Tinigilan ko muna ang pagsilip sa anumang social media site lalo na ang facebook bago sumapit ang holy week. Madami akong dapat tapusin sa kakapurat na araw na mayroon ako non. Ayaw kong madepress. Dehins ko trip mainggit at higit sa lahat ay magugulo lalo ang isip ko sa dapat kong maging priority.
Gusto ko sanang ihagis ang cellphone ni Mama noong aksidente akong mapasilip. Kaya minabuti kong umalis muna ng bahay at makisiksik sa boarding house nina Abet. Doon walang wifi at gapang ang signal. Walang tukso.
Noong pumatak ang March nag-umpisa na kaming magcramming. Pano ba naman biglang under major revision ang thesis namin kung kailan malapit na ang defense. Napakawalang puso di ba? Kaya umiwas muna ako sa social media. Naiiyak akong makakita ng mga proud parents katabi ang nakatogang anak. Samahan pa ng mga taong nasa kanilang summer vacation na tinadtad ko ng like sa pagbabakasakaling magbayad ng utang. Higit sa lahat matatapos na ang college life ko na wala man lang lovelife.
Sadlife.
Bago magholy week, matagal akong nakatitig sa facebook. Sa katunayan, send na lang kulang para iparating ang lahat ng sama ng loob ko sa pambansang inihaw na manok. Late notice ang branch nila dito sa bayan na hindi kami pwede magconduct ng survey sa vicinity ng store nila. Maayos naman ang usapan namin. Pumayag naman sila. Plantsado na pati bilang ng respondents. Nakangiti pa naman kami nina Abet at Guido tapos biglang need pa daw pala ng approval ng head office. Anak ng inihaw! May contact numbers kami pero hindi nila sinabi agad. And ang excuse nila that they are so busy. Lame! Alam namin na umiikot ang manok sa ihawan pero wag pati ulo namin.
Ngumiti na lang kami. Umalis. Tapos nagmura. Singsarap ng gravy. Grabe!
Hindi ko na tinuloy i-send. Wala naman mangyayari. Hindi makatutulong at huli na din naman ang lahat. Move on. Because we have to not we like to.
Iniisip kaya nila kung ano ang pwede mangyari samin sa ginawa nila? Alam kaya nila kung gaano kalaki ang gastos sa isang thesis? Siguro dumaan sila dun.
Siguro hindi din. Ewan. Nada.
Si Abet siguro ang may kasalanan. Mas mukha kasi siyang goons kesa estudyante. Kami naman ni Guido mukhang nasa tokhang list. Siguro ibinase nila sa itsura? Pero sa edad nila alam siguro nila ang pakiramdam ng magulang na nagpapaaral ng anak. O ng kapatid na nagpapaaral ng kapatid para mapaaral din yung isa pang kapatid. Si Mama nga halos hindi na makakilos pero pilit pang naglalaba at nagpaplantsa ng uniform ko kasi baka daw dahil doon kaya lang ako hindi makakagraduate. Pride na ng magulang ang may maisabit sa dingding na grad pic at diploma. Bonus na lang ang medal.
Buti na lang dati kaming crew sa Jollibee kaya napakiusapan namin kahit short notice na gawin silang subject ng thesis namin. Its all about chicken naman e. Parang ako. Chicken. Patapos na ang school year hindi ko nasasabi kay Roxy na type ko sya. Im so chicken and I hate it! Isa pang chickenjoy!
"Bakit may pabulaklak pa dyan?" puna ko kay Abet.
"Mock defense nga e. Balak ko kasi maglagay ng bulaklak sa barong ko sa mismong defense. Para maging komportable na ko!"
"Pards, pampatanggal nerbyos yan. Better be ready kasi." Sumang-ayon pa si Guido kahit puro hikab lang ang alam.
"We are here na. Stop all the angst. Why bother?" Kalbo ni Abet. Ang alam ko lang nakakatawa sya pero nagkakapoint din pala.
"Isa na lang problema mo. Tutulungan ka namin!" Ngumuso pa si Guido kay Roxy.
"Ano? hindi ah!" Hindi na kailangan magsolve ng linear equation para malaman ang feelings ko. Sabi nga, the answer is given. Need na lang ng simplest form. Marami ng pagkakataon na pwede kong sabihin kay Roxy pero natatakot ako. Ayaw kong masira ang 4 years naming pinagsamahan.
"Congrats team. Ready na kayo sa defense kahit major revision ang ginawa nyo. Visit my notes for minor revisions."
"Thanks po." Jackpot kami kay Miss Abaja bukod sa guidance na ibinibigay niya may kasama pang confidence booster.
"Nga pala Mr. Ruslan, kung may gusto kang sabihin kay Roxy, sabihin mo ng personal wag mong daanin sa acknowledgement ng thesis." Ngumiti pa si Miss Abaja kay Roxy bago lumabas ng Audio Visual Room.
"Ha?" Namula akong parang kamatis pati na din si Roxy kasunod ang maiinit na kantyawan. Kasalanan 'to nina Guido!
Itinulak si Roxy ng groupmates nya. "May sasabihin ka ba saken?" Magagalit na sana ako sa mga kaibigan ko pero sobrang sarap tingnan ng ngiti Roxy.
Naramdaman ko na lamang na nasa kamay ko na ang bulaklak na dala ni Abet. "Para sayo. Galing samen. Saken pala."
- wakas-