May nagsabi sa akin na hindi pa pwedeng mamatay si Kardo sa Probinsyano kaya dapat umilag siya sa RPG. Hindi dahil sa mataas ang rating nito sa primetime kundi sa mga artistang tinetesting kung sisikat at para sa mga laos na pwede pang makabalik ng limelight. Testing waters ika nga ng mga burgis.
Iba't iba talaga ang topic kapag inuman kaya pati si Kardo napag-usapan. Hindi daw kasi nalalayo si Dalisay sa aming kapitbahay. Hindi pa pwede magretiro kahit nanlalagas na ang puting buhok kasi madami pang umaasa. Tapos bigla kaming nagtawanan. Late bloomer daw kasi ang matanda.
May UTI si pareng Omar. Tamad daw kasi siyang uminom ng tubig pero kaya nyang lumaklak ng isang dosenang redhorse kahit hindi naman bumibili. Madaming nainom si pare. Maya maya umiyak nang wala dahilan. Tama may UTI sya. Uminom Tapos Iyak. Naiscam pala sya. Hindi pera kundi sa pag-ibig. Matapos mag-invest ng feeling nawala na. ayun iyak si kolokoy.
"Bakit? tanong ko noong nakatitig silang lahat sa akin.
"Moment mo na!" si Omar.
"Moment na ano?"
"Magkwento ka na. Tagal mong nawala, di ba?" pangugulit ni Jerry.
"Wala naman akong ikukuwento." Wala naman talaga. Isa akong blankong papel. Posporong hindi sumisindi. Kapeng walang tapang. Pusang hindi ngumingiyaw.
"Kwento mo na lang kung bakit sira yang phone mo." Nagtawanan ulit sila. Pati ako nakitawa. Iba talaga ang tawaanan kapag ang kabarkada mo ay kasama mo mula pagkabata.
"Hindi na makita ang mukha ni Casey sa dami ng crack," puna ni Omar.
Inuubos ko ang gabi kasama ang usok ng yosi habang nakaupo ako sa malaking bato na madalas tambayan ng aso. Hinihintay ko ang pag-uwi ni Casey para may ksabay siya sa daan. Maglolomi kami kung minsan, fishball naman kung ang bulsa ay walang mailaman. Lakad kami para sweet. Holding hands. Masaya na kami nun.
Kahapon may nag-aamok sa may malaking bato. Pati ang aso nabulabog sa kanyang teritoryo. Sa ibang daan ko na lang hihintayin si Casey. Mahirap ng madamay at masaktan.
Badtrip ang nag-aamok. Napilitan pa akong dumaan sa Vergara. Masikip na, sobrang dilim pa. Tapos sa dulo may naglalampungan pa. Hindi na yata na katiis. Kakaiiba talaga. "I-viviral ko 'to". Pumuwesto ako ng maganda at sinimulan ang romantikong eksena. "Lanya si Jervis pala "to." Yung katabing apartment namin. Yari to sa asawa nya. Ako naman si tanga lumapit pa.
"Jay! Anong ginagawa mo dito?"
"Ah wala. Susunduin sana kita."
Ang ganda talaga ni Casey sa camera.
-wakas-