Skinpress Rss

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tulog sa office. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tulog sa office. Ipakita ang lahat ng mga post

It's Joke Time



WARNING: corny ito mga pips!


Mga naisip kong joke habang inaantok sa all surround sound jeep.



isdyoktym
-------


panjo : mukhang puyat kayo?

tatay ni panjo : hindi ako nakatulog.

panjo : iwasan nyo na po ang panonood ng bold.

tatay ni panjo : loko! dahil sa hilik mo!

panjo : hindi naman po ako naghihilik.

tatay ni panjo : Naghihilik ka! Malakas pa sa busina ng jeep.

panjo : Ows? wala naman po akong nadidinig.



--------------

panjo : (hikab with feelings) hello?

tatay ni panjo : anak anong oras ka uuwi?

panjo : after office hours po. (hikab)

tatay ni panjo : inaantok ka ba? Hindi kita maintindihan e.

panjo : Sorry po. Bagong gising po.

tatay ni panjo : Aba! (sigaw) loko kang bata ka baka mapagalitan ka! @!#%!

panjo : Huwag po kayong sumigaw magigising sila.

------------


client ni panjo : Excuse me.

panjo : Pasensya na po. Napaidlip lang.

client ni panjo : Okay lang. Mainit kasi kaya nakakaantok.

panjo : Oo nga po. Naghihilik ba kayo Ma'am kapag mahimbing ang tulog?

client ni panjo : Hindi ah!

panjo : Ows? Nadidinig nyo?

client ni panjo : Alam ko sa sarili ko. At sabi din ng family.

panjo : Tabi tayo matulog mamaya para makumbinsi ako.

------------

manager ni panjo : Natutulog ka daw sa oras ng trabaho?

panjo : Hindi naman po.

manager ni panjo : Sabi ng guard nahuli ka daw nya natutulog.

panjo : (umisip ng palusot) Naku wag po kayong maniwala dun!

manager ni panjo : At bakit?

panjo : Nanaginip lang po siya.


---------

corny na.. tama na..