Skinpress Rss

Anghel ng Kidlat



Malakas na hangin na muntik tumangay sa bintanang yari sa kahoy ang gumising sa akin. Walang
bakas ng bagyo o buhawi mula sa labas. Nakapagtatakang may bigla na lamang bumayo sa bintana.

Bumangon ako at sumilip sa bintana sa pagbabakasakaling may mga taong gumagawa ng kalokohan sa labas. Nilingon ko ang paligid pero wala naman kahit anino. Kumuha ako ng tubo bago lumabas ng
bahay. May napapabalitang may mga taong umaaligid sa aming barangay nitong mga nakaraan araw. Sa bulung-bulungan kakaiba daw ang ikinikilos ng grupo ng mga lalaki.

Chicken Adobo - A Love Story 9


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown


Hindi na kailangan pang buhusan ako ng malamig na tubig para magising sa katotohanan. Maliwanag pa ang dalang ilaw ng alitaptap na hindi ako kasali sa priority niya. Tama nga sigurong hindi dapat magkagusto sa taong naging close sa'yo. Sapat na ang haba ng Lupang Hinirang para marealized ko na hindi ako kabilang sa mga martir. Wala akong dapat asahan kay Kathy. Hindi ko dapat binigyan ng kahulugan ang pakikisama niya sa akin. Mali ang magkagusto na lamang bigla sa taong nagpapakita ng mabuti.


Matamis na ngiti ang salubong sa akin ni Andrea kasunod ang baso ng alak. Lutang ang ganda niya sa suot niyang tube at skinny jeans. Ang titig niya ay mapanukso na tila isang patibong para ubusin ang laman ng wallet ko. Nakuha niya ang atensyon ko palayo kay Kathy.

Tagtagainep


Akala ko ay nasa ibang planeta na ako paggising ko kaninang umaga. Nakapagtatakang walang anumang bagay ang inihagis sa akin upang magising. Tiningnan ko ang bagay na nagdidikta ng oras sa dingding, ilang minuto na lang tapos na ang morning show ni Kris.

Itlog at hotdog ang nakahandang agahan sa mesa. Walang pagkakaiba sa agahan ko mula grade school hanggang kahapon. Wala pa akong gana kumain kaya itutuloy ko na lamang ang sinusulat ko kagabi.

Nakatulugan ko na naman pala ang ginagawa ko. Naiwan ko na namang nakabukas ang laptop hanggang sa maubusan ng baterya. Iniangat ko ang ballpen pero dalawang salita pa lamang ang nasusulat ko ay bigla na lamang akong inatake ng katamaran. Sa bilis ng teknolohiya, darating kaya ang panahon na ang iniisip ko ay pwede kong ipasa sa ballpen o laptop para bago umabot sa mental block o katamaran ay nakasulat na ang kwento?

Inilapat ko ang aking likod sandali para maalala ang ideyang pumasok sa isip habang nasa byahe. Tinalo ng stress ang kwentong sana ay nakasulat na. Ipinikit ko ang aking mga mata at kinuskos ang talukap saka nag-isip ng malalim.

May kung anong bagay ang bigla na lamang bumagsak. Siguro nakapasok na naman ang pusa at umakyat sa cabinet na kinalalagyan ng mga stuff toys. May pagkakataon ngang inaakala ng mga taong pumapasok sa bahay na laruan din ang pusa palibhasa ay bibihira gumalaw.

Sinubukan kong bumalik sa pagsusulat pero nahirapan akong imulat ang aking mga mata tila may bagay na pabigat. Bulag na ba ako? Ni katitingting na liwanag wala akong makita. Nilamon ng takot ang aking katawan.

Kinapa ko ang mga bagay sa aking harapan partikular na gumagawa ng ingay. Dumampi sa aking palad ang isang pahabang bagay na sa palagay ko ay aking ballpen. Kumilos ito ng kusa kasunod ang aking mga kamay. Tila may sariling buhay ang ballpen pero hindi! Tumitigil ang ballpen sa tuwing mababakante ang aking isip. Posible kayang isinusulat niya ang mga iniisip ko?


May kung anong bagay ang bigla na lamang bumagsak. Siguro nakapasok na naman ang pusa at umakyat sa cabinet na kinalalagyan ng mga stuff toys. May pagkakataon ngang inaakala ng mga taong pumapasok sa bahay na laruan din ang pusa palibhasa ay bibihira gumalaw.

Napaidlip pala ako. Sinubukan kong bumalik sa pagsulat pero wala lalo pumasok na idea dahil sa biglang pagsumpong ng kakaibang panaginip. Buti na lamang hindi totoo. Buti na lamang hindi ako bulag. Iinaangat ko ang ballpen pero bigla na lamang akong napahinto. Nakasulat lahat ng nangyari sa inaakala kong panaginip ko.





You're alone in you're room trying to write. But for some reason, you're terrified. For a minimum of 200 words, write about what's scaring you.

Check Mate - Maikling Kwento




Sequel ito ng Chess Match. Sopas entry ko ito tulad nung chessmatch hindi din nanalo so post ko na lang. :)

______________

Ang malaking simbahan sa Liliw palagi ang huling destinasyon namin bago kami umuwi ni Daniella. Ngiti ang salubong ng mga pamilyar na tao sa tuwing dadaan kami sa rebulto ng malaking sapatos. Kwento sa amin ni Father Greg, bagamat hindi nila alam ang pangalan namin, ang pagdaan namin sa harap nila ay itinuring na nilang inspirasyon. Kwento pa ni Father larawan kami ng pag-asa, patanggap at mabuting samahan sa kabila ng katotohanang magkapatid kami dala ng pakikiapid.

"Uuwi na tayo?" tanong ni Daniella habang nakatingin sa makapal na dami ng taong namimili ng sapatos sa kalye. Sa mga ganitong pagkakataon malambing ang boses niya at alam kong senyales iyon na ayaw pang umuwi. Mahirap talagang tanggihan ang mga paglalambing niya mula noong una pa lalo na kapag titigan niya ako.

Patient 1905 - Maikling Kwento


Kung may buhay ang alarm clock malamang isa na akong kriminal ngayon dahil ilang ulit kong inihagis ang relo para tumigil sa pagtunog. Kinailangan kong bumangon ng mas maaga sa karaniwan kong gising upang umabot sa call time ng aming school service papuntang Cavite. Sa Cavite Center for Mental Health ang duty ko simula pa kahapon na tinatayang umaabot ng apat na oras ang byahe mula sa school. Medyo moody pa naman ang driver kaya malabo akong hintayin kapag hindi umabot sa call time.

Hindi biro ang pagiging student nurse lalo na kapag may outbreak ng mga nakakahawang sakit na wala pang lunas. Noong nakaraang buwan nga nagdeklara na ng cancellation ng klase pero hindi kami exempted. Kaya kahit nakakatakot kailangan naming masanay sa mga ganoong sitwasyon.