Late na naman ako sa sked ko.. Naimbitihan ako sa isang invitational cosplay sa mall of asia.. 10am ang call time,aba 8am na nasa calamba pa lang ako. Hindi man lang umuusad ang bus na sinasakyan ko may aksidente na naman daw kasi. So I decided na magmake-up na sa bus since wala naman ako katabi walang problema sa mabilisang kilos. Almost done na ako sa upper lip ko ng umusad ang bus.. Letse!! Dami pa lang nakikitsismis kaya trapik talagang binabagalan ang takbo para masatisfy ang kanilang curiousity. Tumagilid yung bus tapos humampas sa katabing truck. Natigilan ako. Hindi dahil sa aksidente kundi may tumabi saken na pasahero. So I need clean up my mess para hindi siya madumihan. "Swerte ko naman". bulong ko sa sarili ko. Eh pano ba naman eh super ganda ng katabi ko. May kasabay naman siyang dalawang guy mas ginusto pa na tumabi saken. Nahihiya naman ako tumitig kaya binuksan ko ang face powder ko. Sinisilip ko dun ang mukha nya ng bigla siyang ngumiti. Shit!! Buking ako na tumitingin sa kanya..Wah! Bigla siyang nagsalita. "Excuse me, nakakatuwa naman ang itsura mo." "Ah, ito ba, sasali kasi ako ng cosplay sa manila e." "Cosplay?" "Fashion show yun ng mga may ginagayang character madalas anime from japan." "Weird." Ipinaliwanag ko sa kanya ang cosplay at ilang pics ng sinalihan kong event. Then, iniba ko usapan kelangan kong makapuntos.. "Trapik noh?" "Oo nga eh, tumagilid kasi yung bus na sinasakyan namin." "What? Kasama ka dun?" "Oo.But Im ok." "Shucks. Are you sure your ok? Bka may galos ka dyan?Yung kasama mo?" She smiled.. Palagay ko ok naman kasi nasa katapat silang upuan. "By the way I'm Jay." "Im yssa." Kinuha ko ang phone ko at nagrequest ako ng pics namen together. Then hiniram nya ang phone ko. Titingnan yata ang kopya. Kukunin ko na sana ang number kaso bigla na siyang pumara.Sayang ang pagkakataon. Kinunan ko ulet siya ng pic.Medyo blurred nga lang kasi humarang yung dalawang kasama nya. Biglang akong pinagpawisan at tumindig ang balahibo.. Kitang kita kong nakalutang ang paa ng dalawa nyang kasama. Hindi pa man bumubukas ang pinto ay nakalabas na ang kalahati ng katawan nila. Minasdan ko ang paligid ako lang ang nagrereact. Umandar ang bus na parang walang nangyari. Kinuha ko ulet ang phone ko para magtext sa organizer ng cosplay. Nagulat ako sa nakasulat sa message.. "Thanks! pinasaya mo ko. Please pray for my two guy friends. 50:50 ang survival nila sa accident.-yssa" Natapos ang cosplay hindi ako nakarating.