Skinpress Rss

Stupident : Mga Hugot ko sa Pag-aaral


credits : meldita

1. Ang grades ko parang packed lunch. Madalas itlog.

2. Yung classmate mong sobrang hilig sa sports, pati exam gusto may TEAMWORK.

3. Sabi ng principal ang paggradute ko ay tulad ng freezing point ng tubig. Close to zero.

4.Ang Mock Battle of Manila ng mga Kano ay parang yung aming TISOY na class president kunyari may pinaglaban pero wala naman.

5. Tama ang nosyon ni Charles Darwin na ang tao ay maaring nanggaling sa specie ng unggoy.
Kasi ang seatmate ko ay kilalang teacher's pet.


6. Bakit sa Law of Supply and Demand na kapag mataas ang demand at short ang supply ay may kaakibat itong pagtaas? Pero ang baon ko kahit SHORT hindi pwede i-DEMAND ang
pagtaas.

7. Napaisip si Ermat sa notes ko sa Physics tungkol sa sinabi ni Isaac Newton na kapag may tumaas dapat may babagsak. Bakit daw ang grades ko hindi naman tumaas pero palaging bagsak.

8. Ang teacher ko parang si Carlos P Garcia na may "Pilipino Muna" kaya naglabas siya ng "Tinda ko Muna."

9. Yung teacher namin totoong MAKABAYAN. Ginugunita palagi ang bagyong Yolanda sa pamamagitan ng laway n'ya.

10. Natutunan ko sa fieldtrip na sa dami ng wika sa mundo ginamit ang scientific name para madali makilala ang mga HAYOP. Para lubos na maunawaan pumunta kami ng ZOO at ng SENADO.


_______
lahok sa Saranggola Blog Awards 8 sa kategoryang Hugot