Skinpress Rss

Poem : Parting


cup of tea
filled with ice
filled with emptiness
filled with lies.

table for two
with finest menu
meant to be shared
occupied by none.

a wounded man
heart tired of loving
into the darkness he fell
that ended all pain.

Si Milagring at ang Bibi


Kagimbal-gimbal ang sinapit ng Bayan ng Majarot matapos ang pito at kalahating araw ng tag-ulan. Maraming paninim ang nasira, nangamatay na hayop, may mga asawang nagpapanggap na nawawala at sobra ang pangagati ng kamay ng mga parokyano ng tong-its at majong.

Ang inaakala nilang pagsikat ng araw ay simula na muli ng normal na buhay pero nagkamali sila. Ang paglubog ng araw ay sinundan ng pagyanig ng lupa. Lumindol sa Majarot. Nabitak ang matibay na pader ng pinagawang bahay ng kerida ni Mayor. Naging fly-over ang mga kalsada. At natabunan ng lupa ang mga bonsai.

Isa sa mga naapektuhan ay si Milagring. Ikinatuwa niya ang sunod-sunod na pag-ulan dahil nanatili sa bahay ang kanyang mahal na asawa na dati-rati ay mga hayop sa kabukiran ang kausap. Walang paglagyan ang kanyang ngiti sa tuwing didikit ang bigote ng asawa sa kanyang katawan.

Chicken Adobo - A Love Story 5


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

"Bakit nasa tabi ko ang babaeng to?" Anong gagawin ko kapag nagising ang babaeng ito? Hindi pa naman ako marunong magpaamo ng dragon.

Iniangat ko ng marahan ang paa ni Kathy Belarmino na kasing bigat ng trosong itinumba ng bagyo. Tumayo ako ng kama at maingat na naglakad palayo. Nasalubong ko pa ang picture nina erpat na tila nakangiting nang-aasar bago ako pumasok ng banyo. Ipinangako ko pa naman sa kanila na hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng aming apelyido.

Ibinabad ko ang aking mukha sa lagaslas ng tubig mula sa gripo. Wala akong paghugutan ng alaala kung ano ang nangyari at kung paano ako nakauwi kagabi. Chineck ko ang dapat icheck. Hindi malinaw. Ang tangi kong natatandaan ay ang mga detalye sa pagdaan namin sa isang music bar. Nakadalawa o tatlong kanta siya sa stage. Akala ko noong una ikakahiya ko ang pagkanta niya pero sa halip naging proud ako.

valentine's date


Ang katabi kong babae ay may sinusulat sa malaking pusong ginupit sa pulang kartolina. Hindi iyon para sa asawa o kasintahan. Hindi tungkol sa pag-ibig at lalong hindi tungkol sa nabigong relasyon.

Mabagal bago nasundan ang unang talata dahilan upang mabasa ko ang mga salita. Ang sunod-sunod na hikbi ang nagpapabigat sa kanyang panulat. Ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi ang lalong nagpasidhi ng aking pag-uusisa.

Ang hawak kong bulaklak ay tila naiinip, pilit itong kumakawala at nais sumama sa hangin. Hindi siguro komportable sa ginagawa kong pagbabasa ng palihim.

Tambalan


Antagal kong inasam ang kilig moments na 'to. Hindi na ako nagtitiis sa monochrome at pixelated mong mukha doon sa itinagong kong tarpulin noong lumaban ka sa SK. Magkaharap tayo ngayon at magkahawak ang kamay.

Humigpit ang hawak mo sa aking kamay. Idinikit mo ng bahagya ang dibdib sa akin. Kinabig ko ang iyong bewang saka humakbang ng pakanan. Kung hindi siguro sementado ang aking kinatatayuan kanina pa ako inabsorb ng lupa sa tindi ng ngiti mong nakatunaw. Bawat hakbang, bawat galaw, bawat indayog sa musikang pumapailanlang, puso ko hindi mapigilang mapasayaw. Corny dre? Wala akong pakialam basta ang alam ko mahal ko ang babaeng kasayaw ko.

Chicken Adobo - A Love Story 4


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Sa sofa bumagsak ang lasing na katawan ni Recci. May yugto na nagsasalita siya, nagngangalit ng ngipin at dagdagan pa ng sumiserenang hilik. Papikit na din sana ako nang bigla siyang tumayo. Naalimpungatan. Papasok na daw siya sa kwarto niya. Nakalimutang wala siya sa bahay nila at inakala pang kwarto niya ang banyo.

Inihatid ko pauwi si Recci. Buti na lamang at tabing daan ang bahay nila kaya hindi mahirap hanapin. Dalawang tao ang sumalo kay Recci pagkababa niya ng sasakyan. Kung nasa katinuan na siya malamang gugustuhin muling malasing dahil sa nakatutulig na sermon ng kanyang lola.

Si Enrico ang sunod kong target. Mas trip ko siyang sakalin para umamin. Sobrang lakas niyang tumawa kapag kami ang subject ng kalokohan. Medyo may kalakihan nga lang ang katawan kaya kakaibiganin ko na lang muna.