Umiiyak na naman si ate. Ilang araw na siyang hindi kumakain ng normal sa kanyang capacity. Gusto ko sana siyang lapitan subalit hindi ko alam kung paano at ano ang nararapat na salita para kalamayin ang loob niya. Wasak na naman siguro ang puso niya. Sumigaw si ate tapos umiyak. Nadagdagan na naman pala ang timbang.
Gustong pumayat ni ate kaya nadamay ang aming refrigerator. Madalas walang laman. Dalawang longganisa na lang ang laman ng freezer. Kung lulutuin ko pa wala ng kakainin si bunso. Kung lalaklakin ko naman ang natitirang tubig baka lalong magwala si ate. Dahil considerate ako hindi ko nalang pinakialaman bibili nalang ako ng red velvet sa labas.
Natutunan ko kay lolo na sa tuwing bumibili sa convenience store kailangang humingi ng resibo. Biruin mo nga naman, sa mga pagkakataong hindi ka hihingi ng resibo tinutukso mo ang cashier na hindi na ipunch ang bayad mo. Siguro kung may premyo pa sa resibo ang BIR malamang mayaman na ako sa dami ng laman ng bag ko.
Pamilyar ka ba sa "familiar stranger"? Sila yung mga taong madalas mong makita, madalas kang makita, maaring alam mo ang pangalan nila at alam din nila ang pangalan mo pero hindi kayo nag-uusap. Kagaya ng katabi kong babae ngayon sa fx. Syempre bukod dito sa driver. Sa iisang kompanya pero makaibang department kami kaya madalas kaming magkasabay. Hindi na siguro mabilang ang aming pagiging magkatabi sa biyahe, pagkikita sa daan, sa canteen at siguro pati sa panaginip. Pareho kaming nanggagaling ng Antipolo. Suki kami ng meal cheat sa canteen, ng GC sa Coop, ng kape sa vendo at syempre salary deduction. Sa simpleng salita madami kaming things and practices in common. Pero kahit ganon never kaming nagkausap o nagkangitian man lang kahit may pagkakataong nagtatama ang aming mata kasi nga pareho kaming stranger sa isat- isa. Kahit nagkikiskisan na ang aming balikat sa biyahe pareho kaming deadma maliban ngayon dahil siksikan pa kami sa unahan e wala na naman laman yung hulihan.
Gaano kaya kalaki ang bibig ni Nicole Hyala? Siguro kasya ang dalawa kong kamay tapos pwede pa pumalakpak. Hindi ko talaga tipo ang FM na tawa lang ng tawa. Pero nung napatutok ako nakakaaddict naman pala. Siguro dahil because mahilig talaga tayong tumawa, makitawa at may pagtawanan. Gusto ko sanang matulog sa biyahe kaso jamming silang dalawa ng driver sa pagtawa. Aliw na aliw sila sa delivery ng joke ni Nicole. Humihiwalay na ang pustiso ni Manong sa kanyang panga sa sobrang saya. Ang babae naman sa tabi ko may pagpalakpak pa. Wow! Nakakaabala ako sa happiness nila. Sana wala ako sa gitna nila.
Matindi nga din naman ang sense of humor ni Nicole. Kahit anong subject meron siyang adlib. Hinihintay ko nalang na magkaron siya ng sariling sitcom. "Your mouth sounds familiar" ang magandang title. Sure hit siguro yun! Tapos si Kris at Anne ang unang guest. Tapos may cameo role si cookie Monster.
Hindi ko namamalayan nakikitawa na rin ako. Pwede na kaming matokhang. Para na kaming close kasi wala ng boundaries ang aming pagtawa. Hanggang sa lumobo ang sipon niya. Bilog na bilog! Pagputok ng isa may kasunod pa. Grabe. Dinaig pa yung bubbles sa birthday party. Yak!
Wala siyang dalang bag. Pouch lang. Kinapa niya ang dalawang bulsa pero walang nakuhang pamunas. Pwede naman niya isimple sa upuan kaso baka makahalata si manong. Gusto ko sanang iabot ang basahan ni manong kaso greasy. Wala din naman akong panyo kaya no choice na. Binawasan ko ang collection ng resibo. Yung sa red velvet para brand new. "Wala akong tissue ito nalang muna," alok ko. Inabot naman niya makaraos lang. Pagkatapos nun, wala na ulit pansinan hanggang makababa kami.
Favorite ko ang break time kahit yosi at kape lang. Hithit-buga tapos konting sipol. Pero ngayong sipol at kape na lang. Bawal na kasi ang yosi. Kapag may dagdag VAT na ang asukal malamang sipol na lang ang break time. Pagkatapos kong pumindot sa vendo timing ang dating ni bubbles. Grabe naalala ko bigla ang sipon niya! This time nakangiti na siya. Hindi na kami stranger sa isa't isa. Biruin mo mga nga mawitness ko ang once in a lifetime event ng buhay niya.
Ngayon ko lang napagmasdan ng husto ang mukha niya.
"Kamukha ka pala ni Arci," umpisa ko.
"Munoz?" sagot niya.
"Taulava." Grabe na naman ang tawa niya. "Tara kape tayo dun. Tapos makinig tayo kay Nicole Hyala."
"Basta may dala kang resibo ha?" Nagkatawanan na lang kami. Si Nicole Hyala kasi."
wakas