Dear Koya Eli,
Sana nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang sulat ko. Ako mabuti naman katatapos ko lang uminom ng softdrinks sa tindahan ni Aling Maring. Marahil hindi mo ako kilala ako nga pala si Berto isang magsasaka dito sa Batangas. Masugid mo akong tagapakinig sa programa mo sa radyo. Sa katunayan nga ako ang presidente ng fans club mo dito sa baryo namin.. Peksman! Mamamatay man, fan mo talaga ako kahit nag-aararo ako sa bukid dala dala ko ang radyo.
Nasisiyahan ako kapag nakikinig sayo. Dami mo kasi natutulungan at napapayuhan. Sumulat nga pala ako kasi gusto ko ilahad ang problema ko. Nahihirapan kasi akong sa katayuan ng kuya ko. Awang awa na nga ako kasi palagay ko nababaliw na siya. Nung isang araw nagulat na lang ako na nakadungaw sa bintana ang aking kalabaw eh itinali ko yun sa may manggahan. Hayun, biglang may sumigaw nagalit kasi si Bebang kasi dun pa raw naisipan magbigti ni kuya sa santolan. Buti na lang may nakakita kaya hindi natuloy ang pagbibigti nya. Siguro paapat na siyang nagtangkang magbigti.
Kaya heto ako ngayon, nagsisikap magtrabaho para maoperahan na siya para bumalik ang tiwala nya sa sarili. Ginagawa ko na nga araw ang gabi. Gusto ko nga mag aararo kagabi ayaw naman bumangon nga kalabaw. Kaya yun nagtindi na lang ako ng balot siyempre bitbit ko pa rin ang radyo. Hirap talaga kumita ng pera lalo na dito sa probinsya. Yun ngang pinapalunan ko sa pacontest na HEP!HEP! HORRAY! ni mayor eh ipinambili ko ng pangpakalma ni kuya para hindi nya maisipan magbigti ulit.
Gusto nga sana kitang tawagan para may kakwentuhan ako kaso naibenta ko na yung cellphone ko. Kelangan kasi ng vitamins ng biik para kung lalaki silang malusog mapapaopera ko agad ang kuya ko.
Hanggand dito na lamang muna may nagpapagamot eh. Nasideline din kasi akong albularyo. Sana mabasa mo ang sulat ko.
Ang iyong tagahanga,
Berto.
DJ Eli: mga giliw na tagapakinig natunghayan po ninyo ang liham galing kay Berto anumang tulong pinansyal ay lubos po nyang ikasisiya.
Ang awiting "hindi kita malilimutan" ay iniaalay ko sayo. (Music plays)
dear koya eli,
Magandang araw koya Eli. Ako ulet ito si Berto. Masaya akong nabigyan mo ng oras ng liham ko. Pasensya na po kung panget ang sulat ko grade 1 lang po kasi natapos ko. Yung makinilya po kasi sa barangay hall eh palagay ko e sira qwerty po kasi yung nasa pindutan halip na abcde. Hindi ko nga po alam kung bakit mali ang alpabeto nun. Napaglaruan po siguro ng bata.
Salamat nga po pala sa mga tumulong kahit may krisis pinansyal e nagbigay sila. Si kapitan nga po eh tumulong din para maoperahan si kuya. Nanalo po kasi sa pustahan sa laban ni hatton at pacman. Bumalik na po ang tiwala ng kuya ko sa kanyang sarili. Gusto nga po nya pumunta ng maynila para makapagpasalamat.
Ang inyong tagahanga,
Berto
DJ eli: Natutuwa naman ako Berto at naoperahan na ang kuya mo. Ang programa eh palaging handang tumulong kahit kanino man.. Nalulugod ako kung makakapunta ang kuya mo dito pero magpagaling muna siya. Nga pala Berto, baket kelangan operahan ang kuya mo eh pagkabaliw ang sakit nya? Dapat ipatherapy mo sya.
Dear koya eli,
Kumakain po kami ng kuya ko nung narinig ko pong muli ang aking liham. Lilinawin ko lang po. Wala pong sakit ang kuya ko. Nagtatangka pong magpakamatay kapag iniiwan ng kanyang naging kasintahan yun po parang baliw na. Bakla po kasi siya ipinaopera ko po para maging ganap ng babae. Nung nagpasex change po siya eh hindi po sya nagbibigti.
Ang inyong tagahanga,
BERTO
DJ eli: Mga tagapakinig naloko tayo.