Sana nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang sulat ko. Ako mabuti naman katatapos ko lang uminom ng softdrinks sa tindahan ni Aling Maring. Marahil hindi mo ako kilala ako nga pala si Berto isang magsasaka dito sa Batangas. Masugid mo akong tagapakinig sa programa mo sa radyo. Sa katunayan nga ako ang presidente ng fans club mo dito sa baryo namin.. Peksman! Mamamatay man, fan mo talaga ako kahit nag-aararo ako sa bukid dala dala ko ang radyo. Nasisiyahan ako kapag nakikinig sayo. Dami mo kasi natutulungan at napapayuhan. Sumulat nga pala ako kasi gusto ko ilahad ang problema ko. Nahihirapan kasi akong sa katayuan ng kuya ko. Awang awa na nga ako kasi palagay ko nababaliw na siya. Nung isang araw nagulat na lang ako na nakadungaw sa bintana ang aking kalabaw eh itinali ko yun sa may manggahan. Hayun, biglang may sumigaw nagalit kasi si Bebang kasi dun pa raw naisipan magbigti ni kuya sa santolan. Buti na lang may nakakita kaya hindi natuloy ang pagbibigti nya. Siguro paapat na siyang nagtangkang magbigti. Kaya heto ako ngayon, nagsisikap magtrabaho para maoperahan na siya para bumalik ang tiwala nya sa sarili. Ginagawa ko na nga araw ang gabi. Gusto ko nga mag aararo kagabi ayaw naman bumangon nga kalabaw. Kaya yun nagtindi na lang ako ng balot siyempre bitbit ko pa rin ang radyo. Hirap talaga kumita ng pera lalo na dito sa probinsya. Yun ngang pinapalunan ko sa pacontest na HEP!HEP! HORRAY! ni mayor eh ipinambili ko ng pangpakalma ni kuya para hindi nya maisipan magbigti ulit.
Gusto nga sana kitang tawagan para may kakwentuhan ako kaso naibenta ko na yung cellphone ko. Kelangan kasi ng vitamins ng biik para kung lalaki silang malusog mapapaopera ko agad ang kuya ko.
Hanggand dito na lamang muna may nagpapagamot eh. Nasideline din kasi akong albularyo. Sana mabasa mo ang sulat ko.
Ang iyong tagahanga,
Berto.
DJ Eli: mga giliw na tagapakinig natunghayan po ninyo ang liham galing kay Berto anumang tulong pinansyal ay lubos po nyang ikasisiya. Ang awiting "hindi kita malilimutan" ay iniaalay ko sayo. (Music plays)
dear koya eli, Magandang araw koya Eli. Ako ulet ito si Berto. Masaya akong nabigyan mo ng oras ng liham ko. Pasensya na po kung panget ang sulat ko grade 1 lang po kasi natapos ko. Yung makinilya po kasi sa barangay hall eh palagay ko e sira qwerty po kasi yung nasa pindutan halip na abcde. Hindi ko nga po alam kung bakit mali ang alpabeto nun. Napaglaruan po siguro ng bata. Salamat nga po pala sa mga tumulong kahit may krisis pinansyal e nagbigay sila. Si kapitan nga po eh tumulong din para maoperahan si kuya. Nanalo po kasi sa pustahan sa laban ni hatton at pacman. Bumalik na po ang tiwala ng kuya ko sa kanyang sarili. Gusto nga po nya pumunta ng maynila para makapagpasalamat.
Ang inyong tagahanga,
Berto
DJ eli: Natutuwa naman ako Berto at naoperahan na ang kuya mo. Ang programa eh palaging handang tumulong kahit kanino man.. Nalulugod ako kung makakapunta ang kuya mo dito pero magpagaling muna siya. Nga pala Berto, baket kelangan operahan ang kuya mo eh pagkabaliw ang sakit nya? Dapat ipatherapy mo sya.
Dear koya eli, Kumakain po kami ng kuya ko nung narinig ko pong muli ang aking liham. Lilinawin ko lang po. Wala pong sakit ang kuya ko. Nagtatangka pong magpakamatay kapag iniiwan ng kanyang naging kasintahan yun po parang baliw na. Bakla po kasi siya ipinaopera ko po para maging ganap ng babae. Nung nagpasex change po siya eh hindi po sya nagbibigti.
maganda, morena at minimithi ng lahat ng kalalakihan. nakilala sa perpektong hubog ng katawan at manuksong mga labi. ngunit sa kabila ng magandang anyo ay nakatago ang pangit na ugali. gustong makamit ang lahat ng wala sa kanya. hindi nagsisikip ang bulsa dahil wari nyang ang kanyang kagadahan ay walang katapat na pera. Siya ay mapaglaro sa pag-ibig at madalas makipaglaro ng apoy sa lalaking hindi man lang nagbigay ng pangalan.
si pot... ang sikat na pintor...
metikuloso sa bawat detalye ng sining walang puwang sa pagkakamali. nagtamo na maraming papuri dahil sa madamdaming sining. tunay na tulay ng emosyong ang makikita sa bawat likha.patuloy na naghahanap ng perpektong obra na sasagot sa kahayukan sa pagpipinta.
ang bawat larawan kanyang ipinipinta ay nagpapahayag ng matinding kalungkutan, takot at kaapihan.
ang obra...
isang perpektong larawan base sa ideya ng maestro at emosyon ng kanyang modelo. walang detalyeng nasayang. ang disenyo ay nagbigay ng tahimik pero kaaya-ayang istraktura. ang kombinasyon ng kakaibang pinta ang nagbigay buhay sa kahubdan ng dalaga.
si alan... ang bosero... ang tanging saksi sa paglikha ng obra. Isang obrang ginamitan ng sariling dugo ng dalaga.
Late na naman ako sa sked ko.. Naimbitihan ako sa isang invitational cosplay sa mall of asia.. 10am ang call time,aba 8am na nasa calamba pa lang ako. Hindi man lang umuusad ang bus na sinasakyan ko may aksidente na naman daw kasi. So I decided na magmake-up na sa bus since wala naman ako katabi walang problema sa mabilisang kilos. Almost done na ako sa upper lip ko ng umusad ang bus.. Letse!! Dami pa lang nakikitsismis kaya trapik talagang binabagalan ang takbo para masatisfy ang kanilang curiousity. Tumagilid yung bus tapos humampas sa katabing truck. Natigilan ako. Hindi dahil sa aksidente kundi may tumabi saken na pasahero. So I need clean up my mess para hindi siya madumihan. "Swerte ko naman". bulong ko sa sarili ko. Eh pano ba naman eh super ganda ng katabi ko. May kasabay naman siyang dalawang guy mas ginusto pa na tumabi saken. Nahihiya naman ako tumitig kaya binuksan ko ang face powder ko. Sinisilip ko dun ang mukha nya ng bigla siyang ngumiti. Shit!! Buking ako na tumitingin sa kanya..Wah! Bigla siyang nagsalita. "Excuse me, nakakatuwa naman ang itsura mo." "Ah, ito ba, sasali kasi ako ng cosplay sa manila e." "Cosplay?" "Fashion show yun ng mga may ginagayang character madalas anime from japan." "Weird." Ipinaliwanag ko sa kanya ang cosplay at ilang pics ng sinalihan kong event. Then, iniba ko usapan kelangan kong makapuntos.. "Trapik noh?" "Oo nga eh, tumagilid kasi yung bus na sinasakyan namin." "What? Kasama ka dun?" "Oo.But Im ok." "Shucks. Are you sure your ok? Bka may galos ka dyan?Yung kasama mo?" She smiled.. Palagay ko ok naman kasi nasa katapat silang upuan. "By the way I'm Jay." "Im yssa." Kinuha ko ang phone ko at nagrequest ako ng pics namen together. Then hiniram nya ang phone ko. Titingnan yata ang kopya. Kukunin ko na sana ang number kaso bigla na siyang pumara.Sayang ang pagkakataon. Kinunan ko ulet siya ng pic.Medyo blurred nga lang kasi humarang yung dalawang kasama nya. Biglang akong pinagpawisan at tumindig ang balahibo.. Kitang kita kong nakalutang ang paa ng dalawa nyang kasama. Hindi pa man bumubukas ang pinto ay nakalabas na ang kalahati ng katawan nila. Minasdan ko ang paligid ako lang ang nagrereact. Umandar ang bus na parang walang nangyari. Kinuha ko ulet ang phone ko para magtext sa organizer ng cosplay. Nagulat ako sa nakasulat sa message.. "Thanks! pinasaya mo ko. Please pray for my two guy friends. 50:50 ang survival nila sa accident.-yssa" Natapos ang cosplay hindi ako nakarating.