Skinpress Rss

Hindi Ako Bilib kay Jenny


credits : mel martinez
"Aray naman?! Ano na naman ginawa ko?" Walang pagkakaiba sa kagat ng pusa ang kurot ng ni Jenny sa aking balat. Hindi pa nga gumagaling ang sugat ko sa balikat na kinagat niya noong nakaraan heto at binigyan na naman ako ng panibagong pilat.

"Nanggigil ako! Nakakaasar kasi!" Tama siguro ang kutob kong baliw na siya. Hindi nalalayong dadating ang panahon na palakad lakad siya sa lansangan habang may bitbit na pusa. "May kulang pa ba? Halos ginawa ko na hindi pa din ako mapansin!"

Alaala ni Santa - Maikling Kwentong Pambata


image credit : stuffistumbledupon.com
Sa patag na bahagi ng bundok ay nakatirik ang kubo ng pamilya ni Mang Abner. Paggawa ng uling ang pangunahin nilang ikinabubuhay. Umaalis siya ng umaga upang ihanda ang malalim na hukay na paglalagyan ng mga putol na sanga para gawing uling. Sumusunod na lamang sina Tikboy at Enok upang maghatid ng pagkain. Sa paglalakad, ang mga bata ay may dalang sako bilang sisidlan ng mga mapupulot na sanga.

Isa ang batang si Enok sa may kakaibang ngiti pagsapit ng Oktubre. Hindi ito dulot ng sigla ng kalakalan ng uling kundi dahil sasakto na ang kanyang edad sa bilang ng mga daliri sa isang kamay. Ipinangako ng kanyang ama na sa pagsapit ng kanyang kaarawan ay isasama siya nito sa bayan, bagay na bihira lamang mangyari dahil salat sila sa buhay.

Abaniko - Maikling Kwento



Nakakubli ang aking mukha sa likod ng abaniko pagsapit ng eskinita sa pagkukunwaring
nilalabanan ko ang matinding sikat ng araw. Kinagat ko ang aking labi upang hindi ako mapaiyak pagpasok ko ng pintuan. Alam kong babagsak ang aking luha kung may makakita sa namumugto kong mata.


Lumikha ng maliit na ingay ang upuang kahoy na malapit sa aking likuran kasunod ang mabagal na pagkilos ng kaisa-isa kong dinatnan sa loob ng bahay. Binasag ng kapirasong ingay ang tahimik na imahe ng kabahayan. Marahil hinihintay talaga niya ang aking pagdating kaya napuna kahit ang ubod nang ingat na pagkakabukas ng pinto. Dumikit sa aking mga binti at umikot ang pusang nag-aanyayang lambingin siya. Tila nanghihingi muli ng kalinga sa umabandonang amo.
Nakatingin ako sa mga nakakwadradong larawan habang inilalapag ang mga bitbit ko. Nahulog ang abaniko nang lumundag ang pusa sa mesa. Nagbuntong hininga ako upang kalmahin ang aking sarili.