Parang mga batang nagtitinikling ang mga ibon sa dalampasigan habang naghihintay ng malinamnam na agahan. Kadalasan ay nakikipaglaban sila sa malikot na alon o 'di kaya ay nakaabang sa biyayang ihahagis ng mga mangingisda. Naging tanawin na sa Bantigue ang pagdagsa ng tagak tuwing umaga.
Pasikat pa lamang ang araw ay sinalubong na ng mga batang tumatakbo ang alon sa dalampasigan. Naging katuwaan na nilang paliparin ang mga ibon bilang katuwaan. Ngunit iba ang pakay ni Moymoy ngayon sa dalampasigan.
"San ba tayo pupunta? Saka bakit tayo tumatakbo?" inis na tanong ng batang may kulay labanos na kutis na si Tisay. May kaputian si Maica kumpara sa ibang mga bata sa lugar kaya nabansagan itong Tisay.
"Nag-eensayo," tipid na sagot ni Moymoy. "Saka hindi naman kita pinilit sumama."
"May klase pa tayo kaya kita hinabol. Isa pa, tapos na ang intrams 'di ba?"
"Makapaghihintay ang eskwelahan. Hindi naman aalis 'yon."
"Hindi ba makapaghihintay ang pag-eensayo mo?"
"Hindi. Nabalitaan ko na may paboksing bago magpista. Kaya mabuti na ang handa. Ako kaya ang susunod na Pakyaw!" Simula nang mapanood ni Moymoy ang laban ni Pakyaw ay naging idolo na niya ito. Lalo siyang humanga nang mabalitaan ang estado ng buhay at karangyaang ibinahagi sa mga kamag-anak at maging sa malalapit na kaibigan. Kwento pa ng kanyang ama ay hindi lamang sa Pilipinas sikat si Pakyaw kundi maging sa ibang bansa. Itinuring niyang isang pambihirang nilalang ang idolo.
"Nababaliw ka na ba? Mga bihasa sa laban ang kasali dun."
"Alam ko. Kaya nga nag-eensayo ako."
"Bahala ka nga!"
"Wala ka kasing alam sa boksing," pagmamayabang pa nito sa palayong kaibigan. "Tulog ka kasi kapag may laban si Pakyaw!"
Mahigit isang oras tumakbo si Moymoy sa dalampasigan. Ginagawa niya ang kilos ng isang boksingero base sa kanyang napapanood sa TV. Nagsilbing kalaban niya ang mga ibon na sinusubukan niyang suntukin ngunit bigo siyang patamaan dahil sa angking bilis ng mga ito. Bagsak ang katawan niya matapos ang tinatawag niyang ensayo.
"Saan ka ba nanggaling na bata ka?" tanong ni Orlan sa anak na nakadapa sa bangko. "Hindi ka daw pumasok sabi ni Tisay."
"Nag-ensayo po sa tabing dagat."
"At seryoso pala ang kwento ni Tisay. Hala mag-igib ka ng tubig."
"Tay, naman. Si kuya na. Hindi na ako makakilos."
"Kamo gusto mong maging boksingero. Tayo! Para lumaki ang katawan mo."
Walang nagawa si Moymoy kundi sumunod sa ama. "Tay may pangarap po ba kayo noong bata kayo?"
Natigilan si Orlan sa sinabi ng anak. "Anong klaseng tanong 'yan anak? Lahat naman siguro. Gusto kong maging pulis."
"Ano pong nangyari?"
"Hindi ako nakatapos ng pag-aaral. Ang kalakaran naman kasi noon kapag natutong sumulat at bumasa pwede na. Mangingisda ang lolo mo kaya naging mangingisda ako. Malamang ikaw din maging mangingisda kapag hindi ka nagbuti sa pag-aaral."
"Makakapaghayskul po ba ako?"
"Depende anak. Depende. Malay mo makaswerte ang tatay mo."
Maituturing ngang swerte kapag nakatungtong ng sekondarya ang mga taga Bantigue. Katumbas ng isang araw na pagkain ng pamilya ang gastos patungo at pabalik mula sa eskwelahan sa bayan kaya mas pinipiling tugunan ang laman ng sikmura kaysa sa laman ng isipan. Bagay na alam ni Moymoy na posibleng mangyari sa kanya.
Bukod sa karagatan ay sagana din sa sakahing lupa ang Bantigue. Ikalawa ang pagsasaka sa ikinabubuhay ng mga tao sa lugar. Bukod sa dalampasigan naging laman si Moymoy ng sagingan. Ginagawa niyang punching bag ang mga puno ng saging hanggang sa ito ay tumumba. Lingid sa kaalaman ng bata ay nakamasid ang kanyang ama. Hindi niya gusto ang desisyon ng bata ngunit ayaw nitong pigilan ang anak dahil sa unang pagkakataon ay nagkaroon na ito ng ambisyon sa buhay.
"Dalawang araw ka ng hindi pumasok ah. Huwag kang mangongopya sa akin ha," sumbat ni Tisay habang nililinis ang dahon ng saging na pambenta sa bayan.
"Ano pang silbi ng pag-aaral ko kung hindi din naman ako makakatapak ng hayskul? Malamang maging mangingisda din ako."
"Iba pa din ang may pinag-aralan sabi ni Ma'am. Maging mangingisda ka man hindi ka basta malalamangan."
"Gusto kong maging boksingero!" Dalawang beses sinuntok ni Moymoy ang puno ng saging saka nagpatuloy magsalita. "Tatlong libo ang premyo sa mananalo. Isang libo sa matatalo."
"Anong gagawin mo sa pera?"
.
"Bibili ako ng bisekleta kung papalarin. Siguro naman makakarating na ako sa bayan para makapag-aral."
"Anlabo mo! Akala ko ayaw mo nang mag-aral. Saka dalawang taon pa bago ang hayskul."
"Gusto kong mag-aral. Pero gusto ko makarating ng hayskul!"
"Eh kung hindi ka manalo? Paano?"
"Si Pakyaw naman natalo din. Basta hindi ako susuko. Mananalo ako. Tulad niya gagawa ako ng paraan upang maging maayos ang aking pamilya."
May kirot sa puso ng isang ama ang nadinig mula sa anak. Dama niya ang pagkukulang bilang padre pamilya. Sa isip niya ay iba sana ang takbo ng kanilang buhay kung nakapagtapos siya ng pag-aaral.
Dumating ang araw na pinakahihintay ni Moymoy. Tanging lakas ng loob at tiwala sa sarili ang kanyang naging armas. Ang kanyang ama ay nakamasid mula sa malayo. Ayaw niyang makitang masaktan ang anak.
Hindi naging madali ang laban tulad ng inaasahan ni Moymoy. Hinahabol na agad niya ang sariling hininga sa loob lamang ng trenta segundos. Lahat ng pinakawalan niyang suntok ay sinalo lamang ng hangin. Halos mamilipit siya sa sakit sa tuwing tatamaan kahit ng pinakamanipis na suntok ang kanyang tiyan. Dinig niya ang tawanan sa paligid. Ang kanyang kalaban ay tila pa nangungutya. Hanggang sa isang suntok mula sa kaharap ang nagpatupi ng kanyang tuhod. Bagsak si Moymoy.
Hindi nalalayo ang itsura ni Moymoy sa alaga nilang aso. Pareho silang may itim sa paligid ng mata. Mag-isa itong nakaupo sa upuang yari sa paleta habang nakatitig sa larawan ng kanyang idolo sa dingding na kinuha mula sa pinaglumaang kalendaryo. "Paano mo kaya iyon nagawa?" bulong niya kasunod ang malalim na buntong hininga.
Mahigpit na yakap ang bumalot sa katawan ni Moymoy. Yakap kahalintulad sa isang bagong silang na sanggol. Puno ng pagmamahal at pagtanggap. Pumapawi sa anumang sakit hindi lamang pisikal kundi pati sa kirot mula sa pagkabigo.
"Tara sa likod. May sorpresa ako sa'yo," yaya ni Orlan sa anak.
Sumunod si Moymoy na hindi kinakitaan ng kasiyahan. "Bisekleta!" Nagliwanag ang kanyang mata na kanina ay tila wala ng pag-asa.
"May kalumaan pero nanigurado akong makararating iyan sa bayan."
"Sa akin po ba talaga?"
"Oo naman! Sapat na ang ipinakita mo kanina. Makinig ka anak." Hinawakan ni Orlan ang balikat ng bata. "Hindi kita pinigilan sa kagustuhan mong magboksing dahil pangarap mo 'yon. Pangarap mo din makapaghayskul kaya hindi din kita pipigilan. Pero mas magiging magaling ka kung matalas ang iyong isipan. Mag-aral kang mabuti. Para kung maging Senador ka din hindi ka madadaig."
Tango ang naging sagot Moymoy sa ama. Nabura ang dating pag-aalinlangang wala ng pag-asang makapag-aral. May katuparan pala ang pangarap sa Bantigue.
"Patawad po kung nagduda ako sa inyo. Naging makasarili ko."
"Magandang mangarap anak dahil ito ang magdidikta ng iyong direksyon sa buhay ngunit kapag nabigo hindi ibig sabihin ay hihinto na o mawawalan ka ng direksyon. Libre ang mangarap anak. Bata ka pa. Hindi man ako naging pulis tulad ng pangarap ko noon, naisakaturapan ko naman ang pangarap kong makatulong sa aking magulang at kapatid. Ang saya nila ay katumbas ng aking tagumpay."
Natutunan ni Moymoy na may oras para sa lahat. Ang pangarap ay gabay, ang pagkilos ay hakbang at ang kasiyahan hindi lamang pansirili ang tagumpay. Bilin pa ng ama ay huwag aalisin sa katauhan ang kababaan ng loob upang hindi mawala ang mahal sa buhay. Iyon siguro ang sagot kung paano nagawa ng kanyang idolo ang tagumpay.
"San ba tayo pupunta? Saka bakit tayo sakay ng bisekleta?" inis na tanong ni Tisay.
"Sa eskwelahan. Ayokong mahuli sa klase. May ensayo ako."
"Ensayo? Tapos na ang boksing!"
"Ensayo ng salitang ingles! Hindi ko man mapantayan si idol sa boksing baka pwede muna sa inglesan! You know!" Nakangiting wika ni Moymoy.
-wakas-
Ang Likhang ito ay Lahok sa Saranggola Blog Awards 2017