Skinpress Rss

First Day High


Isa sa pina-kacool ang first day of school, regardless kung bago o luma ang uniform. Syempre exciting. Baka may bagong mukha o mapansin na ni crush. At higit sa lahat, may alibi na sa paggawa ng Mama challenge.

As usual, may struggle pa rin sa paggising at paliligo sa umaga. Ang unang buhos talaga ang torture. Gusto ko nga sana i-propose na pagkatapos ng kadenang ginto ang start ng klase. Cool di ba?

"Huy! Dyan si Bien! Ano ka ba?"

"Ay onga pala. Payagan kaya tayo ni Miss?"


Natawa ako. Hindi pa ako nakakapasok ng classroom ay ready na ang cheating arrangement. Third chair sa second row ang pwesto ko. Sa unahan ko ang malapad na si Pangz. First year pa lang kami ganoon na ang diskarte kaya itutuloy na namin hanggang Senior High.


Hindi muna ako pumasok ng classroom. Usapan noon sa GC na sa first day of class ay sisipsip na agad kami sa teacher para hindi maging alphabetical ang arrangement. Babatiin ko agad si Mam at kusang loob na isasara ang pintuan. Behave kunyari.

"Pogoy, dyan ka na sa dulo ha? Masipag ka naman mag-aral."

"Tumigil ka nga Choi! Ikaw itong palaging hindi nakapag-aral pero may sagot!"

"Gago! Stock knowledge kasi yun!"

"Hala, nakakamiss naman si Bien!" Si Jecka. "Sixty pa ang utang noon sa late at noisy."

"Sayang no? Kung marunong lang sana tayong lumangoy. "



- wakas-