Skinpress Rss

Supermoon


Ready na aking backpack. Tent. Tsaka instax ni Nene. Patuyo na ang kailangan kong damit. Handa na akong ibaon sa limot ang lahat. Ilang araw na nga ba akong wala sa sarili? Buwan na siguro. Yung mga dahon bumagsak na pero ako lutang pa.

Gusto kong mamundok. Sa Mt Pulag. Pupunta ako dun sa pinakamatarik para kung mahulog ako kahit paano ay malapit na ako sa langit. Gagawa ako ng note na kung matatagpuan akong walang buhay ang ilalagay sa cause of death ko ay LOVE hindi TANGA.

CAUSE OF DEATH :TANGA LOVE.

Stupident : Mga Hugot ko sa Pag-aaral


credits : meldita

1. Ang grades ko parang packed lunch. Madalas itlog.

2. Yung classmate mong sobrang hilig sa sports, pati exam gusto may TEAMWORK.

3. Sabi ng principal ang paggradute ko ay tulad ng freezing point ng tubig. Close to zero.

4.Ang Mock Battle of Manila ng mga Kano ay parang yung aming TISOY na class president kunyari may pinaglaban pero wala naman.

5. Tama ang nosyon ni Charles Darwin na ang tao ay maaring nanggaling sa specie ng unggoy.
Kasi ang seatmate ko ay kilalang teacher's pet.

Mando




ang larawan ay pinulot sa internet
Ang bukangliwayway ay magandang tanawin sa karamihan pero sa palengke ng Nagcarlan ito ay hudyat ng pagbabanat ng buto at mabilis na kalakalan. Sa pagsikat ng araw ay ilang mamimili na lamang ang natitira hindi kagaya ng ibang palengke na magsisimula pa lamang. Gulay at prutas ang pangunahing kalakal ng bayan na kadalasang dinadala sa mga karatig na bayan.

Papunta na si Ron sa eskwelahan nang mapansin ang lalaking gusgusin na hindi natitinag sa sikat ng araw at alikabok ng lansangan. Nakaupo ito malapit sa rebulto ng dating alkalde ng bayan. Kakaiba ito sa karaniwang  pulubi dahil walang bitbit na basura, hindi nanlilimos at  walang kausap na hangin. Makatawag pansin ang hawak nitong ilang libro na tila binabasa. 

Lumapit si Ron upang bigyan ito ng mansanas. Ipinatong niya iyon malapit sa lalaki at mabilis na tumakbo pagkalagay nito.

"Salamat bata," pahabol ng lalaki. "Huwag kang matakot."

San Buenaventura



Abala si Jordan sa paglalaro ng kanyang laway habang nilalabanan ang inip sa  kulungan na kinalalagyan. Pula ang nasa kaliwa at asul naman sa kanan ang gwantes niya sa kamay. Maitim na ang kumot sa kanyang braso na nagsisilbing gabay kung gaano kalimitado ang kanyang pwedeng ikilos.  Bukod sa hindi maayos na kalagayan ay nakasusulasok ang amoy na dulot ng pinaghalong pawis at ilang araw na hindi paliligo.  

"Inom ka ng tubig anak." Basag na ang baso bago pa ito lumapat sa bibig dahilan upang igapos si Jordan sa puntong paghinga na lamang ang pwede niyang ikilos. Ipinilit ni Kerwin ipainom ang tubig sa anak.   "Maya-maya tahimik na siya." Baling niya kay Miko. "Walang mawawala. Subukan mo." 

"Hayaan mo. Bukas na bukas ay pupuntahan ko ang lugar na 'yon," sagot ni Miko. 

"Gagaling ka. Gagaling ka. Maniwala ka lang."

Ayos Idol?



"Idol, ayos?"

"Ayos!" sagot ng gwardya habang nakasenyas ang hinlalaki.

"Ayos tayo?"

"Ayos na ayos!" bibo at nakangiting sagot ng gasoline boy.

"Kuya idol, ayos ka lang?" tanong niya sa akin habang nakikiusyuso sa pagtatali ko ng sintas ng sapatos.

Ngumiti ako. "Ayos syempre." Nang madinig ang sagot ko ay nagpatuloy siya sa paglalakad.