Skinpress Rss

First Time


Suntok sa buwan ang pagkikita namin ngayon ni Lyza. Walang kasiguraduhan kung darating siya. Basta ang usapan namin ay magkita kami dito. Kung may pagkakataon tatakas siya o gagawa ng palusot para makaalis. Mahigpit ang mga magulang niya kaya hindi basta nakakaalis ng walang dahilan. Medyo takot si Lyza kasi first time niyang tatakas.

Buti na lang biniyayaan ako ng mga magulang na may malawak na pang-unawa. Hindi nila kami tahasang pinagbawalan na pumasok sa isang relasyon bagkus ay pinakiusapan na kung maari ay huwag muna pero kung hindi talaga maiiwasan sa bahay na lang magkita kaysa kung saan saan lang. Tulad kay ate, ilan taon na din sila ng kasalukuyang boyfriend niya. Pinahintulutan nilang dumalaw si Marc sa bahay noong manliligaw palang siya ni ate. Katwiran ng magulang ko mas maayos daw ang ganun para maiwasang mapabalita si ate na nakikipagtagpo lang sa kalye.

May katwiran ang magulang ko. Ayoko din ng lagay namin ni Lyza. Dahil pinagbabawalan lalo naman siyang sumusuway. Nagkakaroon pa siya ng takot sa magulang niya na magpaalam kaya nagkakaroon ng gap at nawawala ang parent-child communication. Gusto ko sana sa bahay na lamang kami magkita pero maaring makita siya ng mga kamag-anak niya kaya sa mall na lamang kami nagkasundong magtagpo.

Pitong minuto pa lang ang nakalipas ay nagtext na agad siya na parating na. Madali siyang nakatakas dahil umattend ng kasal ang magulang at kapatid niya. Nangatwiran lang daw siya na tinatamad dahil mainit nga naman ang panahon. Hindi ko maikakaila na kinakabahan ako dahil first time ko din pumasok sa isang relasyon at ganito pa kakomplikado. Mas mapapanatag pa siguro ang loob ko kung kaya niyang ipaliwanag sa kanyang mga magulang na handa na siyang pumasok sa isang relasyon tutal tapos na siya ng pag-aaral.

Sinalubong ko ng ngiti si Lyza pagkapasok niya ng mall. Hinawakan ko ang kanyang kamay at niyaya ko muna siyang kumain. Habang naglalakad, inilahad niyang natatakot pa siya sa pagkikita namin pero handa naman daw siya sa posibleng consequence. Pinakalma ko ang loob niya. Sinabi ko sa kanya kung hindi pa siya ready pwede naman siyang umurong. Maari pa namang pagkakataon. Umiling lang siya. Tulad ng una niyang sinabi, handa na siya sa lahat ng consequence ng papasukin namin.

Matapos ang pagkain at kaunting kwentuhan, dumeretso na agad kami sa aming pakay. Pumasok kami sa isang resort kahit wala naman kaming balak magswimming. Mas komportable siya sa ganoong lugar kesa sa mga nagkalat na apartel sa lugar. Kinakabahan ako at nasasabik din. Pareho kaming inosente at hindi sigurado sa aming pinapasok. Mahigit ilang buwan na din namin pinagplanuhan at pinag-usapan ang aming gagawin kaya handa na kami sa posibleng kalalabasan ng aming unang pagniniig.

Una siya pumasok ng banyo para maligo. Nahiga muna ako sa kama habang hinihintay ang paglabas niya. Sa isip ko binubuo ko na dapat kong gawin pagkalabas n'ya ng banyo. Una kong hahalikan ang mga labi niya habang pinapakilos ko ang aking kamay sa kanyang bewang. Pagkatapos ay pagagapangin ko ang aking halik sa kanyang tenga at maingat kong aalisin ang kanyang saplot. Pantaas muna. Pagmamasdan ko ang kanyang kabubdan tapos sisiilin ko ng aking mainit na halik. Nanabik ako.

Lumabas siya ng banyo. Lumiwanag ang aking mukha. Akala ko mag-uumpisa na pero hinila nya ako mula sa aking pagkakahiga. Gusto niyang pumasok kami sa banyo. Mapanukso ang kanyang mga ngiti. Nalaglag sa sahig ang tuwalyang bumabalot sa kanyang katawan. Natuyo ang aking lalamunan. Nalunok ko ang pinakahuli kong laway. Mabilis kong inalis ang robang bumabalot sa akin.

Iniabot niya sa aking ang sabon. Pinaunlakan niya ang aking kamay na malayang hawakan ang lahat lahat sa kanya. Uminit ang aking katawan habang ginagawa ko ang ipinag-uutos niya. Pinagmasdan ko ang paglagaslas ng tubig na gumuguhit sa kanyang katawan. Idikit niya ang kanyang likuran sa akin. Ramdam kong inuutusan niya akong halikan ko ang kanyang leeg. Pinagapang ko ang sabon sa kanyang dibdib. Simulan kong halikan ang leeg niya. Marahan. Mapusok. Napaliyad siya at nagpaubaya sa mga labi ko. Kusa niyang idiin ang kanyang katawan sa aking kahubdan. Nasasabutan niya ako.

Ilang minuto kami sa ganoong sitwasyon. Kumilos muli ang aking kamay patungo sa aking inaasam. Humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Pinaliguan ako ng halik. Sa leeg. Sa dibdib. Kumalas siya sa pagkakayakap. Kumilos ang kanyang kamay na nagdulot ng kakaibang sensasyon. Dinama niya ang kurba ng aking katawan. Tumindig ang aking balahibo. Nawiwindang ako sa nangyayari.

Bumaba sa aking pusod ang kanyang kamay at hanggang sa dumako sa galit na galit kong laman. Ilang segudo lang. Napamura ako. Nakakainis.

"Ba't? ambilis." pagtataka niya.

----------
para informed sa updates pafollow naman sa fb : tuyong tinta ng bolpen

HU U? (11)






chapters 1|2|3|4|5|6|7|8|9|10|







Dati, palagi akong nangangarap na magkaroon ng babaeng ikukulong ko sa aking mga bisig at hahaplusin ang buhok habang nanonood ng tv. At ngayon, natupad na nga. Dalawa pa. Kahit humble ako, pakiramdam ko tuloy napakagwapo ko.

Nakakabighani talaga ang pagiging malambing ni Jane kaya kahit brat siya madaling napagbibigyan. Mahirap nga lang kapag nasobrahan. Kinagat nga n'ya ang kamay ko kasi trip lang daw nya. Pero noong naikwento ko kay Daddy, sinabi nya na gawain din daw iyon ni Mommy kapag naglalambing. Kumbaga may papasok na lang na mga demonyo sa utak ng babae tapos bibiktimahin ang nanahimik na kamay o braso at kapag minamalas-malas tenga o balikat ang kakagatin.

Naaliw ako sa mga rebelasyon ni Daddy. May itinatago din palang kalandian ang magulang ko. Sa Day Care Center sila nagkikita ni Mommy. Naging palusot nila ang pagbabantay sa nakababatang kapatid para sa sekretong magkita. Inaabutan na lang ni Daddy ng barya ang kapatid ni Mommy para hindi magsumbong. Kwento pa niya, tutol daw sina lola sa relasyon nila kaya naisipan nila magtanan. Muntik pa nga daw mapurnada dahil hindi mapatakbo ng maayos ni Daddy ang padyak na hiniram niya sa kaibigang si Mang Mar.

"May kabigatan kasi ang Mommy mo!" natatawang wika ni Daddy.

"Sumbong ko kayo."

"Load? Manahimik ka lang." suhol ni Daddy sa akin. Alam niyang tatalakan siya ni Mommy kung magsusumbong ako.

"Sige po. Tatlong daan."

"Mahal. One hundred na lang?" tawad ni Daddy.

"One fifty! Last bid."

"Deal!"

Nakatulog akong may ngiti sa labi kagabi. Kakaiba talaga ang dala ng pag-ibig. Lalo na kung mainit ang pagsasama higit pa sa init na dala ng magkasintahang magkayakap sa jeep kahit ang araw ay tirik na tirik. Kaya desidido na akong sabihin ang lahat kapag sinabi sa akin mamaya ni Sofia na mahal na din niya ako. Hindi naman sa naninigurado ako pero iyon ang alam kong dapat.

Bitbit ang excitement na nabitin, positibo kong nilakad ang apartment ni Sofia. Mas pinili kong maglakad. Bukod sa tipid baka madiskubre pa ng mga driver ng padyak ang sekretong lakad ko. Hindi na ako nagbitbit ng pasalubong para hindi na mag-usisa pa ang mga magulang ko. Susulitin ko ang oras na magkasama kami dahil nakapangako na ako kay Jane na magkikita kami sa hapon.

Nakatayo si Sofia sa may pintuan noong dumating ako. Her smile makes me weak. Hindi ko maitatangging mas kaakit-akit ang ngiti ni Sofia kumpara kay Jane. Alam ko hindi naman sila dapat pagkumparahin pero hindi ko maiwasan dahil pareho silang may mahalagang ginagamapanan sa buhay ko.

"Sorry kung medyo natagalan," hingi ko ng paumanhin habang pumapasok sa apartment. "May inasikaso pa sa bahay."

"Ayos lang. Upo ka, kukuha lang ako ng snack natin." Lumakad si Sofia papunta sa kusina. "Dala mo ang hinihiram kong DVD?"

"Ah oo. Isasalang ko na para mapanood natin."

"Sige. Nasa drawer ang remote control."

Mahilig sa inspirational movies si Sofia. Napakastraight forward niyang tao kaya hinahangaan ko ang mga stand niya sa buhay. Lahat nasa ayos. Lahat planado. Sixteen pa lang siya ay natuto na siyang mamuhay mag-isa. Hindi siya ipinangak sa marangyang pamilya kaya lahat ng makikita sa loob ng kanyang apartment ay kanyang pinagpaguran. Kung tutuusin, napakalaking insulto noon sa akin dahil lahat ng bagay na meron ako ay galing sa pera ng mga magulang ako. Pero naisip ko, okay na din at least di naman ako pagod.

Isinandal ni Sofia ang kanyang ulo sa aking balikat. Kinuha niya ang aking kamay at idinampi sa kanyang bewang. Tahimik kaming nanood ng pelikula. Kapag napapansin kong seryoso siya inihaharang ko sa kanyang mukha ang ilang piraso ng corn chips. Kunyari isusubo ko pero ilalayo ko naman sa bibig niya kapag akma niyang kakagatin.


"Loi?" malambing na wika niya.

"Ano iyon Sofia?" Kinakabahan ako pero mas lamang ang excitement ko. Pakiramdam ko sasabihin na niya ang gusto kong madinig.

"Tanggap mo ba ako?"

Kumunot ang noo ko. Dapat ako ang nagtatanong noon sa kanya. "O-oo naman. Tanggap na tanggap!"

Tumahimik siya sandali. "I mean, kahit ano ako. Lahat ng meron ako. Ang kalagayan ko."

"Lahat! Tanggap ko lahat sa'yo." Siguro iniisip niya ang mas angat kong buhay kumpara sa kanya.

"Gusto kong sabihin sa'yo pero nagdadalawang isip ako. Gusto kong mahalin ka pero takot ako kung matatanggap mo ako."

"Mahal kita. Kung ano ka at lahat kaya kong tanggapin," seryosong katwiran ko.

Umagos ang kanyang luha. Tumakbo siya palayo at ikinulong ang kanyang sarili sa banyo. Dinig ko mula sa pinto ang kanyang hagulhol. Naguluhan ako.

"Loi, hindi ko kaya," wika niya. "Bumalik ako dito sa pag-asang buhayin ang anumang meron tayo. Inaamin ko, unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa'yo."

Ayoko kong mawala si Sofia. Hindi ko matatanggap na lalampas pa ang pagkakataong ito. "Makinig ka! Hindi kami ni Jane. Lahat palabas lang." Umamin na ako. "Gusto ko maging tayo. Please talk to me!"


Bumakas ang pintuan ng banyo. Sa palagay ko, naliwanagan siya sa ipinagtapat ko. "Hindi Loi. Hindi lang iyon ang dahilan."

"Ano?" Hinawakan ko ang kanyang mukha. Tinitigan ko siya. "Anong problema?"

"Buntis ako! Buntis ako, Loi!" Bumilis ang kanyang paghagulhol. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Buntis siya. Hindi ako ang ama dahil mas inosente pa ako sa rabbit na bagong silang. "Matatanggap mo ba ako?"

Matatanggap ko nga ba siya? Magugulat na lang ang mga magulang ko na may bitbit akong babae pauwi at may kasamang instant anak. Magsisinungaling na naman ako at sasabihin ko sa kanilang ako ang ama kaya hindi na kami pwedeng magpatuloy pa ni Jane. Wala na bang karapatan mahalin ang isang buntis? Mabubura ba ang pagmamahal ko sa kanya sa nadinig ko? Hindi ko alam.

"Sinong ama?" tanong ko. Hindi na siya nagsalita. Sabagay, kung sabihin man niya ang pangalan sigurado hindi ko din naman kilala. Dapat ko ba siyang mahalin? Kung tutuusin, marami namang single mom ang nakatagpo pa ng lalaking magmamahal sa kanila. At karapatan din Sofia ang mahalin.

Pinakalma ko muna si Sofia. Kusa niyang inilahad ang kwento. Noong umuwi siya sa probinsiya, muli niyang nakita ang dating kasintahan. Nabuhay ang pagtitinginan nila. Sa pangakong pakakasalan siya, ibinigay niya ang kanya sarili. Huli na noong malaman niyang kasal na pala ang lalaki. Bumalik siya dito para makalimot. Dalawang linggo matapos naming magkita saka pa lang niya nalaman niyang buntis siya. Hindi niya nagawang ipagtapat sa akin dahil hindi pa naman niya binubuksan ang puso niya para sa akin.


Buntis si Sofia. Makakaya ko ba siyang mahalin? Bakit hindi ako nasasaktan? Mahal ko ba talaga siya o mahalaga lang siya sa akin? Naguguluhan ako.

"Uuwi na lang ako Loi. Salamat sa iniaalok mong pagmamahal. Ayokong maging bahagi ka ng miserable kong buhay."

"Sofia?"

Pinigilan niya akong magsalita pa. "Bumitaw ka na Loi. Hayaan mong masalo ka ng tamang tao."

Niyakap ko si Sofia. I pat her back to ease the pain. Hindi ko man mabura ang sakit gusto ko lang ipadama sa kanya na may karamay siya.


----------
para informed sa updates pafollow naman sa fb : tuyong tinta ng bolpen

tuesday ang karugtong...

quotable quote


galing kay akane



Dear Girl with Braces,


Dear Girl with Braces,

Alam ko magugulat ka kasi sumusulat na ako ng love letter. Matagal na akong nagpapraktis gumawa nito kaso di ko alam ang tamang salita para idescribe ang nararamdaman ko. Hindi sapat ang letra sa alphabet pati na ang mga chinese character.

Masaya ako kanina. One year na pala tayo. Binibiro lang kita na nakalimutan ko. Sinabi ko pa, di ako makakarating sa plano mong date kasi may gagawin ako. Pero ang totoo, nagtatago lang ako ilang metro mula sa'yo. Natatawa nga ako sa itsura mo kasidismayado ka. Tapos noong sumulpot ako, bigla kang nagpapadyak. Para ka ngang bata hindi ko alam kung naaasar ka o natutuwa. Nakasimangot ka pa noong niyakap mo ako. Bulong mo pa, "Happy anniversary, gago." Hindi mo na pinansin ang dala kong bulaklak. Sabagay, ang mahalaga naman magkasama tayo. Sayang nakatipid sana ako.


Natatandaan mo ba kung paano tayo nag-umpisa? Hindi nga natin gusto ang isa't isa. Pareho tayong bitter that time. Sa kwentuhan nga natin, were both hopeless romantic pala. Then nagsuggest ako na tayo na lang. Nagulat ako pumayag ka.

Alam mo iniisip ko, kung ilang beses kang pumapasok sa isip ko. Isang beses lang pala kasi hindi ka naman nawala na sa isip ko. Sa gabi nga, kinukulang ang stars para i-match sa nararamdaman ko para sa'yo. And before I sleep, I love to chase you on the clouds. Get tired, rest in yours arms and rewind our our favorite movie--our own love story.

Bawat araw mas lalo kong naeenjoy na kasama ka. Lalo na kapag nanood tayo ng doraemon. Hindi ko naman talaga paborito iyon, gusto lang panoorin ang bawat ngiti mo. Malunod sa tawa mo at makita ang sarili ko sa mga mata mo. Kanina nga, noong nabuking mo akong nakatingin sa'yo, pilit mong tinatakpan ang mata ko. Umabot nga sa mahulog tayo sa sofa. Naputol tuloy ang salamin ko. Sabi mo, lalagyan mo na lang ng tape. Noong inaalalayan kitang tumayo, hindi ko pansin na matagal na pala akong nakatitig sa'yo. Bumilis pa nga tibok ng puso ko. Hindi ko na napigilang halikan ka. First kiss natin di ba? Kinukulit nga kita kasi tahimik ka. Akala ko kasi galit ka, kinikilig ka lang pala.


I love you with my whole existence and loving you is my lifetime commitment. I know our love will last forever because our love just keeps getting sweeter and stronger as the days go by and the years grow longer.



Love,

Guy with Duct Taped Glasses


--------