Skinpress Rss

Bahaghari


Nagsilbing malaking duyan ang barkong sinasakyan ko. Hindi ko namalayang basta ko lamang iniwan sa mesa ang aking gamit. Naalimpungatan ako sa ingay ng mga taong nag-uusap sa aking tabi. Malapit na ang pagdaong ng barko kaya dapat ng ayusin ang mga dalang gamit at bagahe.

Bitbit ang kapeng may higit sa dalawang beses sa totoo nitong presyo ay umakyat ako sa ikalawang palapag ng barko upang tingnan ang pagsikat ng araw pati na din ang nalalapit naming pagdaong sa pier ng Batangas. Hindi ko pa din mapigilang mamangha sa tanawing hatid ng sikat ng araw at ang pagtama nito sa malikot na alon na tila naghanda pa upang ipakita ang kariktan. Umabot sa pitong taon bago ko ulit nakita ang pambihirang tanawin.

Bakit Lumuluha Tuwing Linggo si Sally?


credits : mel martinez
Wala naman akong kasalanan at lalong hindi ako testigo kung bakit lumuluha ang kababata kong si Sally tuwing Linggo. Umiiling ako sa tuwing may nagtatanong pero duda pa din sila na wala akong alam. Tila ba kasabwat ako sa pangyayari kahit kagigising ko pa lamang. Madalas daw kasi akong makitang kakwentuhan ni Sally sa aming tindahan tuwing lalabas ito para maghintay ng tricycle bago pumasok sa trabaho. Kaya akala nila pwede akong maging source ng tsismis kung bakit tuwing Linggo lang trip ni Sally umiyak. Bakit hindi Lunes o sa ibang araw?

Imposible naman daw pera o karangyaan ang maging dahilan ng problema ni Sally dahil lumaki naman itong may gintong kutsara sa bibig wika ni Mercy. Kung tutuusin, hindi na nga kailangan magtrabaho ng aking kababata dahil may pera din naman ang napangasawa.

Saranggola


credits to its owner
Pantay balikat ang dalawa kong palad habang nakatingin sa bughaw na langit at may halong pagtatakang tubig ang tumama sa aking balat. Tirik na tirik ang araw kaya imposibleng may pabagsak na ulan. Tiningnan ko ang sarangolang nakatali sa may upuang yari sa kawayan kung may pinagbago ang direksyon. Mabilis akong kumilos bago pa sumabit ang pisi sa dambuhalang puno ng sampalok.

"Apeng! Uulan yata!" sigaw ko habang nilalabanan ang pag-aalsa ng saranggola. Nagbago ang lipad nito mula sa pinong pag-indayog sa hangin, ngayon ay tila hayop na gustong kumawala sa pagkakatali. "Ibaba ko na to!"