Skinpress Rss

Tungsten


Kung dati ay ingay ang turing ko sa tawanan sa labas ngayon ay tila musika na kumikiliti sa cochlea ng aking tenga. Ilang buwan akong nagkukulong sa loob ng kwarto kapag weekends. Hindi gumigimik tulad ng dati, no video games, deactivated ang socmed at higit sa lahat, walang jowa.

Nangyari yon noong na-reject ako ni Karen. Ang babae na tipong hardest metal sa periodic table. Inabot na halos ng tatlong taon kong nililigawan pero olats pa din.

"Howell, hindi na tayo pwedeng mag-asal estudyante. Napaka-childish mo, playful and walang balak maging seryoso. Kelan mo balak magmature?"

Instant yung sakit sa dibdib. Gumuguhit. Tumunog ang alarm clock sa utak ko. Nagising. Natauhan. Magiging engineer ako! Pangako ko sa sarili.

Pinilit kong intindihin ang lessons na kinokopya ko lang dati. Bumili ako ng pinakamatalinong calculator. At sumali sa totoong group study, as in walang alak at walang balak. Kinalimutan ko muna ang tumikim ng beer, gin at vodka.


Magnum


People come and go ika nga kahit gaano pa kayo kaclose dati. Kadalasan ang una natin nakakalimutan ay iyong mga nilalamon ng kalungkutan. Tipong kahit sa social media ay nag-eemote o hindi nauubusan ng drama kahit sa nawawalang butones. Identified sila as toxic people.

Isa ako sa kanila. Toxic na taong tila may nakakahawang sakit. Hanggang sa natuto o nasanay na sigurong dumistansya sa tao.

Kanina matagal akong nakatitig sa memories na feed sa account ko. Hindi iyon tao. Isang larawan na nagpabago ng buhay ko-- Magnum ice cream.

Patay na dapat ako. Isa sa mga dinadalaw sa sementeryo at tinitirikan ng mga taong biglang nakakaalala sa akin o nagtaka kung bakit ako nagpakamatay.

"Pwede bang sa akin na lang yan? Kahit bayaran ko ng doble."

Masakit sa tenga noon ang subject na economics, pero kapag daw nakadinig ng salitang tila may bid price ang tawag doon ay elasticity. Turo iyon ng ex kong mahilig sa economics, sobrang daming demand.

"Ha? Hindi man sa pagdadamot pero nahirapan akong maghanap nito. Sold-out sa lahat.."

"Paano kung sabihin kong nasa bucket list ko yan para mabuhay? Nakakatawa pero seryoso ako."

"Nakakatawa talaga. Kasi nasa bucket list ko to bago mamatay."

"Seryoso?"

Seryoso."

"Anong kwento mo? Sarap kaya mabuhay."

"Oo masarap mabuhay kaya nga nandito ako ngayon sa Subic. Sabi nila masarap daw to, gusto ko sana tikman bago ako magpakalunod sa dagat."

"Hindi ko gets. Anong meron dito sa Subic?"

"Dati akong OFW. Nilamon ako ng kalungkutan doon, may isang random stranger na gaya mo ang nagpasaya sa akin. Umuwi sya dito tapos nawalan na kami ng contact. I-surprise ko sana sya. Kaso."

"Ikaw na nasurprise?" Tumango ako. "Dahil lang doon? Magpapakamatay ka na?"

"Alam mo magaling naman ang kahit sino magpayo. Pero kapag ang involve ay sarili, nabibingi, lutang ang utak at ayaw tumanggap. Sa dami ng pinagdaanan ko at pakikipaglaban sapat na siguro ang inilagi ko dito. Saka hindi naman ako nag-eexist. Dual sim ang phone ko pero kahit yung dalawang network hindi na nakaaalala magpadala ng message. Maglalangoy ako ng malayo, mag-iisip at pipikit. Ikaw anong sakit mo?"

"Wala akong sakit. Ang anak ko. Siya na lang ang kasama ko. Kapag nawala siya, patay na din ako. Sobrang saya ko kapag nakikita ko siyang nakangiti. Gusto niya yang ice cream kaso sobrang hirap naman hanapin."

"May kanya-kanya tayong struggle. Pwede tayong pumili ng to fight or to concede. Walang pwedeng magdikta para sa buhay natin. Hiram lang ang buhay at choice ko na kung isoli agad para magamit ng iba. Mapakinabangan."

"Pwede ba bago ka mamatay dalawin mo muna ang baby ko. Baka sya ang maging beneficiary ng buhay mo.."

Tunay ngang mapaglaro ang tadhana. Noong inakala kong talunan na ay sa huling baraha pa pala ako makakahanap ng jackpot.

"Tao po! May magandang babae ba sa loob?"

"Password?"

"Magnum ice cream."

"Pasok po. Papa!"

"Mommy mo? Masama pa ba ang pakiramdam?"

"May surprise daw sya sayo."

"Ano daw nak?"

"Hindi ko po alam. Pero may ipinatong sya sa dyan may ref, nakangiti noong may dalawang lines na lumitaw ."

-WAKAS-

Kaluluwa


Lumipas na ang araw ng mga patay. Tahimik na ulit ang lugar na minsang pinuno ng liwanag at maingay na nilalang.

A-uno ng nobyembre noon. Alas dos ng umaga. Bihirang pagkakataong makipag-usap ako sa mga tala habang nakahiga sa damuhan. Nandoon ako upang dalawin ang aking mga kamag-anak na minsan ko lamang nakausap. Buhay man o patay.

Umihip ang hangin. Nakakatawa ang reaksyon ng aking mga pinsan habang tinatakot ang kanilang mga sarili. Pilit silang nagkukuwentuhan ng mga bagay na may kinalaman sa multo. Sa kaluluwa.

Tinanong nila ako. "Ikaw pinsan?"

"Oo nga." Sundot pa ni Juls.

"Ano?" tanong ko.

"Magkwento ka!" Bulyaw ni Edriz.

"Hindi ako mahilig sa ganyan. Isa pa, nasa paligid lang ang mga patay. Isipin nyo na lang na bumangon lahat 'yan."

"Pero mas okay kung nakakatakot ang delivery," si Ebrin.

"Mas nakakatakot mas okay!"

Iginalaw ko ang aking balikat at nagbigay ng karampot na ngiti. "Ang mga kamag-anak natin, tinatawaan tayo ngayon. Bakit daw noong buhay pa sila hindi naman tayo dumadalaw? Tapos mamamatay na daw ang iniikutan nila sa ulo ngayon."

"Grabe naman yon. Wag ganun insan."

Lumipas na ang araw ng mga patay. Tahimik na ulit ang lugar na minsang pinuno ng liwanag at maingay na nilalang.

A-singko. Bumalik ako ngayon. Dinalaw ko ang puntod ni Ebrin. "Kwentuhan ulit tayo?" alok ko sa kanya.

- wakas-

Dito


"San ka pupunta?" tanong ko kay Teny habang nagmamadaling lumakad at kinukusot ang mata.

"Ewan. Kung saan dalhin ng paa."

"Mukhang mabigat yan. Kwento mo na makikinig ako." Ilang taon din ang pinagsamahan namin ni Teny kaya alam ko ang likaw ng bituka niya kapag badtrip.

"Ngayon pa? Gusto ko mapag-isa. Maglaho kahit isang araw lang. Lugar na ako lang. Kahit hayop wala. Gusto kong umiyak hanggang mapangiti na lang. Gusto kong sumigaw hanggang maging bulong. Tumawa habang lumuluha. Lumipad. Gumapang. Di ko alam ang gusto ko. Gusto ko lang maging ako. "

"Akyat ka ng bundok. Pumunta ka sa dagat."

"Alam mo yan ang ayaw ko. Yung dinidiktahan. Parang alam nila kung ano tama saken. Wala bang karapatan magkamali?"

Gusto ko sana sabihin na handa ako makinig. Ibato nya lang. Tengang gustong makinig. Walang judgement. Walang advice. To let it out lang.

"Gusto kong maging ako. Nung tayo pa. At noong ako na lang.. Kinaya ko naman."

- wakas-

Thunderstorm


Nawalan kami ng kuryente dahil sa lakas ng pinagsamang ulan, hangin, kulog at kidlat. Lalabas pa naman sana ako para bumili ng yelo. Pero ibinigay na iyon ng langit. Lakas ko naman kay Lord. Lovelife naman po, please???

Literal na may bumagsak na yelo o hail mula sa madilim na ulap. Pero maalat-alat at may halong pait parang luha ng olats sa pag-ibig. Naks!

Ako lang yata ang nakakaappreciate ng kulog at kidlat. Kahit may takot pero amazing. Noong kasing nasa ilalim ako ng isang dark cloud o lowest point of my life ay napakadilim ng buhay ko na sumagi sa isip ko na wala. End of the line na. What is the purpose of living? And ang tao sa paligid keeps on judging. Ang mga kaibigan avoid nega na tao. Bad vibes ika nga. Basta ganun tapos biglang kumulog at kidlat. Yung dilim biglang lumiwanag. Nagparamdam talaga. Labo di ba? But. Demo. Pero. Para sa akin yung kulog ang panggising tapos yung kidlat ay remider na "Hey! Gaano man ka dilim yan panigurado may sisilip na liwanag. Manipis man o mabilis, grab it!" Amazing 'di ba? Nakausap ko ang kidlat. Kaya yun, i found something from akala ko na nothing.

Pero dito sa hail ako dihens bilib. Kumbaga sa tao ito yung plastik. Maganda lang tingnan pero back stabber.

Sabi ng tropa ko sa inuman, ang hail daw ay parang ulan na nagperya tapos sumakay sa ferris wheel ng comulu-nimbus clouds. Kumbaga paikot-ikot sa ulap dala ng hanging pababa at pataas kaya 'yun naging yelo. Kapag nagsawa na sa trip ay babagsak na sa lupa. Since di naman usual ang ganun sa pinas, talagang cool at enjoy. Pero wag ka kapag pala may hail may kasunod na buhawi! Scary! Di ko lang sure kung lasing na kami pero naniwala ako kasi ang henyo pakinggan.

Naalala ko noong teenager pa ako basta ganitong madilim, may kulog at kidlat ay hawak ko na agad ang aking alaga. Hinihimas. Matik na. Nature na siguro ng aso yun na sumiksik o magtago sa mesa.

Pero ngayon iba na. Wala na akong hilig sa hayop.

"Ang scary ng kidlat!" Si crush. Okay din tong messenger wala na puhunan. Dati kasi inis na inis pa ako kay Manang sa tagal magload. Baka makatulog na si crush o may gawin na.

"Puntahan kita. Atapang atao to." Sagot ko agad agad.

"Yaw ko. Mas scary yang balak mo."

Yun lang.

- WAKAS-

Tata Aldeng


Putok ang balitang may gumagalang aswang sa baryo namin. Ilang hayop ang nangamatay sa hindi malaman na dahilan. Walang epidemyang natukoy ang munisipyo at hindi kinakitaan ng pananamlay ang mga hayop bago namatay.

Ang labis na ipinagtataka ng mga tao ay ang pangungupis ng katawan at maliit na kagat sa ilang parte ng katawan ng kanilang alaga. Tila ba hinigop ang laman o dugo. Nabuo tuloy ang kwento ng aswang. Meron may ilang hindi sang-ayon dahil baka dulot iyon ng mga makamandag na insekto.

Ang bulungan ay si Tata Aldeng ang aswang. Una, pambihira ang lakas nito sa kabila ng edad na higit kumulang sa sitenta. Hindi nabalitaan na ito ay nagkasakit. Kaya pa nitong hilahin ang mga alagang baka kahit dambuhala na sa laki. Pangalawa ay madalas na paglabas nito sa gabi. May ilaw na nakikita na palayo at palapit sa kanyang kubo. Pangatlo, ay ang sariwang dugong napansin sa kanyang damit noong makasalubong siya ng anak ng magniniyog. Nakapagtataka daw ang ikikilos ng matanda noong mga nakaraan araw.

Hinusgahan ang matanda dahil sa hindi nito pakikisalamuha at matalim nitong mga mata. Ang matagal nitong pag-iisa sa kubo ay dahil daw sa kanyang sekreto.

"Magandang araw po, pinapunta po ako dito ni Kapitan," wika ko kay Tata Aldeng. "Nadadalas daw po ang paglabas ninyo sa disoras ng gabi. Pinag-iingat po kayo dahil maaring may mabangis o makamandag pong hayop sa ating lugar."

"Huwag kamo akong alalahanin. Malakas pa ako sa sampung toro."

"Ano po ba dahilan at lumabas kayo ng gabi halip na magpahinga?"

"Hindi mabangis na hayop ang nasa ating lugar. Kundi aswang."

Napangiti ako na tila may panunuya. "Naniniwala po kayo sa mga sabi-sabi sa ating lugar? Progreso na po ang panahon. Matandang paniniwala na ang aswang." Nakalimutan kong matanda ang aking kausap. Sila nga pala ang madaling maniwala sa milagro, engkanto at aswang.

"Bakit naman hindi? Saksi ang mga magulang ko sa nangyari noon sa bayan na ito. Sa una hayop lamang ang biktima. Kapag hindi na kayang punan ang sikmura ay tao naman."

Matandang kwento na ang tinuran ni Tata Alden. Panakot sa mga bata ang mga kwento para matulog ng maaga. Nag-aksaya lamang ako ng panahon. "Ganoon po ba? Mukhang marami pong hayop dito, ingatan nyo pong mabuti at baka maligaw dito. Iwasan nyo na lang po lumabas ng gabi. Sa araw nyo na lamang gawin."

"Pinaghalong dugo ng hayop, dagta ng damo, halaman at langis ang isinaboy ko sa paligid ng bukid. Mabisa kung sa gabi ito gagawin. Mabango iyon sa aswang pero lason sa kanilang katawan. Mapapatay ako ng asawang ngunit hindi iyon makalalabas ng aking kabukiran."

"Mauuna na po ako."

"Sige 'toy! Salamat sa dalaw. Matagal na akong walang bisita. Nga pala, pakihatak na lamang ng lubid sa tarangkahan para manatiling bukas ang daan papasok dito sa bukid at matuksong pumasok ang aswang. Isa iyong trap door, sumasara kapag natatapakan ang tulay na kawayan."

Napailing na lamang ako sa matanda. Una sa paniniwala nito sa aswang kahit siya ang pinagduduhan. Pangalawa ay hindi ko alam kung paano ako makalalabas ng kabukiran.

- wakas-

Bagyo


Walang pasok deklara ni Mayor! Olryt! Pwede ang unli-tulog at toma kung may sponsor o bente ang ambagan. Noong nakaraan nga sabi ng ate ko nakahanap daw ako ng forever. Nagcheck-in ako sa kubeta at magdamag ko daw yakap ang inodoro.

Masaya talaga ako kapag maulan syempre hindi sa bagyo. Ito yung oras na pupusuan ko lahat ng picture ni crush.

Ang saya lang kapag ganitong maulan!

Ito na nga si Joram mukhang lalaban ng marathon sa pagtakbo. "Fight na!"

"Pre peram ulit ng timba at batya."

"Sige lang! Maglalaba ka ulit e anlakas ng ulan. Toma na lang!"

"Hindi 'tol, baha na sa loob ng bahay. Baka may tarpulin kayo dyan, basang basa na si lolo walang mapwestuhan."

-wakas-

Buwan


Kanina kausap ko ang buwan at hindi ang puting ilaw. Sabi ko hindi multo si Camilla tulad ng inakala ng iba.

Tinanong ko ang buwan kung sino pa ang mga taong nakatingin ngayon sa kanya. Madami ba? Baka naman?! Sana sa milyong tao ay may nakalaan sa akin. Hindi naman ako choosy. Mas okay nga yung di na naniniwala sa pag-big para magkaroon sila panibagong perspective. Yung nasaktan o duguan na upang maramdaman niyang nandito yung nakalaan sayo at naghihintay lang. Buwan, meron bang malapit para tipid sa pamasahe?

Buwan, alam kong isa kang lamang na nakalutang na bato. Yung nga yun e. Bato tapos nakalutang, hindi pa ba magic yun? Parang love--mahiwaga.

Tumingin ako katapat naming bahay. Nakangiti si Martina sa akin. Nakatingin din pala sya sa buwan. Kumindat. Isinara ang bintana kasunod ang silhoutte ng pagyakap ng isang lalaki.

Alam na this. Ilan kaya ang nagsasalo ngayon sa ilalim ng buwan at patay na ilaw?

Buwan hanggang kailan ko sasabihin ang "Sana oil."

-WAKAS-

Tug of War


Nakatitig ako sa mahabang lubid. Hindi nakatulong ang bandana sa ulo upang pigilan ang pagtulo ng pawis.

"Pre si Tonet!"

"Wag kayong maingay. Nakakahiya. Sekreto lang!"

"Pramis pare atin-atin lang. Kaw pa!"

Andoon sya sa kabila. Eye on the prize.

"Isa. Dalawa! " Sigaw ko.
Putok na ang ugat ko braso.

"Tatlo. Bitaw!" sigaw nilang lahat. Anong nangyari? Wala iyon sa plano. Sayang ang premyo!

Pero....

"Ganito pala ang pakiramdam ng nahulog sayo," sambit ko habang nakadagan ako sa kanya.

Kulungan


Tumakas ako sa kulungan. Kanina.

Masalimuot. Masikip. Ni hindi makahinga. Sa loob ng mahabang panahon ay pagtitiis ang tanging pinanghahawakan na may buhay pa pagkatapos nito. Na may pagbabago nga tulad ng mga pangako at kwentong naisulat nang karanasan ng iba.

Ngunit hindi ko na kaya. Tumakas ako.
Bago pa malibing sa hukay na walang lapida. Malimutan na bughaw ang langit. Na ang buhay ay hindi lamang tungkol sa paghinga o paggising sa umaga.

Hindi ko na hihintaying lumaya. Paglayang puno ng hinanakit at kawalan ng pag-asa. Buo na ang aking loob. Habang may pagkakataon. At may natitira pang hininga.

Tumakas ako. Sa nilikha nitong sugat. Sa markang iginuhit sa balat. Sa bisyong una pang papatay sa akin.
Sa kulungang walang gwardya.
Walang kandado.
Walang rehas.

Tumakas ako.
Sa kulungan.
Na inakala ko noon na pag-ibig.

Napakasaya.

Puno ng Atis


Hindi maalis sa isip ni Russ ang nangyari sa ibong dumapo sa sanga ng atis. Matapos nitong makipaglaban sa bugso ng hangin ay tila isang paraiso ang hatid ng puno. Hitik sa bunga at animo ay wala pang ibong nakadiskubre.

Pagod mula sa trabaho si Russ. Tila bagyo ang dinaanan niya buong araw. Ni hindi nya nasilip sa salamin ang buhok kung nasa ayos pa. Kasama naman sa kahit anong trabaho ang pressure, iyon ang nakatanim sa isip nya. Schedule ng pagbisita ng Unit Head. Sinigurado niyang nasa ayos ang lahat.

"Excellent job! Keep it up Sam!" wika ng Bossing. "Soon, ikaw na ang irekomenda ko!"

Hindi maalis sa isip ni Russ ang ibong dumapo sa atis na hitik ng bunga matapos itong lunukin ng sawa.

-wakas-

DEATH CERTIFICATE


Patay na si Macoy. Hindi sya ang dating presidente kundi isang ordinaryong residente ng Lucena na namatay sa pagtae. Sinong mag-aakala na ang pag-ere ang puputol sa huling ugat na nagdudugtong sa kanyang puso?

"Kaano-ano mo ang yumao? Ano ikinamatay?"

"Pinsan slash bff po sir," sagot ko. "Pagtae po."

"Seryoso? Cholera o Diarrhea? May supporting documents ka ba?"

Hindi ko first time maglakad ng death certificate. Noong nakaraan si Pipoy ang cause of death ay pagkabigo sa pag-ibig. Pero suicide ang iniligay nitong kausap ko ngayon. Ayaw paniwalaan ang sinasabi ko. Oo nga at nagbigti si tropa pero ang dahilan noon ay wasak na puso. Hindi matanggap na ipinagpalit sya sa maglalagare.

"Ito po picture namin. Kunot noo po at nakangiwi si pinsan. Halatang nahirapan. Sabi ng misis nya biglang umungol si Macoy akala niya normal pa pero biglang nagcollapse. "

"Ang ibig kong sabihin mga medical report. Nadala ba sa ospital?"

"Naku hindi na po. Nataranta na kami. Tatakbo. Tatalon. Isisigaw pangalan nya. Hindi po alam kung ano ba ang uunahin. Kung bubuhusan ang inodoro o huhugasan ang pwet o lalagyan ng salawal. Yung anak nya tumakbo sa barangay. Pero sabi noong medic na dumatin e wala na daw. Nagrekomenda na lang ng punerarya. May pa-king size daw na zesto araw-araw."

"May sakit sya ibig sabihin."

"Diabetic po at high blood."

"Okay. Cardiac arrest. Dalhin mo ito sa kabila."

"Itong indigency boss? Para may discount sa puntod."

"Punta ka muna sa office ni Yorme."

Sa pagawaan kami ng softdrinks nagtrabaho magpinsan. Nahikayat kaming sumali sa unyon upang humingi ng umento at iba pang benepisyo. Nagpiket kami sa harap ng kompanya na nauwi sa malawakang tanggalan. Pinangukuan kami ng unyon basta kasama kami sa bawat rally. Ipinarating namin ang aming kalagayan sa kalsada, paaralan at maging sasakyan. Naisip namin na ang nangangaral nga ay bihirang may nakikinig, sa amin pa kaya na pansarili ang ngawa?

Umuwi kami ng bahay kaysa tuluyang mapurga sa adobong sitaw. Wala akong ideya kung ang pagod na hinarap namin ang nagpabagsak sa katawan ni Macoy o tinitikman nya ang softdrinks bago ilagay sa bote dati. Naawa ako sa kanya. Nawalan na nga ng trabaho tapos nawalan pa ng kaligayahan sa gabi.

Ayun nga, kaninang umaga ay kinalawit na si Macoy. Kinunan ko ng picture ang mukha niya sa loob ng ataul. Close-up para naman makaganti doon sa mga nag-upload sa facebook ng mga mukha ng dedo. Muntik kong maihagis ang cellphone sa takot dati e. Buti naalala kong di pa tapos hulugan sa home credit.

Halos alas kwatro noong ako ay makatapos sa City Hall. Pinadevelop ko ang picture ni Macoy at ilang kopya din ng death certificate.

Timing ang daan ng jeep sa aking harap. Dalawang padyak bago tuluyang nakakapit ako sa estribo.

"Manong driver, ate, kuya. Hindi po ako masamang tao. Pasensya na kung ako ay nakaabala, gusto ko lamang pong ilapit sa inyong mga puso ang dinanas ng aking pinsan. Sya po ay kapiling na ng Poong lumikha sa katunayan ay nandito ang kopya ng kanyang death certificate at picture. Ate, kuya bagamat nakakahiya pero kakapalan ko ang aking mukha upang mabigyan sya ng desente libing," dugtong ko pa.

Apat na daan kada araw. Hindi na masama.

- wakas-

Cosola


May nahuling magnanakaw sa Cosola. Sa isang iglap ay libreng sumuntok ang lahat. Kahit ang walang kaalam-alam sa pangyayari ay nagpakawala ng kamao.

Bumagsak sa sahig ang lalaki. Bago iniwan ng mga tao ay may nagpabaon pa ng dura. Niyakap niya ang plastik na tangke bago lumuha.

"Swapang kasi!"

"Laki ng katawan! Ayaw magbanat ng buto!"

Hindi na bago ang mga ganoong salita sa tuwing may mahuhuling magnanakaw. Pero nagtaka ako kung bakit Cosola ang napili niyang pagnakawan? Walang pera doon. Walang mamahaling gamit. Puro tangke ng tubig at hangin na nagsusupply sa mga kabahayan.

Lumapit ako sa lalaki hindi para tumulong. Gusto ko lang mag-usisa. Curious e.

Nakahiga pa din sya sa sahig pero nakukuha nang ngumiti. Yakap pa din ang tangke ng hangin.

"Alam mo `toy, noong unang panahon libre ang malinis na tubig at hangin."

Natawa ako. Siraulo malamang ang isang to. Hindi yata nangyari 'yon. Baliw.

-wakas-