Skinpress Rss

AGENT JENNY


Saktong two weeks na pala akong hindi kinakausap ni Jenny. Hinahatid at sinusundo ko siya pero mas lamang ang buntong hininga kaysa salita. Ewan ko nga ba, sya itong nanakit pero sya pa ang unang nagalit. Binato nga nya ako ng tsinelas. Dalawa pa!

Noong nakaraan binigyan nya ako ng mga flyers. Mga model houses ng iba't ibang subdivision sa lugar namin o kalapit na barangay. Personalized pa ha kasi may kwenta na ng kita at posibleng gastos sa buong buwan at kung paano pupunuan ang amortization.


"Pili ka nga ng magandang bahay dyan," panimula ni Jenny. "Lahat okay ang amenities lalo na ang water supply."

"Matik na kapag mahal, ayun ang maganda."

"Hindi yon. Land area, floor area at developer ang labanan ng presyo dyan!"

"Okay itong Selena model house. Kaso wala pa ako pambili nyan," sagot ko. "Sa lakas natin kumain kulang pa kinita natin sa araw."

"Kaya nga pag-iipunan. Tapos monthly naman ang bayad. Nilagyan ko nga ng kwenta oh! Hindi mo kasi binabasa. Wala ka talagang kwenta. Anong plano mo sa future?"

"Pikon ka na naman nyan? Kung magplano ako ng future syempre dapat may kasama na ako. Asawa o girlfriend muna. Alam mo yun? Hindi mo kasi alam yon!!!!" Syempre pinikon ko na naman ang dragon. May part 3 na ang how to train your dragon pero hindi ko pa din sya mapaamo.

"Hindi mo pa ba nagets yan? Slow ka talaga! Naku!" Lumakad siya paikot habang sinisigawan ang magkabila kong tenga. "Tinutulungan na nga kita magplano para sa future!"

Napangiti ako. Ngumiti din sya. Face to face kami. Ramdam ko ang bawat hininga niya. Literal na pati tibok ng puso nya ay dinig ko. "Kaw ha. Hindi mo naman kasi agad sinabi."

"Kaw kasi e. Pinaiinit mo pa ulo ko." Lumambot agad si Jenny.

"Naku Jenny, pikon ka lang talaga. Pero cute kapag galit!"

"Oh eh ano na? Decide!"

"Hindi ko naman kasi alam na agent ka na pala ng bahay ngayon. Kaya nabigla ako."

"Gago! Bahala ka na nga sa buhay mo! Buti pa ang pagong kahit mabagal may goal! Yung snail may determination."

Hinubad niya ang aking tsinelas saka ibinato sa aking mukha. Then she walked away. Quietly so afraid. Repeat til fade....



Aminado naman akong slow. Perfect ko nga ang summer classes mula secondary til tertiary. Nakagraduate nga ako dahil sa sipag kong pumasok. Ayaw na yata akong makita ng mga teacher. Kaya nga hindi ako nag-attempt maghanap ng trabaho baka magbuhol pa ang dila ko sa interview. Oks na ko sa tricycle at buy and sell mula sabong panlaba hanggang sa manok na panabong.


Mabait naman si Jenny. Madaling suyuin. Alam na alam ko ang kiliti noon. Sa tagal na ba naming magkakilala e. Wala na nga sekreto yun saken! Ako pa!

Dehins pa sumasablay ang bisa ng chichacorn at dalawang litrong milk tea. Lalo na sa pagod na katawan matapos makipagdigma sa labada.

"Anong nagtulak sayo para suhulan ako ng ganito? Pasalamat ka at gutom ako kundi."

"Magsosorry. Saka babawi. Narealize ko na kasi ang gusto mo. Ito na."

"Ano yan?"

"Maganda ang porma ng bahay na to. Malawak ang lot area kaya pwede magpagawa ng extension."

"Gusto ko nga din yan e. Para hindi tayo nagtitiis dito sa gutter ng kalsada umuupo."

"Alam mo, bilib nga sayo si Ermat e. Sa edad natin, naiisip mo na agad ang future. Ang magplano ng ganito. Daig na daig mo daw ako."

"Kaya nga ako na ang nag-adjust para sayo."

Lumapit ako sa kanya. Inakbayan. "Sorry talaga. And thank you na din."

As usual, pamatay ang ngiti niya. Amoy na amoy ko pa ang buhok niyang binababad sa creamsilk pink. Face to face ulit kami. Parang maghahalikan. That moment, masasabi kong she is special. Kaya I want to support her. Sa mga undertakings nya. Sa unlimited na patience. Sa pagtitiis sa mga sablay ko.

"Final na to?" Nailang sya. Talo ko talaga siya sa larong titigan.

"Yes! Napapayag ko na nga si Jeric e."

"Jeric?"

"Classmate ko dati. Sabi ko need kong makabawi sayo kasi naturn down kita. Unang client pa naman. Sabi ni Ermat magrerefer din daw sya sayo. Para hindi ka na magagalit di ba?" Mabilis syang tumayo. Ibinagsak pa ang gate. "Nangyari don? Natatae ka no?"

"Oo. Tae ka! Umuwi ka na. Sarap talaga basagin ng ulo mo!"

"Magkaaway na ba ulit tayo? Inform mo naman ako. Pero ang cute mo!"

"I hate you."


Then she walk away. Leading her own parade. Repeat til fade. ;)



- wakas-