Skinpress Rss

27 Messages


Approximately 5 years ago, may 27 messages ako galing kay Ella. Hindi ito tulad ng sangkatutak na emojis, greetings, words of wisdom, bible verse at kung anu-ano pang kaekekan nya na madalas binabalewala ko lang. Isa iyong nobela. Isang narration how things started to an end.

Isa iyong break-up message. Full of emotions kahit walang emojis. Walang maling typo. Pinaghandaan. Pinag-isipan. May realizations. Lessons. At pamamaalam.



It was artistically written. Galing sa puso. Para sa puso. Nagmamahal sya ng isang sponge na puno ng tubig. Hindi na kayang mag-absorb. Pagong na hindi natutong mag-evolve para magmadali. Too complacent. Nothing to look forward.

Sitwasyong dumating sa puntong ang bangkang pilit sinasagwan ay may butas sa tagiliran. Umabot sa pagtigil ng tibok ng puso nya kaya wala na syang iiyakan. O naubos na ang luha. Nothing to lose. Wala ng panghihinayangan.

Hindi kagaya noong courtship at mga unang taon na full of surprises. Ng mga bagay na alam na may sasandalan. Kakapitan. Mga pagsubok na kapwa nilampasan. Mga I love you na hindi sinasabi lang. Nararamdaman. Mga salitang may kiliti sa pandinig at yumayakap sa puso. Mga brasong pumapawi ng takot. Mga labing nagpapaalaala ng tayo.



At kung may natutunan sya sa relasyon namin ayon ay ang maging matibay. Payo nya pa, kung magmamahal ulit, wag ko paluhain. Matutong makinig. Appreciate small things. Higit sa lahat, wag iparamdam na walang pagkakaiba ang nag-iisa at magkasama.




Nobela din ang reply ko. Hindi galing sa puso. Galing sa ego. Umamin ako na naging complacent dahil matagal na kami. Pero sumalag ako. Nakuha ko pang manisi. Na sasayangin nya ang 8 years naming relationship mula high school. Na ganun na lang yon. Wala syang reply. Tuldok na nga siguro.

Gusto ko siyang habulin. Kaso sapat ba ang mahal lang? Na magbabago? Mangako. O hahayaan ko siyang maging masaya. Hanapin namin ang sarili. O magmamatigas ako.


Instant ang pagbabago ng buhay ko noong nawala si Ella. As in full circle. 360 degrees. Doon ko narealize na sobra na pala talaga akong umasa sa kanya. Never been mutual. Pure commensalism. Ako lang ang nakinabang.

Isa akong gumigising na patay. Gaya ng zombie na ang purpose lang ay kumain. Pero bakit ba sila kumain? To survive? Eh patay na naman sila. Hindi nila yun naisip? Kasi wala silang utak. Ewan. Ganun ako. Parang ewan.

Twas not easy. It made realize that being loyal or faithful was enough. Hindi ko kailangang hintaying mabasag ang salamin upang malaman na masakit itong makasugat.

Day by day, natututo.
To value time. To keep memories. There are hellos and goodbyes.
To walk and reflect.
To realize that the best things are meant to be shared.

To smile.... again.
To love equally... Or more.



Sinilip ko ang profile niya kahapon. Sobrang saya. Binalikan nya ang mga dating lugar na pinuntahan namin noon. Para gumawa siguro ng bagong memories. Her happiest. Nobela description sa buong album. Galing sa puso. Para sa puso.

Ikinasal na sya.

Nagcomment ako.

"Congrats! Nothing great ever came that easy. Although we learned it the hard way, it promised us a great learning which made us stronger. Better version of ourselves."


"Congrats as well. Regards sa future wife mo," tukoy niya sa parating ko ding kasal.

"Thank you for waking me up." tukoy ko naman sa 27th msg nya. "Love stays. People dont."

- wakas-