Skinpress Rss

Love Bus - Chapter Three


Love Bus
by arianne & panjo

Chapter 1 | 2|

Nagsawalang kibo na lang si Andrew sa asal ng babae. Dadagdag lang sa problema niya kung makikipagtalo pa siya. Hindi naman ito nakikialam sa kanya kung hindi niya pinupuna.

"Ba't huminto?" pagtataka ni Andrew. Wala naman siyang napapansing sumasakay o bumaba. Tumagal pa ng ilang minuto bago muling umandar ang bus.

Gusto sana niyang maidlip pero tila nang-aasar ang kanyang katabi. Sa tuwing susubakan niyang pumikit ay biglang yumuyuyog si Miel. Asar na asar siya pero hindi na lang niya pinatulan.


Pagkalipas ng mahigit isang oras ay muling huminto ang bus sa kaparehong dahilan. Ramdam na ni Andrew na malas ang katabi niya. Hindi pa siya nakaranas ng ganoong pangyayari sa buong byahe n'ya papuntang Baguio. Umugong ang bulungan. Naalimpungatan ang mga tulog dahil sa pahayag ng konduktor.

"Pasensya na po sa abala!" paunang salita ng konduktor. "Kapag nasa Tarlac stop-over na po tayo ay kailangan na po nating lumipat ng bus. May aberya lang po ang bus."

Biglang tumayo si Miel at gumawa ng eksena. "Hindi naman pwede iyon! Dapat siniguradong n'yong maayos ang bus bago umalis. Dapat iniisip n'yo ang kapakanan ng bawat pasahero."

"Magpaiwan ka kung ayaw mo!" puna ni Andrew. "Kaya nga ililipat e para maiwasan ang aberya."

"Bakit nakikialam ka?" pagtataray ni Miel. "Concern lang naman ako sa maaring mangyari ah! Pano na lang kung hindi agad nalaman na may aberya? Eh di napahamak na tayong lahat, diba mga kasama?" dugtong pa niya. Sumang ayon naman sa kanya ang iba pang nakasakay sa bus.

"Tama nga naman! Sa susunod hindi na ako sasakay sa liner na ito!" Sigaw ng aleng nakapula.

"See what happened? Lulugihin mo pa yung may-ari ng liner na 'to. Hindi mo ba naintindihan na biglaan ang nangyari? Ang OA mo kasi mag react!" Pabulong ngunit halatang may halong inis na sabi ni Andrew.

Natameme ang masungit na si Miel. Tama nga naman. Minsan talagang padalos dalos siya ng ugali. "Pero kahit na, iniisip ko lang ang maaring mangyari kung hindi agad natuklasan na may aberya. Buti sana kung ikaw lang ang mapapahamak. Kaso idadamay mo pa kami menopause na ninja turtle." pa-ismid na sagot ni Miel.


Ilang sandali pa ay muling natahimik ang bus. Nakalimutan na ng lahat ang panganib na dala ng aberya dahil sinigurado naman ng driver at kundoktor na aabot sila ng ligtas sa stop over sa Tarlac. At ililipat nalang sila ng isa pang bus na naghihintay na sa kanila doon.

"Buti nalang natahimik 'tong bababeng 'to" bulong ni Andrew sa sarili. "Sa wakas, makakatulog na din ako ng maayos." Prenteng inilapat niya ang kanyang likod sa upuan at bahagyang nag-inat. Handang handa na siyang umidlip ng kahit saglit lang bago muling lumipat ng sasakyan. Nang biglang, "Party like it's the end of the world, party like it's 2012." Pasigaw na kanta ng katabi with yugyog pa.

Napatampal nalang sa sarili niyang noo si Andrew. "Bwisit! Kapag minamalas ka nga naman talaga. Hayyy!" Parinig niya sa katabi.

"Manong pagong, may sinasabi ka?" Taas ang kilay na sabi niya kay Andrew. Effective ang ginagawa niyang pang-aasar dito. Buti nalang ay naaliw siya kahit paano sa mahaba-habang biyahe niya. Itinuring niyang laruan si Andrew para di mainip sa byahe.

"Wala." imbyernang sagot ni Andrew. Ayaw na niyang patulan ang babaeng madaldal at makulit. Halata niyang iniinis lang siya nito.



... itutuloy

Haiku


Anti-nose bleeding gadget activated (bulak)

Our hearts sing a tune
like a pair of joyous birds.
Sweet and melodic.


****


Tears fall from your eyes
and live through sleepless nights.
Tired of loving him.


****


No happy endings.
Life is not a fairy tale
but, why I'm waiting?


****


Safe and protected.
Ready and never worry
with box of condoms.


****


I don't like haiku!
I hate counting syllables.
I'll never write one..


Love Bus - Chapter Two


Love Bus
by arianne & panjo

Chapter 1 |


Mabilis na tumakbo si Miel patungo sa bus para di maunahan ng mga chance passengers. Sayang ang ipinaghintay niya kung maagawan lang siya ng upuan. Kahit mabigat ang mga dalang gamit ay nagawa niyang makatakbo ng mabilis at makasingit sa mga nagkumpulang tao sa terminal.


"Hay naku buti nalang hindi pa puno 'tong bus." bulong ni Miel sa sarili. Hinihingal pa siyang umakyat sa bus.

Dahil na din siguro sa dami ng gustong makauwi sa kani-kanilang probinsya, kaunti nalang ang bakanteng upuan. Anumang sandali ay aalis na ang bus. Halos magreklamo siya sa kakabukaka dahil sa mga malalaking bag na nakaharang sa daanan. Pakiramdam niya ay mahahalit ang singit niya.


Kahit may seat number pinili niyang maupo sa may tabi ng bintana para makasandal. Gusto din niyang makita ang mga nangyayari sa labas o kung malapit na siya sa Baguio. Pakikiusapan na lang niya ang katabi na magpalit sila ng pwesto. Madalas naman niyang gawin iyon tuwing pupunta ng Baguio.

"Perfect!" masayang wika ni Miel sa sarili. Matapos ayusin ang dala dalang mga bag ay sumalampak na siya sa kanyang upuan. Isinalpak ang earphones sa tenga, saka itinodo ang volume ng iPod niya. Parang nasa bahay lang siyang prenteng naupo.

Habang hinihintay umandar ang bus, napatulala si Miel. Nadala siya ng kantang pinapakinggan niya. Di lang ikaw ni Juris. Muli ay nanumbalik sa isip ang mga nangyari noong nakaraan na naging dahilan upang takasan niya ang magulong buhay sa siyudad at mas pinili niyang umakyat sa Baguio. Kailangan niyang sagipin ag kanyang sarili bago pa siya tuluyang masaktan at bumigay. Hanggang ngayon ay hindi parin niya matanggap na niloko siya ng lalaking pinag alayan niya ng kanyang mundo. Nangilid ang luha sa kanyang mata.



"Ay nako tama na nga ang drama! Kinaya ko na noon na wala siya. Kakayanin ko din ngayon. Alam ko mahirap. Pero kakayanin ko. Sa Baguio sisimulan kong muli ang buhay ko," determinadong wika niya sa sarili. Pinahid niya ang luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata. "Sayang din ang make-up ko noh! Mahal din to," tatawa-tawang usal niya.

Tinakpan niya ang mukha ng kanyang jacket para di mapansin ng tao ang kanyang pugtong mata. Sa pag-eemote niya, hindi niya namalayan na may lumapit na sa tabi niya.

"Excuse me, miss nakaupo po kayo sa maling pwesto," wika nito kay Miel.

"Palit na lang tayo, mahiluhin kasi ako kapag diyan ako nakapwesto," palusot ni Miel. Inalis niya ang takip na jacket at bumulaga sa kanya ang lalaking binulyawan niya kanina.


"Ikaw na naman!" may pagkaasar na wika ni Andrew. "Kung mamalasin nga naman oh."

"Oh? Bakit gulat na gulat ka?! Isang lugar lang ang pupuntahan natin at sa isang bus lang tayo nakasakay." Nagtaas pa si Miel ng kilay sa lalaki. "Isa pa magkasunod tayo sa pila. Pwede kang bumaba para di ka malasin."

"Alam mo, kanina mo pa ako pinipikon! Pasalamat ka babae ka."

"Salamat," sarkastikong sagot ni Miel. "Now, say walang anuman."

"Talaga naman oh!"

"Manahimik ka na lang. Kung di ka magsasalita di tayo magkakapikunan!" Tinakpan muli ni Miel ang mukha para di makita ang kaharap.

"Siya na nga itong nanlamang siya pa matapang," pabulong bulong na wika ni Andrew.


Habang nasa byahe hindi mapigilan ni Miel mapakanta. Sa isip niya, bagay na bagay sa lalaking minahal niya ang "I love the way you lie" kaya napapalakas pa ang boses niya.


"Ano ba miss! Hindi lang ikaw ang sakay ng bus na 'to. Nakakabulabog ka eh!" iritadong bulyaw ni Andrew sa katabi.

"Ha? Ano yun?" Nagtatakang tanong ni Miel habang hinuhugot ang nakasaksak na earphone sa tenga.

"Kung pwede ba huwag ka ng kumanta! Magbigay ka naman ng konsiderasyon sa nagpapahinga."

Hindi na napigilan ni Miel ang sarili. "Alam mo kanina ka pa!" Pinairal muli ni Miel ang katarayan. "Dami mong reklamo. Sana naghotel ka na lang kung gusto mo matulog!"

"Bwisit! Kung may ibang upuan nilayasan na kita."

"Magtiis ka! Alam mong wala kang choice dami mo sinasabi. Gulo mo! Buti pa ang buhok mo maayos. Sana buhok ka na lang."






-- itutuloy

Love Bus - Chapter One


 Love Bus
by arianne and panjo

Mainit. Masikip. Madaming tao. Halatang ubos ang pasensya ng lahat dahil sa mabagal na usad ng pila sa terminal ng bus. Ang iba ay nakatulog na dahil sa pagod.


"Sana umabot ako sa paalis na bus," bulong sa sarili ni Andrew.

Isa si Andrew sa nagkukumahog makahabol sa paalis na bus. Tantiya niya ay ilang upuan na lang ay puno na ito. Kailangan niyang pumunta ng Baguio para sa isang business proposal sa kanyang kapatid. Wala siyang puhunan kaya naisipan niyang humingi ng tulong. Isa pa, nabalitaan niyang bumalik na ng Baguio ang babaeng napupusuan niya.


"Paano pako makakauwi ng maaga nito?" Nakasimangot na bulong ni Miel. May ilang oras na din siyang nakatayo sa pilahan ng bilihan ng ticket ng bus na sasakyan niya papuntang Baguio. Hanggang ngayon hindi padin siya nakakabili ng ticket.

Habang palinga linga, napansin niyang tila wala sa sarili ang lalakeng nasa unahan niya. Inatake naman siya ng pagkapilya. Dali dali niyang siningitan ang lalaking nakatayo sa harap niya.

"Excuse me, Miss. Ako ang nauna sa pila," puna ni Andrew sa babaeng sumingit sa pila.

"Kuya," malambing na wika ni Miel. "Pwedeng mauna na ako? Kanina pa kasi ako dito at gusto kong humabol sa paalis na bus."

"Mahalaga din sa akin na makaabot sa paalis na byahe e," katwiran ni Andrew.

"Pleaase!" samo ni Miel habang humahakbang palapit sa ticket counter.

"Bigyan mo ako ng mabigat na dahilan para paunahin ka!" pagmamatigas ni Andrew na tila naasar sa pagpapacute ng babae.

"Love. Because of love. Kailangang pigilan ko ang kasal ng lalaking iniibig ko at umiibig din sa akin."

Bagamat natatawa sa naisipang dahilan si Miel ay pinangatawanan niya iyon. Nagbakasaling tatalab sa lalaki ang napapanood niya sa mga pelikula.

"No.."

"Wala ka sigurong lovelife kaya ka ganyan!" Lalo uminit ang ulo ni Andrew. "Suplado."

Hoy Babae! Pare-parehas lang tayong nagtitiyagang maghintay at pumila dito bago sisingit ka pa!" Pasigaw na sabi ng lalake.

Namula sa hiya ang dalaga.Paano ba naman, halos lahat ng tao sa bus stop ay nakatingin sa kanya. Hindi siya makapapayag na basta basta nalang siyang ipahiya ng kung sino sa harapan ng maraming tao. Umiral ang katarayan ni Miel at sinalubong ang pagtataas ng boses ni Andrew.

"Aba manong, hindi mo ako kailangang sigawan! Sa susunod kasi maging alerto ka! Kaya ang bagal ng bagal ng usad ng pila eh. Akala mo siguro namamasyal ka sa Luneta!" Sagot ni Miel.

"Aba at sumasagot ka pa! Ikaw na nga 'tong naningit eh ikaw pa ang may ganang magalit!" Galit na galit na sabi ng lalaki.

Mahaba haba pa ang naging litanya nito na hindi na pinansin ni Miel. Kailangan na niyang makabili ng ticket para makaalis na siya. Habang nang-gagalaiti pa din ang lalaki sa galit, sinenyasan niya ang nagbebenta ng ticket sabay sibat.

"Pagong! Menopause na Ninja Turtle!" pahabol pa ni Miel. 


itutuloy...


----

baka may gustong gumawa ng picture ng love bus.. penge

Maliwanag na Tala - Maikling Kuwentong Pambata


Malakas ang bagsak ng ulan mula pa kagabi. Walang maaninag na malinaw si Naomi mula sa bintana. Maging ang ilaw sa mga sasakyang nagdadaan ay malamlam. Nakontento siyang gumuhit ng mga mukha gamit ang hamog na namuo sa salamin ng bintana. May kalakihan ang mata at bibig ng iginuhit niya. Sumunod ay iniligay ang mga kamay, paa at iba pang detalye.


Ngumiti siya. "Mama, Papa, Nana, ako!" sigaw niya habang iniisa-isa ang mga iginuhit sa salamin. Unti-unting tumigil ang bugso ng ulan. Nakita niya ang mga batang nagtatampisaw sa tubig sa may tabing daan. Nagtatawanan ang mga ito.

"Naiinggit ka ba sa kanila?" tanong ni Nana Rosa kay Naomi nang madatnan itong nakatitig sa bintana.

Tumango ang bata. "Opo. Pero alam ko pong hindi pwede at may dala pong sakit ang baha sabi ni Mama."

"Halika, gumawa na lang tayo ng bangkang papel," wika ng matanda. "Mataas din ang tubig malapit sa balkonahe kaya makakapaglaro tayo."

"Sige po, Nana," nakaumis na sang-ayon ng bata. Taas-baba ang kamay niya sa tagiliran habang naglalakad patungo sa balkonahe. "Kukulayan ko po ang bangka para maganda!"


Isinilang na mahina ang puso ni Naomi. Madali siyang mapagod dahilan upang maging limitado ang kanyang pwedeng laruin. Pagguhit ang kanyang naging libangan sa tuwing hindi siya makasali sa mga laro ng kapitbahay. Masaya din naman ang pagguhit dahil nakikita niya kung gaano kaganda ang kalikasan. Bukod dito, naaliw din siyang makinig sa huni ng ibon, panoorin ang paglipad ng paru-paro at ang pagyabong ng tanim niyang rosas sa hardin. Para kay Naomi sa gulang niyang pito, hindi hadlang ang kanyang karamdaman para maging masaya.

Ang kasambahay na si Nana Rosa ang nagsilbing tagapangalaga ni Naomi. Hindi kamag-anak ni Nana Rosa ang pamilyang pinagsisilbihan niya pero puspos ang pagmamahal na inialay sa bata. Wala siyang sariling pamilya kaya anak ang turing niya sa lahat ng miyembro ng pamilyang pinaglilingkuran. Bago matulog si Naomi, lalo na kung maysakit ay madalas niyang kantahan. Paniwala ni Naomi ay mabilis siyang gumaling sa tuwing aalayan siya ng awit.


"Nana, pwede ba akong matulog sa tabi mo? Natatakot kasi akong mag-isa sa kwarto ko." Bitbit ang manika niya, nagtungo si Naomi sa kwarto ni Nana Rosa para doon magpalipas ng gabi.

"Natatakot ka sa kulog?" tanong ni Nana Rosa. Pinahiga niya si Naomi sa tabi niya. Hinalikan sa buhok at niyakap ng mahigpit.

"Opo. Bigla pong liliwanag tapos biglang kukulog ng malakas!" lahad ng bata.

"Sige. Dito ka muna para hindi ka na matakot."

"Magdasal po muna tayo para tumigil na ang nakakatakot na kulog." Lumuhod at nagdasal sina Naomi at Nana Rosa bago mahimbing na natulog.


Nagdaan pa ang mga araw at naging masasakitin na si Nana Rosa dala ng katandaan. Isinugod agad siya sa pagamutan para malunasan. Subalit mahina na ang kanyang katawan kaya nahihirapan ang mga doktor para pagalingin siya.

Palaging nagdadasal si Naomi sa agarang paggaling ni Nana Rosa. Dumadalaw siya para kamustahin ang pakiramdam ng matanda. Lagi siyang may handang awitin dahil naniniwala siyang gagaling si Nana Rosa tulad ng ginagawa sa kanya nito sa tuwing may sakit siya.

"Anak, hayaan mo munang makapagpahinga si Nana," paalala ni Alice sa anak.

"Mama, gusto kong kantahan si Nana," hiling ni Naomi. "Hindi ko man po mapagaling ang sakit niya, alam kong mapagagaan ko ang loob niya tulad ng ginagawa niya sa akin kapag may sakit ako," patuloy ng bata.

Bagamat nanghihina ay nakuhang ngumiti ni Nana Rosa. Pinalapit niya sa kama si Naomi at hinayaang umawit. Hinahaplos niya ang kamay ng bata habang kumakanta. Napakasaya ni Nana Rosa na lumaking mabait na bata si Naomi. Positibo ang pag-iisip ng bata sa kabila ng kanyang kalagayan.

"Alice, gusto kong makausap ang doktor," pakiusap ni Nana Rosa.

"Sandali lang po. Tatawagin ko po." Lumabas si Alice ng kwarto habang naluluhang pinapanood ang anak. Napakalamig ng boses ni Naomi at kitang-kita niya kong gaano kamahal si Nana Rosa at ang kagustuhan nitong gumaling ang tagapag-alaga.

Pumasok ang doktor at matamang nakinig sa sinabi ng matanda. "Masusunod po Nana Rosa," wika ng doktor. Naiiyak si Alice habang nagsasalita ang matanda. Niyakap niya ito ng buong higpit. Pumanaw si Nana Rosa makalipas ang dalawang araw.

Lumipas ang mga araw pero malungkot pa din si Naomi dahil sa pangungulila. Mahal na mahal niya si Nana Rosa kahit hindi niya ito kamag-anak. Nabagabag si Alice sa pananamlay ni Naomi kaya kinausap niya ito para ipaliwanag ang nangyari.

Lumapit si Alice sa anak nang makita ito sa may bintana. Nakatungo ito at sapu-sapo ng kanyang palad ang baba. "Hindi ka makatulog anak?" tanong ni Alice.

"Naalala ko po si Nana. Bakit hindi po gumaling si Nana sa kanta ko?" naluluhang tanong ni Alice.

"Matanda na si Nana, Naomi. At nagampanan na ni Nana ang kanyang tungkulin sa mundo. Ngayon, masaya na siyang kapiling ang Diyos," paliwanag niya sa anak.

"Ayaw na po ba niya akong kasama? Hindi po ba siya masaya sa atin?" usisa muli ng bata.

Umiling si Alice. Hinaplos niya ang buhok ng bata. "Alam mo bang si Nana Rosa din ang nag-alaga sa akin noong bata ako?"

"Talaga po Mama?" Namilog ang mata ni Naomi sa pagkamangha. Halatang may pananabik sa inilahad ng ina.

"Oo," tugon niya sa anak at nagsimulang magkwento. "At noong namatay ang Mama ko, malungkot din ako noon. Pero sabi ni Nana, huwag kong isipin na nawala si Mama dahil siya ang pinakamaliwanag na tala sa langit."

Tumingala si Naomi sa langit. Kumislap ang pinakamaliwanag na tala at nagdala ng kakaibang saya sa bata. "Nana! Mama, si Nana oh," masayang wika niya habang itinuturo ang bituin sa langit.

"Kita mo na? Hindi ka iniwan ni Nana." Nagalak si Alice dahil namumbalik ang sigla sa bata. "Sa tuwing hindi mo makikita ang maliwanag na tala, isipin mo lang na siya ang anghel na gumagabay sa iyo mula paggising hanggang sa pagtulog mo."

Niyakap niya ang ina at nangako. "Mula po ngayon, hindi ko na iisipin na iniwan tayo ni Nana. Palagi siyang nasa tabi ko at pumapatnubay."

"At higit sa lahat, nandito si Nana." Hinakawan ni Alice ang kamay ni Naomi at idinikit sa dibdib ng bata. Ipinakausap ni Nana Rosa sa doktor na sa sandaling bawian siya ng buhay ay ibigay ang puso niya kay Naomi. Agad inoperahan si Naomi para mapalitan ang mahina nitong puso. "Ang tibok ng puso n'yo ay iisa. Hanggang sa huling sandali ay ikaw ang iniisip niya."

Gumuhit ang pinakamagandang ngiti kay Naomi at lalong napamahal sa kanya si Nana Rosa. Muli siya tumingala sa langit at hinahanap ang pinakamaliwanag na tala. "Salamat Nana. Mahal na mahal kita."


-wakas-

Aktibista - Maikling Kwento


Aktibista
Maikling Kwento


"Bakit gising ka pa?" tanong ni Anton nang makitang parating si Charry sa kanyang kinauupuan. Abala siya sa pagpipintura kaya hindi niya namalayan na ilang oras na lang ay sisilip na ang araw. Napatingin siya sa bilog na orasan sa may estante. "Alas dos na."

"Ako sana ang magtatanong niyan." Naupo si Charry sa kalapit na silya. Minasdan ang ginagawa ng asawa. "Hindi kita namalayang umakyat o humiga man lang sa kwarto."

"Lalakad kami mamaya. Ikaw na ang bahala sa mga bata."

"Anton, paano ang pangako mo kay Darwin?" usisa ni Charry sa kanyang asawa. Tumayo ito at tumalikod sa dismaya dahil alam niyang magtatanong na naman ang anak mamaya. Naramdaman ni Charry ang pagdampi ng palad ni Anton sa kanyang balikat. May diin at may kabig. "Aasa na naman ang bata na ikaw ang magsasabit ng medalya sa kanya mamaya."

"Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Matalinong bata si Darwin kaya mauunawaan niya."

Tatlong dekada at limang presidente na ang napalitan pero patuloy pa rin sa pakikibaka para sa pagbabago si Anton. Para sa kanya hangga't may maliliit na di makapagsalita ay mananatili siyang mag-iingay sa lansangan. Buong lakas niyang ibabangon ang nasalantang karapatan ng mga dukha. At patuloy na tutuligsain ang gobyerno, kapitalista at embahada kung ang desisyon ng mga ito ay di ayon sa kapakanan ng nakararami.


Madalas may uwing balita si Anton sa pamilya tungkol sa tagumpay, pagkabigo at patas na desisyon. Masaya siyang makatulong sa mga maliliit at labanan ang mapanlamang. Hindi niya inalintana ang pasa, galos at sakit ng katawan, ang mahalaga ay naipahayag niya at ng mga kagrupo ang hinaing nila. May pagkakataong may nasasawi o lubhang nasusugatan sa mga pag-aaklas.

"Naku naman Anton! Kailan mo ba ititigil ang kabaliwan mong iyan! Napapahamak ka lang sa pagiging aktibista mo," pag-alala ni Charry sa asawa matapos umuwi itong may sugat. "Wala namang libreng gamot sa pagwewelga n'yo!"

"Malayo sa bituka 'to," pagmamalaki pa ni Anton. Putok ang kanyang ibabang labi matapos manlaban sa mga pulis. "Hindi naman ako makapapayag na ipasa ang Cha-Cha! Baka di matamasa ng mga anak natin ang kalayaang mayroon tayo ngayon!"

"Huwag naman kasing matigas ang ulo n'yo!" Nagtaas ng boses si Charry. "Bukod sa nagdulot kayo ng matinding trapiko, sumugod pa kayo sa Mendiola eh alam n'yo namang bawal doon kaya nagkagulo."

"Wala kaming nakikitang mali sa ginawa namin. Kung hindi kami tumutol baka nasa ilalim na naman tayo ng batas militar." Nanatiling mahinahon si Anton kahit mahigpit ang pagtutol ng asawa.

Bagamat maraming natutulungang estudyante, magsasaka, manggagawa at iba pang kasapi ng mababang sektor, hindi sang-ayon si Charry sa napiling paraan ng pagtulong ng asawa. Mapanganib at laging may kaba sa kanyang dibdib sa tuwing aalis ang kabiyak.

"Kuya, ano ba ang aktibista?" tanong ni Allen sa nakatatandang kapatid na si Darwin. Nakikinig pala ito sa pinag-uusapan ng mga magulang. "Aktibista daw ang itay."

"Hmmm. Sila iyong boses ng maliliit sa tuwing may gusto silang iparating sa nakatataas. Pagwewelga ang paraan para mapansin at madinig ang mga hinaing nila," paliwanag ni Darwin.

"Welga? Hinaing?" Napakamot ng ulo si Allen dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ng kapatid.

"Ganito na lang." Kinarga ni Darwin ang kapatid. "Si Armie hindi pa marunong magsalita 'di ba?"

"Oo. Kasi maliit pa siya kuya e."

"Anong ginagawa niya para maiparating sa atin ang gusto niya?" tanong ni Darwin sa kapatid.

"Umiiyak o kaya sumisigaw."

"Tama!" Nag-apir pa ang dalawang bata. "Parang ganoon ang aktibista. Kapag may gusto silang iparating gumagawa sila ng ingay."

"Umiiyak si itay kapag may gustong iparating?" usisa muli ni Allen. Namilog ang mga mata nito habang naghihintay ng kasagutan.

"Hindi. Nagwewelga sila o kaya naman isinusulat nila sa mga malaking tela o karton."

"Ah. Halika kuya, gusto ko din maging aktibista!"

"Ikaw talaga! Huwag mo na munang isipin iyon, bata ka pa."


Hindi maiwasan ni Darwin mag-usisa sa ina sa tuwing hindi tutupad sa pangako ang kanyang ama. Hindi man lubos na maunawaan ay tinatanggap na lamang niya ito. May mga araw ngang hindi nila nakikita ang ama dahil gabi na itong umuwi galing sa trabaho o kaya naman ay maaga itong umaalis dahil sa pag-oorganisa ng rally.

"Aalis na ako! Magpapakabait kayo!" Panibagong pakikibaka muli ang susuungin ni Anton para tuligsain ang gobyerno. Hindi palalamasin ng kanyang grupo ang maanomalyang transaksyong pinasok ng tauhan ng gobyerno.

"Itay! Itay!" tawag ni Darwin mula sa bintana. Dali-dali itong bumaba ng hagdanan para habulin ang ama. "Itay, nakikinig din po ba ang mga aktibista?"

"Oo naman. Kaya nga nagkakaroon ng diyalogo para pakinggan ang magkabilang panig. Bakit anak?"

"Sandali lang po." Pumasok ng bahay si Darwin.

"Nagwewelga po kami itay!" sigaw ni Allen. Itinaas niya ang dalawang kamay habang hawak ng punit ng karton ng sapatos. Nakasulat sa karton ang pangalan ni Allen. Lumabas si Darwin bitbit ang bunsong kapatid na si Armie. At sa leeg ng bata ay may nakasabit na papel na nagsasabing nakakalakad na ito.

"Itay marunong na pong sumulat ng pangalan si Allen. Kaliwete nga po pala siya. Nakakalakad na po si Armie. Sayang po kasi wala kayo noong una niyang ginawa iyon. Tuwang tuwa po si Inay," lahad ni Darwin sa ama. "Itay, kailangan po namin ng ama.. ng gabay at patnubay. Humihiling po kami ng sapat na oras. Hinihingi po namin ito dahil karapatan po namin ito bilang anak."

"Mahal ka po namin itay," niyakap ni Allen ang ama. "Nasasaktan din po kami kapag nakikita po namin kayong may sugat."

"Itay sana marunong din po kayong makinig tulad po ng hiling n'yo sa bawat pakikibaka n'yo. Maari po ba dito na lang po kayo sa bahay?" Lumabas ng bahay si Charry para tingnan ang pamilya. "Kaarawan po ni Inay ngayon." patuloy ni Darwin.

Bumagsak ang luhang kanina pa pinipigilan ni Anton. Malaki na pala ang kayang pagkukulang. Naantig ang damdamin ni Anton sa sinabi ng anak. Ngayon lang niya naisip na habang pinupunan niya ang obligasyon sa bayan ay nagkukulang na siya sa pamilya.

"Patawarin n'yo ako mga anak kung hindi ako naging mabuting ama. Makikinig ako sa inyo hindi bilang aktibista kundi bilang ama." Niyakap niya ng buong higpit ang pamilya na tila matagal na nawalay sa kanya.

The Fall of Adam - Ending




Preview | One | Two | Three |Four | Five |Six | Seven|Eight| Nine | Ten | Eleven | Twelve| Thirteen


Laking tuwa ko sa pagsang-ayon ni Cristine. Siguro matapos siyang operahan ay sisimulan na din niyang iwan ang mga nakasanayang bisyo. Ngayong alam ko na mahal niya ako, paggaling niya ay aalukin ko siya ng kasal.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Cristine ng bigla akong umalis sa tabi niya. "Dito ka lang."

"Kay Philip. Sasabihin kong pumayag ka na."

"Hintayin na lang natin siyang pumasok. Noong huli kang umalis sa tabi ko, bigla akong inatake e."

Natakot ako sa sinabi niya kaya bumalik ako sa gilid ng kama. Nagtext na lang ako kay Angela na pumayag na si Cristine at siya na lang ang magsabi kay Philip para maihanda agad ang mga kailangan. Sa kwento ni Philip kailangan operahan si Cristine para lagyan ng clip ang bumukol na ugat at tuluyang mapigilan ang pananakit ng ulo ni Cristine.

"Sige. Nagugutom ka ba? Magpapabili ako ng pagkain kay Manang."

"Hindi pa. Kasama mo si Manang?"

"Oo. Pati sina Brenda at Angela."

"Aba! Kompleto pa talaga kayo ha!" Nangislap ang mata ni Cristine. Puno ng sigla.

Inayos ko ang muntik ng malaglag na unan dahil sa biglang pagkilos ni Cristine. "Hindi nila mapigilang mag-alaala e. Mahal ka naming lahat."

Bahagyang tumahimik si Cristine. Tinitigan ako sa mata. Hinagilap niya ang aking kamay at pinagdaop ang aming mga palad. "Salamat sa kagustuhan mong dugtungan pa ang buhay ko. Pangako ilalaan ko sa'yo ang oras ko."

Napangiti ako. Inalis ko ang buhok ng tumatakip sa kanyang mata. "Kaya magpalakas ka agad."

"Iba ang ngiti mo ah! Parang iba ang balak mo! Balak mo na agad akong manghina paglakas ko..."

"Ano ka ba?! Ikaw ang iba mag-isip. Gusto ko lang tuparin ang wishlist mo."


Biglang hinawakan ni Cristine ang kanyang ulo. Napangiwi siya. Kahit ayaw niyang magsalita alam kong may nararamdaman s'yang kakaiba.

"Anong nararamdaman mo?"

"Epekto siguro ng gamot. Ewan ko. Hindi ko alam."

"Tatawagin ko si Philip!"

"Inaantok ako..." Mahina ang boses ni Cristine at tila naghahabol ng hininga. Tumayo ako para humingi ng tulong. "Huwag kang aalis...." Mahigpit ang hawak niya sa aking braso.

Bumigat ang dibdib ko habang pinapanood siya sa ganoong sitwasyon. Hirap na hirap siya sa pagsasalita. Naghahabol siya ng hininga. "Sige, hindi ako aalis... " Bumagsak ang kanina ko pa pinipigilang luha. "Andito lang ako.. Sa tabi mo."

"Paggising ko...." Pahina ng pahina ang kanyang boses. "Nasa tabi... pa din... kita?"

Tumango ako. "O-oo. Lagi akong nasa tabi mo sa bawat paggising mo." Tuluyang bumitaw sa pagkakahawak sa aking braso ang kamay ni Cristine.

Nakabibingi ang matinis na tunog sa loob ng kwarto. Nanlambot ako sa tuwid na linyang nakikita ko.

"Philiiippp!!!! Tulong!!!"

Mabilis na pumasok si Philip para saklolohan si Cristine. Habang ako ay patuloy na umaasang magiging maayos pa ang lahat. Hindi ako mapakali. Kabado. Gusto kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil wala akong maibigay na tulong.


Patuloy ang pagbagsak ng aking luha na akala ko ay hindi ko mararanasan dahil sa tibay ng loob na galing sa mga pinagdaanan kong training sa pagiging pulis. Umiling si Philip. Ilang beses akong nagmakaawa sa kanya na gawan ng paraan. Lumuhod ako sa harap niya habang umiiyak.

"Philip? Doctor ka! Sabihin mong may pag-asa pa!"

"Iyon nga ang masakit... doktor ako pero wala din akong nagawa."


Wala na si Cristine. Wala na ang taong mahal ko. Tanging alaala na lang niya ang kasama ko. Pinuntahan ko ang mga lugar na balak niyang marating bilang pagtupad sa wish list niya. Magkasama pa din kami dahil sa puso ko hindi siya nawala.

"Miss isa ngang pan cake." Natutunan ko ng mahalin ang pan cake kahit may allergy ako sa pagkain may itlog. Hindi bale ng magkaroon ng ilang pantal kung ang kapalit naman ay kasiyahan.


-finish-

The Fall of Adam - Thirteen




Preview | One | Two | Three |Four | Five |Six | Seven|Eight| Nine | Ten | Eleven | Twelve

Binalot ng takot ang buong katawan ko. Naging alipin ako ng pangamba sa tuwing babalik sa aking alaala ang mga pagsigaw ni Cristine dahil sa sakit. Maging ang matandang kasama ko ay di malaman ang tamang ikikilos, makailang ulit siyang lumabas at pumasok ng ospital.

"Wala pa ba?" tanong ko kay manang. "Philip! Nasaan ka na?!" Napakasakit makitang ang isang tao ay nasa bingit ng pananganip pero wala namang magawa kundi ang mahintay. Masakit maging inutil.

"Wala pa, sir!" sagot niya. Tensyonado. Garalgal ang boses. "Tatawagan ko po muna."

Naiwan akong mag-isa sa may pintuan ng emergency room. Naghintay. Umaasa. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo. Tinitingnan ko si Cristine mula sa nalalabing siwang. Ngunit bigo ako. Nakaramdam ako ng biglang pagdantay ng palad sa aking balikat. Si Philip kasunod si Angela. Tila nabigyan muli ako ng lakas.

Sunod-sunod ang aking buntong hininga. "Salamat."

Tumuloy agad sa loob ng Emergency Room si Philip. Habang ako naman ay pinilit ni Angela na maghintay sa lobby.

"Halika na, walang maidudulot na maganda ang pag-alala," kalmadong wika niya sa akin.

"Siguro nga. Madami kang dapat ipaliwanag sa akin."


Mas pinili kong maghintay sa labas ng ospital para maibsan ang kaba na aking nararamdaman. Gusto kong magalit kay Angela dahil pinagtakpan nila ang sakit ni Cristine. May nagawa sana ako kung alam kong may sakit siya. Pero naging kalmado dahil sa kanila din nakasalalay ang kaligtasan ng taong mahal ko.

"Alam mo rin ba na may sakit ang kaibigan mo?" usisa ko agad.

Hindi agad siya nakapagsalita. Kumuha siya ng lakas ng loob sa sinindihang sigarilyo. "Oo matagal na. Kaya kami umalis dahil sa sakit niya."

"Ano?!" gulat na gulat ako. "Iniwan n'yo siya sa ere?!"

Muli kong naramdaman ang pagdantay ng kanyang mga daliri sa aking kanang balikat. Sa pagkakataong iyon ay may diin. "Makinig ka muna." Bahagyang tumahimik ang paligid. Naghihintay ng salitang manggagaling sa aming dalawa. "Umalis si Kuya para mas mapag-aralan sa ibang bansa ang sakit ni Cristine. Masyadong maraming oras ang gugulin kung dito siya mag-aaral. Mahal niya si Cristine kaya buong buhay niya ay inilaan sa pag-aaral."

Sangkot pala si Cristine sa isang car accident tatlong taon na ang nakakaraan. Patay ang mga kasamahan niya. Siya naman ay maswerteng nakaligtas subalit madalas makaramdam ng pagkahilo at pananakit ng ulo.

"Ano bang sakit niya?!"

"Aneurysm. Brain Aneurysm. Nakuha niya iyon sa aksidente."

"Bakit hindi agad ginamot? Habang maaga pa."

"Ginagamot siya ni Kuya noon at kahit nasa US kami di niya kinakalimutang kamustahin ang kalagayan ni Cristine. Kung hindi naging pagpapabaya sa katawan si Cristine hindi aabot sa ganito. Bawal sa kanya ang alcohol at sigarilyo."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ito?"

"Ikaw ang pumigil sa akin. Ayaw mong malaman ang nakaraan niya at ang relasyon n'ya kay kuya. Hinayaan ko ding si Cristine na lang ang magsabi sa'yo."

"Shit!!!"

Naputol ang aming mag-uusap nang dumating si Brenda. Lumuluha siyang lumapit sa amin. Pareho na kaming nagtatanong kung bakit inilihim ang lahat sa amin. Pero tama si Angela, kagustuhan ni Cristine na ilihim ang lahat para maging normal ang pa din ang pagkatao niya. Ayaw niyang kaawaan.


"Philip! Kamusta ang lagay ni Cristine? Maayos na ba siya?" Sunod-sunod ang tanong ni Brenda nang makitang lumabas ng kwarto si Philip.

"Huminahon ka. Maayos na siya." Nakangiting sabi ni Philip. Lahat kami ay nakahinga ng maluwag. "Sa ngayon."

"Ano? Bakit sa ngayon lang?" nagtatakang wika ko.

"Kailangan siyang maoperahan. Para tuluyang mawala ang ang pananakit ng kanyang ulo."

"Bakit hindi mo pa operahan ngayon kuya?"

"Gusto kong gawin pero ayaw niya. Mas mabuting kumbinsihin n'yo siya."

Hinawakan ko ang dalawang balikat ni Philip. "Gising na siya?" Tumango lang si Philip. "Ako na ang kukumbinsi."

"Room 44B."

Tinungo ko agad ang kwartong pinagpapahingahan ni Cristine. Puno ako ng pag-asang mapapayag ko siya. May excitement pa akong pumasok ng kwarto at lumapit sa kama ni Cristine.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Hinawakan ko ang kanyang noo. Wala na ang lagnat.

"Mabuti na. Nahihilo na lang ng konti."

"Gusto mo pa bang ituloy natin ang pamamasyal natin? Kapag maayos ka na?"

"Oo. Sana. Pero wala ng oras. Sayang talaga. Huli ka ng dumating sa buhay ko. Naitama ko sana ang lahat."

"Marami pang oras. Hindi ba gusto mo pang pumunta ng Subic para kunan ng picture ang paglubog ng araw?"

"Oo." Naluha si Cristine habang binabanggit ko ang wishlist niya na minsan naming nagpagplanuhan. "Pati ang pumunta sa Manila Zoo dahil di pa ako nakakapasok don."

"Pinagtawanan pa nga kita noong sinabi mo 'yan sa akin. Pero bumawi ka naman noong sinabi mong gusto mong makarating ng El Nido tapos magkikiss tayo habang pumasok sa underwater cave."

"Loko ka kasi!" Kinurot niya ako sa tagiliran. Pinahid ko ang luhang gumuguhit sa kanyang pisngi. "Gusto ko din malasing sa tuba sa Quezon."

"Kumain ng pansit habhab at umakyat ng Banahaw," dagdag ko pa sa mga gusto niyang gawin kasama ako.

"Alam mo ang ba kung ano ang pinakagusto ko sa lahat?" nakangiting wika niya sa akin.

"Sa El Nido?" sagot ko.

"Sa lahat ng mga plano ko, ikaw ang gusto kong kasama. Iyon ang gusto ko. Mahal na mahal kasi kita Mr. Policeman."

Sa unang pagkakataon nadinig ko sa kanya ang salitang iyon. Musika sa aking tenga na gusto kong paulit ulit kong madidinig. Mahal ako ni Cristine.

"Alam mo, matutupad ang lahat kung papayag ka ng magpaopera. Para sa'yo din iyon at para sa atin."

"RJ, 20% na lang ang survival ko para saan pa?"

"Kahit 1% sumugal tayo. Kung iyon lang ang paraan para matupad natin ang lahat. Pumayag ka na please?"

Hinawakan niya ng mahigit ang aking mga kamay. Ngumiti. "Sige. Payag na ko babe."

itutuloy...

The Fall of Adam - Twelve




Preview | One | Two | Three |Four | Five |Six | Seven|Eight| Nine | Ten | Eleven



Malambing ang pagkakabigkas ni Cristine kaya nakangiti akong bumalik sa tabi niya. Musika sa aking tenga ang mga salitang may halong lambing. May kilig wika nga ng ilan.  May kiliti. Tuluyang nahulog si Adan kay Eba.

Hinaplos ko ang kanyang buhok. Marahan. Puno ng emosyon.

Tinitigan n'ya ako. Gumalaw ng bahagya ang kanyang ulo bilang anyaya na humiga ako sa tabi niya. Sumunod lang ako. Komportable akong nahiga at mabilis naman niyang ipinatong sa aking katawan ang kanyang braso. May mga sandaling nakakadama ako ng higpit ng kanyang yakap sa tuwing ako ay gagawa ng pagkilos. Tila ayaw n'ya akong lumayo kahit ilang pulgada lang. Minsan lumalayo talaga ako para bahagya siyang asarin. Tinataasan niya ako ng kilay kapag ginagawa ko iyon.

"Okay na ang pakiramdam mo?"

"Yes babe." Hinawakan ko ang kanyang noo kung mainit pa. "Stress nga lang siguro ito. Medyo madaming ginawa lately e."

"Magpahinga ka na lang muna. Tamang tama nakaleave ka. Kakausapin ko si Brenda na siya muna ang bahala sa resto n'yo."

"Sasamahan mo ako palagi?" may lambing na tanong niya sa akin.

Bahagya akong napakamot sa ulo. "Sa gabi lang. Mahirap magkaroon ng displinary action."

"Hindi mo ako love!" Pambihira. Love ang pinakalaspag na salita para i-blackmail ang isang tao.

"Mahal kita. May sinumpaan tungkulin ako kaya hindi basta--"

Tinakpan ni Cristine ang bibig ko. "Biro lang. Baka magtalumpati ka pa dyan ng mission at vision nyo."

"Mission, to love." Hinalikan ko siya ng bahagya sa labi.  "Vision, to reproduce."

"Puro ka kalokohan. May sakit ako!"

"Kaya pagaling ka agad," biro ko sa kanya.

"RJ, salamat sa pagdating sa buhay ko. Kahit late na. Saan ka ba nagsusuot noong maayos pa ang buhay ko? Sana di ako ganito ngayon."

"Perfect nga lang ang dating ko e. Kung noon pa tayo nagkakilala wala din mangyayari kasi nagloloko din lang ako noon!"

"Pakiramdam ko madumi akong babae kaya pilit ko kayong pinaglalapit ni Angela kasi palagay ko bagay kayo. Parehong maayos, di tulad ko baluktot mag-isip."

"Hindi pa naman huli ang lahat. Minahal kita at mamahalin pa lalo bawat araw.."

"Masaya ako dahil ako ang minahal mo.."


Paunti-unting humina at dumalang ang salita ni Cristine hanggang sa makatulog. Kailangan niyang magpahinga kaya sinigurado ko munang mahimbing ang tulog niya bago ako bumangon. Inayos ko muli ang kanyang kumot. Naupo ako sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko muna siya ng ilang minuto bago ako lumabas ng kwarto.

Lumabas ako ng bahay at kinuha ang aking mga gamit sa loob ng sasakyan ni Cristine. May panghihinayang ako sa pinagplanuhan naming bakasyon pero marami pa namang araw at sa susunod ay sa malapit na lang para hindi maubos sa byahe ang oras namin.

"Sir! Sir, si Ma'am!! Sir RJ!" sigaw ng kasambahay sa akin. Tumatakbo siya habang sumisigaw. Humahangos.

"Bakit anong nangyari?!" Hinawakan ko ang balikat niya para pakalamhin. "Huminahon ka!" Kinabahan ako dahil sobrang balisa ang matanda.

"Sumisigaw! Inaatake ng sakit ng ulo niya!"

"Ano?!" Mablis akong tumakbo papasok ng bahay. Nakita kong namamaluktot sa sakit si Cristine habang hawak ang kanyang ulo. Matindi ang hawak niya sa isang bahagi ng kama habang bumabagsak ang luha sa isang mata.   "Cristine! Anong nangyayari?"

"Tatawag na po ako ng doktor, Sir!" wika ng matanda.

"Hindi ako na ang magdadala sa kanya sa ospital. Sayang ang oras kung maghihintay lang tayo." Binuhat ko si Cristine palabas ng kwarto. Pilit ko siyang pinakakalma subalit kahit ako ay nanghihina sa tuwing makikita kong umagos ang luha sa kanyang mata. Wala na halos boses na lumalabas sa kanyang bibig dahil tila nagapi na ng sakit ang kanyang pag-iisip.

"R.. RJ.. "

 "Cristine, hold on!"

"Maghahanda po ako ng gamit ni Ma'am," alok ng kasambahay matapos buksan ang pintuan ng sasakyan.

"Samahan n'yo po muna ako hanggang sa ospital mas kailangan ko assistance." Mabilis akong nagmaneho patungong ospital. Kinakabahan ako.  " Madalas ba ang pananakit ng ulo niya?"

"Bihira lang, Sir. Palagi din po kasing bumibisita sa bahay si Dr. Balmes kaya may mga gamot siyang naiinom."

"Balmes?" Napanganga ako sa sinabi ng matanda. "Si Angela?"

"Si Dr. Philip Balmes po. Hindi n'yo po ba alam na may sakit si Ma'am?"

What?! Wala akong kamalay-malay na ang pinagseselosan ko ay ang taong nagdudugtong ng buhay ng taong mahal ko.  Kaya siguro madalas ang paglabas nila.

"Shit!!!" Ilang beses kong hinampas ang manebela. Asar na asar ako sa tuwing may haharang sa aking daan.
Abot-abot ang aking busina.

"Hello? RJ napatawag ka?" tanong ni Angela.

"Nandyan ba si Philip? Kailangan ko ang tulong niya! Pleaasse! Si Cristine.."

"Wait! Huminahon ka di ko maintindihan!"

"Si Cristine inatake ng sakit ng ulo niya!!! Kailangan ko ang tulong ng kuya mo!"

"Wait!"

"Si Philip 'to RJ."

"God! Ba't di n'yo sinasabi sakin may sakit si Cristine?!" Gusto kong magalit sa ginawa nilang paglilihim. "Hindi ako mapakali, she's in pain!"

"Calm down! Hindi makakatulong kung ganyan ka," payo ni Philip sa akin. "May medicine palagi sa bag si Cristine makakatulong iyon para bawasan ang sakit. Sa CitiMed mo siya dalahin para maattend ko agad."

"Hindi ko dala ang bag ni Cristine! Nasa byahe na kami."

"Sa Van ni Cristine?"

"Oo."

"Sa dashboard.. sa may drawer may mga medicine siyang itinatago. Nasa loob ng gold can."


Mabilis kong binuksan ang drawer at iniabot sa matanda ang gamot para ipainom kay Cristine. Matagal na palang inililihim ni Cristine ang kanyang sakit. Balisang balisa akong nakarating ng ospital.


...itutuloy

The Fall of Adam - Eleven




Preview | One | Two | Three |Four | Five |Six | Seven|Eight| Nine | Ten


Kinabahan ako sa aking nadinig. Kung mahal ni Philip si Cristine maaring mabalewala ako kapag nagpatuloy pa ang kanilang pagkikita. Hindi ko kayang makipagkompetensya dahil alam kong malaki ang papel ng kapatid ni Angela sa pagkatao ni Cristine. Ang magagawa ko na lang ay mahalin si Cristine dahil iyon lang ang alam kong paraan para manatili siya sa akin.

"Siguro nga madami pa akong hindi alam. Pero kontento na ako kung ano ang meron kami ngayon. Hindi ko na kailangan pang malaman ang nakaraan o kung ano man mayroon sila ng kapatid mo." Bumuntong hininga ako pagkatapos magsalita para manatiling kalmado.

"Sige. Mas maganda din na si Cristine ang magsabi ng mga dapat mong malaman."

"Salamat. May mga bagay siguro siyang gustong maging pribado kaya di niya nasasabi sa akin."

"Hanga ako sa mga stand mo. Kaya pala todo ang pagmamalaki ni Cristine kapag nagiging topic ka namin sa bahay. Napakaswerte ng mamahalin mo."

"Si Cristine ang mahal ko, so swerte siya?"

"Oo naman! Hanga ako dahil natatagalan mo ang tigas ng ulo niya."

"Iyon nga siguro ang tinatawag na pagmamahal." Ngumiti siya pagkabigkas ko noon.

"Yeah. Instead na piliting mabago ang isang tao, tanggapin na lang kung ano siya. Naiinggit tuloy." Hinawakan niya ang aking braso at pinisil ng ilang beses. "Pwede ka bang i-hug?"

"Sure. Nag-enjoy akong kakwentuhan ka."

Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang hindi na kami magkikitang muli. "Alagaan mo ang kaibigan ko," bulong niya sa akin saka kumawala sa pagkakayakap. "Huwag mo siyang sasaktan."

Tango lang ang naging sagot ko.

Naunawaan ni Angela na hanggang kaibigan lang ang pwedeng mamagitan sa amin. Malinaw sa kanya na si Cristine ang mahal ko. Lumalabas pa din naman kami at ganun din sina Philip at Cristine.

Naging tapat naman si Cristine kapag may nakakasama siyang ibang lalaki. Tulad ng napagkasunduan noon sasabihin niya sa akin kung may nangyari.

"Abstinence tayo for a month," pagtatapat sa akin ni Cristine. "May juicy kasi kagabi sa party ni Brenda."

"Sige. Kaya ko naman e. Ikaw lang naman ang umaakit sa akin." pagbibiro ko.

"Anong ako?" Pinandilatan niya ako ng mata. "Ikaw nga itong mahilig!"

"Nakahiga nga lang ako bigla mo akong hinalikan e."

"Hoy, lalaki! Halik lang ang ginawa ko tapos nagtuloy tuloy ka na!"

"Weakness ko ang kiss."

"Yabang mo. Basta abstinence tayo for two months dahil sa kayabangan mo!"

"Sure." Kinabig ko agad siya palapit sa akin. I'm teasing her kung kaya niyang pangatawan ang sinasabi niyang abstinence. Muli kong naramdaman ang lambot ng kanyang mga labi. Kakaiba sa pakiramdam sa tuwing magdidikit iyon. Saksi ang mapanglaw na ilaw kung paano paglabanan ni Cristine ang kanyang nararamdaman at paninindigan sa abstinence pero sa huli ay bumigay din.

"Abstinence ha," natatawang sabi ko. "Pero nasa ibabaw ka na."

"Shut up!"


Smooth ang takbo ng relationship namin ni Cristine. Expressive naman ang kilos niya kapag nagugustuhan niya ang mga efforts ko. Lalo akong naiinlove sa kanya sa tuwing may madadatnan akong pagkaing luto niya pagkakauwi ko sa tuwing hindi kami magkikita. Nararamdaman kong pinapahalagahan niya ang relationship namin.

"Ready na?" Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan. "Dahan-dahan baka madulas. Kawawa naman si baby."

"Baby ka dyan! Katatapos ko nga lang."

"Biro lang. Wala ka ng nalilimutan?" Napagkasunduan naming magbakasyon ng ilang araw para magkaroon naman kami ng oras sa isa't isa. The Farm at San Benito ang aming destination. Tahimik ang lugar at relaxing.

"Wala na. Dahan-dahan ang pagmamaneho ha. Hindi naman tayo nagmamadali." Tumitig siya sa akin at ngumiti. "Para kay baby."

Nagtawanan kami at nagtuksuhan habang nasa byahe sa tuwing sasakyan niya ang mga biro ko. Napakasarap sa pakiramdam na sa amin ang mundo at kami lang ang umiikot dito. Sa tuwing magtama ang aming paningin ay napapangiti na lang ako.

"RJ. Babe.." mahinang usal ni Cristine.

"Bakit? Something wrong?" Nakita ko siyang tila di mapakali habang hawak ang ulo niya.

"Nahihilo ako. At medyo sumasakit ang ulo ko."

"Dadalhin kita sa ospital."

"No," pigil niya sa akin. "Stress lang siguro 'to. Hindi na ako sanay sa mahabang byahe. Ibalik mo na lang ako sa bahay."

"Sigurado ka?" Nag-alaala ako dahil hindi ako sanay na makitang ganoon si Cristine. Napangiti din ako dahil baka buntis nga si Cristine dahil madalas namin iyong tuksuhan noong mga nakaraang araw.

"Oo."

Mabilis akong nagmaneho pabalik ng bahay nina Cristine. Inalalayan ako ng kasambahay papasok sa kwarto ni Crisitine. Mabilis naman kumilos ang kasambahay na tila sanay na sa gagawin.

"Salamat po!" Iniabot ko sa kasambahay ang baso matapos uminom ng gamot si Cristine.

Kinumutan ko siya. Hinalikan sa pisngi at hinayaan ko muna siyang makapagpahinga. Tumayo ako at nagdesisyong umalis.

"Babe," habol ni Cristine bago pa ako lumabas ng kwarto.

"Magpahinga ka na muna."

"Dito ka muna sa tabi ko. Gusto kitang yakapin."


itutuloy...

The Fall of Adam - Ten





Wala ng atrasan. Tinanggap ko si Cristine kasama ang mga baluktot na paniniwala niya. Kung mapapatunayan ko sa kanyang mahal ko siya ay maaring magbago ang isip niya at tuluyang kalimutan ang pakikipaglaro ng apoy. Babae siya. Malambot ang puso ng babae basta makuha ang kiliti nito.

"Wala ka ng ibang kondisyon? Mukhang hindi ako mahihirapan ah." wika ko sa kanya habang  hinahaplos ko ang kanyang braso.

"Sigurado ka?"

"Oo naman!"  Dahil mahal ko siya gagawin ko ang lahat para hindi na siya maghanap ng iba. Kung nagawa kong limitahan ang night life niya maari kong maiiwas siya sa pakikipagflirt. "Tayo na ba?"

"Sige. Honestly, masaya akong kasama ka kaya walang masama kung susubukan ko ang gusto mo. Pero wag kang aasang susuklian ko ang pagmamahal mo."

"Masaya na ako kung anong mayroon tayo ngayon. Hindi siguro ako magdedemand pa ng iba."

"Kung ganoon, wala palang magiging problema e." Hinawakan niya ang aking baba at hinalikan ng bahagya sa labi. "You're officially mine Mr. Policeman..."

"Yes. You can take me home... anytime."

"So pwede na akong magselos?" tanong ni Cristine. Siguro ako dapat ang magtanong ng ganoon sa kanya lalo pa't napapadalas ang pagkikita nila Philip.

"Basta nasa lugar e," sagot ko.

"Kailan ba masasabing nasa lugar ang selos?"

"Kung palagay mong nababalewala ka. Sa pagkakataong ganoon naman dapat kinakausap mo ako para wala tayong maging misunderstanding."

"Sanay akong sinasarili ko lang e. Hindi ako masyadong vocal sa mga feelings ko."

"Malawak naman ang pang-unawa ko e kaya walang masamang magshare.. We are trained to negotiate...."

"...make alibis and excuses?" putol ni Cristine sa sasabihin ko pa. "Kayong mga lalaking mabilis humanap ng lusot e."

"Kung hindi open makinig ang isang taong kausap sa mga possibilities, alibis ang tawag nila doon. Dapat maayos ang communication natin para maiwasan iyon..."

"Moody ako e. May magagawa ka ba dun?"

"Alam ko naman ang kiliti mo e." Hinawakan ko ang bewang niya at pinadulas iyon sa kanyang likuran. Kinabig ko siya palapit sa akin saka pinaluguan muli ng maiinit na halik.


Kinaumagahan hindi ko na inabutan si Cristine sa aking tabi. Nag-iwan naman siya ng note sa pintuan ng ref na kailangan niyang umalis. Bago kami makatulog kagabi, nangako naman siya na sasabihin niya sa akin kung may nakilala siyang lalaki at aaminin niya kung may nangyari sa kanila. At para mabawasan ang inaalaala ko, kung sakaling may nangyari sa kanila ng isang lalaki, hindi siya makikipagtalik sa akin sa loob ng isang buwan  para malinaw kung sino ang ama ng ipagbubuntis niya.

Handa na ang almusal at ang idineklara niyang paborito kong pancake sa dining table. Nakaorder na din sya agad ng set of fresh flowers para palitan ang plastic na rose sa aking mesa. Kung tutuusin, sweet na tao si Cristine nagkataon lang na mayroon siyang baluktot na paniniwala kaya natatabunan ang totoong ugali.

"Hello? Saan tayo magkikita?" tanong ko kaya Angela matapos kong sagutin ang tawag niya.

"Nasa labas na ako ng bahay mo." Dali dali akong tumakbo sa may bintana para siguraduhing nandoon sya. "Hindi mo ba ako papasukin?" 

Ibinaba ko ang telepono at binuksan ang pintuan. "Bilis mo naman! Hindi pa ako nakakapaghanda e."

"Gusto ko talagang makita ang itsura mo kapag bagong gising." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bahagya akong napalunok sa ginawa niyang pagtitig sa akin. Nakasando at maiksing shorts lang ako noon.

"Maliligo lang ako." Gusto kong umiwas kay Angela kaya iyon na lamang ang naisip kong dahilan. Mahirap din labanan ang pagkalalaki lalo pa't mapang-akit ang suot niya. Lalo pa't revealing ang suot niya. Lutang na lutang ang kayang kaputian sa suot na purple sleeveless  at isang dangkal lang yatang shorts.

"Pwedeng sumabay?" Bahagya akong natigilan at napakamot sa akin ulo. "Biro lang."

Pagkatapos kong maghanda ay umalis na kami ni Angela. Sumunod lang ako sa gusto niyang puntahan.  Naghanap ng breed ng aso, bumili ng camera at  kumain sa isang fine dining resto ang naging routine namin sa buong araw. Kung tutuusin hindi mahirap pakisamahan si Angela. Madaming siyang kwento kaya hindi nakakainip kasama. Madali lang din s'ya patawanin. Tulad ng sabi ni Cristine, matalino nga si Angela. Napapahanga ako kapag may mga bagay siyang ikinukwento sa akin lalo na kapag tungkol sa mga hayop noong naghahanap kami ng breed ng aso kanina.

"Paano mo nga pala nalaman ang bahay ko?" usisa ko sa kanya kahit alam kong ibinigay ni Cristine.

"Kay Tin. Weird nga e. Alam mo bang lagi ka niyang binibuild-up sa akin."

"Talaga?" Bahagya akong nabahala dahil parang ipinagsiksikan ko lang ang sarili ko kay Cristine.

"Oo. Hindi ko nga alam kung inirereto niya ikaw sa akin o type ka niya."

"Paano mo nasabi?"

"Madami siyang sinasabing magandang bagay tungkol sa'yo tapos noong naging interested na ako, bigla naman ayaw na n'yang mashare. Ako na lang daw ang magtanong kaya here I am."

Totoo nga pala ang hinala ko. Gusto ni Cristine maging malapit ako kay Angela. Hindi lang malinaw ang dahilan. Wala naman akong ipinakitang motibo noong unang pagkikita namin.


"Alam mo ba kung nasaan si Cristine ngayon?" tanong ko kay Angela.

"Uhmm. Yes. Kasama siya ni Kuya Philip."

 "Close pala talaga sila."

"Not just close. Mahal ni Kuya si Cristine. Kaya nga bumalik siya ng Pilipinas e."

"Ano?!" Napakunot ang aking noo.

"Bakit ganyang ang reaction mo? Siguro hindi pa n'ya nasasabi sa'yo..  Madami ka pang di alam kay Cristine."



-itutuloy

Sukli


"Ken, pagod ka na," puna ni Tita Loida sa akin nang inabutan niya akong nakaidlip sa gilid ng kama ni Patricia. Hinawakan niya ang aking balikat dahilan upang magising ako sa aking pagkakaidlip. "Umuwi ka muna para makagpahinga."

"Gusto ko po sanang hintayin ang paggising ni Patricia."

"Alam ko ang nararamdaman mo pero tatlong araw na tayong naghihintay ng paggising niya." Hinawakan niya ang kamay ko at hinikayat umuwi. "Pero kailangan mo ng pahinga. Pwede ka namang bumalik dito at babalitaan ka namin kung may development."

Lumabas ako ng hospital na mabigat ang loob. Sinisisi ko pa din ang aking sarili sa nangyari sa kanya. Wala sana siya ngayon sa ospital kung pinagbigyan ko ang gusto niya. Kung naglaan sana ako ng sapat na oras, hindi aabot sa ganito.

Sumakay ako ng jeep pauwi. Tatlong araw na din ang ipinamalagi ko sa ospital simula noong isinugod ko siya doon. Tatlong araw na din siyang walang malay. Uminom ng sangkatutak na sleeping pills si Patricia. Inabutan ko pang bumubula ang bibig niya noon.

Maayos naman ang relationship namin. Hindi pala. Akala ko maayos ang relationship namin pero may dinaramdam pala si Patricia. Akala ko malawak ang pang-unawa niya sa tuwing sasabihin kong di tuloy ang lakad namin dahil sa trabaho ko. Akala ko, naunawaan niyang para sa amin ang lahat ng ginagawa kong pagsisikap. Hindi ko naman kasi siya kinakitaan ng pagtutol o reklamo. Lagi siyang nakangiti.

Sa kwento ng ka-roommate niyang si Agnes, masaya pa daw noong umaga si Patricia. Nagluto pa nga daw ito ng pagkaing pagsasaluhan sana namin. Tinawagan ko si Patricia na bukas na lang ako makikipagkita dahil may presentation pa ako maaring gabi na matapos. Naghintay daw si Patricia sabi ni Agnes. Nadismaya siya noong hindi ako dumating sa anniversary date namin pero di nila inaasahan na hahantong sa suicide. Nagulat na lang ako noong bigla akong tinawagan ni Agnes. Umiiyak. Takot. Garalgal ang boses. Mabilis akong pumunta sa iuupahan nila at isinugod sa ospital si Patricia.

Habang binabagtas ko ang daan pauwi hindi ko mapigilang mapaluha. Nagsisisi. Ilang beses akong bumulong sa aking magkadaop na palad, humiling akong maging maayos ang lahat. Dugsungan pa ang buhay ni Patricia. Babawi ako kapag nagbalik na ang ulirat ni Patricia. Maglalaan na ako ng sapat na oras. Susuklian ko ang pagmamahal niya. Mahal siya. Mahal na mahal.

"Manong, bayad po. Dasma po." Pinahid ko ang aking luha

"Sukli oh."

"Kulang po, isa lang pong Dasma."

"Isa lang? Hindi pa nagbabayad ang kasama mo," pangangatwiran ng driver. "Iyang babaeng nakayakap sa'yo!"

Tumunog ang aking cellphone kaya di ko nabigyan ng pansin ang sinabi ng driver. Si Tita Loida. Gusto kong sumigaw sa labis na hinagpis. Hanggang sa huling sandali hindi ko kasama si Patricia.

The Fall of Adam - Nine





Nanatili akong gulat sa usapan namin ni Angela. Para akong na-hypnotized para sumang-ayon sa gusto niya. Alam kong dinig ni Cristine ang usapan namin kaya kinakabahan ako. Sobrang wrong timing. Ang lubos kong ipinagtataka ay alam niya ang contact details ko. Landline, street address, block, house number, office, name it. Weird!

Ayos lang naman na makipagkita ako kay Angela pero ayaw magkaroon ng meaning. Siguro naman hindi mamasamain iyon ni Cristine. Malawak ang pang-unawa niya at minsan nga hindi na katanggap-tanggap. Yes, attractive si Angela pero wala akong nakikitang iba kundi ang physical. In short, hindi ako interesadong malaman kung ano ang mayroon sa kanya.

"Si Angela," wika ko kay Cristine matapos ang aming pag-uusap. Mahina. Pabulong. Kabado.

"Type mo ang friend ko?" tanong niya habang inaayos ang damit niya. Nadismaya siguro siya pero di ako sigurado.

"No!" madiing tanggi ko. "She's attractive but iyon lang ang nakikita ko."

"She's beautiful and intellegent." Tinitingnan ko ang mata niya. Kalmado. Halatang di man lang nairita kung nag-uusap kami ng kaibigan niya. "And very loving."

Ewan! Hindi ko alam. Bakit kailangan niyang sabihin ang mga katangian ni Angela? Sinisimulan na ba n'ya akong itaboy? "Nagtataka lang ako kasi alam n'ya ang number ko."

"Binigay ko. Every details na alam niya... galing sa akin."

"What?"

"Masama ba?"

"No." Wala akong maisip na dahilan para mangatwiran. Tila naging tagasunod lang ako.

"Good."

Natulala ako. Tila tumigil ang mundo ko sa tuwing mararamdaman ko at pumapasok sa bawat sulok ng utak ko na ang babaeng kinababaliwan ko ay ang nagtataboy sa akin palayo. Parang kinalawang ang utak ko at walang pumasok sa isip ko na magandang dahilan para sabihing ayoko ko kay Angela.

Siya ang gusto ko. Ewan ko kung bakit di n'ya maramdaman. Tanga ba s'ya? Manhid? O wala lang talagang pakialam?

Pumasok sa isip ko si Philip. Nagseselos ako. I'm dead.

"Tara sa loob," yaya ko kay Cristine. Dismayado. At bigla akong nawalan ng gana.

Gumuhit ang malanding ngiti kasunod ang pagtataas ng kilay. I find her cute sa tuwing gagawin niya iyon. "Ipoposas mo na ako?"

"Oo. Then ilalagay kita sa electric chair." Kinindatan ko siya.

"Damihan mo ang kuryente para derechong langit."

"Sa langit naman talaga ang punta natin."

"Ows. Sure ka?"

"Yes! Angels kaya tayo."

"Haha. You're crazy. Lagay kong 'to, angel? Mas katanggap-tanggap kung devil."

"Hindi naman nagsesex ang devils e. Bawal silang makarating sa heaven."

"Naughty! Tara na at kukumustahin ko pa ang manok ni St. Peter."


Napakasarap sa pakiramdam sa tuwing ikukulong ko si Cristine sa aking mga bisig. Isisinigaw ng puso ko na akin siya. Bawat halik at yakap naming pinagsaluhan ay nagbibigay sa akin ng di maipaliwanag na kasihayan.

Sa tuwing napapaidlip siya sa aking dibdib hindi ko mapigilan ang aking sarili na sabihing mahal ko siya. Gusto ko siyang ipagdamot at pahalagahan na higit pa sa mamahaling bagay. Gusto kong wakasan na ang paborito niyang laro. Sa bawat haplos ko sa kanyang buhok ay sinusundan ko ng buntong hininga. Nagdesisyon na ako. Siya ang babaeng gusto makasama ni Adan habang buhay.


"Bakit hindi mo subukang magmahal?" Kumalas siya sa pagkakayakap at tumitig sa aking mukha.

"Nagpapatawa ka ba?"

"Nagawa mo na ang lahat sa buhay mo, magmahal at mahalin na lang kulang sa'yo."

"Sa tingin mo may magkakagusto pa sa akin?"

Hinawakan ko ang kanyang mukha. Tinitingan ko ang kanyang mata. Hindi ko hinayaan pang may kumawalang salita sa kanyang bibig. Hinalikan ko siya saka ako nagsalita, "Meron... Ako."

"Mahal mo ako?"

"Oo. Mahal na mahal."

"Nasasabi mo lang 'yan dahil nasasatisfy ko ang pagkalalaki mo!"

"Madaming babae ang kanyang magbigay ng satisfaction pero hindi lahat pwede alayan ng pagmamahal. Bakit hindi mo subukan maging tayo?"

Umiling siya. "Komplikado. Ayaw kong maging magulo ang buhay mo."

"Tatanggapin ko lahat. Communication lang ang sagot sa lahat para walang... maging complicated."

"Papayag akong maging tayo, in one condition. Hindi mo ako pagbabawalan makipagflirt.. Hindi lang kayong mga lalaki ang may karapatan na magmalaki na naikama nyo si ano o magaling sa kama si ano. "

Nadismaya ako sa mga nadinig ko. Pero hindi ito ang oras ng pagsuko. "Ano pa bang gusto mong patunayan? Life is not about sex."

"Gusto kong ienjoy ang buhay. Ayaw ko sa bandang huli ay iiyakan lang kita dahil nagpaseryoso ako sa'yo."

"Paano kung mabuntis ka?"

"Dalawang bagay lang.. Kung mahal mo ako tanggapin mo ang anak ko. Or iwanan mo ako. Now Decide!"


...itutuloy

The Fall of Adam - Eight




Preview | One | Two | Three |Four | Five |Six | Seven|

That girl? Angela. Hindi ko alam ang plano n'ya o ano ang gusto niya. Imagine, matagal kaming magkausap at saka pa naisipang humalik kung kelan maraming tao. Pero isa lang ang masasabi ko, masarap ang halik niya. Ramdam kong gulat ang lahat dahil tumahimik ang buong paligid. Hindi nga agad ako nakakilos dahil hindi ko alam ang tamang reaksyon.


Mas soft ang lips niya kumpara kay Cristine. Sinuwerte ba ako o ginagawa nila akong laruan? Hindi ko alam. Pero kung wala namang mawawala sa akin, wala akong nakikitang masama para maging instrumento ng bugso ng kanilang damdamin. Kung bumalik si Cristine kay Philip, suwerte pa din naman ako kay Angela.


Tahimik ang buong byahe namin pauwi.  Ang mga pagkilos lang namin sa upuan at ang hanging nagmumula sa aircon ang gumagawa ng ingay. Pinakikiramdaman ko si Cristine. Minsan sinusulyapan ko siya gamit ang salamin pero wala akong nakikitang palatandaan ng apektado siya. Siguro lang talaga ang nagbibigay ng meaning.


Naghanap ako ng CD na pwedeng patugtugin. Hinalungkat ko ang mga CD sa gilid ng upuan. Album ni Beyonce, Katy Pery, Lady Gaga, Rihanna at iba pang female singers. Hindi ako nakontento. Naghahanap ako ng relaxing sa pandinig dahil madaling araw na. Binuksan ko ang drawer ng dashboard para doon maghanap. Nakita kong minsan na may mga CD rin doong itinatago si Cristine.


"Hey! Don't touch that!" bulyaw ni Cristine.

Nagulat ako sa sigaw niya. Hindi ko alam na ganoon ang magiging reaction niya. "Sorry. Naghahanap lang ko ng pwedeng patugtugin."

"Fine! Huwag mo lang pakialam ang laman niya. Sara na mo na ulit."

Nacurious ako sa laman noon. Bago ko isara, pinagalaw ko muna ang kamay ko sa loob. Nagbabakasakali akong malaman ang misteryong bumabalot sa laman noon.  Wala akong nakitang kakaiba. Siguro natatakpan ng mga CD o nakatago sa pinakadulo.

"Baka may ilegal dito ha."

"Wala, Mr. Policeman."

"Sacred talaga iyan," sabat ni Brenda na akala ko ay natutulog na sa likod. "Kahit ako walang lisensya na pakialaman iyan."

"Weird." sabi ko.

"Anong weird? Weird ba ang magkaroon ng kaunting privacy?"

"Look. Kung gusto mong magtago ng isang mahalagang bagay, hindi mo ilalagay sa madaling buksan."

"Mr. Jacobo." Nagtaas si Cristine ng kilay. "Ang zipper ko madali din lang buksan at mahalaga din ang nakatago doon."


Pambihirang logic. Nauubusan ako ng dahilan para magsalita. She's weird but exciting. Mahirap talagang kalaban ang mga taong pilosopo.


"Ano ka ngayon?" pang-aasar ni Brenda. "Igalang mo na lang ang gusto nya."

"Sure. No problem." Nagtaas pa ako ng kamay bilang tanda ng pagsuko.

"Ang zipper na lang ang buksan mo!"


Naging ordinaryo ang mga sumunod na araw. Nagkaroon ako ng training sa ibang lugar kaya hindi kami nagkikita ni Cristine. Hindi ako nakalimot tumawag kapag may pagkakataon. Maayos naman ang aming mga pag-uusap.  May pagkakataong nga lang na si Philip ang kasama niya. They shared their time somewhere. Hindi na ako nag-usisa. Mas komportable para sa akin na wala akong alam.


"Sa Saturday next week uuwi na ako."

"Punta ako sa bahay mo?"

"Ikaw. Kung anong komportable sa'yo."

"Of course, I will. Namiss ko din naman si Mr. Policeman. Hand-cuff mo agad ako ha?"

"Natatawa naman ako sa'yo. Sa tingin mo magagawa ko iyon."

"Request ko nga e," malanding sabi niya. "In return ipagluluto kita ng favorite mong pancake."  Hindi ko alam na paborito ko pala ang pan cake. Ang mahalaga makakasama ko ulit siya.


Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa palagay ko normal naman ang lahat. Maayos ang lahat. Naglalakad na ako papasok ng bahay nang biglang may bumusinang isang pamilyar na sasakyan sa akin. Binaba ng nakasakay ang salamin ng bintana at agad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Namiss ko siya. Sobra.


"Pwede ka bang i-pick-up pogi?" pabirong wika ni Cristine.

"Mahal ang rate ko e. Ikaw kasi ang first customer ko." sakay ko naman sa biro niya.

"Okay lang kahit mahal, may tip ka pa kapag nagustuhan ko ang serbisyo mo." Kumindat siya sa akin.

"Sige. May libre ka pang extra service."


Lalabas na sana s'ya ng sasakyan pero pinigilan ko. Hinarang ko siya sa may pintuan ng driver seat. Hinalikan ko siya habang nakaupo at ako naman ay nakatayo. Isinaklang ko ang dalawa niyang binti sa aking bewang. Pagdampi pa lang ng aming mga labi ay ramdam ko ang uhaw sa sensasyong matagal kong hinanap-hanap. Alam kong wala ng halong libido ang aking mga halik. I want her. Hinding hindi ko siya pakakawalan.

Pinagapang ko ang aking mga halik sa kanyang leeg. Humigpit ang yakap niya. Inalalayan ko ang likod niya habang inihihiga sa upuan. Gamit ang aking paa nagawa kong isara ang pintuan. Hindi komportable ang aming pagkakahiga pero hindi naging balakid iyon para magpatuloy.

"More pleaaasee," pagmamakaawa ni Cristine.

Ipinasok ko ang aking kamay sa suot niyang tube habang naglalaro ang aking mga labi sa kanyang leeg at sa may likod na bahagi ng tenga. Naglaro ang isa kong kamay sa kanyang bewang paikot sa kanyang likod at tiyan.  Iniangat ko ang kanyang damit at muli akong nabighani sa kanyang dibdib.

KRRRIIIIIGGG! KRIINGG!!

"Sagutin mo muna baka emergency!" utos sa akin ni Cristine. "Makapaghihintay naman ako."


"Hello, good evening." Pagkasagot ko ay muling kong napansin ang drawer sa may dashboard. Nagbalik sa aking alaala ang misteryo nito.

"Pwede ka ba bukas?" sagot ng babae sa kabilang linya. "Sunday naman e. Siguro wala kang pasok."

"Sino 'to?"

"Its me... Angela."


...itutuloy