Skinpress Rss

Ferris Wheel


Nakaiinip ang gabi. Pumunta ako sa perya.
Baka may tropa. O mga dating kaklase.

Sumugal ako ng konti. Kahit pala dito wala akong swerte. Pero at least may chance, di ba? Hindi gaya sa pag-ibig nya.

Sumakay ako ng ferris wheel. Kung kelan sumasaya na, nag-eenjoy, saka ko narealize na tapos na.

Uulit pa ba? Hindi na siguro. Paiikutin lang ako.

Sungay


Gumugulo sa aking isip ang mga kakaibang tunog sa twing sasapit ang hating-gabi. Mga kaluskos mula sa katabi naming kagubatan. Sa tagal ko na sa lugar na iyon ay nito na lamang ako nakaramdam ng takot. Ang dati nitong payapang pigura ay tila pinamamahayan na ng kung anong nilalang. Maaring mabangis na hayop o halimaw.

May mga gabi na wala ang ingay. Ngunit kinaumagahan ay may tanda sa lupa o mga baling sanga ng puno, senyales na may pandaliang namahay sa lugar.

"Torio, may pagkakataon bang may nadidinig ka mula sa kakahuyan. Gusto ko sanang tingnan."

Gubat


Naligaw ako
sa isang malawak na kaparangan
Maberdeng puno, damo at halaman.
Dalisay kung tingnan.
Ngunit matinik,
sumusugat
Madugo.

Humiga ako.

Napakasarap.

Parang pag-ibig mo.

Rupok


Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga marupok na tao. Tipong walang kadalaan sa buhay. Bugbog na pero gusto pa may pasa. Ano yun, remembrance? Souvenir. Ganun?

Oo masarap magmahal. Matik na yon. Pero isipin din muna. Bigyan ng oras. Ienjoy ang pagdaloy ng dopamine sa utak.

Huwag na huwag bibigay sa mga taong pa-fall. Trap yon! Scam yon! Hindi iyong magcommit at walang ibibigay. Will tear you into pieces lang at ikaw ang magpupulot ng kalat. Mag-isa. Luhaan.

Simple lang wag maging mapusok. Kung mahal ka nun, magstay yun. Maghihintay.

Dear self,

Madami akong love sa puso. At sa deserving maghintay ko ito ibibigay.

Love,

Self

Kaso nagwave ka. Kilig.

OFW


Nakapulupot si Sophie sa braso ni Brenan. Naglalambing. Humihiling.

"Please, wag ka munang umalis papa."

"Baby, may work kasi si Papa. Tinatawagan naman palagi kita 'di ba?"

"Matagal ka po ba ulit sa abroad? Sa pasko nandito ka?"

Umiling si Brenan pagkatapos ay kinarga ang bata." Kausap ko na si Santa, basta mabait ka may regalo ka sa kanya! Bukod pa ang galing sa akin."

"Lagi naman akong good girl e. Mag-iingat ka dun ha!"

"Promise anak!"

"Tingnan ko ang airplane mamaya! To wish a safe trip! Say Hi to me ha, okay?"

"Okay!"

Nakatingala si Sophie buong gabi. Hinihintay ang unang eroplanong dadaan. Habang si Brenan ay nakauwi na sa Cavite.

"Papa!"

-WAKAS-

Sapi


Simula nang lumipat kami sa Bauan ay maraming kakatwang mga bagay. Gaya ng maagang paggising ng mga hubad na kalalakihan para tumambay sa tabing kalsada.

Sa classroom namin may babaeng madalas sapian daw ng mga engkanto o masamang espiritu. Hindi ko alam na uso pa pala ang ganun. May nagpakita pa nga sa akin ng video. At hindi naman ako binigo ng engkanto. Sa unang araw ko after magtransfer hanggang sa ngayon ay unlimited ang pagsapi.

"Bakit parang hindi ka affected sa nangyayari?" tanong ni Ana, katabi ko sa upuan. "Hindi ka man lang tumatayo."

"Sa probinsya kasi namin sanay na ko sa ganyan," tugon ko.

"Talaga? Anong ginagawa sa inyo para mawala ang sapi?"

"Ang lolo ko albularyo. Pati yung erpat nya at mga pinsan. Kailangan muna natin malaman kung sinasapian muna."

"Ha? Anong ibig mo sabihin? Hindi sinasapian si Avigael?"

"Doon sa amin inakala na sinasapian pero may sakit pala na may epilepsy."

"Sabagay. Alam mo kung paano alamin?"

"Oo naman! Pero secret lang ha, ayaw ko kasi maabala at gawin albularyo ng school."

"Sure! Ano kailangan?"

Nagsulat ako ng kailangan upang matulungan namin si Avigael. "Sundin mo nakasulat dyan. Wag mo na itanong kung bakit. Palabasin mo lahat ng ating kaklase kapag sinapian tapos may maiiwan lang na maghahawak sa kanya."

Kinabukasan after ng klase ni Mam Diokno ay nagparamdam na ulit ang engkanto. Natumba si Avigael sa upuan. Ubod siya ng lakas.

"Labas muna kayo guys!" utos ni Ana.

"Hawakan nyo na!" utos ko. "San yung mga kailangan?"

"Eto ang yelo, dinikdik na sili. Saka 100 pesos."

"Masamang espiritu, lumayas ka sa babaeng ito," panimula ko. "Kung hindi ay parurusahan kita."

"Hahaha! Umalis kayo sa bahay ko!" sagot ni Avigael.

"Pumikit kayo at magdasal ng tahimik." Lumapit ako kay Avigael. Inilagay ko ang dinikdik na sili sa kanyang bibig. Mabilis kong itinaas ang kanyang palda at noong akmang huhubarin ko na ang panty niya ay biglang nag-iba ang kilos. "Bitawan nyo na. Magaling na sya."

Iniabot ko ang yelo kay Avigael at mabilis nyang isinubo sa bibig.

Nabilib si Ana sa akin. "Para saan yung 100?"

Kumindat ako. "Service fee."

Muggle Studies


Pinagalitan ako ng prof ko sa Muggle Studies. Kesyo mali ang katwiran ko sa paniniwala niya at ng iba. Binato ako ng pang-aasar.

Sang-ayon akong lamang ang may kapangyarihan at madalas nasasamantala ang wala. Ngunit para sa akin, mas mabuting mabuhay bilang ordinaryo. Bilang muggle.

Nagtawanan sila. Pumuno sa buong kwarto ng may mga pangarap magkaroon ng labis na kapangyarihan.

Isa daw akong bobo, sigaw pa nung nasa dulo.

"Siraulo!" Sundot pa ng isa.

Bumulong na lang ako. "Pare-pareho lamang tayong mga baliw. Tumitino lang kapag may supply ng gamot.."

- wakas-

Lobo


Bitbit ang kumpol ng bulaklak at lobo ay inabangan ko ang pinakamagandang babae sa labas ng Opanda Hotel. Magkahalong kaba at takot sa pangambang hindi tanggapin ang dala ko.

Bahagya kong kinagat ang natutuyot kong labi habang ibinubuga ang usok mula sa vape. Higit isang oras na akong naghihintay. Makailang ulit kong sinilip ang aking phone upang malaman kung pababa na sya. Upo. Tayo. At lakad.

"Overtime yata sir," puna ng guard sa aking pagkabalisa. "Gusto mo iakyat ko lang kay Mam Aura?"

"Matagal ko na itong naplano. Uurong pa ba?" sa isip ko. "Hintayin ko na. Importante 'to."

Hindi ko itatangging may malaki kaming away nitong mga nakaraan araw. Mga hinala at maingay na bulungan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi n'ya sinasagot pa ang mga messages. Kaya heto ako lakas loob na dumalaw sa opisina nila.

Sa pagbukas ng elevator ay nagtakbuhan na ang mga ahenteng nakaabang. Kasunod nito ay ang pagluwa ng aking pakay.

Nabura ang kanyang ngiti nang mapansin ang aking pagdating. Buti na lang hindi niya ugali ang umiwas. Bagamat hindi niya ako sinagot o kinausap ay maayos niyang tinanggap ang bitbit ko. Hindi na niya ako sa pinasunod dahil may lakad pa daw sila.

Lima o anim na minuto ay nadinig ko na ang putok sa di kalayuan. Tanaw ko ang lobong walang kakayahang lumipad habang may nagsisigawan.

"Sorry," bulong ko. "Hindi pwedeng may iba na."

Gulong


Nag-usap kami ni Seb. Pareho kaming lumuluha. May pahihinayang ngunit may pagtanggap.

"Gusto ko pang magpatuloy pero nasasaktan na kita ng sobra," panimula ko. "Hindi na sapat yung mahal lang. Yung mga sorry. At babawi ako."

Umiling siya. "Kinakaya ko naman. Tanggap ko naman. Bab, may kasalanan din ako. Kulang sa oras. Tantrums. At demands. Salamat sa lahat ha?"

"Wag mong kalimutan na mahal na mahal kita. Wag ka magpapaloko sa kung sinong lalaki lang! Uupakan ko yun!"

"Oo naman! Ang hirap pala ng long distance. Wish ko na makahanap ka ng higit sakin."

"Malabo yon! Walang higit sayo. Kapag nagkita ulit tayo sa future, pangako ikaw pa din!"

Sa huling sandali ay niyakap namin ang isa't-isa. Tinanggap na tapos ang lahat. Mag-move on.

"San ka?" tanong ko kay Aubrey habang nakangiti.

-wakas-