Skinpress Rss

  • TINIKLING

    Pumasok ako sa silid na puno ng mga bata. Napakasaya nila habang naglalaro. Ika nga nila buti pa ang mga bata, walang iniisip na problema. Napakasaya ng childhood experience kung lumaking madaming kalaro. May pagkakataong masasaktan o masusugatan pero ayos lang kasi masaya naman. Ang aking...
  • Kulungan

    Tumakas ako sa kulungan. Kanina. Masalimuot. Masikip. Ni hindi makahinga. Sa loob ng mahabang panahon ay pagtitiis ang tanging pinanghahawakan na may buhay pa pagkatapos nito. Na may pagbabago nga tulad ng mga pangako at kwentong naisulat nang karanasan ng iba. Ngunit hindi ko na kaya. Tumakas...
  • Chicken Adobo - A Love Story 11

    image credit to komwari-a must a read!!! - CNN-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknownHindi ko na kailangan pang bumayad ng six hundred pesos sa...
  • Free Coffee

    "Ducareza. Baho naman ng apelyido. Bata, balita ko may complimentary coffee dito." Maangas ang pasok ng isang pulis na sa palagay ko ay hindi din basta-basta. Kasama niya si Lopez, ang madalas na patrol sa highway at suki ng kape dito sa store.  Libre naman talaga ang kape sa mga kagaya nila...
  • TINIKLING

    Pumasok ako sa silid na puno ng mga bata. Napakasaya nila habang naglalaro. Ika nga nila buti pa ang mga bata, walang iniisip na problema. Napakasaya ng childhood experience kung lumaking madaming kalaro. May pagkakataong masasaktan o masusugatan pero ayos lang kasi masaya naman. Ang aking...
  • Kulungan

    Tumakas ako sa kulungan. Kanina. Masalimuot. Masikip. Ni hindi makahinga. Sa loob ng mahabang panahon ay pagtitiis ang tanging pinanghahawakan na may buhay pa pagkatapos nito. Na may pagbabago nga tulad ng mga pangako at kwentong naisulat nang karanasan ng iba. Ngunit hindi ko na kaya. Tumakas...
Previous Next

Promissory Note


Tinangay ng hangin ang huling papel na hawak ko kanina. Napadpad ang mga ito sa iba't ibang direksyon at inumpisahang pulutin habang pinapanood ng mga dumadaan.

Humanity is dead na nga ba? Siguro. Baka. Maari. Posible. Malamang.

Pero. What if. Baka naman.

Paano kung ang mga taong nanood sa akin ay may mas pinagdadaanan pa? Benefit of the doubt ika nga. Baka may postural pseudoanemia kaya hindi pwedeng yumuko. O kaya naman may heart breaking story related sa hangin at papel. Parang yung forever nila, tinangay. Meron namang nagsawa na tumulong lalo na kapag sila pa ang nalalagay sa alanganin. Basta! Wag ko na lang lagyan ng meaning ako naman itong lampa.

White Lies


White lies. Ito daw yung uri ng pagsisinungaling na madaling patawarin. Tipong papunta ka na pero kagigising pa lang. Trapik daw pero late talaga umalis.

Gaya ngayon.

"Overtime kami. Bad trip kasi ang workforce hindi marunong ng manning," text ko kay Nicka.

Wala naman talagang overtime. At walang calls kaya pwede kaming umuwi agad. Oks magliwaliw o matulog ng 32 hours. Carpe diem. You only live once kaya lang ang budget kapos. Yung sweldo namin parang pelikula. Gone in 60 seconds. Ayun ma-fiesta na lang daw muna kami sa Los Baños, kina TL Morfe. Tipid pa! Happy happy. Tulad ng dati, kain, laklak, kwento at kain ulit.

Love Team


"Kami naman talaga e. Tanungin mo pa siya!" Kikindat ako tapos kasunod na ang pamatay na ngiti ni Cheska.

"Bagay kayo!" hirit pa ni Tyang Erma, tindera ng pananghalian. "Kaya pala lagi kayong magkadikit sa picture."

Hindi lumilipas ang araw na walang kumukwestyon sa kapwa pagiging single namin ni Cheska. Kaya noong pilit kaming pinagpapartner at pinagtatabi sa upuan ay pinangatawanan na namin. Sinasakyan namin ang mga biro para naman kiligin ang mga senior citizen sa coop.

TOTGA


Paggising ko kaninang alangang umaga o tanghali nagtransform na ako sa pagiging panda. Buti na lang hindi ko naisipan kumain ng kawayan. Pano ba naman kasi dalawang araw na akong puyat. Una, pilit kong nirecall ang formula ng Venn diagram at sagutan ang assignment ng aking pamangkin. Pangalawa, niyaya ako ni Zara na mag-sparring ulit kami sa inuman. Dapat 2 bottles lang pero nauwi sa lasingan.


Sabi nga ni Chito Miranda, may kwentong pandrama na naman, parang panTV walang katapusan. Ganun si Zara. Ganun kami. Kayo malamang ganun din.

Average Guy


Aminado naman akong average student dati kaya alam kong gapang at luhod sa paghahanap ng trabaho ang sasapitin ko. Sabi ko nga sa sarili ko, kung may tatanggap sa akin at mareregular paniguradong doon na ako tatanda. Hindi sa pagiging loyal o dedicated kundi sa struggle kong naranasan sa paghahanap ng trabaho. I know my limits naman kasi. Im just a nobody kahit nga sa puso mo. 😞


Eto nga nagkatrabaho ako. Na-miss ko naman bigla ang pag-aaral. Dati kasi, ang problema ko ay limitado kung sino ang kokopyahan, baon, paliligo sa umaga at paglingon ni crush. Akala ko namemersonal ang mga prof dati. Ngayon alam ko na ang pakiramdam nila. Tipong sayang palagi ang effort. Hindi narerecognized ang pagod. At higit sa lahat, mararamdaman na mas mababa pa average. Dati kasi kahit madaming problema ngiti lang ni crush solve na. Ngayon iba na. May pinasok akong matinding kahihiyan na pakiramdam ko ay may ga-kwagong matang nakatingin. Tinatamad tuloy akong pumasok.