Skinpress Rss

Ferris Wheel


Nakaiinip ang gabi. Pumunta ako sa perya.
Baka may tropa. O mga dating kaklase.

Sumugal ako ng konti. Kahit pala dito wala akong swerte. Pero at least may chance, di ba? Hindi gaya sa pag-ibig nya.

Sumakay ako ng ferris wheel. Kung kelan sumasaya na, nag-eenjoy, saka ko narealize na tapos na.

Uulit pa ba? Hindi na siguro. Paiikutin lang ako.

Sungay


Gumugulo sa aking isip ang mga kakaibang tunog sa twing sasapit ang hating-gabi. Mga kaluskos mula sa katabi naming kagubatan. Sa tagal ko na sa lugar na iyon ay nito na lamang ako nakaramdam ng takot. Ang dati nitong payapang pigura ay tila pinamamahayan na ng kung anong nilalang. Maaring mabangis na hayop o halimaw.

May mga gabi na wala ang ingay. Ngunit kinaumagahan ay may tanda sa lupa o mga baling sanga ng puno, senyales na may pandaliang namahay sa lugar.

"Torio, may pagkakataon bang may nadidinig ka mula sa kakahuyan. Gusto ko sanang tingnan."

Gubat


Naligaw ako
sa isang malawak na kaparangan
Maberdeng puno, damo at halaman.
Dalisay kung tingnan.
Ngunit matinik,
sumusugat
Madugo.

Humiga ako.

Napakasarap.

Parang pag-ibig mo.

Rupok


Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga marupok na tao. Tipong walang kadalaan sa buhay. Bugbog na pero gusto pa may pasa. Ano yun, remembrance? Souvenir. Ganun?

Oo masarap magmahal. Matik na yon. Pero isipin din muna. Bigyan ng oras. Ienjoy ang pagdaloy ng dopamine sa utak.

Huwag na huwag bibigay sa mga taong pa-fall. Trap yon! Scam yon! Hindi iyong magcommit at walang ibibigay. Will tear you into pieces lang at ikaw ang magpupulot ng kalat. Mag-isa. Luhaan.

Simple lang wag maging mapusok. Kung mahal ka nun, magstay yun. Maghihintay.

Dear self,

Madami akong love sa puso. At sa deserving maghintay ko ito ibibigay.

Love,

Self

Kaso nagwave ka. Kilig.