Wala ng atrasan. Tinanggap ko si Cristine kasama ang mga baluktot na paniniwala niya. Kung mapapatunayan ko sa kanyang mahal ko siya ay maaring magbago ang isip niya at tuluyang kalimutan ang pakikipaglaro ng apoy. Babae siya. Malambot ang puso ng babae basta makuha ang kiliti nito.
"Wala ka ng ibang kondisyon? Mukhang hindi ako mahihirapan ah." wika ko sa kanya habang hinahaplos ko ang kanyang braso.
"Sigurado ka?"
"Oo naman!" Dahil mahal ko siya gagawin ko ang lahat para hindi na siya maghanap ng iba. Kung nagawa kong limitahan ang night life niya maari kong maiiwas siya sa pakikipagflirt. "Tayo na ba?"
"Sige. Honestly, masaya akong kasama ka kaya walang masama kung susubukan ko ang gusto mo. Pero wag kang aasang susuklian ko ang pagmamahal mo."
"Masaya na ako kung anong mayroon tayo ngayon. Hindi siguro ako magdedemand pa ng iba."
"Kung ganoon, wala palang magiging problema e." Hinawakan niya ang aking baba at hinalikan ng bahagya sa labi. "You're officially mine Mr. Policeman..."
"Yes. You can take me home... anytime."
"So pwede na akong magselos?" tanong ni Cristine. Siguro ako dapat ang magtanong ng ganoon sa kanya lalo pa't napapadalas ang pagkikita nila Philip.
"Basta nasa lugar e," sagot ko.
"Kailan ba masasabing nasa lugar ang selos?"
"Kung palagay mong nababalewala ka. Sa pagkakataong ganoon naman dapat kinakausap mo ako para wala tayong maging misunderstanding."
"Sanay akong sinasarili ko lang e. Hindi ako masyadong vocal sa mga feelings ko."
"Malawak naman ang pang-unawa ko e kaya walang masamang magshare.. We are trained to negotiate...."
"...make alibis and excuses?" putol ni Cristine sa sasabihin ko pa. "Kayong mga lalaking mabilis humanap ng lusot e."
"Kung hindi open makinig ang isang taong kausap sa mga possibilities, alibis ang tawag nila doon. Dapat maayos ang communication natin para maiwasan iyon..."
"Moody ako e. May magagawa ka ba dun?"
"Alam ko naman ang kiliti mo e." Hinawakan ko ang bewang niya at pinadulas iyon sa kanyang likuran. Kinabig ko siya palapit sa akin saka pinaluguan muli ng maiinit na halik.
Kinaumagahan hindi ko na inabutan si Cristine sa aking tabi. Nag-iwan naman siya ng note sa pintuan ng ref na kailangan niyang umalis. Bago kami makatulog kagabi, nangako naman siya na sasabihin niya sa akin kung may nakilala siyang lalaki at aaminin niya kung may nangyari sa kanila. At para mabawasan ang inaalaala ko, kung sakaling may nangyari sa kanila ng isang lalaki, hindi siya makikipagtalik sa akin sa loob ng isang buwan para malinaw kung sino ang ama ng ipagbubuntis niya.
Handa na ang almusal at ang idineklara niyang paborito kong pancake sa dining table. Nakaorder na din sya agad ng set of fresh flowers para palitan ang plastic na rose sa aking mesa. Kung tutuusin, sweet na tao si Cristine nagkataon lang na mayroon siyang baluktot na paniniwala kaya natatabunan ang totoong ugali.
"Hello? Saan tayo magkikita?" tanong ko kaya Angela matapos kong sagutin ang tawag niya.
"Nasa labas na ako ng bahay mo." Dali dali akong tumakbo sa may bintana para siguraduhing nandoon sya. "Hindi mo ba ako papasukin?"
Ibinaba ko ang telepono at binuksan ang pintuan. "Bilis mo naman! Hindi pa ako nakakapaghanda e."
"Gusto ko talagang makita ang itsura mo kapag bagong gising." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bahagya akong napalunok sa ginawa niyang pagtitig sa akin. Nakasando at maiksing shorts lang ako noon.
"Maliligo lang ako." Gusto kong umiwas kay Angela kaya iyon na lamang ang naisip kong dahilan. Mahirap din labanan ang pagkalalaki lalo pa't mapang-akit ang suot niya. Lalo pa't revealing ang suot niya. Lutang na lutang ang kayang kaputian sa suot na purple sleeveless at isang dangkal lang yatang shorts.
"Pwedeng sumabay?" Bahagya akong natigilan at napakamot sa akin ulo. "Biro lang."
Pagkatapos kong maghanda ay umalis na kami ni Angela. Sumunod lang ako sa gusto niyang puntahan. Naghanap ng breed ng aso, bumili ng camera at kumain sa isang fine dining resto ang naging routine namin sa buong araw. Kung tutuusin hindi mahirap pakisamahan si Angela. Madaming siyang kwento kaya hindi nakakainip kasama. Madali lang din s'ya patawanin. Tulad ng sabi ni Cristine, matalino nga si Angela. Napapahanga ako kapag may mga bagay siyang ikinukwento sa akin lalo na kapag tungkol sa mga hayop noong naghahanap kami ng breed ng aso kanina.
"Paano mo nga pala nalaman ang bahay ko?" usisa ko sa kanya kahit alam kong ibinigay ni Cristine.
"Kay Tin. Weird nga e. Alam mo bang lagi ka niyang binibuild-up sa akin."
"Talaga?" Bahagya akong nabahala dahil parang ipinagsiksikan ko lang ang sarili ko kay Cristine.
"Oo. Hindi ko nga alam kung inirereto niya ikaw sa akin o type ka niya."
"Paano mo nasabi?"
"Madami siyang sinasabing magandang bagay tungkol sa'yo tapos noong naging interested na ako, bigla naman ayaw na n'yang mashare. Ako na lang daw ang magtanong kaya here I am."
Totoo nga pala ang hinala ko. Gusto ni Cristine maging malapit ako kay Angela. Hindi lang malinaw ang dahilan. Wala naman akong ipinakitang motibo noong unang pagkikita namin.
"Alam mo ba kung nasaan si Cristine ngayon?" tanong ko kay Angela.
"Uhmm. Yes. Kasama siya ni Kuya Philip."
"Close pala talaga sila."
"Not just close. Mahal ni Kuya si Cristine. Kaya nga bumalik siya ng Pilipinas e."
"Ano?!" Napakunot ang aking noo.
"Bakit ganyang ang reaction mo? Siguro hindi pa n'ya nasasabi sa'yo.. Madami ka pang di alam kay Cristine."
-itutuloy