Skinpress Rss

Si James Yap Kasi


Litrato ni tuyong tinta ng bolpen.2008 pala noong huli akong nanood ng pelikula sa sinehan madalas kasi sa bus na lang.

Sinaniban ako ng anghel ng kasipagan kaninang umaga. Isinulong ko ang aparador pakanan sa pwesto ng inaagiw na computer monitor. Hindi ko na kailangan maghukay para makatuklas ng mina madalas matatagpuan ito sa likod o ilalim ng aparador. Nandoon pala ang nawawala kong pouch. Tanda ko pa na pinagbintangan ko si Gelo sa pagkawala nito. Muntik pa kami magkainitan. Magsorry pa kaya ako? Hindi na siguro. Sure ako hindi lang ako ang guilty ng ganito sa mundo. Tama?


Paborito ko ang pouch kaya muntik kong ipaglaban ng palitan ng mukha kay Gelo. Parehong trip namin ang camouflage design kaya umiikot kami sa mga RRJ store bonus na lang ang mga saleslay na kita ang pusod at kuyukot. Last stock na kaya ako lang ang sinuwerte. Si Gelo iyak. Puro ticket ang laman ng pouch. Mga "memorable" na tickets. Winning lotto ticket na hindi ko naclaim. Balik taya lang kaya ginawa ko na lang pampaswerte. PBA tickets at Dark Knight movie ticket.



July 9, 2008, Sinipa ni James Yap ang import ng TnT tapos bigla tumakbo. Habulan silang dalawa sa loob ng Ynares habang si Kris Aquino iniimagine ko na sumisigaw.

"Jaaamees takboo. Super faassst.." sabi ko kay Gelo.

"Pangit dre. Hindi bagay sayo maging parody ni Kris. Para kang kambing."

"Bimbyyyyy. Si Jamess make tadyak that big black. import .."

Habang nagpapalitan kami ng kakornihan ni Gelo, may tumatawa palang chick sa tabi ko. Tinapik ko si Gelo at nagkatinginan kami. Syempre umiral ang pagiging Hokage taymstu-taymstu. Inihulog ko ang aking Giant hotdog. Sa sobrang laki alam kong napansin nya. Nagpagulong-gulong ito na parang nangingisay na talagang panghihinayang ng kahit sinong loyal Purefoods fan.

"Pre giant hotdog mo nahulog," puno ni Gelo. "Baka kung san mapunta yan. Juicy pa naman."

"Supporter yan ni idol James! Kita mo naman million moves bago lumanding sa sahig."

Dahil idol ko si James ginaya ko ang million moves. "Miss napapasin kong masyado kang masayahin."

"Nakakatawa ka kasi." sagot niya.

"Hindi pa tayo magkakakilala napasaya na kita lalo na siguro kung friend tayo sa friendster." Alam kong makaluma yan. Pero teknik yan noon. Para hindi kayo mawalan ng contact dapat gagawa ka ng paraan na magkakausap kayo sa mga susunod na panahon. Pero kahit luma 'yan malamang may gumagawa pa nya. At doon na! The rest is written in my imaginary history book. Friend na kami ni Tracy.


Nakakutuwa naman ang lamang ng pouch. 2008 pala noong una at huli kaming nanood ni Tracy ng sine. Grabe ang pila ng Dark Knight. Siksikan. Halos hindi ko makita ang ticket seller. Enjoy na enjoy naman ako dahil lingkis na lingkis sa akin si Tracy. May konti akong pakiskis para maramdam ko ang ganda chasis.

Itinago ko agad ang movie ticket sa pouch dahil alam kong magiging memorable ang gabing ito. Karera ang thoughts sa utak ko. Nakakabaliw. Nakakagigil. Nostalgic ito sa mga kapwa manyakis na nagtatago sa codename na hokage. Basta ganitong hokage move alam na ang kasunod lalo na kung may intense na kiskisang nagaganap. Doon kami sa pinakadulo pumuwesto. Paramdaman. Bungtong hininga. Hawak ng kamay. Lapat ng konte sa hita. Hindi pumalag kaya nagfulltime muna. Lipat sa bewang. Sa may tyan. Tapos.... Syempre sa balikat.

At ang pinakahihintay iniready ko ang tissue dahil maiiyak ako kay Batman. Bata pa lang ako kalaban na niya si Joker hanggang ngayon hindi pa din nabibitay. Hinawakan ko ulit ang bewang ni Tracy. Medyo naging malikot ang aking kamay at bigla kong nilamutak ang hawak kong tissue. Grabe sobrang lambot ng tissue. Dahil siguro ito ay 2ply at gawa sa ultrafine fabric. Inenjoy ko ang paglamutak. Hanggang sa lumapat na ang aming labi. Sarap. Sarap ng pagkakalapat ng labi namin sa straw.

Okay sige. Atat kayo. Kaya bibilisan ko. To make the story short. Nagmomol kami sa loob ng sinehan. Aatake na ako nang biglang harangan niya ang kamay ko. Mabilis ang kanyang depensa. Ayaw pahawakan. Hindi ako papayag na sa taas lang. Hindi pa ako nabibigo.

Nagbuntong hininga muna ako. Hinawakan ko ang pisngi niya. Iniikot naman niya ang kanyang kamay sa aking leeg. Nagpapalitan kami ng buntong hininga. Nag-uusap ang aming heartbeat.

"I hope this won't be the last," dumayalog pa si Tracy. Tumango si Taguro este ako.

"There is no last. Only beginnings."counter diaglog ko. Pamatay 'di baa? Gayahin mo na.

Pumikit siya noong maglalapat na ang aming mga labi. Kaya dinakot ko na!!!! Anak ng kalabaw. May tender juicy giant hotdog si Tracy!




2008 pala noong huli akong nanood ng pelikula sa sinehan. At wala a akong balak sundan.