Skinpress Rss

LANGGAM


Nakahiga ako sa sahig habang pinapanood ang mga langgam. Matyaga nilang binubuhat ang butil ng makunat na chippy na pinulutan ko kagabi. Malapit na sa pinto ang isa pero inagaw ko ang buhat niya at ibinalik sa pinakadulo. Napakamot siguro siya ng ulo. Inulit ko ang ginawa ko sa iba. Nagkamot din sila siguro ng ulo.

Bad trip talaga si bossing. Hindi niya maintindihan ang paliwanag ko at mas pinili muna niya magsermon. Inutusan nga kasi maghulog ng sulat ng VP. Sabagay cup C siya. Bobita. Puro dede lang. Kaya nag-iisip akong magresign madami pa naman trabaho.

Salagubang


Nakabantay sa huling patak ng ulan si bunso. Atat na siyang lumabas upang apakan ang naiwang tubig sa grahe. Makailang ulit ko na siyang pinagbawalan na gawin yun dahil maari siyang madulas.

Ang aking panganay ay bagong gising at mukhang wala pa din sa mood makipag-usap. Dalawang araw na siyang umuuwi ng dis oras ng gabi. Walang paliwanag at walang sagot sa tanong na tila pa natatapakan ng karapatan sa tuwing mag-uusisa ako. Hindi ko alam na ang pagtanggi ko na mag-aral sya sa Manila ay pag-uugatan pa ng samaan ng loob.

Tiwala


Nag-absent pa ako sa trabaho para sa anniversary namin ni Maica. Buwan nga ang inabot bago kami nagkasundo sa gagawin namin ngayon. Pero bigla namang umurong kung kelan nandoon na.

"Andito na tayo oh? Ngayon pa ba uurong?" Bigla akong napakamot sa hindi naman makati.

"Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko!" sumbat nya. "Bawal ba magsecond thought?"

"Sa una lang yan. Sa sunod maeenjoy mo na."

"Sus! Heard those. Pero still!"

Gusto ko sanang magmaktol pero mas dapat akong mangumbinsi para mapapayag ko sya at wag matakot.

"Kasama mo naman ako e. Tingnan mo yung iba derecho lang ang pasok kasi kasama nila ang partner nila. Magtiwala ka lang."

"Yan lang ba ang sukatan tiwala? Ambabaw ha."

"Ganito na lang. Pumikit ka kapag natatakot. Hawakan mo ako para alam mong kasama mo ako. I love you."

"I love you too."

Hinawakan ko ang kamay niya at derecho pasok sa loob. Maya-maya, sumigaw na si Maica at umiiyak. Bumaon sa braso ko ang kanyang kuko. Sobrang diin. Mura siya nang mura. Umiiyak siya noong matapos.

"Ano isa pa?" Panunukso ko pa. "Masarap na for sure." Tawa pa ako ng tawa habang lumuluha sya. Sinuntok niya ako sa braso.

"Ayoko na! Halos mamatay ako! Hindi na ako sasakay dyan sa space shuttle. Doon na lang tayo sa kabayo."

- wakas-




Rebulto


Igagawa ko ng rebulto si Rey. Siya ang huli kong kaibigan na naniniwala sa akin. Kailanman ay hindi ko pa nasuklian ang kanyang kabutihan. Panigurado lahat magugulat.

Matitiis ko pa siguro ang hapdi ng sugat na nilagyan ng sili at asin ngunit hindi ang pag-alis ng aking pamilya. Gumawa ako ng larawan sa aking isip kung gaano sana kami kasaya.