Skinpress Rss

HU U? (2)


part 1

Pumayag ako sa gusto niya dahil sa wakas magkakaroon ako ng lovelife, kahit kunyari lang. Isa pa, may ipagyayabang na ako sa mga taong kumakantiyaw sa akin. Siguradong laglag ang panga ng mga tambay kapag nakita nila kaming magkasama at masasapawan ang ganda ng mga babaeng bumasted sa akin.

Sa wakas, may idadahilan na ako kay Mommy kapag ayaw ko maging bantay ng tindahan. Graduate ako ng business management pero hindi ko naman nagamit dahil mas minabuti ni Mommy na ako na lang ang manage ng negosyo naming grocery. Magandang pakinggan ang salitang "manage" pero sa simpleng salita bantay ako. Nag-iisang anak ako at lumaking mama's boy dahil kapag sumuway ako idadahilan ni Mommy ang lahat ng sakit niya. May diabetes at hypertension si Mommy kaya kapag tutol ako sa gusto niya ay bigla na lang hahawakan ang kanyang puso. Kaya natuto na lang ako sumang-ayon at instant na makakarecover si Mommy, may taglay yatang superpower ang pagsang-ayon ko.


Sa totoo lang, nakakainip ang maging bantay ng tindahan lalo na kung halos 18 hours kaming bukas. Naging pampalipas oras ko ang pagtetext sa mga nagpapaload na chicks. May dumededma lang at may nagrerelply ng "HU U?". May pagkakataon nga na number pala ng tatay nila o boyfriend ang natetext ko. Isang beses, sinuswerteng may pumapayag na makatext ako. Umabot na siya na ang naging dahilan ng ngiti ko sa bawat araw at ganoon din naman siya. Lumulutang ako sa ere sa bawat araw, tipong mali na ang naisusukli ko sa mga bumibili at pangalan niya ang nakikita ko sa lahat ng produktong nasa tindahan namin. Walang humpay ang aming text at kahit pikit na ang isang mata, sasabihing hindi pa inaantok. Isang araw ng Linggo, napagkasunduan namin magkita at naging maayos naman. Matapos ang araw na iyon, naging busy na siya. Hindi ko alam kung wala na siyang time magtext, lumaki ang daliri niya kaya hindi na magkasya sa keypad o talagang ayaw na niya akong kausap.


Pagkaorder, naupo kami sa mesa malapit sa corner sa may tapat ng aircon habang umiinom ng mainit na kape. Hindi ako makatingin ng deretso sa mukha niya dahil pakiramdam ko'y gusgusin ako.

"So?" basag niya sa katahimikan. Gusto niyang ako ang unang magsalita.

"Nga pala, hu u?" nasabi ko na lang sa kaba. "Este, ano palang pangalan mo?"

"Parang text lang ah," napangiti siya. "I'm Jane and you are?"

"Call me Loi." Pinasosyal ko konti dahil medyo nahihiya akong sabihin ang pangalan ko. Zoilo Datu IV ang totoong pangalan ko, minana ko pa sa tatay ng lolo ko.

"Okay Loi, back with our deal."

Inilatag niya ang kanyang mga batas. Una, bawal magtake-advantage gaya ng halik at yakap kung hindi siya ang mag-iinitiate. Military man ang Papa niya kaya huwag na huwag daw akong gagawa ng hindi niya magugustuhan. Pangalawa, bawal ikuwento kaninuman ang aming kasunduan. Sa oras na malaman ng iba ang kasunduan, babalian niya daw ako ng buto. Lahat ng natutunan niya sa taekwondo ay ipapatikim niya sa akin. Pangatlo, kailangan maging honest sa isa't isa. Kahit kulay ng underwear bawal ipagsinungaling. Ang huli at binigyan niya ng diin, bawal main-love. Kapag nainlove, tapos ang deal dahil wala daw siyang balak na patulan ako.

"Sige payag ako. Isa lang ang hihilingin ko."

"Ano naman?" tanong niya.

"Kailangan mong magpakilalang girlfriend ko sa Mommy ko."

"Bakit pa? Kaya lang naman tayo magpapanggap para ipakita kay Dexter na kaya ko siyang palitan agad."

"Hindi kasi ako basta nakaalis ng bahay ng walang dahilan. Hindi ko naman pwedeng sabihin na overtime sa office dahil wala naman akong trabaho. Ako kasi ang taga-manage ng business ni Mommy."

"So mama's boy ka pala?"

"Hindi naman," tanggi ko. "Masunurin lang kasi high blood si Mommy. Minsan, kailangang bayaran ko ang tagapamalengke namin para huwag pumasok at ako na lang ang gagawa ng trabaho niya. Sa ganoong paraan, makakapasmayal naman ako. Gaya ngayon."

"Natatawa naman ako. So you mean at your age lahat ng kilos mo ay dapat alam ng nanay mo?" Halos gumulong sa tawa si Jane.

"Hindi ah!" mariing tutol ko. "Kailangan lang may reason ang bawat lakad ko para naman hindi makaabala sa negosyo niya."

"Hmmmm. Siguro dapat ka din makilala ng parents ko para mas convincing ang plan ko."

"Sure no problem!" payayabang ko kahit sa loob ko ay may takot na paulanan ako ng bala ng tatay niya. Ikinuwento niya ang kiliti ng parents niya. Ang mama niya ay mausisa, mahilig sa ballroom at magluto. Ang daddy niya naman ay tahimik lang at madalas maglaro ng chess kahit nag-iisa. Kung masasakyan ko ang trip nila mas mabuti daw. Sinabi ko din sa kanya ang background ng pamilya namin. Mula sa pagkahilig ng mga magulang ko sa cholesterol hanggang sa aso naming mahilig magdigest ng tsinelas.

"Pero gusto ko na makilala muna ang nanay mo... ngayon."

"Ngayon?" duda ko.

"Oo. As in now na!" Namilog ang kanyang mata parang masarap dukutin at gawing holen.

"Hindi ka nagbibiro?"

"Hindi. Lets talk about kung paano tayo nagkakilala at kung paano naging tayo para consistent ang mga sagot natin."

Naging komportable agad kami sa isa't isa. Close na yata kami. Para talaga akong nasa pelikula o panaginip. Kung maari lang sipain ko siya sa mukha at kung masasaktan siya, hindi nga ito isang panaginip pero siyempre joke lang iyon.

itutuloy...

follow me : http://twitter.com/panjo3

DVD


"Bakit ngayon pa? Bakit?!" nanghihinayang na sambit ni Lester sa kanyang sarili habang sinisira ng tauhan ng MMDA ang sinamsam niyang paninda.

Isa si Lester sa daang-daan magtitinda sa paligid ng simbahan sa Baclaran. Noong una, sa bangketa lang sila nagtitinda hanggang sa okupahin na nila ang buong kalsada at tila sila pa ang naaasar kapag may dumadaang sasakyan sa kalye.

Nagtakbuhan ang mga illegal vendors nang makita nila parating ang grupo ng MMDA. May mga naglulupasay at nag-iiyakan habang nakikipag-agawan sa kanilang mga panindang inutang pa sa bombay ang puhunan. May namato. Pati bata nakisama sa gulo, nakihampas gamit ang lobong may mukha ni dora.

Bitbit ang isang kahon ng pirated DVD, pilit nagtago si Lester sa likod ng mga stalls pero hindi pa din siya nakaligtas. Labis ang kanyang himutok dahil may paglalaanan sana siya ng kanyang kikitain sa araw na iyon.

"Pambihira! Dala pati puhanan ko!" Nagsindi siya ng yosi at naghanap ng pwedeng mauutangan. "Paano na ang lakad namin ni Mia?" Sa kasamaang palad, nasakote din ang mga balak niyang utangan.

Nakilala ni Lester si Mia noong maging magpartner sila sa kasal ni Ayen. Foreigner ang asawa ni Ayen. Base sa mga kwentong kumakalat sa buong Baclaran, nakilala ni Ayen ang foreigner noong minsan maadaan ito sa pwesto niya. Nagtanong daw ng daan papuntang Villamor at agad naman itinuro ni Ayen. Dahil likas daw na hospitable si Ayen, pati daan sa kweba ng langit at ligaya ay itinuro niya. After ng isang buwan, slang na si Ayen.

Sa tulong naman ang kaibigan niyang si Boyet nakuha niya ang number ni Mia at naging regular silang textmate. Noong una, magbespren ang turingan nila ni Mia hanggang humatong sa syinota ni Lester ang bespren nya.

Si Boyet ang huling pag-asa ni Lester. Agad niya itong pinuntahan sa bahay para utangan. Bagamat nahihiya siya, nilakasan na lang niya ang kanyang loob kesa makansela ang lakad nila ni Mia na matagal na ding napagplanuhan.

"Oh, Lester! Goodluck mamaya! Galingan mo ha," salubong agad sa kanya ni Boyet noong makita itong parating. Alam na ni Lester ang ibig sabihin ni Boyet. Nalilito tuloy siya sa nararamdaman niya. Mahal niya ba talaga si Mia o gusto lang niyang anuhin si Mia. Pwede din namang mahal niya ito at gusto din niya may mangyari sa kanila.

Si Boyet ang lumason ng isip ni Lester. Kinse anyos pa lang sila noon ay nagkukunwento na sa kanya si Boyet tungkol sa mga karanasan nito. Una daw karanasan nito ay kay Jessica na parang kuting kung magsalita pero kapag nasa kama na ay daig pa ang busina ng trak sa lakas ng ungol nito. Hindi din pinalampas ni Boyet ang bantay sa mga tindahan sa Baclaran. At noong nakaraan linggo lang, isa namang byuda ang biktima ni Boyet, nasa edad trenta na daw pero parang manok panabong pa din sa tindi ng bawat salpukan. Ngayon edad benta na sila, pero si Lester ay nanatiling walang karanasan.

"Malas nga pare e. Ni-raid kami ng MMDA kanina." Inilahad ni Lester ang pangyayari at ang balak nitong ipasyal si Mia.

"Tsk! Hilig nyo kasi sa illegal. Alam nyo ng bawal ginagawa nyo pa!" sermon ni Boyet sa kanya.

"Sa bangketa kasi maraming tao e!" katwiran niya.

"Kasi nandoon ang magtitinda! Kung walang magtitinda sa bangketa at kalsada, malamang magkukusa silang pumunta sa mga legal pwesto," paliwanag ng kaibigan.

"Pautangin mo na lang ako pare."

"Wala din e." Umiling si Boyet at ipinakita ang bulsa ng suot na pantalon. "Talo sa dice."

Umuwi ng bahay si Lester. Lito pa din kung itutuloy ang plano. Balak na sana ni Lester na kanselahin ang lakad pero nagtext na si Mia. Nagpapasundo na ito sa inuupahang bahay. Naisip na lamang niyang sabihin ang totoo na wala siyang pera. Mamasyal na lang siguro sila o manonood ng pirated DVD sa bahay na madalas naman nilang ginagawa. Ipagpapaliban na lang muna niya ang tawag ng laman.

Lampas alas syete na noong nakarating si Lester. Pagsapit sa bahay ni Mia ay agad naman siyang niyakap nito. Hinalikan sa labi.

"Bakit parang hindi ka masaya?" pag-alaala ni Mia. "May problema ba?"

"Nasamsam kasi ng MMDA ang mga paninda ko." Pagtatapat niya. "Dala nga pati puhanan ko e."

"Uhmmm. Bawi ka na lang sa susunod. Malas lang siguro ngayon." positibo pa din ang tono ng boses ng kasintahan. Iba sa inaasahan niyang magtatampo ito. "Pasok ka sa loob."

Tumuloy agad naman si Lester. "Nahihiya kasi ako. Tsaka yung plano natin----"

"Ah. Yun ba? Uhmmm." Pinatay ni Mia ang ilaw.

-end-

HU U? (1)


"Daaamnnn!!!!" Sigaw ng babae sa isang mall. Halos natawag ang atensyon ng lahat ng nasa paligid. Kung ano ang dahilan, walang nakakaalam.

Natawa ako sa di ko maipaliwanag na rason. Pumasok siya sa bookstore at may kung anong espiritu ang nagdikta sa akin para sundan siya. Nakapagtataka, mahinahon na ang babae sa loob para bang wala siyang pakialam sa ginawa niyang eksena. Nag-ikot-ikot ako kahit wala naman akong bibilihin sa loob. Pero nakapako pa din ang isang mata ko sa babae. Naging instant stalker yata ang dating ko.

Napakunot noo ako. Kahit ang pinakasikat ng skin clinic di kayang alisin ang linyang nabuo dito. May dumaan lang na dambuhalang ale, nawala na sa paningin ko ang weird na babae. Dinaig pa ang teleportation ni Son Goku.

Inikot ko ang mga shelves pero di ko siya natagpuan. "Napakaweird niya." wika ko sa sarili. "Sumigaw na lang basta tapos ngayon naging invisible."

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ng weird na babaeng nakaupo sa sahig ng bookstore habang nagbabasa.

Naloko na. Nabuking pa yata ako. "Hindi ah." Tanggi ko naman agad. Parang akong politikong expert sa pagdedeny kapag may kasong kinasangkutan.

"Ok," sagot niya at muling nagbabalik sa pagbabasa.

Humagilap ako ng libro para makakuha ng tyempo at kausapin siya. Gusto kong malaman ang dahilan ng pagsigaw niya. Pinalipas ko muna ang ilang saglit bago muli akong lumapit. "Try mo 'tong tutubi-tutubi ni Jun Cruz Reyes."

"Maganda ba 'yan?" Hindi siya tumingin sa hawak kong libro pero at least hindi nya ako dinedma.

"Magandang-maganda. Favorite author ko ang sumulat nito kaya hindi ka lugi kapag binili mo 'to."

"Bookworm ka ba o salesman?" Sa wakas tumingin siya sa akin.

"Hindi naman. Naadik lang siguro ako sa mga sinulat niya."

"Ok." Naging mailap muli ang babae matapos ang maikling mausapan. Namayani muli ang katahimikan sa aming dalawa.

Sayang naman ang effort ko kung palalamsin ko lang ang pagkakataon. "Nga pala, bakit ka sumigaw kanina? May nangyari ba?" Tahimik lang siya. Wala akong narinig na sagot. "Sorry kung nangengelam na ako ng sobra." Lumakad na ako palayo hindi nga naman tama kung manghimasok pa ako sa mga bagay na hindi ko dapat pinakikialaman.

"Masarap sigurong basahin ang librong ito habang nagkakape," pahabol niya. Huminto ako sa paglalakad. Inirewind ko sa aking tenga ang mga sinabi niya. Sa naging sagot niya alam kong may patutunguhan ang aming usapan. Malamang may problema siya kaya siya sumigaw at iyon ang way niya para magrelease ng tension.

"Mas masarap uminom ng kape kapag nagkukwentuhan," suwestiyon ko. "Lalo kapag may gusto kang ilabas na hindi mo masabi sa iba."

"Hindi ka lang pala bookworm or salesman... may pagkamanghuhula ka pala."

"Chamba lang siguro." Pagkabayad niya sa counter ay automatic na naglakad ang aming mga paa papunta sa coffee shop.

Habang naglalakad, nagsimula na siyang magkwento. Hindi niya matanggap na nagawa agad siyang palitan ng kanyang ex-boyfriend after ng isang buwan ng break-up.

"Mas ok na siguro sa iyo ako mag-open tutal hindi mo kilala ang mga taong involve. Yes, I'm bitter kaya noong nakita ko ang ex ko dito sa mall with his new girl ay napasigaw na lang ako.."

Pakiramdam ko anumang oras ay babagsak ang luha sa kanyang mata at maaring magdulot ng baha sa edsa dahil sa tindi ng namumuong sama ng panahon sa kanyang mga mata. Pinaupo ko muna siya sa may labas ng coffee shop. Hinintay kong kumalma ang kanyang loob. Hanep ang pakiramdam para akong nasa pelikula. Ngayon lang ako naexperience maging crying shoulder.

"May panyo ka? Tutulo na kasi ang sipon mo. Madudumihan ang T-shirt ko, lagot ako kay ermat." Pinatawa ko siya kahit corny ang joke pero effective naman.

"Nag-eemote na nga ako bigla mo naman akong papatawanin." Umakto siya na parang bata at itinaas ang isang paa sa katapat na upuan.

"Ayoko ko kasi makakita ng babae umiiyak. Pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kahit wala naman akong ginawang kasalanan."

"Pangit ba ako?"

"Hindi ah. Mas maganda ka pa nga sa mga bumasted sa akin. Alam mo hindi ka dapat umiyak at least naranasan mo mahalin. Nakakahiya man aminin hindi pa ako nagkakagirlfriend."

"Seryoso ka?Age mo?"

"23. Daig pa nga ako ng mga helper namin sa tindahan, minimum nila ang dalawang girlfriend."

"Pinapatawa mo naman ako."

"It's not a joke. Its my way para palakasin ang loob mo. Siguro hindi talaga siya para sayo, magpasalamat ka na lang na naging part siya ng buhay mo."

"Dami mo alam tapos hindi ka pa nagkakagirlfriend niyan ha."

"Well, base lang naman iyon sa view ko."

"So. Gusto mo magkagf?"

"Oo naman. Pero sino ba naman ang papayag ng instant gf? Kung magkakagirlfriend ako mapapahiya ang lahat ng kumakantyaw sa akin!" wika ko sa kanya habang inilalarawan ang itsura ng mga taong tumatawa sa aking sa tuwing ilalampaso ako ng mga babaeng niligawan ko.

"Ako papayag ako na maging instant girlfriend mo. Pero magpapanggap lang."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pathetic na kong pathetic ang move na 'to. Pero gusto kong ipamukha kay Dexter na kaya ko din siya palitan agad. Kung papayag kang magpanggap na bf ko magagawa ko iyon at on your part mapapahiya na ang mga kumakantiyaw sa'yo."

"Hindi ka natatakot?"

"Military man ang Papa ko at black belt ako ng taekwondo."

Napaatras ako. "Ako pala ang dapat matakot."

"Dapat lang," pagmamalaki niya. "At alam ko namang good boy ka. Itsura mo pa lang." Tinanggal niya ang suot kong salamin. "Cute ka pala kapag walang glasses."

"Sige pumapayag na ako dahil sinabi mong cute ako." Hindi naman ako uto-uto, naisip ko lang na wala namang mawawala sa akin. Una, lalaki ako at pangalawa gusto ko din makaexperience ng excitement.



chapters |2|3|4|5|6|7|8|9|10|11|12|13|14|15|16|end|

letter series videos


sa mga nakabasa/nagustuhan ang dear ms. masungit please watch this video.
medyo malabo lang kasi hindi ako marunong. hehe

palink na din sa fb nyo.. :)

youtube url

http://www.youtube.com/watch?v=d6QVuZT3z3k




meron pa dito.

Dear Ms. Masungit


Dear Ms. Masungit,



Hindi mo na naman ako pinansin kanina. Muntik mo pa akong di papasukin ng bahay nyo dahil late ako ng ilang minuto. Alam mo namang dalawang probinsya ang layo natin kaya medyo natagalan. Hindi mo din agad ako kinausap dahil ayaw mong maabala sa paglalaro ng plants vs zombies. Buti na lang may dala akong mangga kaya naisipan mong itigil muna ang paglalaro. Kung tao lang ang computer malamang pinagselosan ko na.

Tinarayan mo na naman ako noong pinansin ko ang make-up mo. Nagtataka lang naman ako kasi nakamake-up ka, eh wala naman tayong pupuntahan. Hindi ko tuloy alam kung nagtataray ka o nagpapacute lang. Palagay ko nga, kaya makapal ang lipstick mo kasi gusto mong ipatanggal sa akin gamit ang mga labi ko. Strawberry ba ang flavor? Nalalasan ko pa din kasi hanggang ngayon.

Uy sunget, di ba pinagbawalan na kitang kilitiin ako sa tagiliran? Tapos magagalit ka kapag gumaganti ako. Nasaan na ang katarungan??? Parang lagi na lang yata akong nadadaya. Hindi naman ako makareklamo kasi humahaba na ang nguso mo. Kaya tatahimik na lang ako, yayakapin ka then hihingi ako ng sorry. Ayun, nagkatitigan at hindi ka na nakapagsalita dahil magkadikit na naman ang ating lips. Alam ko ilang minuto din bago ka nakarecover ng hininga para ka ngang sumisid ng ubod ng lalim, mas malalim pa yata sa nilangoy ni Agua.


Bakit mo nga pala ako kinagat sa balikat kanina noong pauwi na ako? Akala ko goodbye kiss lang may kasama pa palang kabampirahan. Kita mo naman na nasaktan ako tapos tatawanan mo lang. At kung kailan ako nakalayo na saka ka pa sisigaw ng "i love you!!!" tapos tatakbo papasok ng bahay para pagtaguan ako. Natawag tuloy ang atensyon ng lahat pati nga ang mga asong naglalandian natigilan sa lakas ng sigaw mo.


Alam mo taray, kahit parang lagi kang dinadatnan sa sobrang kasungitan mahal na mahal kita. Kaya kahit wala akong kasalanan ako na ang nagsosorry, sa kabila kasi ng pagtataray mo, alam kong naglalambing ka lang. Natutuwa nga ako kasi excited ka palagi sa bawat pagkikita natin. Pati nga kapag magkausap tayo sa telepono ramdam kong kinikilig ka, kaya halos kinukulang pa sa atin ang buong gabi kasi nag-eenjoy akong kausap ka. Kung tutuusin nakatotorete ang boses mo sa lakas ng tawa mo pero mas gusto ko pa laging matorete kesa hindi ko madinig ang boses mo.


Sige, okay lang kahit patayin mo ako sa kiliti, ako na lang ang bahalang dumepensa hindi ako gaganti. Okay lang kahit dinadaya mo ako. At kahit ilang beses mo ako halikan hinding-hindi ako tututol.

Loving you is to realize that life without you would be no life at all
Also, I realized that the best place here on earth is in your arms. :)


SM City Lipa FoodCourt! Ito ang trip!



I cannot put into words how thankful I am to SM City Lipa for the vey good good food (Naks! andrama) last April 18, 2010. Through this blog, I would like to extend my gratitude to SM Lipa foodcourt event organizers, stall owners and WowBatangas for the SM City Lipa FoodCourt! Ito ang trip! blogger event. DAMI KONG BUSOG!!!!



Craving for good food?? Visit the following at SM foodcourt:
Chicharon Espesyal
Chef Chow Shabu
Chin’s Express
Inihaw Express
Khaleb’s Shawarma
Kusina ni Gracia
Miguelito’s Soft Ice Cream
Potato Madness
Seafood Grill Station
Sizzling Plate
Thirsty Juices and Shakes

Nga pala, nanalo din ako ng gift ng WORLD OF FUN. Kaya salamat din sa kanila. Marami-raming token na pangvideoke din yun..

Sa mga matitipuno at nagagandahang bloggers ng batangas, KUDOS!

for play (end)


for play = para sa play (iskul-iskulan play)

request story lang. gagamitin daw sa play ni DJ.

Topic : high school life...
for play 2
for play 3
for play 4
for play 6
for play 7



----------
Mga tauhan

Teacher Nantes - class adviser, play director
DJ - bobong estudyante at palaging lumilipad ang isip
Kate - presidente at pinakanangunguna sa klase
Rico - matalik na kaibigan ni DJ.
Joel - gwapong manliligaw ni Kate.
Gem - tagalista ng maingay at matalik na kaibigan ni Kate
Mervin - Kenkoy ng klase. May lihim na pagtingin kay Gem.

-------
-------

Lumabas ng school si DJ at sinundan agad naman si ni Rico. Matapos ang awarding ay agad hinanap ni Kate si DJ dahil sa pangakong nilang mag-uusap matapos ang play.

Kate : Nasaan si DJ?

Mervin : Umuwi na. Masakit ang tyan.

Gem : Puso!

Kate : Puso ba o tyan?

Gem : Tyan nga pala.

Kate : Sayang naman. Nagpaiwan pa naman ako kina mama.

Gem : Hatid ka na lang namin ni Mervin. (siniko si Mervin)

Kate : Kayo na ba? Sweet nyo ah.

Mervin : Hindi ko alam sa kanya. Pero para sa akin, matagal nang kami.

Gem : Kahit kelan mayabang ka talaga.

Mervin : Ang mayabang na 'to ang nagmamahal ng tapat sa'yo!

Kate : Ehem! Ehem! Walang inggitan.

Gem : Uwi na nga tayo. Humahangin.

Tumambay muna sa may plasa si DJ at Rico. Masinsinan silang nag-usap tungkol sa nangyari.

Rico : Nagseselos ka?

DJ : Hindi ko alam. Wala naman sa lugar kung magseselos ako.

Rico : Hindi pa naman sila e. Bakit ka ba umalis? Buo na ang plano di ba?

DJ : Ewan ko ba. Parang sumikip ang mundo noong magyakapan sila sa harap ko. Sa harap ng lahat.

Rico : DJ, DJ! Masaya lang sila sa pagkakapanalo nila kaya natural na may ganoon.

DJ : Nasasaktan ako e.

Rico : Mahal mo na talaga si Kate kaya ganoon.

DJ : Naiinggit tuloy ako kay Mervin. Naging maayos na sila ni Gem.

Rico : Hindi ko alam sa'yo kung nagmamahal ka o ayaw mo lang magpaiwan sa trend. Tol, hindi minamadali ang relasyon.

DJ : Nasasabi mo lang yan kasi hindi mo pa nararamdaman.

Rico : Kaya nga e. Hindi ko nararamdaman kaya mas maliwanag ang utak ko sa'yo. Kapag kasi tinamaan ako niyan baka maging impulsive na din ako.

DJ : Anong gagawin ko ngayon?

Rico : Siguro sa pagkakataon ito hindi mo na kailangan ang tulong namin. Kumilos ka ng ayon sa gusto mo. Sa dikta ng puso mo.

DJ : Anong ibig mong sabihin?

Rico : Mas mahirap kasing kumilos kapag may script. Kaya naletse ang ang pakay mo kanina kasi naiplano mo na ang lahat kaya noong hindi umayon sa plano masyado kang nafrustrate.

DJ : Susubukan ko.

Rico : Gawin mo lang ang nararapat dude.

DJ : Siguro nga. Susundin ko na lang kung ano ang sinasabi ng puso ko kapag nagkita kami pero hindi pa ngayon.

Rico : Ano? Kailan pa?

DJ : Bahala na. Nahihiya pa din kasi ako.

Rico : Basta tol, ang masasabi ko lang kung ano ang maging resulta dapat tanggapin mo nang maayos. Huwag na sanang maulit ang pagwalk-out mo.

DJ : Nakakahiya ang ginawa ko. May usapan nga pala kami ni Kate.

Rico : Kaya huwag kang sugod ng sugod kung hindi mo din kaya.

DJ : Sige. Pag-aaralan ko kung dapat pa talaga akong magtapat. At kung anuman ang maging resulta, tatanggapin ko ng maayos.

Rico : That's the spirit! Hindi yung parang artista kung magwalk-out.

Tulad ng napag-usapan nagkita si Mervin at Gem. Binalikan nila ang lugar kung saan una silang nagkakilala at doon din sila nagpahayag ng magmamahal sa isa't isa.

Mervin : Tandaan mo ako pa din ang batang sumumpang poprotektahan ka sa lahat ng oras.

Gem : At ako pa din ang batang nagtiwala sa lalaking nagpakita sa akin ng tapang at handa akong ipagtanggol.

Mervin : Ikaw ang batang iyakin.

Gem : (kinurot si Mervin). Ganun? Ikaw ang batang mayabang!

Mervin : Pero mahal pa din kita kahit iyakin ka! Iyakin!

Gem : Mas mahal kita yabang!

Mervin : Type mo din naman pala ako pinatagal mo pa.

Gem : Eee.. Basta!


Lumipas pa ang ilang araw hindi pa din nagawang makapagtapat ni DJ dahil nagiging madalas ang pagdalaw ni Joel kay Kate. Nalalapit na ang graduation kaya nauubusan na siya ng oras.


Rico : Mervin, nasan si DJ?

Mervin : Ewan ko. Akala ko kasama mo kanina.

Rico : Nasa likod ko lang kaninan e. Bigla na lang nawala noong dumating si Kate.

Teacher Nantes : Class, bukas start na tayo ng graduation practice.

Mervin : Sa wakas!

Teacher Nantes : Excited na excited ka Mervin ah.

Rico : Kasi makakausap na nya ng maayos si Gem sa dami ng vacant.

Teacher Nantes : Kaya naman pala. Kailangan nga pala ng mag-aasikaso ng yearbook natin. So kailangan natin ng officers. Nomination is now open.

Mervin : Ehem. I nominate Kate as the Chairman.

As usual nanalo si Kate bilang chairman. Siya ang magiging abala sa yearbook preparation.

Teacher Nantes : Kate, Come here. Ikaw na ang magpatuloy ng election, pinapatawag lang ako ng principal.

Kate : Yes Ma'am.Nomination for Asst Chairman is now open.

Gem : I nominate.... (natigilan)

DJ : (biglang sumulpot sa may pintuan) I nominate myself to be the lover of the Chairwoman. Any objection will be apprehended. Hindi ko hahayaang lumampas na lang ang araw na 'to na hindi ko nasasabi ang nararamdaman ko. Simula noong maging close tayo lalong nahulog ang loob ko pero pinanghihinaan akong magtapat dahil sa mga insecurities ko.

Kate : Shut up! Tumahimik ka DJ!

Mervin : Supalpal!

Rico : Patay!

DJ : Sorry...

Kate : Shut up! Sabihin mo na agad ang gusto kong marinig. (Ngumiti)

Nagliwanag ang anyo ni DJ.


DJ : Mahal kita. I love you so much Kate.

Kate : Hindi mo ba ibibigay sa akin ang nasa likod mo?

DJ : (lumapit si DJ at ibinigay ang dalang bulaklak) Inuulit ko. I nominate myself to be the lover of the Chairwoman.

Kate : Matagal ng close ang nomination. Matagal ka ng panalo. Hinihintay lang kita.

Mervin : Ehem! Ang yearbook! Bago pa may magnominate pa ng Asst lover.

-end-
-----
tinamad na magtype..
tapos na ang for play.. ano ba kasunod ng for play?

Dyamante


"Brian! Brian!" Sigaw ng grupo ng mga lalaki sa bakuran ni Brian.

"Bakit? Napasadya kayo?" pagtataka niya.

"Bumukas na ulit ang kweba sa Candeba," bulalas ni Albert.

"Ano?!! Paano n'yo nasabi?" Gulat na gulat si Brian sa dalang balita ng grupo.

"Ang bukal sa paanan ng bundok banaba. Walang tubig," dagdag ni Rogelio. "Senyales ng pagbubukas ng kweba ang pagkaiga ng bukal."

"Samakatuwid, lalabas na ulit ang ahas na may kagat na dyamante." si Brian. "Kailangang malaman ito ni Kuya."

"Lalakad kami bukas ng madaling araw. Brian, hihintayin namin kayo ng kapatid mo sa may asukarera."

"Sige Albert, maasahan mo."

"Tara na mga kasama!" yaya ni Albert.

Base sa kwento ng mga nakasaksi, isang ahas ang naglulungga sa sa kweba ng Candeba. May kagat-kagat itong malaking dyamante na ninanais mapasakamay ninumang makasaksi o makadinig sa kwento tungkol dito. Subalit lubhang mapanganib ang daan papuntang kweba bukod sa gumuguho ang daan, madaming ahas ang promopotekta sa kweba. May ilang haka-haka na may muntik ng makakuha ng dyamante subalit naging sakim ang grupo kaya sila mismo ang nagpatayin.


"Tumigil ka sa kahibangan mo Brian!"

"Kuya, hindi mo ba naiintindihan? Lalabas na ulit ang ahas, makakapaghiganti na tayo sa pagkamatay ni Ama."

"Hindi ka pwedeng sumama!" tutol ni Willard. "Huwag mo ng dagdagan ang sakit mawalan ng isang miyembro ng pamilya."

"Sasama ako! Ipaghihiganti ko ang kamatayan ni Ama."

"Paghihiganti ba talaga o ang dyamante? Hindi papatay ang ahas kung hindi siya gagambalain sa lungga niya."

"Bahala ka! Hindi mo ako mapipigilan," pagmamatigas ni Brian. Malaki ang pagnanais niyang makuha ang dyamante. Limpak-limpak na salapi ang kapalit ng mamahaling bato.

Noong huling nagbukas ang kweba ay namuno ang kanilang ama para makuha ang dyamante pero nabigo ito at hindi na nakauwing buhay, maging ang bangkay nito ay hindi na makilala sa mga nakakalat na kalansay sa paligid ng kweba.

"Pag-isipan mo. Isipin mo ang pamilya mo. Isipin mo kung ligtas ka bang makakabalik. Tandaan mong wala pang nakauwing buhay sa mga sumubok agawin sa ahas ang bato."

Lumabas si Brian ng bahay, sarado ang isip niya sa mga sinabi ng kanyang kuya. Matagal na siyang handa sa muling pagbukas ng kweba kaya alam niya sa sarili na makukuha niya ang bato at maipaghihiganti na ang kamatayan ng kanyang ama.

Kinaumagahan, kumilos agad ang grupo. Tinahak nila ang daan patungo sa kweba. Bawat kasama sa grupo ay may kanya-kanyang bahagi para mapanatiling buhay ang bawat kasapi. At kung mapapasakamay nila ang bato, may nakalaan na ding paraan ng hatian.

"Bakit hindi sumama si Willard?" pagtataka ni Albert.

"Masama ang pakiramdam niya. Umatake ulit ang highblood niya," pagsisinungaling niya sa kasamahan.

"Wala din kasing pinipiling pagkain ang kapatid mo e. Sayang, malaking tulong sana ang partisipasyon niya."

"Magpahinga muna tayo. Kailangan natin ng lakas kung sakaling umatake ang mga ahas." pag-iiba ni Brian sa usapan.


"Mga kasama, magpahinga muna tayo sandali malayo-malayo na din ang ating nalakbay!" sigaw ni Albert.

Habang namamahinga, inilabas ni Brian ang lambat bilang pananggalang sa posibleng pag-atake ng mga ahas. Itinali niya ang ilang piraso ng bato sa bawat sulok ng lambat para magsilbing pabigat upang di makawala ang ahas. Matapos ang ilang minuto ng pamamahinga ay muling tumulak ang grupo.

"Mag-iingat kayo mga kasama, masyadong mapanganib na ang daan. Siguraduhin nyong matibay ang inyong tinatapakan bago kayo lumakad." paalala ni Brian.


"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!"

"Anong nangyari?!" usisa ni Brian.

"Ang mga ahas umatake mula sa likod. Nahulog si Joban!"

"Hindi ko inaaasahan sa makitid na daan pa sila susulpot. Magsindi kayo ng kung anumang pwedeng sunugin tapos iharang sa daan para hindi sila makasunod!" Kumilos agad ang mga nasa likod ng grupo para mapigilan nila ang pagsunod ng mga ahas.

"Mabuti na lang matalas ang isip mo sa ganitong pagkakataon, Brian."

"Kailangan makarating tayong lahat sa kweba kaya dapat maging matalas ang isip nating lahat."

Habang lumalapit sila sa kweba ay unti-unting nababawasan ang bilang ng grupo. May mga natakot at mas ginustong bumalik pero ang pagbalik nila ang naging mitsa ng kanilang kamatayan. May ilang naging pabaya kaya nahulog sa makitid na daan.


"Brian, natatanaw ko na ang kweba, buong siglang wika ni Rogelio.

"Sa wakas, magdoble ingat tayo. Pagkarating natin ng kweba hatiin natin ang grupo sa dalawa." si Brian.

"Sige, kami nina Rogelio ang papasok sa lagusan sa kaliwa, kayo naman sa kanan," mungkahi ni Albert.

"Sige. Mag-iingat kayo."

Ganoon nga ang naging hakbang ng grupo. Bago pumasok, sinigurado muna nilang sapat ang kanilang gamit. Umaalingasaw ang nabubulok na bangkay sa bukana ng kweba, bangkay ng mga naunang nagtangkang pumasok sa kweba. Pinamunuan ni Brian ang grupong pumasok sa kanan.

"Hayun! Ang ahas na may dyamante!" sigaw ng isa sa mga kasama ni Brian.

"Sandali!" sigaw ni Brian. Huli na ang lahat, nakatakbo agad papalapit ang kasamahan dahilan upang matuklaw agad ito ng isang pang ahas.

"Anong gagawin natin Brian?" tanong ng isa.

"Buhasan natin ng gasolina ang daanan. Kung maraming ahas ang susugod saka natin sindihan."

Tinungo ni Brian ang mataas na bahaging kinaroroonan ng ahas na may dyamante.

"Halika dito! Matagal ko ng hinihintay na magkaharap tayo!" Halip na manlaban ang ahas, mabilis itong umiwas kay Brian. Gumapang ito palayo. Sinundan ni Brian ang galaw ng ahas.

"Akala ko ba matapang ka? Bakit ka umiiwas ka ngayon?!" Inihagis ni Brian ang lambat at tuluyang nalambat ang ahas. "Madami kang buhay ng inubos tapos ganito ka lang pala kadali mahuli." Gamit ang matulis na itak ay sinaksak niya sa ulo ang ahas. Tiniyak ni Brian na walang buhay ang ahas saka kinuha ng dyamante sa bibig nito.

Napangiti si Brian. Sa wakas nasa kamay na niya ng dyamante, naipaghigante na din niya ang kanyang ama. Habang paalis ay napapansin niyang nagbabago ang anyo ng ahas na kanyang pinatay. Unti-unti itong nagkakahugis, hugis hawig ng tao. Tumagal lang ng ilang minuto ang pagpapalit anyo na ikinagimbal niya. Naging tao ang ahas at ito ay ang kanyang ama. Bago pa siya makalapit sa bangkay, siya naman ang nagpapalit anyo. Dumikit ang kanyang braso sa kanyang katawan, ang kanyang maga binti ay naging buntot. Namanhid ang kanyang katawan hanggang sa maging isa siya ganap na ahas. Otomatikong dumikit sa kanyang bibig ang dyamante.

"Hayun ang ahas!" sigaw ni Albert. Gumapang palayo si Brian.

for play (7)


for play = para sa play (iskul-iskulan play)

request story lang. gagamitin daw sa play ni DJ.

Topic : high school life...
for play 2
for play 3
for play 4
for play 6

----------
Mga tauhan

Teacher Nantes - class adviser, play director
DJ - bobong estudyante at palaging lumilipad ang isip
Kate - presidente at pinakanangunguna sa klase
Rico - matalik na kaibigan ni DJ.
Joel - gwapong manliligaw ni Kate.
Gem - tagalista ng maingay at matalik na kaibigan ni Kate
Mervin - Kenkoy ng klase. May lihim na pagtingin kay Gem.

-------

Gem : Times up na. Lampas na ang two minutes.

Mervin : Hindi ko nadinig e!

Gem : So problema ko?

Mervin : Bitin naman oh.

Gem : Bitin?

Mervin : Oo.

Gem : Sisihin mo ang kaibigan mo 2 mins lang ang time.

Mervin : Sayang naman oh. Sobrang bitin!

Gem : Bitin ba talaga? 4pm saturday. (lumipat ng upuan habang nakangiti) My prince..

Mervin : Tinawag niya akong prince..

Rico : So kayo na?

Mervin : Yun lang, hindi ko naitanong.

Rico : Go! Itanong mo na.

Mervin : Sa Saturday daw. Tinawag nya akong prince. Umeecho pa sa tenga ko.

Rico : Ilibre mo muna ako ng meryenda habang inuubos mo ang echo.

Dumating ang araw ng play. Sobra ang saya ng lahat lalo na si DJ. Ito kasi ang araw na hinihintay niya. Ipagtatapat na niya kay Kate ang kanyang nararamdaman. Matapos niyang mabalitaan kay Rico na may date sina Mervin at Gem, gusto na din niyang maka-date si Kate kaya aaminin na niya ang lahat kay Kate.

Mervin : Goodluck tol! Manalo-matalo mas gwapo ka kay Joel.

DJ : Kinakabahan ako. Sana wala akong malimutan mamamaya.

Rico : Hayaan mo. Magtatago ako sa likod ng mga props para i-dictate ang lines kung sakaling may malilimutan ka.

Mervin : Good idea, Rico. Dahil diyan ikaw ang magsisilbing puno.

DJ : Hindi na muna ako magpapasalamat wala pa akong panlibre.

Mervin : Ayos lang. Basta huwag mong kalimutan ang pagtatapat mo kay Kate.

Rico : Oo nga! Ilang days na lang graduation na. Baka hindi na kayo magkita.

DJ : Ganda niya no? (tukoy sa palapit na si Kate)

Mervin : Wow. Perfect time talaga 'to.

Rico : Para lang kayong aattend ng JS ng mga dugong bughaw. Bagay na bagay kayo.

DJ : Ssshhh.. Palapit na siya.

Kate : Tara na DJ. Hinihintay na tayo ng iba.

DJ : Ganda mo naman. Kinakabahan tuloy ko.

Kate : Huwag kang kabahan DJ. Matagal na tayong nagpapraktis parang uulitin lang natin 'to.

DJ : Dami tao e.

Kate : Ganito na lang, kapag kakabahan ka tumingin ka lang sa akin, sa mata ko.

DJ : (napakamot sa ulo) Ah e.

Kate : Ano?? Tsaka huwag kang magkamot sayang ang ayos ng buhok mo. Bagay sa'yo.

Mervin : Ehem! Kami yata ang make-up artist nyan.

Kate : Kaya pala parang super saiyan.

Rico : Cool nga e.

DJ : Pangit ba Kate?

Kate : Bagay naman sayo. Basta DJ kapag kakabahan ka alam mo na ang gagawin.

DJ : Titingin lang ako sa mata mo.

Mervin : Tol sa mata daw! Hindi sa pendant.

Kate : Kayo ha puro kalokohan. Tara na DJ! (hinila ang kamay ni DJ)

Mabilis kumilos sina DJ dahil sila na ang susunod na section.

DJ : Pwede ka bang kausap pagkatapos ng play?

Kate : Sure. Importante ba?

DJ : Hindi naman masyado.

Kate : Ummm. Sige pagkatapos.

DJ : Pwede tayo lang sana?

Kate : Wow! Private talaga ha. Tungkol san?

DJ : Basta!

Kate : Anong basta?

DJ : Mamaya na lang. Tara, sunod na eksena na tayo.


Gaya ng payo ni Kate, sa tuwing kakainin ng kaba si DJ tumitingin na lang siya sa mga mata nito. At sa bawat tingin niya ay lalong nahuhulog ang kanyang loob tila inililipad siya sa isang paraiso na sila lang ang tao. Ngayon nagagawa na niyang lumaban ng titigan samantalang dati hanggang sulyap lang. Hindi niya akalain na ang play pa ang maglalapit ng kanilang loob. Maganda ang bitaw ng bawat linya ni Kate at hindi naman nagpadaig si DJ.

Rico : Galing mo tol!

Mervin : Best actor ka na talaga!

DJ : Hindi ko na iniisip iyon! Ang mahalaga nakaraos na ako.

Rico : Oo nga. Abot tenga ang ngiti ng nanay mo at sampo pa ng inyong mga kabarangay.

Mervin : Baka may tarpulin ka pa pag-uwi mo. Stage mom talaga ang dating. (tawa ng tawa)

DJ : Sige pagtawanan nyo pa ako!

Rico : Tahimik na. Sasabihin na ang Best Juliet!!!

Host : Best Juliet goes toooo... Kate Aquino.

Mervin : YES!!! Galing talaga!

Rico : Si DJ naman ang Best Romeo.

DJ : Sana....(pabulong)

Umakyat sa stage si Kate at hinintay ang kanyang Romeo.

Host : Best Romeo goes toooo... Joel Villar.

Rico : Malas naman oh.

Mervin : Nadaya tayo.

DJ : Ok lang yan tol.

Umakyat sa stage si Joel at hinalikan sa pisngi ang Juliet. Si Kate naman ay niyakap ng mahigpit ang nanalong Romeo. Umugong ang hiyawan ng mga manonood sa kilig kay Joel at Kate.

Mervin : Rico takpan mo ang mata ni DJ!

Rico : DJ san ka pupunta?

DJ : Magpapahangin.... Masyadong masikip at mainit.

itutuloy.....

Bok!


"Bok! Tumakbo ka na!" sigaw ni Dondie.

"Hindi kita pwedeng iwan dito! " nag-aalaalang boses ni Arnulfo.

"Hayaan mo na ako! Tama na ang isang buhay kesa dalawa tayong mamamatay! Marami ang mga kalaban!" Papunta sana ang magkaibigang sundalo sa bayan upang maghulog ng sulat para sa ina ni Dondie nang biglang tambangan ng mga rebelde.

"Hindi bok! Dadalhin kita sa ligtas na lugar saka tayo hihingi ng back-up. " Ibinaba ni Arnulfo sa sasakyan ang katawan ni Dondie. Nagtago sila sa likod ng puno.

"Arggh! L-lumuwas ka ng Maynila ibigay mo sa nanay ko ang sulat na ito." Bago pa man mahugot ni Dondie ang sulat sa bulsa ay nalagutan na ito ng hininga. Binuhat ni Arnulfo ang katawan ni Dondie at tumakbo palayo papunta sa ligtas na lugar. Kinuha niya ang sulat sa bulsa ng kaibigan at tiningnan ang address ng magulang nito.

Noong mga unang araw ni Arnulfo sa PMA pakiramdam niya ay hindi siya magtatagal dahil sa sobrang hirap ng training. Subalit naiba ang takbo ng kanyang isip noong makilala niya si Dondie dahil sa kakaibang pananaw nito. Pinalakas ni Dondie ang kanyang loob, madalas nitong sabihin na kaya pumasok ng PMA ang isang tao ay para sa bayan hindi sa sarili kaya bawat sakit ng katawan ay handog sa bayan. Magkasama sila sa kwarto kaya madalas ang kanilang kwentuhan at nagturingan na silang magkapatid. Sa isang platoon lang din sila nabibilang kaya magkasama sila sa training, sa buddle fight at maging sa paliligo. Sa lahat ng lungkot at saya magkasama sila.

Noong ganap na silang sundalo ay nasubok agad ang kanilang galing laban sa mga NPA sa kabundukan ng Quezon. Noong una pa nga ay nagkaroon ng shock si Arnulfo dahil sa walang humpay na putukan maging araw o gabi at hindi niya matanggap sa sarili na kailangan niyang pumatay ng tao para sa katahimikan. Buti na lang naipaliwanag ng mga bihasa sa labanan na iba talaga ang pakiramdam sa gitna ng putukan at nasa PMA. Ilan pang misyon ang kanilang napagtagumpayan kaya nasabi nila sa kanilang mga sarili na ganap na silang sundalo.

Handa na sana silang magbakasyon ngunit tinawag sila ng kanilang tungkulin upang harapin ang kaguluhan sa Mindanao. Mula sa Quezon ay tumulak sila sa Basilan. Saksi sila sa takot ng mga tao sa tuwing magpapatrolya ang mga sundalo. Pakiramdam ng mga nakakausap nila ay kung nasaan ang sundalo ay nadoon ang gulo. At walang nagiging biktima kundi ay mga inosenteng walang alam sa anumang ipinaglalaban ng rebelde at sundalo.

Iniluwas ang bangkay ni Dondie patungong Maynila. Bagamat hindi kilala ni Arnulfo ng personal ang pamilya ni Dondie ay sinalubong siya ng yakap at luha ng mga ito. Tulad ni Dondie, kakikitaan din ng tapang ang pamilya dahil lahat ay naglilingkod para sa bayan. Para sa kanila isang bayani ang kanilang anak at karangalan ang kamatayan kung ito ay para sa bayan.

Matapos ang pag-uusap ay iniabot ni Arnulfo ang sulat ni Dondie para sa ina nito. Nahimatay ang ina ni Dondie matapos mabasa ang sulat. Agad kinuha ni Arnulfo ang sulat at binasa. "Inay, bakla ako. Mahal ko na si Arnulfo."


Tama na inay! Lumaban ka itay!


"Tama na inay! Lumaban ka itay!" Sigaw ni ate habang sinasakal si itay ni inay gamit ang pantalong nilalabhan ni itay. Habang lumilipad ang mga bula ay tumatalsik ang laway ni inay sa sobrang galit. Ipinuputak ng butse ni inay ang pagkasunog ng kanin. Katwiran naman ng under de saya kong ama inutusan siya ni inay maglaba kaya nalimutan na niya ang sinaing. Dahil sa pangangatwiran, nagsalubong ang bagong ahit na kilay ni inay kaya nagawa niyang ipulupot sa leeg ni itay ang bumubula pang pantalon. Hayun lawit ang dila.


Hindi uso kay inay ang mahinahong usapan. Lahat ng pagkakamali ni itay may kapalit na parusa. Nasobrahan naman yata sa kape ang tatay ko kaya sobrang nerbiyoso. Nanginginig agad ang tuhod kapag nadinig ang galit na boses ni inay. Kahit siguro bote ng cough syrup kaya niyang pagtaguan huwag lang makita.

"N-naglalaba kasi ako kaya nalimutan ko ang sinaing," nanginginig na boses ni itay.

"Huwag kang mangatwiran!" Isang suntok ang pinakawalan ni inay. Sapol sa mata. Nabalewala ang bisa ng blue eyes na minsang naging asset ni itay sa panliligaw dati kay inay. Buwal agad si itay. Putol ang paa ng upuang may winnie the pooh. Kung itatabi siya kay bantay magkamukha na sila. Kung marunong lang ng gawaing bahay ang aming aso baka nakipagpalit na ng pwesto si itay. Pambihira ang sunod na eksena, hindi man lang nakalaban ang aking ama kumbaga sa boxing wasak ang bodega ni itay sa dami ng pinakawalang body shots ni inay.

Dumampot ng lumang tsinelas si itay, malamang iyon ang tsinelas na pinakawalan sa dagat ni Rizal. Akala ko lalaban na siya gagamitin lang palang pananggalang. Napaatras pa naman ng bahagya si inay. Bumili pa naman ako ng meryenda sa pag-aakalang may magandang laban. Nabawasan tuloy ang kinupit kong barya.

"Hindi na mauulit, pramis!"

"Pramis?! Ipinangako mo sa akin ang langit, tala, ang magandang buhay at maging ang bulaklak ng makahiya handa mong ibigay bago tayo magpakasal pero hanggang ngayon wala ka pang trabaho. Malulusog na anak lang ang natupad mo!" maluha-luhang diyalog ni inay. Nalunok ko ng buo ang kinakain kong monay sa narinig ko. Stomach-in, Chest-out agad ako para hindi naman ako masyadong guilty. Hindi naman ako mataba, qualified lang sa salitang healthy. Bumili na nga ako ng dumbles, tinatamad pa lang akong buhatin.

Anong sinabi ng mga sikat na teleserye sa pamilya namin? Hanep ang mala-telenobelang diyalog ni inay at talo pa ni itay ang ang mga bidang artista sa malasantong kabaitan. Hindi ko alam kung galit si inay kay itay o ganoon lang sila maglambingan. Sa gabi naman kasi nakakairita ang kanilang harutan. Daig pa ang mga pusang naghahalinghingan sa bubungan. Balak pa yata akong masundan.

Nagwalk-out na si inay matapos ang eksena. Napaupo ang ate ko. Napailing sa nakita niya. "Talo!"

"Paano ba yan ate? Panalo na naman si inay. Give me the money! Bawi ka na lang next time kung may rematch pa." Kinuha ko ang pusta niyang limang piso.

Happy Moments at SM


Naranasan mo na bang yayain ang isang kaibigan para kumain tapos late mo na marerealize na konti pala ang dala mong pera??

Late last month naisipan kong pumasyal sa SM para magcheck ng published book ni Jed. Inikot ko ang mga bookstore sa mall pero unavailable pa daw sa kanila ang book niya. Wala talaga akong choice kundi pumunta ng megamall para magkaroon ng kopya.


Pagkalabas ko ng bookstore dumeretso muna ako sa sinehan para magcheck ng latest movie kahit wala naman akong balak manood. Habang binabasa ko ang trailer ng isang movie biglang may lumapit sa akin at ipinagmalaki na agad ang kanyang dimples. Si Biboy. Ang una kong kumpare kasama pa ang aking inaanak.

Kararating lang nila from Cebu. Almost six years kaming hindi nagkita kaya sa sobrang excitement, niyaya ko silang kumain para makapagkwentuhan ng maayos. Gusto ni Jigo ng ice cream at trip ko naman ang lutong bahay kaya sa food court kami nagdecide kumain.

Umorder ako at noong magbabayad na bigla kong naalala na hindi pa pala ako nakakapagwithdraw. Ang ready ko lang pera ay pambili ko sana ng book ni Jed. Buti na lang hindi umabot sa 300 pesos ang order ko at pasalamat din ako na mura ang food sa SM foodcourt.


Habang kumakain, tuloy ang kwentuhan namin. Tungkol sa tropa, sa tambayan, sa pamilya hanggang sa ibinigay niyang aso na mahilig magdigest ng tsinelas. Habang ipinagmamalaki niya ang Cebu ipinagyayabang ko naman ang ipinagbago ng Batangas simula noong umalis sila. He insisted na maganda ang Cebu pero in the end, inamin niya na na-miss nya ang Batangas lalo na ang mga pagkain. Buti na lang available sa SM food court that time ang lomi na matagal na ding hindi niya natitikman.

Masaya. Hindi ko aakalain na aabutin kami ng tatlong oras. Buti na lang pwedeng magstay ng matagal sa food court kung hindi lang siguro nagyaya umuwi ang anak niya marami pa kaming mapagkukuwentuhan. :)

for play (6)


for play = para sa play (iskul-iskulan play)

request story lang. gagamitin daw sa play ni DJ.

Topic : high school life...

----------
Mga tauhan

Teacher Nantes - class adviser, play director
DJ - bobong estudyante at palaging lumilipad ang isip
Kate - presidente at pinakanangunguna sa klase
Rico - matalik na kaibigan ni DJ.
Joel - gwapong manliligaw ni Kate.
Gem - tagalista ng maingay at matalik na kaibigan ni Kate
Mervin - Kenkoy ng klase. May lihim na pagtingin kay Gem.


-------
for play 2
for play 3
for play 4
-------


-------


Kate : Ayieh! Wow! So anong plan mo? Dali!!!

Gem : Plan ko? Wala! Hindi ako magpapatalo kaya deadma na lang.

Kate : Wow ha pakipot ka talaga.

Gem : Hindi nya ako kaya.

Kate : Goodluck. Ewan ko lang kung magawa mo yan kapag nagkita na ulit kayo.

Gem : You'll see. Goodnight na bes.

Kate : Sige mare. Sweet dreams. Magkita sana kayo ni Mervin sa panaginip.

Gem : Kayo din ni at saka ni.

Kate : Hoy! Good night na!


Lingid sa kaalaman ni Gem nakangiti pa din siya hanggang sa maibaba na niya ang telepono. Niyakap niya muna ang rabbit saka lumapit sa kama.


Gem : Pati ba naman ito!

Gulat na gulat si Gem sa kanyang nakita. Pagbuhat niya kasi ng kanya kumot ay may nakasulat sa kanyang bed sheet.

Gem : (binasa ang nakasulat sa bed sheet) Gem, Don't get mad, washable ink naman ang ginamit ko. (nakahinga ng maluwag si Gem) Baka kasi liparin lang ng hangin kaya hindi ako nagsulat sa papel.
Huwag mo sanang iisipin na nakikipagpustahan lang ako. Bago pa ang deal natin naiplano ko nang gawin ang lahat ng ito. Siguro iniisip mo na dinadaan ko pa din sa biro pero sa pagkakataong ito seryoso ako. Naalala mo ba noong mga bata pa tayo, ang araw na nagkakilala tayo? Umiiyak ka noon kasi natatakot ka sa bubuyog, hindi ka tuloy makaakyat sa slide sa may plaza. Sakto naman dumating ako, gamit ang espada kong kawayan ipinagtanggol kita sa bubuyog. Tumigil ang pag-iyak mo at ngumiti ka sa akin. Natuwa ako kaya ipinangako ko sa sarili ko na ako ang magiging tagapagtanggol mo sa lahat ng oras. Itinuring na kitang prinsesa simula noon. Ayoko ko kasing makita kang umiiyak muli. Alam mo hanggang ngayon, hanggang sa pagtanda ko, dadalhin ko ang pangako ko iyon. Kaya hindi ako papayag na may manakit sa'yo. Huwag kang maniwala na tinatakot ko ang mga gustong manligaw sa'yo. Hindi naman ako tutol kung manligaw sila basta huwag ka nilang paiiyakin dahil kung mangyayari iyon baka maranasan nila ang sinapit ng bubuyog. Nga pala, pasensya na kung inaasar kita dati sa suot mong clip, way ko lang iyon para mapansin mo ako. Pero cute ka kapag suot mo iyon. May clip sa ibinigay kong rabbit. Kung susuotin mo iyon bukas ibig sabihin dapat ko pang ituloy ang pagiging tagapagtanggol ko pero kung hindi dapat na siguro akong sumuko.

Post Script : oopss! mali palang marker ang dala ko. hindi pala ito washable. peace.

Kahit may pagkainis napapangiti pa din si Gem. Lumapit siya sa rabbit at tinitigan ang clip.

Gem : Mervin hindi ko susuotin ang clip.


Kinabukasan, matapos ang rehearsal ay hinanap agad ni DJ si Mervin para makibalita sa plano nito.

DJ : Uy! Anong nangyari?

Mervin : San?

DJ : Sa pagtatapat mo kay Gem?

Mervin : Hindi ko pa nakikita si Gem e. Magtatapat ako kapag nakita ko na ang sign.

DJ : Sign?

Mervin : Basta!

DJ : Sus, damot naman nito.

Mervin : Maiba ako, kamusta ang play?

DJ : Ok na. Pulido na ang lines ko.

Mervin : Wow. Dapat best actor ka. Talunin mo ang Joel na iyon. Dapat mas pogi ka sa kanya sa mata ni Kate.

DJ : Haha! Iniisip ko pa din kung dapat ba akong magtapat sa kanya. Baka kasi makagulo lang ako sa plano niya sa buhay. Isa pa, masyado pa naman akong bata para pumasok sa isang relasyon.

Mervin : At ako matanda na?

DJ : Hindi naman sa ganoon. Pero isipin mo, anong halaga ng lovelife sa isang high school student? Sa gaya ni Kate na tutok sa pag-aaral baka makaabala ako.

Mervin : Wow! Nahawa ka na kay Kate. Logical ka na mag-isip. Pero tama ka wala talaga masyadong benefit ang lovelife sa isang high school student. Aminin na natin masyado pa tayong bata para doon kahit nga panggastos natin sa date sa magulang pa natin hihingin.

DJ : Alam mo pala e. Bakit gusto mo pa din magtapat kay Gem?

Mervin : Seniors na tayo. Kaya hindi ako nagtapat noong lower year pa lang tayo kasi bata pa nga. Graduating na tayo ngayon kapag nagcollege na tayo maiiba na ang magiging classmates natin, maraming pwedeng umaligid kay Gem. Bakit hihintayin ko pa ang college kung pwede naman ngayon para walang makaaligid sa kanya.

DJ : Wow. Parang napanood ko na sa tv yan a.

Mervin : Loko. Magtapat ka na din tol kay Kate. Matalino siya alam niya kung ano ang masama at makakabuti.

DJ : After ng play.

Mervin : Goodluck!

Deretso sila ng classroom matapos ang usapan. Excited si Mervin makita si Gem pati na din ang magiging reaction nito. Handa na siyang magtapat basta makita niyang suot ni Gem ang clip.

Kate : (pabulong kay Gem) Papasok na si Mervin.

Gem : Hayaan mo siya.

Kate : Sus. Obviuos namang kinikilig ka.

Gem : Hindi no. (tumalikod kay Kate saka ngumiti)

Kate : Naku si Ma'am.

Teacher Nantes : Kate and DJ samahan nyo ako sa guidance office para sa final briefing.

DJ & Kate : Yes Ma'am.

DJ : (kinalabit si Mervin) Pare this is your time.

Rico : Your show. your time.

Mervin : Showtime?

Lumabas sina Kate at DJ kasama si Teacher Nantes.

Rico : Ok classmate. Bilang vice president ng class may naisip akong activity. Tutal malapit na ang graduation natin, sabihin natin ang gusto natin sabihin sa classmates natin. Like magpasalamat, magsorry and anything. Ok?

Class : Ok yan Rico!

Rico : I-arrange natin ang upuan by pair. 2 mins lang ang allowed kapag tapos na ang 2 mins palit partner na. Ok move.

Mervin : Salamat tol.

Rico : Tulad ng dati, huwag ka ng magpasalamat. convert mo na lang sa merienda.

Mervin : Dialog ko yan ah.

Sinunod ng mga kaklase ni Rico ang inutos niya. May umiyak, nagbati muli, may nagpasalamat dahil sa apat na taon niyang pagiging supplier ng papel. Dumating sa oras na si Mervin at Gem na ang magpartner. Nagulat si Mervin dahil hindi nito suot ang clip.

Mervin : Sorry sa pagsusulat ko sa bed sheet mo. Sa sobrang pagmamadali nalimutan kong mali pala ang dala kong marker. Papalitan ko na lang.

Gem : Huwag na. Luma na din naman iyon. Salamat sa rabbit. Alam na alam mo talaga ang mga bagay na magpapasaya sa akin.

Mervin : No problem.

Gem : Himala. Hindi ka yata nangungulit ngayon.

Mervin : Tulad ng sinabi ko sa sulat kapag hindi mo suot ang clip ititigil ko na ang pagiging taga pagtanggol.

Gem : Ayoko kasi maging tagapagtanggol kita.

Mervin : Ganoon ba. So friends na lang talaga tayo.

Gem : Hindi rin.

Mervin : Strangers?

Gem : Hindi .(bumulong) Gusto kong maging prinsipe kita...

Mervin : Ano?


itutuloy....

mahal ko ang asawa mo


Matagal din pala bago ako nakabalik sa dati kong mundo. Halos ko hindi ko na kilala ang mga taong nakapaligid sa akin. Samantalang dati kahit tsinelas ng bata alam ko kung sino ang nagmamay-ari. Nagtago ako, nagkulong at natakot sa pangungutya ng mga taong posibleng manghuhusga sa akin. Pero hindi pala, ako ang unang humusga sa taong mga nakapaligid sa akin. Hindi nila ako itinaboy bagkus ako mismo ang ang nagtulak sa sarili ko na lumayo sa kanila kahit handa nilang yakapin ang aking kamalian. Pinanguhan ko ang mga taong nagpapahalaga sa akin. Nagawa kong iwasan ang mga kaibigan kong kasama mula pagkabata. Mga taong handa akong tanggapin kahit wala akong kailangang sagutin na tanong.

Alam kong mali ang ginawa ko pero itinuloy ko. Hindi tukso ang lumapit sa akin para magmahal ng babaeng pagmamay-ari na ng iba kundi ang kagustuhan kong mailigtas siya sa lalaking nanakit sa kanya. Noong una, tulong lang ang gusto kong ibigay subalit humantong sa puso ko na ang handa kong isugal. Hindi biro ang pinasok ko, mali sa mata ng nakararami, labag sa batas at higit sa lahat isang malaking kasalanan sa Diyos ang magmahal ng babaeng may asawa na.

Kalalabas ko lang noon sa bangkong aking pinapasukan, naimbitahan ako ng isa kong kabarkada na dumalo sa isang piyestahan sa karatig barangay kasama ang ilang pang katropa. Kapatid niya daw ang pupuntahan. Alinlangan pa ako noong una dahil alam kong babaha ang alak, ako kasi ang may pinakamaliit na bahay-alak sa aming lahat. Madalas nga akong tawaging ninja ng mga katropa dahil bigla na lang akong nawawala sa kalagitnaan ng inuman. Wala na akong maisip na palusot kaya napapayag ako, tatakas na lang ulit ako kapag may pagkakataon.

Nahihiya akong makikain dahil hindi ko naman ugali ang dumalo sa mga piyestahan lalo na kapag hindi ko kamag-anak. Masarap ang mga handa pero sa chopsuey lang nakatuon ang akin atensyon. May bata pa nga akong nakalaban sa paghahanap ng itlog ng pugo sa chopsuey, kung tutuusin pwede naman akong bumili ng itlog ng pugo kesa makiagaw pa ako sa bata. Nagpaubaya na ako kahit gusto kong tadyakan ang bata. Hindi naalis ang paningin ko sa kanya kahit tapos na akong kumain para kasing nanadya, ubos na ang laman ng kanyang plato maliban sa itlog ng pugo na dinadahan-dahan niya pa kainin.

Lumabas ako ng bahay para panoorin ang babaeng bumabasag ng speaker ng videoke. Nakiupo na din ako sa tabi ng mga katropa ko habang nilaklak ang likidong posibleng magpaikot ng aking paningin. Pumili ako ng maraming kanta para makaiwas sa pagtagay. Hindi ko alam kung tama pa sa nota ang aking kinakanta, ang mahalaga hindi ako nalalasing. Ilang saglit ang lumipas matapos ang huli kong performance lumapit muli sa akin ang bata para hiramin ang song book. Sinundan ko siya ng tingin, iniabot n'ya ang song book sa babaeng tinawag niyang Mommy. Pansin ko sa babae ang mamula-mula na niyang mukha dahil sa alak. May kalakasan na din ang kanyang boses kapag nakikipag-usap sa kaharap niyang lalaki. Nawala lang ang atensyon ko sa kanila noong abutan ako ng beer ng may-ari ng bahay. Nagkaroon ng kwentuhan mula sa trabaho, ekonomiya, politika, brand ng sabon, pokemon ng anak niya at kung anu-ano pang pinag-uusapan ng mga lasing.

Mag-aalas onse na nang maisipan ko ng tumakas, pakiramdam ko kasi walang balak umuwi ang mga katropa ko. Isa pa, nakakaramdam na ako ng hilo. Pasekreto akong pumuslit papasok sa bahay, namaalam ako kay Melba, ang asawa ng kapatid ng katropa at lumabas ako gamit ang pintuan sa may kusina. Dumaan ako sa may madalim na bahagi ng daan para walang makapansin sa akin. Sumakay ako ng owner at tumalilis.

Habang nagmamaneho ay iniisip ko na ang pwedeng idahilan sa pagtakas ko sa inuman nang bigla kong napansin ang isang babaeng nakaluhod sa may gilid ng daan. Nakatungo ito at hindi kakikitaan ng pagkilos. Agad akong bumaba para tingnan ang kalagayan ng babae.

"Miss okay ka lang?" Tinapik ko ang babae pero walang naging tugon.

Inalalayan ko siya. Pilit ko siyang itinatayo pero ayaw niyang tulungan ang kanyang sarili para makakuha ng balanse. Naaamoy ko ang alak sa hanging nanggagaling sa kanyang bibig. Iniangat niya ang kanya mukha, tumitig sa akin. Nagulat ako. Siya ang babaeng tinawag na Mommy ng bata sa bahay nina Melba. Mula sa liwanag ng dumaang sasakyan, napansin ko ang sugat sa kanyang labi at malaking pasa sa paligid nito.

Lumuhod muli ang babae. "Ram, please don't leave me! Don't leave me pleaseeee..." Niyakap niya ang mga binti ko. Ilang beses niya akong tinawag na Ram dala siguro ng labis na kalasingan.

"Miss, hindi ako si Ram."

"Please...." Humaguhol ang babae.

Nagdesisyon akong iuwi muna sa bahay ang babae kesa bumalik pa ako. Masyadong kasing matrapik kung makikipagsiksikan muli ako. Pagkarating ko ng bahay ay agad kong tinawagan si Melba para ipaalam ang kalagayan ng kanyang bisita. Dumating naman agad si Melba para personal na asikasuhin ito.

"Magandang umaga," bati ko sa babae pagkagising nito. "Mae pala ang pangalan mo. Huwag kang mag-alala hindi ako ang nagbihis sa'yo. Si Melba. Nasukahan mo kasi ang damit mo kagabi."


"Ganoon ba? Bakit nga pala ako nandito?" tanong niya.

"Lasing na lasing ka kagabi. Nakita kitang nakalugmok sa daan. Masyadong delikado ang daan kaya isinama muna kita dito."

"Salamat. Mr??"

"Call me Jaydell. Ihahatid ka na namin mamaya pagkatapos kumain."

"Oh, Mae gising ka na pala," si Melba.

"Salamat mare ha. Nakaabala na naman ako sayo," paumanhin ni Mae.

"Naku kay Jaydell ka magpasalamat. Kung hindi yan tumakas sa inuman kagabi malamang hindi ka niyan nakita." Tinapunan ako ni Melba ng tingin saka bumalik kay Mae. "Maiba ako, sinaktan ka na naman ni Ram?"

"Dala lang siguro ng kalasingan kaya niya ako nasaktan."

Nakikinig lang ako sa naging usapan ng dalawa pero naawa ako sa kalagayan niya. Ipinagtatanggol niya pa din ang asawa sa kabila ng paulit-ulit nitong pananakit sa kanya. Base sa kwento ni Melba, may oras na halos hindi makagalaw si Mae dahil sa tindi ng tinanggap nitong sugat at pasa. Madalas si Melba ang nagiging karamay ni Mae sa bawat sakit at paghilom ng sugat ng puso.

Inilapit ko ang aking sarili kay Mae. Tinulungan ko siyang pawiin ang sakit na iniwan ni Ram sa kanya. Unti-unti, iminulat ko siya na hindi niya kailangan ang isang gaya ni Ram sa buhay niya. Itinatak ko sa isip niya na hindi niya kailangan ng asawa kung hindi naman ito umuuwi sa kanya. Higit sa lahat, ipinaramdam ko sa kanya ang pagmamahal na hindi niya naramdaman sa lalaking inakala niyang magbibigay nito.

Nagmahal muli si Mae. Napaniwala ko siyang tama ang ginagawa namin. Naramdaman muli niya ang bisa ng bawat halik, ang kahulugan ng bawat ngiti, ang sarap ng bawat yakap at ang ganda ng bawat umaga sa piling ng minamahal. Espesyal ang bawat araw na magkasama kami. Bumuo kami ng mundo na sa amin lang dalawa lang umiikot. Ipinangako ko din sa kanya ng mamahalin ko din ang anak niya kung ibabalik ito sa kanya ng kanyang asawa.

"Lumabas ka! Malanding babae! Mae!" sigaw ng isang lalaki mula sa labas ng aking bahay. Ang asawa ni Mae.

"Huminahon ka wala dito ang hinahanap mo." tanggi ko agad. Lasing ang siya kaya alam kong walang patutunguhang mabuti kung haharapin pa siya ni Mae.

"Sinungaling!" Isang suntok ang pinakawalan ni Ram na agad kong ikinabuwal.

Akma akong gaganti pero nagawa akong yakapin ni Mae mula sa akin likuran. "Huwag, Jaydell! Tama na. Please?!" pagmamakaawa ni Mae. Lumapit siya kay Ram at nagyaya umuwi.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko matanggap. Mas pinili niya ang isang taong hindi nagpapahalaga, ang taong nanakit sa kanya.
Nasaktan ako ng sobra at wala akong mukhang maiharap sa mga tao matapos ang eksena. Nanahimik ako at nagtago sa posibleng pangungutya.

Matagal bago ako muling humarap sa totoong mundo. Halos wala na akong kakilala. Pero sa aking pagbabalik, walang humusga sa akin. Walang nagtanong bagkus may nagpasalamat pa dahil nabigyan ko ng direksyon ang buhay ni Mae. Hiwalay na sila ni Ram pero mas pinili niyang huwag sumama sa akin para makaiwas sa posibleng gulo na idulot nito.


"Hanggang ngayon mahal ko pa din ang si Mae."

"Pare tagay!"



12:07 AM 4/6/2010

for play (5)


for play = para sa play (iskul-iskulan play)

request story lang. gagamitin daw sa play ni DJ.

Topic : high school life...

----------
Mga tauhan

Teacher Nantes - class adviser, play director
DJ - bobong estudyante at palaging lumilipad ang isip
Kate - presidente at pinakanangunguna sa klase
Rico - matalik na kaibigan ni DJ.
Joel - gwapong manliligaw ni Kate.
Gem - tagalista ng maingay at matalik na kaibigan ni Kate
Mervin - Kenkoy ng klase. May lihim na pagtingin kay Gem.


-------
for play 2
for play 3
-------

Kinabukasan, kinabahan agad si Gem. Pagkapasok niya ng classroom ay pinagtitinginan na agad siya ng mga kaklase. Alam niya sa sarili na wala siyang ginagawang masama. Bawat hakbang niya ay may katumbas na bulong.

Gem : Anong nangyayari? (tumakbo siya nang makitang padating ang kaibigang si Kate)

Kate : Gem, tingnan mo ang upuan ni Mervin?

Gem : Bakit? May ginawa na naman ba siyang kalokohan?

Kate : Basta tingnan mo!

Gem : What the!!!

Kate : Sweet naman oh. (hinila ni Kate palapit sa upuan ni Mervin si Gem. Wala si Mervin sa upuan nito bagkus ay isang malaking rabbit sa leeg nito ay may nakasabit na pendant, nakasulat dito ang Mervin)

Gem : Laki naman nito.

Rico : Kausap ko kanina si Mervin. Hindi daw siya papasok, pansamantala ang rabbit na ito ang representative niya sa klase.

Kate : At ikaw ang spokeperson ni Mervin? Si DJ?

Rico : Nasa library.

Gem : Nag-aaral siya?

Rico : Hindi. Natutulog. Napuyat yata kagabi.

Kate : Saan naman?

Rico : Teka, parang nagiging spokeperson na nga yata ang dating ko ah. Puntahan nyo na lang siya.

Lumabas ng classroom ang dalawa at agad pinuntahan si DJ sa library.

Gem : Sinabi mo ba kay Mervin na favorite ko ang rabbit?

Kate : Hindi. Magkasama tayo kahapon kaya hindi ko alam ang ginagawa niya.

Gem : Loko iyon ah. Hindi pa talaga pumasok manalo lang.

Kate : Teka, paano siya mananalo kung wala siya sa klase.

Gem : Hindi ko alam. Hayaan mo na siya. Baka naman sadya siya nagpapatalo?

Kate : Bakit?

Gem : Para makadate mo si DJ. Maaring magkasabwat yung dalawa.

Kate : Oo nga no. Kasi kung makakasama ko si DJ, masosolo ka naman ni Mervin.

Gem : Mautak talaga ang walanghiya.

Kate : Mukhang naisahan tayo ah.

Pagkapasok nila ng library, hinanap agad nila si DJ. Nakita nila itong tulog sa may journals section.

Gem : Huy! Hoy! Umaga na!

DJ : Uy, bakit kayo nandito?

Kate : Ikaw ang bakit nandito?

DJ : Nagbabasa lang kaso nakaidlip yata ako.

Gem : Correction. Nakatulog hindi idlip. Nasaan si Mervin?

DJ : Hindi ko alam. Maaga akong umuwi. Nagpapasama nga sa mall kahapon kaso tinatamad ako kaya sila na lang ni Rico ang lumakad.

Kate : Bakit parang antok na antok ka?

DJ : Napuyat lang. May tinapos kasi ako. Nga pala hinintay kita kahapon kaso nalimutan mo yata.

Kate : Gosh. Oo nga pala. Si Gem kasi.

Gem : Bakit ako? Ikaw ang telebabad kahapon.

DJ : Ok lang. Dala ko naman ang ibibigay ko sayo. Pasasalamat sa tulong.

Gem : Ehem! Kailangan ko na yatang umeexit. (lumabas ng library)

Kate : Asan? Excited na ako.

DJ : Pikit ka muna.

Kate : Anong drama to?

DJ : Basta!

Kate : Bilis! (Pumikit ng bahagya)

DJ : Huwag madaya! Pikit!

Kate : Tagal naman kasi.

Inilibas ni DJ ang ginawang drawing para kay Kate. Hindi niya sinunod ang suggestion ni Rico at Mervin. Bagkus ay nagdrawing siya ng chibi image nilang dalawa ni Kate. Nasa aktong nagtuturo si Kate habang may malaking pawis naman si DJ dahil hindi niya maintindihan ang lecture. Sa pagmulat ni Kate ay wala na si DJ sa harap niya. Lumabas si Kate ng may ngiti sa labi.

Gem : Aba mukhang naheadshot ka ng tatlumpong kupido ah!

Kate : Hindi no! Natutuwa lang ako sa ibinigay ni DJ.

Gem : Patingin nga! Cute naman. Sat tingin ko type ka talaga ni DJ.

Kate : Hindi naman siguro. Nagpapasalamat lang siguro sa tulong ko.

Gem : Pero panay ang build-up ni Rico at Mervin sa kanya.

Kate : Speaking of Mervin, nakita mo na siya?

Gem : Hindi pa at wala akong balak hanapin.

Teacher Nantes : Class sa Friday na ang play. Sana maging maayos ang takbo ng lahat. Kate and DJ umaasa ang klase sa inyo.

DJ : Opo. (nagkakamot ng ulo.)

Teacher Nantes : Bakit ba may rabbit sa upuan ni Mervin? Nawawala ako sa concentration.

Rico : Siya po si Mervin pansamantala.

Teacher Nantes : Nasaan ba si Mervin?

Rico : Absent po.

Palihim na napapangiti si Gem sa tuwing mapapatingin siya sa gawing bintana, malapit kasi dito ang iniupuan ni Mervin.

Uwian..

Rico : Gem! Nagtext si Mervin. Para sayo daw ang rabbit na to. Kung hindi mo naman daw magustuhan itapon mo na lang sa bintana.

Kate : Iuwi mo na! Sayang ang effort nung tao.

Gem : Asungot kamo.

Pag-uwi ni Gem ng bahay ay agad na tinawagan niya si Kate.

Kate : Hello?

Gem : You wont believe this!

Kate : What? Yan napapaenglish na din ako sayo e.

Gem : Kaya pala wala si Mervin e sinamantala ang pagiging close sa pamilya ko. Para makapasok sa room ko.

Kate : Then?

Gem : Pagkabukas ko ng room, madaming bulaklak sa loob and I think may alam si DJ dito. Kasi may portrait na kasama, picture namin ni Mervin noong six years old pa kami noong umattend kami ng flores de mayo.

Kate : How sweet. Ano pakiramdam?

Gem : I don't know. It's hard to explain. Hindi ko alam kung maanis ako..

Katahimikan..

Kate : Hello.. Gem! Andyan ka pa?

Gem : Oo.

Kate : Bakit nawala ka?

Gem : Kasi.. kasi...

Kate : Kasi?

Gem : Kinikilig ako...

itutuloy....