Skinpress Rss

Usapang Pussy Cat


Hindi ito kwento. Isa itong rant ng isang mabait na mister sa kanyang misis na dinadaan sa sulat sa takot na mapagalitan.

Linggo. Isang araw na sana ay pahinga matapos ang stressful na araw dulot ng trabaho. Inilapat ko ng maayos ang aking likod sa cleopatra na gawa sa kahoy para manood ng balita. Ilang araw na akong hindi updated sa nangyayari sa palagid bukod sa pagkaabala ng mga netizen sa kanilang x numbers of reacts.


So ayun nga, ninamnam ko ang sarap ng higa nang utusan ako ni misis. Linisin ko daw ang harap ng bahay dahil bumaho na. Ang salarin? Mga little pussy cat. Naglungga na daw ang mga animal. Inenjoy na daw ang pagtambay sa mga tambak na kahon.

Magdadahilan sana ako kaso alam niya ang background ko pagdating sa pussy. Hindi daw kayang itanggi ang pagkabihasa ko dahil kahit sa mga kwento ay madalas mabanggit ang pussy. Minsan na din akong inilaglag ng aking kapatid na noong bata ako ay kinabaliwan kong magpaamo ng pussy cat.

Binigyan nya ako ng sako. Isilid ko daw ang mga kuting at itapon sa planetang vegeta. Okay na sana kaso nakagugulat ang nadiscover ko. Hindi ko expected na iba't-iba ang kanilang itsura kahit magkakapatid sila. Yung isang pussy ay balbon at may katabaan, yung itim mukang inahitan, ang bilugan naman ay mamasa-masa at ma-pink ang ilong at matindi ang isa na mukhang nagmamakaawa na tila hindi nahimas ng inakala niyang mag-aalaga.


Nahabag ako sa mga pussy. Gusto ko sanang himasin kaso nahuli ako ni misis. Umaapoy ang mata niya. Subukan ko daw hawakan paniguradong may kalalagyan ako.

No choice ako. Inilagay ko sa sako ang mga pussy cat. Naglakad ako palayo habang iniisip ang pagdadalhan ng bitbit ko. Umabot ako sa niyugan at patagong sinilip ang mga pussy. Halip na iwan ko sila sa loob ay pinakawalan ko. Ayaw ko naman na ako ang dahilan ng kawalan nila ng buhay.

Pinakawalan ko sila. Tumitig pa sila na tila namamaalam. Madamdamin. Gusto ko sanang hawakan lalo na iyong may mamasa-masang ilong na pussy na namilog ang mata. Ito na siguro ang pinakamahirap-- ang maaalam.

Umuwi akong affected. Mabagal ang lakad. After all the efforts wala man lan akong nahimas ni isang pussy. Sa aking pag-uwi ay nanlilisik ang mata ni misis. Isasako nya daw ako.


Nakita ko nga mga pussy, nauuna pa sa aking umuwi at nagsama pa ng tropa. Malaking pussy na may dugo ang bibig.

- wakas-