Skinpress Rss

Chickababes


"Anong oras kaya tayo makakarating ng Lipa nito?" Sakay kaming tatlo nina Andrew at Oscar sa Yamaha Mio patungong lipa para manood ng libreng concert ng Sponge Cola. May katabaan si Andrew kaya lalo akong nahihirapan sa pag-angkas. Sa katunayan sa bilbil n'ya ako nakakapit para hindi mahulog.

Maliit lang ang Mio at ginagawa para sakyan ng isang tao lamang. Pupugak-pugak pa ang tambutso sa tuwing magiging pataas ang daan. Kung bansot na kalabaw nga ang motorsiklo malamang tumba na ito sa daan.

"Jigs, nagmamadali ka ba?" tanong ni Andrew sa akin. "Ikaw na ba ang bokalista?"

"Para kasing di tayo makakarating sa lagay na 'to." sagot ko. Sa daan, nakikita ko ang mukha ng mga taong natatawa sa amin. May mga napapailing din dahil sa panghihinayang sa motorsiklo.

"Minamaliit mo si bumble bee?" tukoy ni Oscar sa kanyang Mio. "May kasama lang tayong di tao kaya mabagal."

"Tarantado!" angal ni Andrew. Alam n'yang siya ang tinutukoy ni Oscar. Tulad ng ibang mataba madalas siyang lokohing baboy.

"Aba! Bakit ka nagrereact? Hindi naman ikaw!" natatawang wika pa ni Oscar. "Bumili nga pala ako ng bagong busina pero isosoli ko kasi parang sira e."

"Anong sira?" sabay pang tanong namin ni Andrew.

"Oink, Oink, kasi ang tunog!"  Nagtawanan kaming tatlo kahit talo sa asaran si Andrew.

Mula pa pagkabata magkakasama na kaming tatlo. Madalas ang asaran pero hindi uso ang pikon. Nagsimula nga kami sa kahoy na trolley kapag gagala para manguha ng bayabas, sumunod bisekleta at ngayon motorsiklo. (Binabalak nga namin bumili ng submarine para magbusiness ng coke.)

"Jigs baka madevelop ka na sa akin n'yan." wika ni Andrew. "Napapahigpit ang hawak mo sa akin ah!"

"Ulol!" sagot ko. "Eh baka mahulog ako!"

"Huwag kayong malikot! Nahihirapan si Bumble bee." sabat ni Oscar.

"Tigil mo p're. Naaawa ako sa motor mo e." pakiusap ko. "Hintayin n'yo na lang ako sa Lipa."

"Buti nakaramdam ka din na dapat ka ng bumiyahe," bawi sa pang-aasar ni Andrew.

"Malakas ka sa amin kaya hindi magsisimula ang concert hangga't wala ka!" sigaw ni Oscar. Humarurot ang dalawa matapos kong bumaba.

Mabilis din naman akong nakasakay ng jeep-con-disco-house dahil sa lakas ng music sa loob. Madami ding ilaw na parang pantawag ng alien.

"Bayad nga po. Isa pong Lipa."

"Saan 'to?" tanong ng driver slash DJ wannabe.

Lakas kasi ng music at may sumasabay pang pasahero sa pagbirit kay Bieber kaya di ako nadinig. "Lipa po."

Komportable akong naupo malapit sa likod ng driver matapos abutin ang aking sukli. Iginala ko ang aking mata sa mga pasahero. Sa palagay ko maiinip sina Oscar sa paghihintay sa akin dahil balak pa yata ng driver na tigilan lahat ng taong nasa daan. Sabagay hindi nga naman masaya ang disco kung konte ang tao.

Napaigtad ako sa aking pagkakaupo nang may sumakay na tatlong babae. Lahat sexy. Dalawa sa kanila ay nakashort at ang isa naman ay nakaskirt. Kumilos ako. Gusto kong ipakita ang malaking bakanteng pwesto malapit sa tabi ko. Jackpot kung umupo ang alinman sa kanila sa tabi ko.

Kung suswertehan ka nga naman. Tumabi sa akin ang nakaskirt at sa tapat ko pa ang dalawang chicks. Naamoy ko pa ang pabango ng babaeng katabi ko. Maiinggit si Andrew kapag nagkwento ako sa mga chikababes na kasakay ko. Gusto kong titigan ang babaeng katabi ko pero masyadong obvious kaya pumikit na lang ako. Kunwari ay inaatok ako pero ang totoo ay pasimple kung tinitingnan ang mga babae. Siniyasat ko ang kanilang anatomy.

Gusto kong magrequest sa driver na lalong bagalan ang pagpapatakbo para sulit ang byahe ko. Mas maganda kasi silang panoorin kesa sa Sponge Cola. Hindi maiwasang magdikit ang braso namin ng katabi kong chick sa tuwing magpepreno ang jeep. Ramdam ko ang kinis ng kanyang balat.

Nagkukwentuhan ang tatlong babae habang nasa byahe. Hindi ko masyadong maintindihan ang kanilang pinag-uusapan pero alam ko may kinalaman iyon sa gala nila kagabi.

"Malapit na ba tayo?" tanong ng babaeng katabi ko sa kanyang mga kasama.

"Oo. Malapit na nga." sagot ng isa.

"Teka. Baka mukha na akong gusgusin!"

Iminulat ko ang aking mata para sulitin ang huling sandali. Binuksan niya ang hawak ng bag. Bahagya akong tumitingin sa kinuha niyang salamin para makita ang itsura niya. Hindi naman ako nabigo. Naniniwala na talaga akong may anghel at nakadiguise lang na tao. Sa tatlo siya ang pinakamaganda.

"Ay sorry!" paumanhin niya ng biglang tumulo sa aking pantalon ang hand sanitizer na inipon niya sa kanyang palad. Mabilis siyang naglabas ng tissue. Pinunasan niya ang nabasang parte. "Hindi ko sinasadya."

Agad naman akong kumuha ng panyo sa aking bulsa. "Okay lang. Ako na magpupunas." Tiningnan ko siya ng derecho sa kanyang mukha. Maamo ang mukha niya. Gusto kong malaman ang pangalan niya pero napakaakward magtanong.

"Ano ba naman yan, Sheena? Baba na nga lang tayo nagkalat ka pa!" puna ng babaeng kaharap ko. Sheena pala ang pangalan niya. Buti na lang binigyan niya ako ng hint.

"Madali naman matutuyo ito." sabi ko sa kanila.

"Ma, sa tabi na lang po." para ng babaeng kasama nila na parang walang pakialam sa nangyari.

"Sorry talaga ha." paumanhin ulit niya.

"Okay lang Sheena."

"Oh close na agad kayo ha." Ngumiti naman ako. "Kuya pasensya ka na sa kasama namin." Hinawakan pa ako sa balikat bago sila bumaba.

Parang may nagtutulak sa akin na bumaba pero wala akong maisip na dahilan para sumama sa kanila. Napapahawak na lang ako sa bahaging nabasa sa tuwing maalala ko ang boses ni Sheena. Panalangin ko na lang na sa ibang araw ay makasakay ko ulit siya.

Pumara ako. Excited na akong magkwento sa dalawa kong kaibigan. Iinggitin ko sila. Patayo na ako mula sa aking pagkakaupo nang mapansin kong wala na ang aking wallet. Kinapa ko ang aking bulsa pero wala talaga. Napailing na lang ako.


-end-

PNP Haiku


Palo Ng Palo
di bumukas na pinto
maso hinagis

*****


Tanggal sa service,
Chekwa sa bus nahostage
Pulis nagpanic

*****
Patay na lahat
driver na kumaripas
hostage tinirgas



****

Kulang sa budget
PNP walang training
Mendoza, well-trained

****

Praktis Ng Praktis
Sa hostage taking crisis
taguang pulis



---




nandito ang walang substance na statement ni PNOY . Parang naging reporter lang.

Condolence po. 

-----------------

AND congratulations to major major Maria Venus Raj for winning FOURTH RUNNER- UP of the MISS UNIVERSE PAGEANT 2010.

MR BALDWIN : Ms. Philippines, What is the safest place in your country?

MS RAJ : In my arms, Mr. Judge 


The Fall of Adam - Seven









Preview | One | Two | Three |Four | Five |Six |



Komportable akong naupo sa malambot na sofa malapit sa may pintuan. Inibangan ko kung may darating pang ibang bisita. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kabahayan kung may nauna sa aming dumating. Pero walang ibang tao. Kami lang at ang may-ari ng bahay na si Angela. Bahagyang napanatag ang loob ko dahil wala akong nakitang lalaki.

Maganda si Angela. Hindi siya nagpapahuli kay Cristine. Halata sa kanyang balat na matagal ang kanyang ipinamalagi sa bansang di tropikal dahil sa labis na kaputian. Mausisa din siya. Madalas niyang ungkatin kung paano ako naging kakilala nina Cristine. Minsan inilalaglag din niya ang kaibigan na pumapabor naman sa akin.

"Anong work mo?" usisa ni Angela. "Buti nakakayanan mo ang katigasan ng ulo ni Cristine."

Tumingin muna ako kay Cristine bago magsalita. Pinandilatan niya ako ng mata. "Pulis ako. Kaya ko nga siya nakilala dahil matigas ang kanyang ulo." Nagtawanan ang lahat. "Ikukulong ko na nga dapat e."

"Nilandi siya ni Cristine kaya di n'ya ikinulong," sabat ni Brenda.

"So anong nangyari after siya landiin?" excited na tanong ni Angela habang pilit na tinatakpan ni Cristine ang bibig ko.

"Ikinulong ni Cristine si RJ sa bisig niya!" pagbubulgar ni Brenda. "Hindi nakapalag ang pulis."

Inilahad pa ni Brenda ang madalas na pagkikita namin ni Cristine. Naging interesado naman si Angela kaya nakinig siya sa bawat kwento. Inusisa niya ang mga lugar na pinuntahan namin.


"Ah e, ganun na nga!" sang-ayon ko naman. Halos maging sentro ng katuwaan si Cristine. "Sinamantala ang kahinaan ko e."

"Guys, ginagawa n'yo akong katawa-tawa ha," si Cristine.

"Akala mo ikaw lang?" segunda ko.

"Tin, kumusta naman ang pulis na matulis?" si Angela.

"Hmmm. Sabihin na nating kung may asawa s'ya eh maeenjoy kong maging kerida," sagot niya kay Angela.

"Eh, wala naman akong asawa. Anong naeenjoy mo ngayon?" hirit ko.

"Ayan! Nag-iimbestiga na ang parak!" sabat ni Brenda.

"Siyempre ang fire arms!" Namula ako sa mga sumunod na usapan ng mga babae.


Matagal tagal din ang aming kwentuhan nang may biglang dumating na sasakyan. Pinagdaop ni Cristine ang kanyang palad at kiniskis ng ilang ulit habang sinulyapan ang parating. Tinitigan ko siya. Bahagyang nagtagpo ang aming paningin at muling ibinalik ang atensyon sa parating.

"Kuya!" salubong ni Angela sa kapatid. "Nandito na sila."

May pusturang tumayo si Cristine. Sinalubong ng ngiti ang lalaki na sa palagay ko ay si Philip. Naghintay siya ng pagkakataong lumapit ito at hinalikan sa pisngi. Tumayo din ako at kinamayan siya matapos magkakilala. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang aking sarili dahil natuon ang atensyon ng lahat sa bagong dating. 

Magiliw na kinausap ni Cristine si Philip. Binalikan nila ang nakaraan at inisa-isa ang mga pagbabago mula noong huli nilang pagkikita. Tango at ngiti lang ang naging sagot ko kung makakasali ako sa usapan. Namaalam kong maninigarilyo sa labas bago pa ako atakihin ng inip.

Sumandal ako sa konkretong poste at nagpalipas ng oras. Pinakawalan ko sa hangin ang usok mula sa aking bibig. May alinlangan ako kung dapat pang ipagpatuloy ang pakikipagkita kay Cristine. Nandito na si Philip at halatang mas malaki ang interes niya sa lalaki. Tulad ng sinabi noon ni Brenda si Philip ang dati.
  
Kung iiwas naman ako baka tawanan ako ni Cristine. Kailangan ipakita ko pa din na matigas ako. Hindi dapat ako magpakita ng kahinaan. Maaga pa para maging apektado ako.

"Hindi ka pa ba babalik sa loob?" Tiningnan ko ang nagsalita. Si Angela.

"Uubusin ko lang 'to." tukoy ko sa hawak kong sigarilyo.

"Hello..." may arteng wika niya. "Kanina ka pa dito sa labas. Gusto mo pa yatang sunugin ang baga mo bago ka pumasok sa loob."

"Isa na lang 'to."

"Promise?" pangungulit niya.

"Oo."

Lumapit siya sa akin. Kumuha ng isang stick ng sigarilyo. Sunod-sunod ang hithit niya bago nagsalita. "Do you like her?" tanong niya habang nakatingin sa kawalan.

"Huh?"

"Do you like her?" tanong niyang muli. "Si Tin. May ikuwento ako sa'yo kung aaminin mo!"

"Hindi ko alam."

"Labo naman ng sagot mo! Akala ko pa naman may mapipiga ako sa'yo."

"She's attractive. Kaya madaling magustuhan." pagtatapat ko. "Pero sa ugali, may ilang bagay kasing hindi ko gusto."

"So, gusto mo siya?"

"Siguro."

"Magkukwento na nga lang ako. Kahit hindi ka interesado."

"Makikinig ako."

"Classmate ko sina Cristine at Brenda. Galing kami sa all-girls school. Si Cristine ang malakas ang loob sa aming tatlo kapag may nang-aasar sa amin na mga lalaki sa kabilang school siya ang nagtatanggol sa amin."

"Palaban na pala talaga siya noon pa."

"Oo. Pero pagdating sa love, siya ang late bloomer. Hindi pa nga siya nagkakaboyfriend e."

"Kasi nga ayaw niya ng commitment. Hindi siya open sa relationship."

"Mali ka!"

"Iyon ang kwento nya sa akin e." katwiran ko agad.

"She's always waiting for a perfect guy. A prince charming tulad ng mga nasa fairy tale."

"Hindi talaga darating iyon kasi fairy tale nga e."

"Makinig ka muna. Daldal mo naman ngayon!"

"Pasensya na."

Sa kwento ni Angela, madalas noong sa bahay nila si Cristine. Naging daan iyon para mapalapit ang loob ni Cristine kay Philip. May girlfriend noon ang lalaki kaya pinigil niya ang nararamdaman. Subalit hindi na niya napigilan noong mismong si Philip ang nagconfess ng kanyang nararamdaman. Hindi sila nagkaroon ng relasyon pero naimpluwensyahan ng kuya ni Angela ang isip ni Cristine kaya naging bukas ang utak nito sa mga nangyayari sa kanila.

"Uwi na tayo RJ." singit ni Cristine. "May pasok pa kasi bukas."

"Oo nga almost two na din pala," sang-ayon ko.

"Tara." Hinalikan niya si Angela at Philip sa pisngi bago pumasok ng sasakyan.

"RJ. Wait." pahabol ni Angela.

Bago pa ako nakapagsalita kinabig ako ni Angela at hinalikan sa labi. 


itutuloy...
 

Biscuit


"Oh, Michael 'san ka ba pupunta?"

"Doon sa may pintuan ate," sagot ng bata sa kapatid habang tumatakbo palayo. "Namimigay sila ng biscuit at candy!"

Inihatid ng tingin ni Aubrey ang kapatid papunta sa kumpol ng mga batang nag-aagawan sa libreng tinapay at candy. Naiwan s'yang katabi ni Allan. Wala na sa bukabularyo niya ang muling pagbalik sa bahay ng dating kasintahan. Sa di nga lang inaasahang pagkakataon namatay ang lola ni Allan na naging malapit sa kanya. Isa pa, magandang pagkakataon din para tuluyang magkaroon ng maayos na closure ang tatlong taon nilang pagsasama.  

"K-kamusta na," may halong pait na wika ni Aubrey para basagin ang tila pader na katahimikang namagitan sa kanilang dalawa. "Kayo-"

Mag-iilang linggo pa lang noong naghiwalay ang dalawa. Napatunayan niyang may iba pang babaeng nagpapaligaya kay Allan. Noong una hindi siya naniniwala sa mga balita o talagang sarado lang ang kanyang padinig at bulag ang kanyang mata dahil sa matinding pagmamahal.

"Buntis siya," mahinang tugon ni Allan. "Three months."

Tango lang ang naging sagot ni Aubrey. Parang may malaking tinik sa kanyang lalamunan kaya di n'ya nakayang pang magsalita o magbigay man lang ng reaksyon. Nabingi siya sa sinabi ng kausap. Tatlong buwan. Mga panahong maayos naman ang takbo ng kanilang pagsasama. Gusto niya umiyak pero ayaw niyang gumawa ng eksena sa bahay. Hindi naman siya makaalis agad dahil kararating pa lang nila. Naglaro sa kanyang isip ang mga matatamis na salitang binitawin ni Allan noon. Bumalik din ang mga pangakong sila ang magsasama.

Bahagyang naputol ang kanilang pag-uusap noong sumingit ang ina ni Allan. Humingi ito ng paumahin sa gulong pinasok ng kanyang anak. Malaki daw ang pagkakaiba ng babaeng magiging ina ng anak ni Allan kaysa sa kanya. Tumaba ang kanyang puso sa mga papuri ng matanda. Sa isang banda, naawa naman siya sa babae dahil parang istranghera itong walang kausap sa may kusina. Bata pa ang babae at halatang hindi pa handa sa kanyang pinasok.

"Ilang taon na siya?" usisa niya kay Allan. "Hindi mo ba siya sasamahan sa may kusina?"

"19. Mamaya na lang siguro," tugon ng lalaki. Pitong taon ang tanda nila sa babae. "Aubrey pwede ba kitang makausap ng sarilinan."

Pumayag siya sa gusto ng dating nobyo dahil iyon din naman ang kanyang pakay. Marami siyang gustong sabihin at naghihintay lang siya ng tamang tyempo. Naupo sila sa mahabang upuang yari sa binayak na puno ng sampalok. Sa lugar na iyon madalas din silang mag-usap dati ni Allan sa tuwing gusto nilang maging pribado ang usapan.


"Masaya ako para sa'yo," sambit ni Aubrey kahit sa isip ay gusto niyang siya ang kasama ngayon ni Allan. "Nakita mo na ang pupuno sa mga pagkukulang ko."

"Hindi ko siya mahal, Aubrey." pagtatapat niya. "Natukso lang ako. Dala na din siguro ng alak. Patawarin mo ako."

Gusto niyang sumbatan ang lalaking kasama niyang nangarap na bumuo ng isang masayang pamilya. Alam niyang ibinigay na niya ang lahat sa lalaki pero nagawa pa siyang lokohin. Nagawa pa nitong sisihin ang alak at hindi ang kanyang pagiging mapusok.

"Hindi ako galit sa'yo. Tanggap ko na ang lahat. Nagpapasalamat ako sa mga oras na  inilaan mo sa akin. Naging masaya ako kaya wala akong pagsisihan." Hindi siya nagpakita ng galit dahil alam niyang mas masakit sa lalaki kung mananatili siyang mahinahon. Pinigilan niya ang paglalabas ng kahit konting emosyon.

"Ikaw pa din ang mahal ko." Matigas ang lalaki sa binitiwang salita.

"Yan din ang paniniwala ko..... Noon." Garalgal ang boses niya. Gusto pa niyang magsalita pero pinilit niyang maging matibay dahil alam niyang babagsak ang kanyang luha. Kung hahabaan pa niya ang kanya sasabihin ay baka makuha pa niyang magmakaawa na siya ang piliin kaysa sa babaeng alam niyang hindi mahal ni Allan.

"Aubrey.. Patawad..." Niyakap niya si Aubrey ng buong higpit. Gumanti naman ang babae dahil alam niyang iyon na ang huling pagkakataon na ikukulong siya sa bisig ng minamahal. Masakit tanggapin ang lahat subalit iyon ang kailangan. Kailangan niyang magpatuloy dahil sa iba na iikot ang buhay ni Allan. Nanuot sa kanyang puso ang bawat hagulhol ni Allan. Ramdam niya ang pagsisi. "Hindi ko man natupad ang pangako ko, magiging lalaki akong haharapin ang pinasok ko."

"Aasahan ko 'yan." Bumalik sa loob ang bahay ang dalawa matapos ang usapan. Namaalam na din sya sa ibang kamag-anak dahil alam niyang anumang oras ay babagsak na ang kanyang luha.

Mabigat ang kanyang mata pero maluwag ang kanyang dibdib. Sapat na ang sandaling iyon para tanggapin na tapos na lahat. Hindi na niya kailangang isumbat ang lahat dahil ang pagpapakasal sa taong hindi mahal ay sapat na bilang parusa. Tapos na ang lahat. Hindi karapat-dapat iyakan ang lalaki.

"Ate, nagugutom ka ba?" tanong ni Michael habang naglalakad sila pauwi. "Biscuit galing kina kuya Allan."

Ngumiti lang si Aubrey habang hinahaplos ang kanyang sinapupunan.

-end-

Friends but....


"kokak," said the frog.

"kokak, kokak!" the second frog replied.

"kokak," the third frog suggested.

the goat followed them and asked, "hey where are you going?!"

"to the river!" the nearest frog answered.

the goat grinned. "can i join you?"

"you want join us?" everyone started to laugh.

"i have no friends here." the two-horned creature lamented. "i want to join you!"

"would you sit down?" the frog commanded." you're too tall."

quickly and quietly, they moved around the goat.  the goat waited in silence for a moment.

the frogs then agreed. "we are your friends now! but still you can't join us."

"but why?" the goat cried. "i thought we're friends?"

"we can offer friendship.!" the frog shouted as they headed to the river. "
but not sex, its our spawning season so you can't join us. see you later, friend."
 

The Fall of Adam - Six








Preview | One | Two | Three |Four | Five |





Tama ang desisyon kong lumatad halip na sundan ang bawat galaw ni Cristine. Mas komportable at di ako nagmumukhang tanga sa kahihintay. Hindi naman naging mahirap pakisamahan si Cristine kahit may pagkaprangka.

Sa restobar ang madalas naming tagpuan at sa bahay naman siyang madalas matulog. May mga araw o gabi na nagpapaalam siya sa akin na hindi ko siya makakasama dahil may lakad siyang iba. May pagkakataong nakakaramdam ako ng selos kapag nadidinig ko ang kwentuhan nila ay tungkol sa lalaki.  Hindi ko naman siya mapagbawalan dahil kaibigan ang turing niya sa akin.


"Can't be with you tonight. May night-out kami ng mga ka-officemate ko," paalam sa akin ni Cristine.

"Ingat ka. Text ka na lang kapag nakauwi ka na."

"Hello? Are you my mom?" sakastikong wika niya.


Minsan, iniisip ko na hindi na dapat ako magsalita o magpakita ng concern sa tuwing lalabas siya na hindi ako kasama. Lumalabas kasi akong katawa-tawa. May pagkakataon na kinakantyawan ako ni Rommel sa pagtitiis ko kay Cristine dahil parang na-uunder ako. Sayang lang daw ang lalaki ng katawan ko.


"Pare mukhang tinamaan ka na sa chick ah!" kantyaw ni Rommel. "Dati kapag nalawayan mo na, iniiwan mo na agad e."

"Gago!" tanggi ko agad. "Daig mo pa si Boy Abunda sa tindi chumika!"

"Ikaw naman dinaig mo pa si Piolo sa tindi magdeny!"

"Puro ka kalokohan!"

"Asus! Baka nga may theme song ka pa dyan!"

"Wala! Lumayo ka nga!" Natatawa ako sa mga sinasabi ni Rommel. Paminsan tumatama din ang mga sinasabi n'ya kahit puro biro lang.

"Aba confuse!"

Magkaibigan lang kami ni Cristine. Lagi kong ibinubulong sa sarili ko na we are just friends having special benefits. FUBU ika nga. Pero higit na sa kaibigan ang tingin ko sa kanya kaya hindi ko siya mabitawan. Hindi ko lang masabi dahil wala akong maisip na dahilan kung tatanungin n'ya ako kung bakit ko nagustuhan ang katulad niya. Takot din akong lumayo siya kapag inamin ko ang katotohanan.


Hindi ako nagpakita ng kahinaan sa kanya. Ayaw niya kasing na hinabol siya kaya nagkukunyari akong walang pakialam kung sinumang lalaki ang kasama niya sa gabi. Kusa naman siyang nagkukuwento kung may nangyayari o wala.


"My treat! Maganda daw sa Acuatico sa San Juan, Batangas!"

"Bigatin ka ngayon, Mr Jacobo!"

"RJ! Bakit ba laging Mr. Jacobo ang tawag mo sa akin, Cristeta?"

"Sexier." She kissed me.

"So pwede ka?"

"Pwedeng pwede! Saturday?"

"Sure! Magpabook na ako."


Madalas na kaming lumabas. We go ziplining tuwing weekends or swimming outside the metro at gym sa hapon kapag weekdays. Tinuruan ko din siya ng airsoft para madagdagan ang bonding activities namin. Gusto ko kasing iiwas siya sa night life na kinasanayan niya. I know she's enjoying kaya naghahanap pa ako ng paraan para mapanatili ang excitement niya sa akin. Nabawasan man ang sexual urges namin sa isa't isa, napalitan naman iyon ng saya  and now, we know each other deeper. May meaning na ang usapan namin. Hindi palaging sex. Hindi ako romantic na tao pero malaki ang nagbago sa aking sarili, madalas na akong magprepare ng surprises. Suddenly, there is always something to look forward to sa bawat  pagkikita. She changed my perspective in life dahil may pagkabusiness minded din sya.


She still cooks for me. Masarap pa din ang pan cakes kaya lang masyadong napapadalas. Kapag nasa restobar, madalas nagiging ako ang taste tester nila kung nakamamatay o masarap ba ang luto.


"Masarap siya?" tanong ni Cristine sa bago niyang recipe.

"Super!" sagot ko.

"Sure ka?" paninigurado ni Brenda. "Baka binobola mo lang kami."

"Masarap talaga!"

"Masarap pa sa akin?" tanong ni Cristine.

"Pwedeng tikman muna kita para mapagkumpara ng maayos?" pilyong hirit ko.

"Later!" Napuno ng tawanan ang resto.

"Lalandi n'yo!" awat ni Brenda. "Baka madevelop na kayo niyan ha."


Bahagya akong natahimik. Nagkunwari akong kumakain ng marami para hindi halatang ayaw kong magsalita. Hinihintay ko ang reaksyon ni Cristine. Kung magiging biro ang sagot niya o direkta siyang tatanggi.

"Oh, wait someone's calling!" Bahagyang dumistansya si Cristine sa amin. Ako naman ay may panghihinayang dahil hindi ko na nalaman ang reaksiyon niya.

Nagkaroon kami ng bahagyang kwentuhan ni Brenda habang may kausap ni Cristine. Si Cristine syempre ang topic namin. Sa kabila kasi ng hilig niya sa pagkain ay hindi naman tumataba.


"Sino girl at abot tenga ang ngiti mo?"

"Si Angela. Nakauwi na daw sila."

"Angela? Kapatid ni Philip?"

"Don't say bad words! She's inviting us." She giggled.

Sino si Philip sa buhay niya? Bakit ganun ang reaction nya. Halata sa mata nya ang sobrang kasiyahan. Gusto kong magtanong. Pero hahayaan ko na lang sila ang mag-usap dahil alam kong malalim ang ugat kung uusisain ko pa.

"EXcited makita si Ex?" tanong ni Brenda.

Kinabahan ako sa nadinig ko. May kakumpentensya na ako sa oras ni Cristine?

"Ex? Hello.."

"Okay.. Correction.. Ex-FUBU."

"Better!" 

"May lakad kayo?" singit ko sa dalawa.

"Wanna join?" Sa unang pagkakataon tinanong niya ako kung gusto kong sumama.


Itutuloy....


  

The Fall of Adam - Five








Preview | One | Two | Three |Four |



Pumayag ako sa gusto ni Cristine. Magandang pagkakataon para makilala ko s'ya at hindi ko na din kailangang sundan ang bawat kilos niya. Maari ko ng makuha ang number niya para maging regular ang aming pagkikita. 

Marami akong gustong malaman bukod sa pagiging palaban niya. Hindi pa din malinaw kasi kung bakit kailangan niyang ipahiya ang lalaki sa larangan ng sex. Dapat ko din malaman kung bahagi lang ako ng kanyang eksperimento.  

Dumaan muna kami ng convenient store bago pumunta sa bahay. Pumili ako ng whisky habang nag-iikot si Cristine sa loob. Bumili na din ako ng pampalakas para matibay ang aking tuhod.

Pagdating sa bahay, hindi ako ang nagpakita ng interes para magsimula ng sex. Naupo lang ako sa sofa at bahagyang binuksan ang suot kong polo. Tatlong botones ang inalis ko para makita ni Cristine ang aking dibdib. Naupo sa tabi ko si Cristine, ipinatong niya sa aking mga hita ang kanyang paa. Iniunat ang binti. Nagtaas siya ng kilay na tila nang-aakit. Ngiti lang ang aking naging sukli.

Hindi ako nagpakita ng motibo na gusto ko siyang maikama ulit. Patutunayan ko sa kanya na kahit madaling matukso ang lalaki ay kaya pa din nitong magtiis at umiwas. Ilang beses ko ng napatuyan na kaya ko, kaya magagawa kong muli. Noong nag-aaral pa ako, madalas may katabi din akong mga kaklaseng babae sa tuwing may gimik pero nagagawa ko naman umiwas sa tukso.        

"Mahilig ka sa music?" tanong ko sa kanya. Tumayo ako para kunin ang lalagyan ng mga CD. "Pili ka."

"Oo naman!" Lumapit sya sa akin. Sinimulan niyang alisin ang natitirang botones ng polo ko. Pinagapang niya ang kanyang kamay  mula sa aking dibdib papuntang likuran. "Halos dumugo na nga ang tenga ko kasi palaging may nakasalpak na earphone."

Uminit ang pakiramdam ko pero pilit kong nilalabanan. Ramdam ko ng pagtaas ng dugo sa aking ulo. Mahirap pigilan ang sensasyon kung gaya ni Cristine ang tukso. Ramdam ko ng bango ng bawat hinga niya. Nakikita ko sa kanyang mga mata  ang aking sarili. Halos magkadikit na ang aming mga labi.

Bahagya akong umiwas para ilagay sa player ang hawak na CD ni Cristine. Halos lumambot ang tuhod ko.

"May itatanong sana ako, pero nahihiya ako." sambit ko.

Natawa si Cristine sa sinabi ko. "Ikaw pa talaga ang nahihiya? Go lang."

"Hmmmm. Ganyan ka ba talaga? Hindi kasi ako sanay sa ganitong set-up."

"You mean, hot and exciting?" derechong sagot niya. "Gusto ng mga lalaki na satisfied sila palagi kaya perfect ako sa taste ng mga guys."

"Yes. Gusto nga namin ng ganon. Pero mas may thrill kung may konting suspense."

"Kulang pa ba ako sa suspense na hanap mo?" Natutukso ako sa mga ngiti niya.

"Active talaga ang sex life mo ha?"

"I flirt pero hindi palaging may sex. Kiss lang madalas. Kung hindi ko nagustuhan ang kiss mabilis akong magturn down."

"Nakakabitin naman iyon."

"Walang akong pakialam kung sumakit ang puson n'yo!"

"So, anong set-up natin?" usisa ko.

"I don't know. Let's enjoy na lang."

Simulan niyang alisin ang suot na blouse. Umiikot siya sa akin habang ginagawa iyon. Namasdan ko ang maputing kahubdan ni Cristine na hindi ko napansin noong unang gabi naming pagniniig. Mapang-akit ang hubog ng kanyang katawan.

"Beautiful!" Kinabig ko ang balakang niya palapit sa akin.

"Not so fast Mr. Jacobo! Maliligo ako kaya naghuhubad." Nakaramdam ako ng pagkapahiya pero bigla akong nabuhayan ng loob nang iniwanan niya akong matinding halik bago pumasok ng banyo. Hindi niya ako pinahintulutan sumama sa loob kaya umakyat ako ng kwarto para doon maligo at  ihanda na din ang aking sarili. Pero matigas pa din sa loob ko na hindi ako ang mag-initiate ng sex.

Nakatapis lang ng tuwalya si Cristine noong pumasok ng kwarto. Hindi ako nagpahalata ng pagkaakit kahit matinding init na ang nararamdaman ko.

"Whisky?" alok ko sa kanya.

Inabot niya ang baso. "Pwedeng humiram ng sando?"

"Buksan mo lang ang cabinet. May fit na shirt dyan baka kasya sa'yo."

"Sando nga ang gusto ko para presko." Bumagsak ang suot niyang tuwalya sa sahig. Napako ang tingin ko sa kanya na tila ngayon ko lang nakita ang kanyang katawan. Napakaganda ng kurba ng kanyang katawan.

"Hindi ka ba nilalamig?"

"Hindi." Umupo siya sa tabi ko.  "Dahil alam kong mainit ka naman. Kaya huwag mo akong bibiguin."

"Don't expect too much."

Hinawakan niya ang dalawa kong hita. Inilapit niya ang kanyang mukha. Alam kong gusto niyang halikan ko siya. Halip na sa labi ay sa noo ko siya hinalikan.

"Hard to get ka ha?" Tumayo siya at umupo sa aking hita. "Tingnan ko ang tatag mo."

Siniil niya ako ng halik. May kasamang mainit na hininga ang halik niya sa aking tenga. Nagdulot iyon ng kiliti. Pinagapang nya ang mga labi sa leeg ko. Malikot ang kanyang mga kamay kaya di ko mapigilang mapaungol. Iginiling niya ang kanyang katawan. Mahinang ungol ang tugon ko sa bawat kilos.

"Inom muna tayo," wika ko. Gusto kong sirain ang ang balak ni Cristine. May kasama na din pang-aasar para kunyaring ayaw kong may mang-yari sa amin. "Sayang ang whisky."

"No!" matigas na sagot niya. "Don't spoil the night!" Sa pagkakataon ito, tumugon ako sa tawag ng laman.


WALA na si Cristine sa tabi ko noong magising ako. Hindi na ako magtataka dahil ganoon din naman ang nangyari noong una. Sariwa pa sa mga labi ko ang tamis ng halik ni Cristine. 


Bumaba ako ng kwarto para silipin ang van niya sa labas. Papunta na sana ako sa pintuan nang may maramdaman akong pagkilos sa may kusina.

"Good morning!" Nagulat akong nasa bahay pa si Cristine." Breakfast is ready!"

Hinalikan ako ni Cristine pagkalapit ko sa kanya. "Masarap ba 'yan?"

"Alin ba ang tinutukoy mo? Luto ko o ang dibdib ko?"

"Ang breakfast syempre!"

"Linawin mo!" Sa dibdib ko kasi ikaw nakatingin," mapanuksong wika niya.

"Ano ang niluto mo?"

"Pan cakes!"

"Pan cake..."

"Ayaw mo?" Hinila niya ako sa mesa at ipinaghanda ng pan cake. "Tikman mo muna, para malaman mong magaling ako sa ibang bagay."

"Hmmmm. Masarap nga!"

"See!" Isa pa." Sinubuan niya ako ng mas malaking piraso. "Lahat ng food sa resto ako ang gumawa ng recipe."

"Delicioso!"

"Baka mainlove ka na sa akin nyan."

"Ikaw muna ang maiinlove sa akin!" bawi ko.

"No! Kumain ka na nga muna.."

"After nito iba naman ang titikman ko." Tiningnan ko siya ng malagkit.

"Sige sa shower tayo... mamaya."


itutuloy.... 

Bravus - Final Chapter



Prologue | chapter one | two | three | four | five |







Ramdam ng bravus na papanawan na siya ng ulirat. Naghihina na siya. Tanging ang mapulang likido na lang ang malinaw sa kanyang paningin. Halos wala na siyang lakas para tumayo.

Tumatak sa kanyang katawan ang bawat hagupit na ibinigay ng mga gwardiya. Bumabalik pa sa kanyang pandinig ang bawat latay. Ramdam niya ang sakit. Napahagulhol siya.

Wala ng lugar para sa kanya. Malapit na ang kanyang kamatayan. Naghahabol na siya ng hininga. Hinihintay na lang niya ang kanyang kamatayan. 



Hindi na siya magtatagal. 




Katapusan na.


Hindi.

Nangako siya sa bata. Hindi niya bibiguin ang iba pang nilalang na umaasa sa kanya. Ililigtas niya ang babae. Makikipaglaro siya sa bata. Gamit ang nalalabing lakas, gumapang siya pabalik ng imbakan ng mga alaala. Hinanap niya ang nahulog na sisidlan.


Dumaan siya sa lagusan na nagdudugtong sa mundo ng mga tao matapos matagpuan ang sisidlan. Pinagmasdan niya ang babae na nahihimbing sa pagkakatulog. Ibinaon niya ang kanyang pangil at kumuha ng ilang alaala para magkaroon ng kaunting lakas.

Lumikha siya ng panaginip sa isip ng babae. Pinakawalan niya mula sa sisidlan ang magagandang alaala ng yumaong asawa. Lumabas siya matapos magawa ang pakay. Hinawakan niya ang dibdib ng babae. Naging normal ang bawat tibok.

Sumunod ay lumapit siya sa paslit. Gusto niyang tuparin ang sariling kasiyahan bago siya pumanaw. Agad siyang lumikha ng panaginip at nakipaglaro sa bata. Nakipagtawanan. Nagtampisaw sa ilog. Naghabulan sa malawak na kaparangan. Sumigaw habang sinasalabong ang paghampas ng dalisay na hangin.

Gumuhit sa pisngi ng kakaibang nilalang ang isang matamis na ngiti. Handa na niyang tanggapin ang kamatayan. Hindi niya pinagsisihan ang pagsuway sa utos. Kung nanatili siyang tagasunod hindi niya mararamdaman ang kasiyahan. At kung walang kasiyahan ay wala na siyang pagkakaiba sa patay.

Lumabas ang bravus. Naupo sa tabi ng bata. Pumikit at tuluyang naglaho.

Kinabukasan nagtaka ang lahat dahil magaling na ang ina ng bata.


Epilogue

"Tapos na?" may pagkaasar na tanong ni Dency. Lumapit siya sa ina. "Ano pong nangyari sa ibang bravus? Sa babaylan?" patuloy niya.

"Hindi ko alam," nakangiting wika ng ina. "Hind ako interesado kasi nga kwentong nayon lang iyon para sa akin."

Hindi kontento si Dency sa naging sagot ng ina. Sa haba ng naging kwento, imposibleng walang siyang nalalaman tungkol dito. Gusto niyang pigain ang ina.

"Pero paano ipapaliwanag ang nangyari sa ospital kung kwentong nayon lang ang lahat?" pagtataka pa din niya. "Saan n'yo po ba napanood o nabasa ang tungkol sa bravus?"

Halatang umiiwas ang ina sa mga tanong niya kaya hinahabol niya ang ina kung saan man ito pumunta.

"Hindi ko siya nabasa. Naikwento lang sa akin noong bata pa ako."

"Nino? Sino Ma?"

"Kwento ng daddy mo. Noong bata pa kami lagi niyang sinasabi na nakakakita siya ng iba't ibang nilalang. Kasama ang bravus noong himalang nakaligtas ang lola mo sa kanyang sakit."

"What?" gulat na reaksyon ni Dency.


-end-

The Fall of Adam - Four



Preview | Chapter One | Chapter Two | Chapter Three |

 


Buong gabi kong inisip si Cristine at ang lalaking kasama niya. Kahit wala kaming relasyon pakiramdam ko ay natapakan ang aking paglalaki. Nakita ko silang sumakay ng passenger elevator at inabot ko pa ang halik ng lalaki sa pisngi ni Cristine bago sumara ang pinto Nagtataka lang ako dahil boyfriend ng kaibigan niya ang kasama.  Hindi ko alam kung pagtataksil ang tawag doon dahil may consent naman.


Binabangungot ako ng mga alaalang hatid ng gabing pinagsaluhan namin. Bumangon ako. Umupo. Humiga. Humanap ako ng magandang pwesto para makatulog dahil sa sobrang pagkabalisa. Maraming tanong ang humihingi ng kasagutan.

Ginawa din kaya nila ang ginawa namin? Siguro mas matindi pa. Pinag-uusapan din ba nila ang mga napagkwentuhan namin? O balewala na sa kanya ang lahat. Hindi na bago sa akin ang one night stand kaya nagtataka ako sa aking sarili. Siguro dahil hinahanap-hanap ko siya o gusto ko lang maulit ang lahat.

"Jacobo, puyat ka ba o hindi ka natulog?" puna sa akin ng isang opisyal. "Baka masagasaan ka kung ganyan ng itsura mo!"

"Sorry sir."
 



Ginising ko ang aking sarili bago pa ako bigyan ng disiplinary action. Naglalakad-lakad muna ako sa labas bago pumunta sa aking pwesto.

"P're mukhang nakascore ka na naman kagabi?" Binigyan ako ng malikot na tingin ni Rommel. "Inubos ang lakas mo ah!"

"Ulol! Puyat lang talaga ako."


Bumalik ako ng L-AIG Towers pagkatapos ng duty. Inabangan ko ang muling paglabas ni Cristine. Makapal ang bilang ng taong lumalabas kaya minabuti kong sa may parking area na lamang ako maghintay. Natukoy ko naman agad ang van niya sa may parking lot. Dumistansya ako ng ilang metro para di niya ako makita.


Nagsindi ako ng sigarilyo para maalis ang aking pagkabagot. Nilibang ko ang aking sarili sa panonood ng mga babaeng dumadaan. Pinagmasdaan ko ang kanilang pigura at ang malulusog na harap at likod. Tama si Rommel. Masyadong madami ang mga babae kumpara sa lalaki kaya kawawa ang ilang kababaihan na hindi nakakahanap ng kapareha. Para punan ang kakakulangan, ipinagkakaloob ng lalaki ang sarili. Yari nga lang kapag nahuli.


Bumalik ako ng motorsiklo noong makita kong iniluwa ng building ang kaakit-akit na nilalang. Kasabay niya ang babaeng kakwentuhan niya sa restobar. Hinintay ko munang makaalis ang van bago ako sumunod sa kanilang pupuntahan. Nakakatawa ang ginagawa ko pero di ko siya maaalis sa sistema ko.

Pumasok muli sila sa restobar na tinambayan nila noong nakaraan. Siguro madalas sila sa lugar dahil kilala na sila ng mga staff. Naupo sila sa dati nilang pwesto. Bumalik din naman ako sa dati kong kinauupuan para makinig muli sa kanilang usapan. Interesado akong malaman ang nangyari kagabi para masagot ang aking mga katanungan.

"Hindi ko alam na good kisser pala ang boyfriend mo!" panimula ni Cristine. Natatawa lang ang kausap niya halip na magalit sa nangyari. "Wala sa itsura na gagawa siya ng kalokohan."

"Mukhang enjoy ka talaga sis!" Tinapik niya ang braso ng kaibigan. "Kaya di pwedeng pagbasehan ang itsura. Natural sa lalaki ang sinungaling kapag may lumalapit na grasya!"

"Kaya tinuruan natin ng leksyon e." Nagtawanan ang dalawa habang ako naman ay naguguluhan.

"Right! He deserved that! Sakit ng puson nun!"

"Oh girl, pero kung natagalan pa ang pagtawag mo baka bumigay na ako. He's damnn hot honey!"

"Sabi mo 10 minutes e! Kaya upon your signal, hinintay ko talaga ang 10 minutes. Pero alam ko naman kaya mo siyang i-handle!" Nagtawanan muli ang dalawa.

"Hindi mo ako binigyan ng tip na sobrang sabik ng boyfriend mo! Imagine, french kiss pa lang, hinuhubaran na ako!"

"Mas maganda kung may challenge para di obvious na scripted," pang-aalaska ng kaibigan ni Cristine. "Anong narating nya?"

"Dahil masarap naman siya humalik, hinayaan kong maghiking s'ya sa mga bundok ko!" wika ni Cristine habang sinasapo ang dibdib niya. "Buti na lang naniwala siyang may emergency sa bahay kaya di matutuloy ang sex."

"Bad girl! Buti na lang pala tumawag na ako." Naiintidihan ko na ang lahat. Ginamit si Cristine bilang patibong sa lalaki. Hindi ko naman masisisi ang lalaki dahil mapang-akit talaga ang bitag. Pero swerte na din siya dahil natikman niya ang hinaharap ni Cristine. "Ngayon alam kong di totoo ang mga promise n'ya."

"He's texting me. Reschedule daw e." Ipinakita ni Cristine ang cellphone niya. "So anong plan?"

Sumimangot ang dalaga. Halatang masama ang loob sa kataksilan ng boyfriend. "Makikipagbreak ako sa kanya. Buti na lang hindi ako pumayag sa gusto n'ya. Plano pa akong iskoran!"

"Basta kung need mo ng help, nandito lang ako sis. Here's the pictures nga pala."

Lumabas ako ng resto at nagpalipas ng ilang sandali. Kumuha ako ng sigarilyo sa aking bulsa at sinariwa ang usapan ng dalawa. "Pambihirang babae," bulong ko sa sarili ko.

Gumawa ako ng bilog na tila ulap mula sa ibinuga kong usok. Sinilip ko ang dalawa sa loob at halatang madami pa silang pinag-uusapan. Malakas ang tawanan at wala pakialam sa ibang taong nasa loob.

Napagdesisyunan kong bumalik sa loob at sa pagkakataong ito, sa harap mismo ni Cristine ako dadaan. Nakakapagod din ang sundan siya kaya naglakas loob na akong lumapit.

"Cristine?!" kunwaring nasorpresa akong nakita siya sa lugar na iyon. Kumunot ng bahagya ang noo niya, siguro hindi niya ako natatandaan. "RJ. Remember me?"

"Oh RJ, so nice to see you again!" Tumayo siya at idinikit ang kanyang pisngi sa akin. "RJ, this is my friend, Brenda."

"Hi! I've heard good things about you," panlalaglag ni Brenda sa kaibigan. "Gwapo ka nga pala talaga."

"Talaga? Hindi yata kapaniwala-paniwala iyon."

"Naku! RJ, huwag kang masyadong maniniwala sa bruhang 'yan," sabat ni Cristine. "Call me Tin nga pala."

"O kaya babe na lang para sexy pakinggan!" singit ni Brenda. "Teka dapat pa lang iwan ko na ang mga lovers. Abala ako dito. Bye!"

"Wait!" sigaw ni Cristine pero tiningnan lang siya ni Brenda at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi inakalang magkikita tayo," wika ko. "Baka hindi ka comfortable."

"Okay lang naman. So, what brings you here."

"Bibili ako ng pizza. Paborito ko ang pizza nila dito."

"Talaga? Anong paborito mo dito?" tanong niya sa akin habang ipinakikita sa akin ang list ng pizza.

"Classic with peperoni crust."

"Sige." Tinawagan niya ang isang staff at ibinigay ang order ko.

"Ako na ang magbabayad. Nakakahiya naman."

"No. You don't have to." Nagpumilit ako. Hinihingi ko sa staff ang resibo pero wala silang ibinigay. "I own this place kaya ako ang masusunod."

Nagulat ako sa sinabi n'ya. Kaya pala doon sila nagkikita ng kaibigan niya. "Sige. Babawi na lang ako sa sunod."

"Talaga babawi ka?"

"Kung may pagkakataon. Bakit hindi?"

"Tinatamad akong umuwi. Pwede mo ba akong samahan?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Napakaprangka niyang magsalita. Walang arte. Parang hindi iniisip ang sinasabi. "S-sige." Halos magbuhol ang dila ko sa kaba. "Saan tayo pupunta?"

"You're place babe."

Nanuyo ang aking lalamunan.


itutuloy...

--------

credits kay bryan sa drawing :) idol!