credits to orig owner |
Alas tres y medya. Pumanaw si utol.
Sabi ng professor ko sa Social Science, ang pagkawasak daw ng pamilya ay tila isang malubhang sakit. Hindi ito basta lilitaw ng walang sintomas o senyales. Hindi pwedeng bigla lang. Walang instant na kanser, high blood o diabetes. Kahit simpleng sinat paniguradong dadapo. Kaya hindi pwede palaging idaan sa paracetamol tapos ingat dapat may check-up. Pero paano pa magpapacheck-up kung imbalido na? Kung bumulagta na.
Simulang nang maging empleyado namin si Jilyn ay nagbago ang aming buhay. Magaling siyang maglaba. Sa sobrang sipag niya pati patalon at brief na sout pa ni Erpat ay nagawa niyang hubarin. Parang washing machine si Jilyn. Gumigiling. Umuugong. Walang laban si Ermat dahil matagal na itong tumigil maglaba simula ng maopera.
Ang mga bulungan ang kumunoy na humila sa amin pailalim. Isa sanang sinat na naagapan. Kung may gumamot sana at di dinaan sa patapal-tapal lang...
Pinilit namin umahon pero sinulid ang aming nakapitan. Ang kahuhulihan hibla na amin sanang panghahawakan ay nauna nang bumigay. Ang aming ina.
Ang kwadernong naiwan sa ilalim ng kama ang naglalaman ng damdamin ni utol. Ang pagtangis ni Ermat. Ang galing ni Jilyn sa paglalaba. Ang pagbingi-bingihan ni Erpat. Ang pagtangis namin ng walang luha. Ang pagkupkop ng dilim sa pagkatao. Ang pinagtagping dyaryo sa bintana hanggang sa walang liwanag ang kanyang manlaban.
Tanaw ko ang buwan mula sa aking kinatatayuan. Katabi nito ang nagkikislapang bituin na tila nagyayabang sa kaya nitong ibigay na liwanag kumpara sa buwan. Bakit nga ba nag-iisa siya kumpara sa ibang mga planeta? Bakit nga walang sariling liwanag ang buwan? Ramdam kong tumatangis ito dahil sa mapanlibak na mga tala kaya dahan-dahan itong nagtatago sa ulap.
Gaya ngayon...
Sabi ng bulungan hindi matalino si utol tulad ng dinidikta ng kayang grado sa klase. Bobo siya.
Hindi siya malakas tulad ng sinasabi ng kanyang husay sa sports. Mahina siya.
Hindi siya matapang tulad ng kanyang mga sinulat sa school paper. Duwag siya.
Hindi siya magaling dahil nawalan na siya ng pag-asang mabuhay.
Dahil hindi iyon si utol.
Si utol ay isang manlalakbay ng buhay. Isa siyang taong may kahinaan at kalakasan. Isang katawang naghahanap ng masasandalan pero pagkakalooban ng malambot na higaan.
Nalungkot ako para kay utol. Hanga ako sa kanya.
Naghihintay ako ng liwanag mula sa pintuan at bintanang nakapinid. Tila hudyat na sasagip sa buhay na matagal nang nagtatago sa dilim. Nakangiti akong nakatingin sa huling usok na nagmumula sa sigarlyo at sa paglaho nito ay saka ko kinalabit ang gatilyo.
Alas tres y medya na.
-wakas-