Skinpress Rss

Chicken Adobo - A Love Story 3


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown


"Bakit laging ako?" naiiritang wika ni Kathy habang pakaikot-ikot sa upuan. Gusto ko sanang tumutol para sabihing hindi lang siya ang biktima.

"Ako nga kasama din diyan hindi ako nagrereact na parang may nawala. At sino ba namang may gustong ang makasama ang isang warfreak?"

"Sinong warfreak?"

"Ako. Ako warfreak. Hindi naman pwedeng siya," pilosopong sagot ko habang itinuturo ang katabi ko.

"Wala ka na bang magawa kaya idadamay mo ako sa boring na buhay mo?!"

"Ayaw mo nun sumisikat ka dahil sa akin?"

"Ayaw na ayaw ko ng mauulit ito, please lang."

Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan. Sinubukan ko din tumingin sa ilalim baka may naiwang traces ang salarin. May bagay sa likod ng isip ko na nagtulak para alamin ang tao sa likod ng caricature. Dumaloy sa dugo ko ang napanood kong pelikula ni Sherlock Holmes. Hindi ako makikipagbagaan ng galit kay Kathy Belarmino mas pipiliin kong mag-imbestiga. Hahayaan ko siyang magtatalak hanggang maubusan ng hininga.

Pagbiya


"Kailangan mo pa ba talagang umalis?"

"Napag-usapan natin ito di ba, Aldred?" Ipinasok ni Samantha ang hawak na damit sa bag bago hinarap ang kausap. Hinawakan niya ang kamay nito at hinaplos ng ilang ulit.

"Hindi mo ba kayang tuparin ang parangarap mo dito?" Buntong hininga ang sagot sa kanya. Nagtaas pa ito ng balikat bago bumalik sa ginagawa.

Tinitigan ni Aldred ang papel na naghihintay sa kanya. Iniikot niya ng dalawang beses ang singsing sa kanyang daliri.

Chicken Adobo - A Love Story - 2


-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown


Ginising ako ng isang tawag sa telepono. Nakarating na pala kay Lazaro ang pagbalik ko ng Batangas. Imbitado ako sa early celebration ng birthday ng kapatid niya. Medyo nagdalawang-isip ako dahil may kalayuan ang venue.

Wala na ang excitement sa katawan ko hindi kagaya kahapon na mabilis akong kumilos at maagang dumating sa Art Class. Ngayon, sinadya kong magpahuli sa klase sa pag-asang mapapwesto sa last seat. Inisip kong mag-quit pero sayang naman ang slot na inaasam ng marami. Sikat si Ms. Reynaldo and once a year lamang ang Art Class niya sa Batangas.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa parking para ayusin ang aking sarili. Kinuha ko ang sapatos sa back seat at isinuot. Bumagay ang plain blue shirts sa aking Chuck Taylor sneakers. Noong bata ako, ang nanay ang nag-aabot ng sapatos ko mula sa back seat, gusto ko kasing katabi ako palagi si tatay para madali kong maitanong ang mga bagay na nakikita ko sa daan.

Chicken Adobo - A Love Story


image credit to komwari

-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Kung may babalikan akong parte ng buhay ko siguro noong nakilala ko si Kathy. Dumating siya sa buhay ko noong mga panahong nag-iisa ako. Literal na nag-iisa. I hate being alone pero wala naman akong choice.

Sa bawat araw na lumipas naalala ko ang aking magulang. Minsan hindi ko namamalayan may luha na pala sa mata ko. Ilang beses may nakapapansin sa akin sa mga ganoong pagkakataon, napuwing ang gasgas na linya kong palusot. My mom died a year ago. The last year of her life was in and out of the hospital due to diabetes complications. After 2 months of mourning, Dad died of heart attack.

Nagresign ako sa trabaho dahil sa depression. Inisip ko kung magbabyahe ako mawawala lahat. Liliparin ng hangin ang sakit na pilit na ipinapasan sa akin. Tatangayin ng agos ang pangungulila ko sa aking mga magulang. Iniwan ko ang ang lugar na kinalakihan para tanggapin ang lahat. Ang bawat hakbang ko palabas ang pintuan ay ubod ng bigat. Tila walang katapusang hakbang bago makalabas ng pintuan.

Haircut- Maikling Kwento


Nakapulot ako ng piso habang naglalakad patungo sa kabilang compound. Dinalaw ko ang dating tambayan kanina sa pag-asang umuwi ang mga kababata ko. Umaga pa lamang kahit walang hilamos at toothbrush, maingay na ang halakhakan doon pero kanina kahit daga ay ayaw gumawa ng ingay. Sa palagay ko, kung maliligaw ang classmate ko noong elementary na tagalista ng maingay paniguradong uuwing malinis ang papel.

Tumingala ako sa bolang nakasipit sa pagitan ng mga sanga ng mangga. Kumuha ako ng bato at sinipat ang bola pagkatapos ay pinatalbog patungo sa court. Marami ng damong ligaw ang sumibol sa mga crack ng semento. Halatang hindi masyadong nagagamit ang minsang naging paborito kong lugar. Ilang talbog at buslo pa lamang ang nagagawa ko ay ramdam ko na ang pagod sa aking katawan. Wala na ang sayang dating hatid sa akin pagtalbog ang bola. Siguro dahil nag-iisa ako. Iyong batang kasalubong ko kanina masama ang tingin sa akin habang hawak ko ang bola. Sabagay sa edad niya malamang hindi niya ako kilala.