Skinpress Rss

Isang Dipang Langit


image from adpost
Hindi ko inakalang kahit sa pamimigay ng kapirasong papel ay may diskriminasyon. Sinadya kong pumila sa babaeng namimigay ng flyers sa mga nagdadaan sa tapat ng shopping center pero bigo akong makakuha ng kopya. Palibhasa ay may dungis ang sout kong damit at obvious na hindi nasasayaran ng plantsa.


Pinulot ko ang binitawan ng huling babaeng tumanggap. Limpak na limpak na pera ang drawing, magarang bahay at isang kotseng kumikinang. Lahat maganda sa mata. Negosyo ang alok ng papel. Sideline o full time. Babae o lalaki.

Ang Kawatan



Parang ipis na tumakas ang kawatan matapos limasin ang mga gamit na pwede niyang pakinabangan sa nahulog na bus. Imbis na tulungan ang mga dumadaing ay inuna niya ang saraling kapakanan at nagmadaling isinilid sa nahagip na bag ang gamit, wallet at maliit na bagahe. Nang makalayo ay saka nito inimbentaryo ang nakulimbat.

Upahang Kwarto


credits to orig uploader
Umalis si Philip na basa ang mga paa pati na din ang suot na sapatos. Iniwan na niya ang mga bagay na magpapabagal sa kanyang pag-alis. Pinalalayas siya ng land lady. Kailangang wala na siya bago mag-umaga. Gagamitin ng mga bisita ang kanyang kwarto.

Hindi na siya siningil sa balanse. Tinalakan na lamang siya sa madalas na pag-apaw ng tubig sa harapan ng bahay. Alam kasi ng land lady na siya ang nakasira