanong ko kaya Angela matapos kong sagutin ang tawag niya.

"Nasa labas na ako ng bahay mo." Dali dali akong tumakbo sa may bintana para siguraduhing nandoon sya. "Hindi mo ba ako papasukin?" 

Ibinaba ko ang telepono at binuksan ang pintuan. "Bilis mo naman! Hindi pa ako nakakapaghanda e."

"Gusto ko talagang makita ang itsura mo kapag bagong gising." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bahagya akong napalunok sa ginawa niyang pagtitig sa akin. Nakasando at maiksing shorts lang ako noon.

"Maliligo lang ako." Gusto kong umiwas kay Angela kaya iyon na lamang ang naisip kong dahilan. Mahirap din labanan ang pagkalalaki lalo pa't mapang-akit ang suot niya. Lalo pa't revealing ang suot niya. Lutang na lutang ang kayang kaputian sa suot na purple sleeveless  at isang dangkal lang yatang shorts.

"Pwedeng sumabay?" Bahagya akong natigilan at napakamot sa akin ulo. "Biro lang."

Pagkatapos kong maghanda ay umalis na kami ni Angela. Sumunod lang ako sa gusto niyang puntahan.  Naghanap ng breed ng aso, bumili ng camera at  kumain sa isang fine dining resto ang naging routine namin sa buong araw. Kung tutuusin hindi mahirap pakisamahan si Angela. Madaming siyang kwento kaya hindi nakakainip kasama. Madali lang din s'ya patawanin. Tulad ng sabi ni Cristine, matalino nga si Angela. Napapahanga ako kapag may mga bagay siyang ikinukwento sa akin lalo na kapag tungkol sa mga hayop noong naghahanap kami ng breed ng aso kanina.

"Paano mo nga pala nalaman ang bahay ko?" usisa ko sa kanya kahit alam kong ibinigay ni Cristine.

"Kay Tin. Weird nga e. Alam mo bang lagi ka niyang binibuild-up sa akin."

"Talaga?" Bahagya akong nabahala dahil parang ipinagsiksikan ko lang ang sarili ko kay Cristine.

"Oo. Hindi ko nga alam kung inirereto niya ikaw sa akin o type ka niya."

"Paano mo nasabi?"

"Madami siyang sinasabing magandang bagay tungkol sa'yo tapos noong naging interested na ako, bigla naman ayaw na n'yang mashare. Ako na lang daw ang magtanong kaya here I am."

Totoo nga pala ang hinala ko. Gusto ni Cristine maging malapit ako kay Angela. Hindi lang malinaw ang dahilan. Wala naman akong ipinakitang motibo noong unang pagkikita namin.


"Alam mo ba kung nasaan si Cristine ngayon?" tanong ko kay Angela.

"Uhmm. Yes. Kasama siya ni Kuya Philip."

 "Close pala talaga sila."

"Not just close. Mahal ni Kuya si Cristine. Kaya nga bumalik siya ng Pilipinas e."

"Ano?!" Napakunot ang aking noo.

"Bakit ganyang ang reaction mo? Siguro hindi pa n'ya nasasabi sa'yo..  Madami ka pang di alam kay Cristine."



-itutuloy

Sukli


"Ken, pagod ka na," puna ni Tita Loida sa akin nang inabutan niya akong nakaidlip sa gilid ng kama ni Patricia. Hinawakan niya ang aking balikat dahilan upang magising ako sa aking pagkakaidlip. "Umuwi ka muna para makagpahinga."

"Gusto ko po sanang hintayin ang paggising ni Patricia."

"Alam ko ang nararamdaman mo pero tatlong araw na tayong naghihintay ng paggising niya." Hinawakan niya ang kamay ko at hinikayat umuwi. "Pero kailangan mo ng pahinga. Pwede ka namang bumalik dito at babalitaan ka namin kung may development."

Lumabas ako ng hospital na mabigat ang loob. Sinisisi ko pa din ang aking sarili sa nangyari sa kanya. Wala sana siya ngayon sa ospital kung pinagbigyan ko ang gusto niya. Kung naglaan sana ako ng sapat na oras, hindi aabot sa ganito.

Sumakay ako ng jeep pauwi. Tatlong araw na din ang ipinamalagi ko sa ospital simula noong isinugod ko siya doon. Tatlong araw na din siyang walang malay. Uminom ng sangkatutak na sleeping pills si Patricia. Inabutan ko pang bumubula ang bibig niya noon.

Maayos naman ang relationship namin. Hindi pala. Akala ko maayos ang relationship namin pero may dinaramdam pala si Patricia. Akala ko malawak ang pang-unawa niya sa tuwing sasabihin kong di tuloy ang lakad namin dahil sa trabaho ko. Akala ko, naunawaan niyang para sa amin ang lahat ng ginagawa kong pagsisikap. Hindi ko naman kasi siya kinakitaan ng pagtutol o reklamo. Lagi siyang nakangiti.

Sa kwento ng ka-roommate niyang si Agnes, masaya pa daw noong umaga si Patricia. Nagluto pa nga daw ito ng pagkaing pagsasaluhan sana namin. Tinawagan ko si Patricia na bukas na lang ako makikipagkita dahil may presentation pa ako maaring gabi na matapos. Naghintay daw si Patricia sabi ni Agnes. Nadismaya siya noong hindi ako dumating sa anniversary date namin pero di nila inaasahan na hahantong sa suicide. Nagulat na lang ako noong bigla akong tinawagan ni Agnes. Umiiyak. Takot. Garalgal ang boses. Mabilis akong pumunta sa iuupahan nila at isinugod sa ospital si Patricia.

Habang binabagtas ko ang daan pauwi hindi ko mapigilang mapaluha. Nagsisisi. Ilang beses akong bumulong sa aking magkadaop na palad, humiling akong maging maayos ang lahat. Dugsungan pa ang buhay ni Patricia. Babawi ako kapag nagbalik na ang ulirat ni Patricia. Maglalaan na ako ng sapat na oras. Susuklian ko ang pagmamahal niya. Mahal siya. Mahal na mahal.

"Manong, bayad po. Dasma po." Pinahid ko ang aking luha

"Sukli oh."

"Kulang po, isa lang pong Dasma."

"Isa lang? Hindi pa nagbabayad ang kasama mo," pangangatwiran ng driver. "Iyang babaeng nakayakap sa'yo!"

Tumunog ang aking cellphone kaya di ko nabigyan ng pansin ang sinabi ng driver. Si Tita Loida. Gusto kong sumigaw sa labis na hinagpis. Hanggang sa huling sandali hindi ko kasama si Patricia.

The Fall of Adam - Nine





Nanatili akong gulat sa usapan namin ni Angela. Para akong na-hypnotized para sumang-ayon sa gusto niya. Alam kong dinig ni Cristine ang usapan namin kaya kinakabahan ako. Sobrang wrong timing. Ang lubos kong ipinagtataka ay alam niya ang contact details ko. Landline, street address, block, house number, office, name it. Weird!

Ayos lang naman na makipagkita ako kay Angela pero ayaw magkaroon ng meaning. Siguro naman hindi mamasamain iyon ni Cristine. Malawak ang pang-unawa niya at minsan nga hindi na katanggap-tanggap. Yes, attractive si Angela pero wala akong nakikitang iba kundi ang physical. In short, hindi ako interesadong malaman kung ano ang mayroon sa kanya.

"Si Angela," wika ko kay Cristine matapos ang aming pag-uusap. Mahina. Pabulong. Kabado.

"Type mo ang friend ko?" tanong niya habang inaayos ang damit niya. Nadismaya siguro siya pero di ako sigurado.

"No!" madiing tanggi ko. "She's attractive but iyon lang ang nakikita ko."

"She's beautiful and intellegent." Tinitingnan ko ang mata niya. Kalmado. Halatang di man lang nairita kung nag-uusap kami ng kaibigan niya. "And very loving."

Ewan! Hindi ko alam. Bakit kailangan niyang sabihin ang mga katangian ni Angela? Sinisimulan na ba n'ya akong itaboy? "Nagtataka lang ako kasi alam n'ya ang number ko."

"Binigay ko. Every details na alam niya... galing sa akin."

"What?"

"Masama ba?"

"No." Wala akong maisip na dahilan para mangatwiran. Tila naging tagasunod lang ako.

"Good."

Natulala ako. Tila tumigil ang mundo ko sa tuwing mararamdaman ko at pumapasok sa bawat sulok ng utak ko na ang babaeng kinababaliwan ko ay ang nagtataboy sa akin palayo. Parang kinalawang ang utak ko at walang pumasok sa isip ko na magandang dahilan para sabihing ayoko ko kay Angela.

Siya ang gusto ko. Ewan ko kung bakit di n'ya maramdaman. Tanga ba s'ya? Manhid? O wala lang talagang pakialam?

Pumasok sa isip ko si Philip. Nagseselos ako. I'm dead.

"Tara sa loob," yaya ko kay Cristine. Dismayado. At bigla akong nawalan ng gana.

Gumuhit ang malanding ngiti kasunod ang pagtataas ng kilay. I find her cute sa tuwing gagawin niya iyon. "Ipoposas mo na ako?"

"Oo. Then ilalagay kita sa electric chair." Kinindatan ko siya.

"Damihan mo ang kuryente para derechong langit."

"Sa langit naman talaga ang punta natin."

"Ows. Sure ka?"

"Yes! Angels kaya tayo."

"Haha. You're crazy. Lagay kong 'to, angel? Mas katanggap-tanggap kung devil."

"Hindi naman nagsesex ang devils e. Bawal silang makarating sa heaven."

"Naughty! Tara na at kukumustahin ko pa ang manok ni St. Peter."


Napakasarap sa pakiramdam sa tuwing ikukulong ko si Cristine sa aking mga bisig. Isisinigaw ng puso ko na akin siya. Bawat halik at yakap naming pinagsaluhan ay nagbibigay sa akin ng di maipaliwanag na kasihayan.

Sa tuwing napapaidlip siya sa aking dibdib hindi ko mapigilan ang aking sarili na sabihing mahal ko siya. Gusto ko siyang ipagdamot at pahalagahan na higit pa sa mamahaling bagay. Gusto kong wakasan na ang paborito niyang laro. Sa bawat haplos ko sa kanyang buhok ay sinusundan ko ng buntong hininga. Nagdesisyon na ako. Siya ang babaeng gusto makasama ni Adan habang buhay.


"Bakit hindi mo subukang magmahal?" Kumalas siya sa pagkakayakap at tumitig sa aking mukha.

"Nagpapatawa ka ba?"

"Nagawa mo na ang lahat sa buhay mo, magmahal at mahalin na lang kulang sa'yo."

"Sa tingin mo may magkakagusto pa sa akin?"

Hinawakan ko ang kanyang mukha. Tinitingan ko ang kanyang mata. Hindi ko hinayaan pang may kumawalang salita sa kanyang bibig. Hinalikan ko siya saka ako nagsalita, "Meron... Ako."

"Mahal mo ako?"

"Oo. Mahal na mahal."

"Nasasabi mo lang 'yan dahil nasasatisfy ko ang pagkalalaki mo!"

"Madaming babae ang kanyang magbigay ng satisfaction pero hindi lahat pwede alayan ng pagmamahal. Bakit hindi mo subukan maging tayo?"

Umiling siya. "Komplikado. Ayaw kong maging magulo ang buhay mo."

"Tatanggapin ko lahat. Communication lang ang sagot sa lahat para walang... maging complicated."

"Papayag akong maging tayo, in one condition. Hindi mo ako pagbabawalan makipagflirt.. Hindi lang kayong mga lalaki ang may karapatan na magmalaki na naikama nyo si ano o magaling sa kama si ano. "

Nadismaya ako sa mga nadinig ko. Pero hindi ito ang oras ng pagsuko. "Ano pa bang gusto mong patunayan? Life is not about sex."

"Gusto kong ienjoy ang buhay. Ayaw ko sa bandang huli ay iiyakan lang kita dahil nagpaseryoso ako sa'yo."

"Paano kung mabuntis ka?"

"Dalawang bagay lang.. Kung mahal mo ako tanggapin mo ang anak ko. Or iwanan mo ako. Now Decide!"


...itutuloy

The Fall of Adam - Eight




Preview | One | Two | Three |Four | Five |Six | Seven|

That girl? Angela. Hindi ko alam ang plano n'ya o ano ang gusto niya. Imagine, matagal kaming magkausap at saka pa naisipang humalik kung kelan maraming tao. Pero isa lang ang masasabi ko, masarap ang halik niya. Ramdam kong gulat ang lahat dahil tumahimik ang buong paligid. Hindi nga agad ako nakakilos dahil hindi ko alam ang tamang reaksyon.


Mas soft ang lips niya kumpara kay Cristine. Sinuwerte ba ako o ginagawa nila akong laruan? Hindi ko alam. Pero kung wala namang mawawala sa akin, wala akong nakikitang masama para maging instrumento ng bugso ng kanilang damdamin. Kung bumalik si Cristine kay Philip, suwerte pa din naman ako kay Angela.


Tahimik ang buong byahe namin pauwi.  Ang mga pagkilos lang namin sa upuan at ang hanging nagmumula sa aircon ang gumagawa ng ingay. Pinakikiramdaman ko si Cristine. Minsan sinusulyapan ko siya gamit ang salamin pero wala akong nakikitang palatandaan ng apektado siya. Siguro lang talaga ang nagbibigay ng meaning.


Naghanap ako ng CD na pwedeng patugtugin. Hinalungkat ko ang mga CD sa gilid ng upuan. Album ni Beyonce, Katy Pery, Lady Gaga, Rihanna at iba pang female singers. Hindi ako nakontento. Naghahanap ako ng relaxing sa pandinig dahil madaling araw na. Binuksan ko ang drawer ng dashboard para doon maghanap. Nakita kong minsan na may mga CD rin doong itinatago si Cristine.


"Hey! Don't touch that!" bulyaw ni Cristine.

Nagulat ako sa sigaw niya. Hindi ko alam na ganoon ang magiging reaction niya. "Sorry. Naghahanap lang ko ng pwedeng patugtugin."

"Fine! Huwag mo lang pakialam ang laman niya. Sara na mo na ulit."

Nacurious ako sa laman noon. Bago ko isara, pinagalaw ko muna ang kamay ko sa loob. Nagbabakasakali akong malaman ang misteryong bumabalot sa laman noon.  Wala akong nakitang kakaiba. Siguro natatakpan ng mga CD o nakatago sa pinakadulo.

"Baka may ilegal dito ha."

"Wala, Mr. Policeman."

"Sacred talaga iyan," sabat ni Brenda na akala ko ay natutulog na sa likod. "Kahit ako walang lisensya na pakialaman iyan."

"Weird." sabi ko.

"Anong weird? Weird ba ang magkaroon ng kaunting privacy?"

"Look. Kung gusto mong magtago ng isang mahalagang bagay, hindi mo ilalagay sa madaling buksan."

"Mr. Jacobo." Nagtaas si Cristine ng kilay. "Ang zipper ko madali din lang buksan at mahalaga din ang nakatago doon."


Pambihirang logic. Nauubusan ako ng dahilan para magsalita. She's weird but exciting. Mahirap talagang kalaban ang mga taong pilosopo.


"Ano ka ngayon?" pang-aasar ni Brenda. "Igalang mo na lang ang gusto nya."

"Sure. No problem." Nagtaas pa ako ng kamay bilang tanda ng pagsuko.

"Ang zipper na lang ang buksan mo!"


Naging ordinaryo ang mga sumunod na araw. Nagkaroon ako ng training sa ibang lugar kaya hindi kami nagkikita ni Cristine. Hindi ako nakalimot tumawag kapag may pagkakataon. Maayos naman ang aming mga pag-uusap.  May pagkakataong nga lang na si Philip ang kasama niya. They shared their time somewhere. Hindi na ako nag-usisa. Mas komportable para sa akin na wala akong alam.


"Sa Saturday next week uuwi na ako."

"Punta ako sa bahay mo?"

"Ikaw. Kung anong komportable sa'yo."

"Of course, I will. Namiss ko din naman si Mr. Policeman. Hand-cuff mo agad ako ha?"

"Natatawa naman ako sa'yo. Sa tingin mo magagawa ko iyon."

"Request ko nga e," malanding sabi niya. "In return ipagluluto kita ng favorite mong pancake."  Hindi ko alam na paborito ko pala ang pan cake. Ang mahalaga makakasama ko ulit siya.


Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa palagay ko normal naman ang lahat. Maayos ang lahat. Naglalakad na ako papasok ng bahay nang biglang may bumusinang isang pamilyar na sasakyan sa akin. Binaba ng nakasakay ang salamin ng bintana at agad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Namiss ko siya. Sobra.


"Pwede ka bang i-pick-up pogi?" pabirong wika ni Cristine.

"Mahal ang rate ko e. Ikaw kasi ang first customer ko." sakay ko naman sa biro niya.

"Okay lang kahit mahal, may tip ka pa kapag nagustuhan ko ang serbisyo mo." Kumindat siya sa akin.

"Sige. May libre ka pang extra service."


Lalabas na sana s'ya ng sasakyan pero pinigilan ko. Hinarang ko siya sa may pintuan ng driver seat. Hinalikan ko siya habang nakaupo at ako naman ay nakatayo. Isinaklang ko ang dalawa niyang binti sa aking bewang. Pagdampi pa lang ng aming mga labi ay ramdam ko ang uhaw sa sensasyong matagal kong hinanap-hanap. Alam kong wala ng halong libido ang aking mga halik. I want her. Hinding hindi ko siya pakakawalan.

Pinagapang ko ang aking mga halik sa kanyang leeg. Humigpit ang yakap niya. Inalalayan ko ang likod niya habang inihihiga sa upuan. Gamit ang aking paa nagawa kong isara ang pintuan. Hindi komportable ang aming pagkakahiga pero hindi naging balakid iyon para magpatuloy.

"More pleaaasee," pagmamakaawa ni Cristine.

Ipinasok ko ang aking kamay sa suot niyang tube habang naglalaro ang aking mga labi sa kanyang leeg at sa may likod na bahagi ng tenga. Naglaro ang isa kong kamay sa kanyang bewang paikot sa kanyang likod at tiyan.  Iniangat ko ang kanyang damit at muli akong nabighani sa kanyang dibdib.

KRRRIIIIIGGG! KRIINGG!!

"Sagutin mo muna baka emergency!" utos sa akin ni Cristine. "Makapaghihintay naman ako."


"Hello, good evening." Pagkasagot ko ay muling kong napansin ang drawer sa may dashboard. Nagbalik sa aking alaala ang misteryo nito.

"Pwede ka ba bukas?" sagot ng babae sa kabilang linya. "Sunday naman e. Siguro wala kang pasok."

"Sino 'to?"

"Its me... Angela."


...itutuloy