Preview | One | Two | Three |Four | Five |
Tama ang desisyon kong lumatad halip na sundan ang bawat galaw ni Cristine. Mas komportable at di ako nagmumukhang tanga sa kahihintay. Hindi naman naging mahirap pakisamahan si Cristine kahit may pagkaprangka.
Sa restobar ang madalas naming tagpuan at sa bahay naman siyang madalas matulog. May mga araw o gabi na nagpapaalam siya sa akin na hindi ko siya makakasama dahil may lakad siyang iba. May pagkakataong nakakaramdam ako ng selos kapag nadidinig ko ang kwentuhan nila ay tungkol sa lalaki. Hindi ko naman siya mapagbawalan dahil kaibigan ang turing niya sa akin.
"Can't be with you tonight. May night-out kami ng mga ka-officemate ko," paalam sa akin ni Cristine.
"Ingat ka. Text ka na lang kapag nakauwi ka na."
"Hello? Are you my mom?" sakastikong wika niya.
Minsan, iniisip ko na hindi na dapat ako magsalita o magpakita ng concern sa tuwing lalabas siya na hindi ako kasama. Lumalabas kasi akong katawa-tawa. May pagkakataon na kinakantyawan ako ni Rommel sa pagtitiis ko kay Cristine dahil parang na-uunder ako. Sayang lang daw ang lalaki ng katawan ko.
"Pare mukhang tinamaan ka na sa chick ah!" kantyaw ni Rommel. "Dati kapag nalawayan mo na, iniiwan mo na agad e."
"Gago!" tanggi ko agad. "Daig mo pa si Boy Abunda sa tindi chumika!"
"Ikaw naman dinaig mo pa si Piolo sa tindi magdeny!"
"Puro ka kalokohan!"
"Asus! Baka nga may theme song ka pa dyan!"
"Wala! Lumayo ka nga!" Natatawa ako sa mga sinasabi ni Rommel. Paminsan tumatama din ang mga sinasabi n'ya kahit puro biro lang.
"Aba confuse!"
Magkaibigan lang kami ni Cristine. Lagi kong ibinubulong sa sarili ko na we are just friends having special benefits. FUBU ika nga. Pero higit na sa kaibigan ang tingin ko sa kanya kaya hindi ko siya mabitawan. Hindi ko lang masabi dahil wala akong maisip na dahilan kung tatanungin n'ya ako kung bakit ko nagustuhan ang katulad niya. Takot din akong lumayo siya kapag inamin ko ang katotohanan.
Hindi ako nagpakita ng kahinaan sa kanya. Ayaw niya kasing na hinabol siya kaya nagkukunyari akong walang pakialam kung sinumang lalaki ang kasama niya sa gabi. Kusa naman siyang nagkukuwento kung may nangyayari o wala.
"My treat! Maganda daw sa Acuatico sa San Juan, Batangas!"
"Bigatin ka ngayon, Mr Jacobo!"
"RJ! Bakit ba laging Mr. Jacobo ang tawag mo sa akin, Cristeta?"
"Sexier." She kissed me.
"So pwede ka?"
"Pwedeng pwede! Saturday?"
"Sure! Magpabook na ako."
Madalas na kaming lumabas. We go ziplining tuwing weekends or swimming outside the metro at gym sa hapon kapag weekdays. Tinuruan ko din siya ng airsoft para madagdagan ang bonding activities namin. Gusto ko kasing iiwas siya sa night life na kinasanayan niya. I know she's enjoying kaya naghahanap pa ako ng paraan para mapanatili ang excitement niya sa akin. Nabawasan man ang sexual urges namin sa isa't isa, napalitan naman iyon ng saya and now, we know each other deeper. May meaning na ang usapan namin. Hindi palaging sex. Hindi ako romantic na tao pero malaki ang nagbago sa aking sarili, madalas na akong magprepare ng surprises. Suddenly, there is always something to look forward to sa bawat pagkikita. She changed my perspective in life dahil may pagkabusiness minded din sya.
She still cooks for me. Masarap pa din ang pan cakes kaya lang masyadong napapadalas. Kapag nasa restobar, madalas nagiging ako ang taste tester nila kung nakamamatay o masarap ba ang luto.
"Masarap siya?" tanong ni Cristine sa bago niyang recipe.
"Super!" sagot ko.
"Sure ka?" paninigurado ni Brenda. "Baka binobola mo lang kami."
"Masarap talaga!"
"Masarap pa sa akin?" tanong ni Cristine.
"Pwedeng tikman muna kita para mapagkumpara ng maayos?" pilyong hirit ko.
"Later!" Napuno ng tawanan ang resto.
"Lalandi n'yo!" awat ni Brenda. "Baka madevelop na kayo niyan ha."
Bahagya akong natahimik. Nagkunwari akong kumakain ng marami para hindi halatang ayaw kong magsalita. Hinihintay ko ang reaksyon ni Cristine. Kung magiging biro ang sagot niya o direkta siyang tatanggi.
"Oh, wait someone's calling!" Bahagyang dumistansya si Cristine sa amin. Ako naman ay may panghihinayang dahil hindi ko na nalaman ang reaksiyon niya.
Nagkaroon kami ng bahagyang kwentuhan ni Brenda habang may kausap ni Cristine. Si Cristine syempre ang topic namin. Sa kabila kasi ng hilig niya sa pagkain ay hindi naman tumataba.
"Sino girl at abot tenga ang ngiti mo?"
"Si Angela. Nakauwi na daw sila."
"Angela? Kapatid ni Philip?"
"Don't say bad words! She's inviting us." She giggled.
Sino si Philip sa buhay niya? Bakit ganun ang reaction nya. Halata sa mata nya ang sobrang kasiyahan. Gusto kong magtanong. Pero hahayaan ko na lang sila ang mag-usap dahil alam kong malalim ang ugat kung uusisain ko pa.
"EXcited makita si Ex?" tanong ni Brenda.
Kinabahan ako sa nadinig ko. May kakumpentensya na ako sa oras ni Cristine?
"Ex? Hello.."
"Okay.. Correction.. Ex-FUBU."
"Better!"
"May lakad kayo?" singit ko sa dalawa.
"Wanna join?" Sa unang pagkakataon tinanong niya ako kung gusto kong sumama.
Itutuloy....