Skinpress Rss

Fried Kamote


"Pare kasalanan na ba kapag nahulog ka sa isang tao habang nasa relationship pa?" Muntik tumapon ang hawak kong ballpen sa sinabi ni Rik. Matik na yun dapat. Pangit naman yung makakasakit ka ng iba habang ikaw tuloy ang ligaya.

Base sa kwentuhan sa tindahan ni Manong Dukot, malaki daw ang contribution ng mga broken-hearted sa benta ng alak at biogesic. Bagamat naaawa sya, sayang naman daw ang income opportunity kaya inaalok na din ang cup noodles.


"Oo naman pre! Adik ka ba?" sumbat ko. "Okay naman kayo ng jowa mo!"

Seminar


Parang pagtama sa jueteng ang pagkikita namin ni Omi. Chambahan. Siya ang bespren kong hindi ko naman namisplace pero biglang nawala. At makikita kapag hindi na hinahanap.

Nag-aral sya sa unibersidad hindi upang matuto kundi sa paghahanap ng sagot sa mga kakaiba niyang pananaw at paniniwala. Sa madaling salita kakaiba syang mag-isip. Pang-alien. Out of this world. Wala sa Webster. Pero hindi siya weird o nerd.

"Ano dre? Mayaman na?" salubong niya sa akin. "Order ka. Beer? Pulutan? Sige lang!"

EPAL


Napansin kong nagtitinginan sa akin ang mga tao habang nakapatong ang aking baba sa tuhod. Nagawa pa nilang magtakip ng ilong. Dahil siguro sa natuyong dugo sa damit at braso ko. Nandidiri sila.


Napakaingay ng mundo. Lahat gustong magsalita. Lahat may opinyon. Bawat araw may nangyayari. Na kahit ang kagaya kong tamad na estudyante ay may panahon mag-aksya ng oras sa internet upang igiit ang ipinaglalaban. Ang problema nga lang, madami ang may alam ng tama at mali. Lahat gusto mag-utos pero wala naman kumikilos.

Bigas


Naghihintay ako ng espesyal sa araw na ito para mapatunayang hindi talaga malas ang trese kapag natapat sa araw ng Byernes. Hindi nga kami pinalalabas noon sapagkat accident prone daw ang araw na ito. Mabuti na daw ang maniwala at maging maingat. Ako naman lumaking nasa oposisyon. Palagi akong kumokontra bago sumunod kaya madalas sablay.

Umaga pa lang hindi na umayon. Kasalanan kasi ng bigas. Tumaas na naman ang presyo. Nagalit tuloy si Ermat at nabuhos sa akin ang init ng ulo. Pinitik pa ang aking tyan habang nasa kasarapan ako ng paghihikab.

Lasing


Para akong tambay na nalasing at nagulat na nagising sa barangay hall. Parang ganun buti na lamang at hindi pero pareho ang pakiramdam. Walang matandaan.

Nasa loob ako ng madilim na kwarto na may tatlong pinto. May katabi akong hubad na lalaki sa aking kanan.

"Saan kaya ang palabas?" tanong ko sa sarili.

CR yung isa. Tukador ang pangalawa.

Proposal



"Ayoko ng maging boyfriend mo." Umpisa ko. Tapos humagalpak ka na tawa.

"I knew it."

Nagulat ako. Antagal kong nagplano at kumuha ng lakas ng loob pero parang walang epekto. Grabe. Grabe. Grabe. Kumuha pa naman ako ng taga-video para makita namin paulit-ulit ang proposal. Mas excited pa nga si Art sa plano. Baka nga magviral. Kunyari di namin expected pero anticipated.

Kinindatan ko si Art na wag muna lilitaw. Wag muna ilalabas ang bulaklak. "Patapusin mo muna ako, please."

"No. Matagal ko na din naman hinihintay to e. Ready na nga ako e." Tawa pa din sya ng tawa. "Style mo kasi bulok." Hindi ko mahagilap ang kamay nya sa kalikutan.

Kinapa ko ang aking bulsa. Kailangan kong mauna bago pa ako mawala sa momentum. Wala ng script. Wala ng palabok.
Mababaw lang ang bulsa ko pero hindi ko nahagilap ang singsing.


"Wag kang mag-alaala. Ayaw ko na din maging girlfriend mo. Hindi na kita mahal."

Buti na lang kumuha ako ng taga-video. Meron akong kainuman.

- wakas-