Skinpress Rss

Happy Moments at SM


Naranasan mo na bang yayain ang isang kaibigan para kumain tapos late mo na marerealize na konti pala ang dala mong pera??

Late last month naisipan kong pumasyal sa SM para magcheck ng published book ni Jed. Inikot ko ang mga bookstore sa mall pero unavailable pa daw sa kanila ang book niya. Wala talaga akong choice kundi pumunta ng megamall para magkaroon ng kopya.


Pagkalabas ko ng bookstore dumeretso muna ako sa sinehan para magcheck ng latest movie kahit wala naman akong balak manood. Habang binabasa ko ang trailer ng isang movie biglang may lumapit sa akin at ipinagmalaki na agad ang kanyang dimples. Si Biboy. Ang una kong kumpare kasama pa ang aking inaanak.

Kararating lang nila from Cebu. Almost six years kaming hindi nagkita kaya sa sobrang excitement, niyaya ko silang kumain para makapagkwentuhan ng maayos. Gusto ni Jigo ng ice cream at trip ko naman ang lutong bahay kaya sa food court kami nagdecide kumain.

Umorder ako at noong magbabayad na bigla kong naalala na hindi pa pala ako nakakapagwithdraw. Ang ready ko lang pera ay pambili ko sana ng book ni Jed. Buti na lang hindi umabot sa 300 pesos ang order ko at pasalamat din ako na mura ang food sa SM foodcourt.


Habang kumakain, tuloy ang kwentuhan namin. Tungkol sa tropa, sa tambayan, sa pamilya hanggang sa ibinigay niyang aso na mahilig magdigest ng tsinelas. Habang ipinagmamalaki niya ang Cebu ipinagyayabang ko naman ang ipinagbago ng Batangas simula noong umalis sila. He insisted na maganda ang Cebu pero in the end, inamin niya na na-miss nya ang Batangas lalo na ang mga pagkain. Buti na lang available sa SM food court that time ang lomi na matagal na ding hindi niya natitikman.

Masaya. Hindi ko aakalain na aabutin kami ng tatlong oras. Buti na lang pwedeng magstay ng matagal sa food court kung hindi lang siguro nagyaya umuwi ang anak niya marami pa kaming mapagkukuwentuhan. :)

for play (6)


for play = para sa play (iskul-iskulan play)

request story lang. gagamitin daw sa play ni DJ.

Topic : high school life...

----------
Mga tauhan

Teacher Nantes - class adviser, play director
DJ - bobong estudyante at palaging lumilipad ang isip
Kate - presidente at pinakanangunguna sa klase
Rico - matalik na kaibigan ni DJ.
Joel - gwapong manliligaw ni Kate.
Gem - tagalista ng maingay at matalik na kaibigan ni Kate
Mervin - Kenkoy ng klase. May lihim na pagtingin kay Gem.


-------
for play 2
for play 3
for play 4
-------


-------


Kate : Ayieh! Wow! So anong plan mo? Dali!!!

Gem : Plan ko? Wala! Hindi ako magpapatalo kaya deadma na lang.

Kate : Wow ha pakipot ka talaga.

Gem : Hindi nya ako kaya.

Kate : Goodluck. Ewan ko lang kung magawa mo yan kapag nagkita na ulit kayo.

Gem : You'll see. Goodnight na bes.

Kate : Sige mare. Sweet dreams. Magkita sana kayo ni Mervin sa panaginip.

Gem : Kayo din ni at saka ni.

Kate : Hoy! Good night na!


Lingid sa kaalaman ni Gem nakangiti pa din siya hanggang sa maibaba na niya ang telepono. Niyakap niya muna ang rabbit saka lumapit sa kama.


Gem : Pati ba naman ito!

Gulat na gulat si Gem sa kanyang nakita. Pagbuhat niya kasi ng kanya kumot ay may nakasulat sa kanyang bed sheet.

Gem : (binasa ang nakasulat sa bed sheet) Gem, Don't get mad, washable ink naman ang ginamit ko. (nakahinga ng maluwag si Gem) Baka kasi liparin lang ng hangin kaya hindi ako nagsulat sa papel.
Huwag mo sanang iisipin na nakikipagpustahan lang ako. Bago pa ang deal natin naiplano ko nang gawin ang lahat ng ito. Siguro iniisip mo na dinadaan ko pa din sa biro pero sa pagkakataong ito seryoso ako. Naalala mo ba noong mga bata pa tayo, ang araw na nagkakilala tayo? Umiiyak ka noon kasi natatakot ka sa bubuyog, hindi ka tuloy makaakyat sa slide sa may plaza. Sakto naman dumating ako, gamit ang espada kong kawayan ipinagtanggol kita sa bubuyog. Tumigil ang pag-iyak mo at ngumiti ka sa akin. Natuwa ako kaya ipinangako ko sa sarili ko na ako ang magiging tagapagtanggol mo sa lahat ng oras. Itinuring na kitang prinsesa simula noon. Ayoko ko kasing makita kang umiiyak muli. Alam mo hanggang ngayon, hanggang sa pagtanda ko, dadalhin ko ang pangako ko iyon. Kaya hindi ako papayag na may manakit sa'yo. Huwag kang maniwala na tinatakot ko ang mga gustong manligaw sa'yo. Hindi naman ako tutol kung manligaw sila basta huwag ka nilang paiiyakin dahil kung mangyayari iyon baka maranasan nila ang sinapit ng bubuyog. Nga pala, pasensya na kung inaasar kita dati sa suot mong clip, way ko lang iyon para mapansin mo ako. Pero cute ka kapag suot mo iyon. May clip sa ibinigay kong rabbit. Kung susuotin mo iyon bukas ibig sabihin dapat ko pang ituloy ang pagiging tagapagtanggol ko pero kung hindi dapat na siguro akong sumuko.

Post Script : oopss! mali palang marker ang dala ko. hindi pala ito washable. peace.

Kahit may pagkainis napapangiti pa din si Gem. Lumapit siya sa rabbit at tinitigan ang clip.

Gem : Mervin hindi ko susuotin ang clip.


Kinabukasan, matapos ang rehearsal ay hinanap agad ni DJ si Mervin para makibalita sa plano nito.

DJ : Uy! Anong nangyari?

Mervin : San?

DJ : Sa pagtatapat mo kay Gem?

Mervin : Hindi ko pa nakikita si Gem e. Magtatapat ako kapag nakita ko na ang sign.

DJ : Sign?

Mervin : Basta!

DJ : Sus, damot naman nito.

Mervin : Maiba ako, kamusta ang play?

DJ : Ok na. Pulido na ang lines ko.

Mervin : Wow. Dapat best actor ka. Talunin mo ang Joel na iyon. Dapat mas pogi ka sa kanya sa mata ni Kate.

DJ : Haha! Iniisip ko pa din kung dapat ba akong magtapat sa kanya. Baka kasi makagulo lang ako sa plano niya sa buhay. Isa pa, masyado pa naman akong bata para pumasok sa isang relasyon.

Mervin : At ako matanda na?

DJ : Hindi naman sa ganoon. Pero isipin mo, anong halaga ng lovelife sa isang high school student? Sa gaya ni Kate na tutok sa pag-aaral baka makaabala ako.

Mervin : Wow! Nahawa ka na kay Kate. Logical ka na mag-isip. Pero tama ka wala talaga masyadong benefit ang lovelife sa isang high school student. Aminin na natin masyado pa tayong bata para doon kahit nga panggastos natin sa date sa magulang pa natin hihingin.

DJ : Alam mo pala e. Bakit gusto mo pa din magtapat kay Gem?

Mervin : Seniors na tayo. Kaya hindi ako nagtapat noong lower year pa lang tayo kasi bata pa nga. Graduating na tayo ngayon kapag nagcollege na tayo maiiba na ang magiging classmates natin, maraming pwedeng umaligid kay Gem. Bakit hihintayin ko pa ang college kung pwede naman ngayon para walang makaaligid sa kanya.

DJ : Wow. Parang napanood ko na sa tv yan a.

Mervin : Loko. Magtapat ka na din tol kay Kate. Matalino siya alam niya kung ano ang masama at makakabuti.

DJ : After ng play.

Mervin : Goodluck!

Deretso sila ng classroom matapos ang usapan. Excited si Mervin makita si Gem pati na din ang magiging reaction nito. Handa na siyang magtapat basta makita niyang suot ni Gem ang clip.

Kate : (pabulong kay Gem) Papasok na si Mervin.

Gem : Hayaan mo siya.

Kate : Sus. Obviuos namang kinikilig ka.

Gem : Hindi no. (tumalikod kay Kate saka ngumiti)

Kate : Naku si Ma'am.

Teacher Nantes : Kate and DJ samahan nyo ako sa guidance office para sa final briefing.

DJ & Kate : Yes Ma'am.

DJ : (kinalabit si Mervin) Pare this is your time.

Rico : Your show. your time.

Mervin : Showtime?

Lumabas sina Kate at DJ kasama si Teacher Nantes.

Rico : Ok classmate. Bilang vice president ng class may naisip akong activity. Tutal malapit na ang graduation natin, sabihin natin ang gusto natin sabihin sa classmates natin. Like magpasalamat, magsorry and anything. Ok?

Class : Ok yan Rico!

Rico : I-arrange natin ang upuan by pair. 2 mins lang ang allowed kapag tapos na ang 2 mins palit partner na. Ok move.

Mervin : Salamat tol.

Rico : Tulad ng dati, huwag ka ng magpasalamat. convert mo na lang sa merienda.

Mervin : Dialog ko yan ah.

Sinunod ng mga kaklase ni Rico ang inutos niya. May umiyak, nagbati muli, may nagpasalamat dahil sa apat na taon niyang pagiging supplier ng papel. Dumating sa oras na si Mervin at Gem na ang magpartner. Nagulat si Mervin dahil hindi nito suot ang clip.

Mervin : Sorry sa pagsusulat ko sa bed sheet mo. Sa sobrang pagmamadali nalimutan kong mali pala ang dala kong marker. Papalitan ko na lang.

Gem : Huwag na. Luma na din naman iyon. Salamat sa rabbit. Alam na alam mo talaga ang mga bagay na magpapasaya sa akin.

Mervin : No problem.

Gem : Himala. Hindi ka yata nangungulit ngayon.

Mervin : Tulad ng sinabi ko sa sulat kapag hindi mo suot ang clip ititigil ko na ang pagiging taga pagtanggol.

Gem : Ayoko kasi maging tagapagtanggol kita.

Mervin : Ganoon ba. So friends na lang talaga tayo.

Gem : Hindi rin.

Mervin : Strangers?

Gem : Hindi .(bumulong) Gusto kong maging prinsipe kita...

Mervin : Ano?


itutuloy....

mahal ko ang asawa mo


Matagal din pala bago ako nakabalik sa dati kong mundo. Halos ko hindi ko na kilala ang mga taong nakapaligid sa akin. Samantalang dati kahit tsinelas ng bata alam ko kung sino ang nagmamay-ari. Nagtago ako, nagkulong at natakot sa pangungutya ng mga taong posibleng manghuhusga sa akin. Pero hindi pala, ako ang unang humusga sa taong mga nakapaligid sa akin. Hindi nila ako itinaboy bagkus ako mismo ang ang nagtulak sa sarili ko na lumayo sa kanila kahit handa nilang yakapin ang aking kamalian. Pinanguhan ko ang mga taong nagpapahalaga sa akin. Nagawa kong iwasan ang mga kaibigan kong kasama mula pagkabata. Mga taong handa akong tanggapin kahit wala akong kailangang sagutin na tanong.

Alam kong mali ang ginawa ko pero itinuloy ko. Hindi tukso ang lumapit sa akin para magmahal ng babaeng pagmamay-ari na ng iba kundi ang kagustuhan kong mailigtas siya sa lalaking nanakit sa kanya. Noong una, tulong lang ang gusto kong ibigay subalit humantong sa puso ko na ang handa kong isugal. Hindi biro ang pinasok ko, mali sa mata ng nakararami, labag sa batas at higit sa lahat isang malaking kasalanan sa Diyos ang magmahal ng babaeng may asawa na.

Kalalabas ko lang noon sa bangkong aking pinapasukan, naimbitahan ako ng isa kong kabarkada na dumalo sa isang piyestahan sa karatig barangay kasama ang ilang pang katropa. Kapatid niya daw ang pupuntahan. Alinlangan pa ako noong una dahil alam kong babaha ang alak, ako kasi ang may pinakamaliit na bahay-alak sa aming lahat. Madalas nga akong tawaging ninja ng mga katropa dahil bigla na lang akong nawawala sa kalagitnaan ng inuman. Wala na akong maisip na palusot kaya napapayag ako, tatakas na lang ulit ako kapag may pagkakataon.

Nahihiya akong makikain dahil hindi ko naman ugali ang dumalo sa mga piyestahan lalo na kapag hindi ko kamag-anak. Masarap ang mga handa pero sa chopsuey lang nakatuon ang akin atensyon. May bata pa nga akong nakalaban sa paghahanap ng itlog ng pugo sa chopsuey, kung tutuusin pwede naman akong bumili ng itlog ng pugo kesa makiagaw pa ako sa bata. Nagpaubaya na ako kahit gusto kong tadyakan ang bata. Hindi naalis ang paningin ko sa kanya kahit tapos na akong kumain para kasing nanadya, ubos na ang laman ng kanyang plato maliban sa itlog ng pugo na dinadahan-dahan niya pa kainin.

Lumabas ako ng bahay para panoorin ang babaeng bumabasag ng speaker ng videoke. Nakiupo na din ako sa tabi ng mga katropa ko habang nilaklak ang likidong posibleng magpaikot ng aking paningin. Pumili ako ng maraming kanta para makaiwas sa pagtagay. Hindi ko alam kung tama pa sa nota ang aking kinakanta, ang mahalaga hindi ako nalalasing. Ilang saglit ang lumipas matapos ang huli kong performance lumapit muli sa akin ang bata para hiramin ang song book. Sinundan ko siya ng tingin, iniabot n'ya ang song book sa babaeng tinawag niyang Mommy. Pansin ko sa babae ang mamula-mula na niyang mukha dahil sa alak. May kalakasan na din ang kanyang boses kapag nakikipag-usap sa kaharap niyang lalaki. Nawala lang ang atensyon ko sa kanila noong abutan ako ng beer ng may-ari ng bahay. Nagkaroon ng kwentuhan mula sa trabaho, ekonomiya, politika, brand ng sabon, pokemon ng anak niya at kung anu-ano pang pinag-uusapan ng mga lasing.

Mag-aalas onse na nang maisipan ko ng tumakas, pakiramdam ko kasi walang balak umuwi ang mga katropa ko. Isa pa, nakakaramdam na ako ng hilo. Pasekreto akong pumuslit papasok sa bahay, namaalam ako kay Melba, ang asawa ng kapatid ng katropa at lumabas ako gamit ang pintuan sa may kusina. Dumaan ako sa may madalim na bahagi ng daan para walang makapansin sa akin. Sumakay ako ng owner at tumalilis.

Habang nagmamaneho ay iniisip ko na ang pwedeng idahilan sa pagtakas ko sa inuman nang bigla kong napansin ang isang babaeng nakaluhod sa may gilid ng daan. Nakatungo ito at hindi kakikitaan ng pagkilos. Agad akong bumaba para tingnan ang kalagayan ng babae.

"Miss okay ka lang?" Tinapik ko ang babae pero walang naging tugon.

Inalalayan ko siya. Pilit ko siyang itinatayo pero ayaw niyang tulungan ang kanyang sarili para makakuha ng balanse. Naaamoy ko ang alak sa hanging nanggagaling sa kanyang bibig. Iniangat niya ang kanya mukha, tumitig sa akin. Nagulat ako. Siya ang babaeng tinawag na Mommy ng bata sa bahay nina Melba. Mula sa liwanag ng dumaang sasakyan, napansin ko ang sugat sa kanyang labi at malaking pasa sa paligid nito.

Lumuhod muli ang babae. "Ram, please don't leave me! Don't leave me pleaseeee..." Niyakap niya ang mga binti ko. Ilang beses niya akong tinawag na Ram dala siguro ng labis na kalasingan.

"Miss, hindi ako si Ram."

"Please...." Humaguhol ang babae.

Nagdesisyon akong iuwi muna sa bahay ang babae kesa bumalik pa ako. Masyadong kasing matrapik kung makikipagsiksikan muli ako. Pagkarating ko ng bahay ay agad kong tinawagan si Melba para ipaalam ang kalagayan ng kanyang bisita. Dumating naman agad si Melba para personal na asikasuhin ito.

"Magandang umaga," bati ko sa babae pagkagising nito. "Mae pala ang pangalan mo. Huwag kang mag-alala hindi ako ang nagbihis sa'yo. Si Melba. Nasukahan mo kasi ang damit mo kagabi."


"Ganoon ba? Bakit nga pala ako nandito?" tanong niya.

"Lasing na lasing ka kagabi. Nakita kitang nakalugmok sa daan. Masyadong delikado ang daan kaya isinama muna kita dito."

"Salamat. Mr??"

"Call me Jaydell. Ihahatid ka na namin mamaya pagkatapos kumain."

"Oh, Mae gising ka na pala," si Melba.

"Salamat mare ha. Nakaabala na naman ako sayo," paumanhin ni Mae.

"Naku kay Jaydell ka magpasalamat. Kung hindi yan tumakas sa inuman kagabi malamang hindi ka niyan nakita." Tinapunan ako ni Melba ng tingin saka bumalik kay Mae. "Maiba ako, sinaktan ka na naman ni Ram?"

"Dala lang siguro ng kalasingan kaya niya ako nasaktan."

Nakikinig lang ako sa naging usapan ng dalawa pero naawa ako sa kalagayan niya. Ipinagtatanggol niya pa din ang asawa sa kabila ng paulit-ulit nitong pananakit sa kanya. Base sa kwento ni Melba, may oras na halos hindi makagalaw si Mae dahil sa tindi ng tinanggap nitong sugat at pasa. Madalas si Melba ang nagiging karamay ni Mae sa bawat sakit at paghilom ng sugat ng puso.

Inilapit ko ang aking sarili kay Mae. Tinulungan ko siyang pawiin ang sakit na iniwan ni Ram sa kanya. Unti-unti, iminulat ko siya na hindi niya kailangan ang isang gaya ni Ram sa buhay niya. Itinatak ko sa isip niya na hindi niya kailangan ng asawa kung hindi naman ito umuuwi sa kanya. Higit sa lahat, ipinaramdam ko sa kanya ang pagmamahal na hindi niya naramdaman sa lalaking inakala niyang magbibigay nito.

Nagmahal muli si Mae. Napaniwala ko siyang tama ang ginagawa namin. Naramdaman muli niya ang bisa ng bawat halik, ang kahulugan ng bawat ngiti, ang sarap ng bawat yakap at ang ganda ng bawat umaga sa piling ng minamahal. Espesyal ang bawat araw na magkasama kami. Bumuo kami ng mundo na sa amin lang dalawa lang umiikot. Ipinangako ko din sa kanya ng mamahalin ko din ang anak niya kung ibabalik ito sa kanya ng kanyang asawa.

"Lumabas ka! Malanding babae! Mae!" sigaw ng isang lalaki mula sa labas ng aking bahay. Ang asawa ni Mae.

"Huminahon ka wala dito ang hinahanap mo." tanggi ko agad. Lasing ang siya kaya alam kong walang patutunguhang mabuti kung haharapin pa siya ni Mae.

"Sinungaling!" Isang suntok ang pinakawalan ni Ram na agad kong ikinabuwal.

Akma akong gaganti pero nagawa akong yakapin ni Mae mula sa akin likuran. "Huwag, Jaydell! Tama na. Please?!" pagmamakaawa ni Mae. Lumapit siya kay Ram at nagyaya umuwi.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko matanggap. Mas pinili niya ang isang taong hindi nagpapahalaga, ang taong nanakit sa kanya.
Nasaktan ako ng sobra at wala akong mukhang maiharap sa mga tao matapos ang eksena. Nanahimik ako at nagtago sa posibleng pangungutya.

Matagal bago ako muling humarap sa totoong mundo. Halos wala na akong kakilala. Pero sa aking pagbabalik, walang humusga sa akin. Walang nagtanong bagkus may nagpasalamat pa dahil nabigyan ko ng direksyon ang buhay ni Mae. Hiwalay na sila ni Ram pero mas pinili niyang huwag sumama sa akin para makaiwas sa posibleng gulo na idulot nito.


"Hanggang ngayon mahal ko pa din ang si Mae."

"Pare tagay!"



12:07 AM 4/6/2010

for play (5)


for play = para sa play (iskul-iskulan play)

request story lang. gagamitin daw sa play ni DJ.

Topic : high school life...

----------
Mga tauhan

Teacher Nantes - class adviser, play director
DJ - bobong estudyante at palaging lumilipad ang isip
Kate - presidente at pinakanangunguna sa klase
Rico - matalik na kaibigan ni DJ.
Joel - gwapong manliligaw ni Kate.
Gem - tagalista ng maingay at matalik na kaibigan ni Kate
Mervin - Kenkoy ng klase. May lihim na pagtingin kay Gem.


-------
for play 2
for play 3
-------

Kinabukasan, kinabahan agad si Gem. Pagkapasok niya ng classroom ay pinagtitinginan na agad siya ng mga kaklase. Alam niya sa sarili na wala siyang ginagawang masama. Bawat hakbang niya ay may katumbas na bulong.

Gem : Anong nangyayari? (tumakbo siya nang makitang padating ang kaibigang si Kate)

Kate : Gem, tingnan mo ang upuan ni Mervin?

Gem : Bakit? May ginawa na naman ba siyang kalokohan?

Kate : Basta tingnan mo!

Gem : What the!!!

Kate : Sweet naman oh. (hinila ni Kate palapit sa upuan ni Mervin si Gem. Wala si Mervin sa upuan nito bagkus ay isang malaking rabbit sa leeg nito ay may nakasabit na pendant, nakasulat dito ang Mervin)

Gem : Laki naman nito.

Rico : Kausap ko kanina si Mervin. Hindi daw siya papasok, pansamantala ang rabbit na ito ang representative niya sa klase.

Kate : At ikaw ang spokeperson ni Mervin? Si DJ?

Rico : Nasa library.

Gem : Nag-aaral siya?

Rico : Hindi. Natutulog. Napuyat yata kagabi.

Kate : Saan naman?

Rico : Teka, parang nagiging spokeperson na nga yata ang dating ko ah. Puntahan nyo na lang siya.

Lumabas ng classroom ang dalawa at agad pinuntahan si DJ sa library.

Gem : Sinabi mo ba kay Mervin na favorite ko ang rabbit?

Kate : Hindi. Magkasama tayo kahapon kaya hindi ko alam ang ginagawa niya.

Gem : Loko iyon ah. Hindi pa talaga pumasok manalo lang.

Kate : Teka, paano siya mananalo kung wala siya sa klase.

Gem : Hindi ko alam. Hayaan mo na siya. Baka naman sadya siya nagpapatalo?

Kate : Bakit?

Gem : Para makadate mo si DJ. Maaring magkasabwat yung dalawa.

Kate : Oo nga no. Kasi kung makakasama ko si DJ, masosolo ka naman ni Mervin.

Gem : Mautak talaga ang walanghiya.

Kate : Mukhang naisahan tayo ah.

Pagkapasok nila ng library, hinanap agad nila si DJ. Nakita nila itong tulog sa may journals section.

Gem : Huy! Hoy! Umaga na!

DJ : Uy, bakit kayo nandito?

Kate : Ikaw ang bakit nandito?

DJ : Nagbabasa lang kaso nakaidlip yata ako.

Gem : Correction. Nakatulog hindi idlip. Nasaan si Mervin?

DJ : Hindi ko alam. Maaga akong umuwi. Nagpapasama nga sa mall kahapon kaso tinatamad ako kaya sila na lang ni Rico ang lumakad.

Kate : Bakit parang antok na antok ka?

DJ : Napuyat lang. May tinapos kasi ako. Nga pala hinintay kita kahapon kaso nalimutan mo yata.

Kate : Gosh. Oo nga pala. Si Gem kasi.

Gem : Bakit ako? Ikaw ang telebabad kahapon.

DJ : Ok lang. Dala ko naman ang ibibigay ko sayo. Pasasalamat sa tulong.

Gem : Ehem! Kailangan ko na yatang umeexit. (lumabas ng library)

Kate : Asan? Excited na ako.

DJ : Pikit ka muna.

Kate : Anong drama to?

DJ : Basta!

Kate : Bilis! (Pumikit ng bahagya)

DJ : Huwag madaya! Pikit!

Kate : Tagal naman kasi.

Inilibas ni DJ ang ginawang drawing para kay Kate. Hindi niya sinunod ang suggestion ni Rico at Mervin. Bagkus ay nagdrawing siya ng chibi image nilang dalawa ni Kate. Nasa aktong nagtuturo si Kate habang may malaking pawis naman si DJ dahil hindi niya maintindihan ang lecture. Sa pagmulat ni Kate ay wala na si DJ sa harap niya. Lumabas si Kate ng may ngiti sa labi.

Gem : Aba mukhang naheadshot ka ng tatlumpong kupido ah!

Kate : Hindi no! Natutuwa lang ako sa ibinigay ni DJ.

Gem : Patingin nga! Cute naman. Sat tingin ko type ka talaga ni DJ.

Kate : Hindi naman siguro. Nagpapasalamat lang siguro sa tulong ko.

Gem : Pero panay ang build-up ni Rico at Mervin sa kanya.

Kate : Speaking of Mervin, nakita mo na siya?

Gem : Hindi pa at wala akong balak hanapin.

Teacher Nantes : Class sa Friday na ang play. Sana maging maayos ang takbo ng lahat. Kate and DJ umaasa ang klase sa inyo.

DJ : Opo. (nagkakamot ng ulo.)

Teacher Nantes : Bakit ba may rabbit sa upuan ni Mervin? Nawawala ako sa concentration.

Rico : Siya po si Mervin pansamantala.

Teacher Nantes : Nasaan ba si Mervin?

Rico : Absent po.

Palihim na napapangiti si Gem sa tuwing mapapatingin siya sa gawing bintana, malapit kasi dito ang iniupuan ni Mervin.

Uwian..

Rico : Gem! Nagtext si Mervin. Para sayo daw ang rabbit na to. Kung hindi mo naman daw magustuhan itapon mo na lang sa bintana.

Kate : Iuwi mo na! Sayang ang effort nung tao.

Gem : Asungot kamo.

Pag-uwi ni Gem ng bahay ay agad na tinawagan niya si Kate.

Kate : Hello?

Gem : You wont believe this!

Kate : What? Yan napapaenglish na din ako sayo e.

Gem : Kaya pala wala si Mervin e sinamantala ang pagiging close sa pamilya ko. Para makapasok sa room ko.

Kate : Then?

Gem : Pagkabukas ko ng room, madaming bulaklak sa loob and I think may alam si DJ dito. Kasi may portrait na kasama, picture namin ni Mervin noong six years old pa kami noong umattend kami ng flores de mayo.

Kate : How sweet. Ano pakiramdam?

Gem : I don't know. It's hard to explain. Hindi ko alam kung maanis ako..

Katahimikan..

Kate : Hello.. Gem! Andyan ka pa?

Gem : Oo.

Kate : Bakit nawala ka?

Gem : Kasi.. kasi...

Kate : Kasi?

Gem : Kinikilig ako...

itutuloy....