random thoughts
Ipinaskil ni
panjo
|
Category :
random thoughts
Nakita ako ng rainbow kanina. Yup, rainbow, yung maraming kulay. First time ko makakita ng rainbow na wala sa langit. Nasa tubig ang both ends niya. Sayang nga lang nasa jeep ako kaya hindi ko makunan ng picture kahit sa phone. Kung kasinggaling ako ni
syel siguro napakagandang obra na nun. Sobrang galing n'ya sa katunayan kung makikita ko siya hahalikan ko kahit patay na kuko niya. (yan pinuri ko siya sigurado na ang gift ko sa xmas. Tumatanggap naman ako ng 2nd hand na house and lot, laptop, psp, pati dslr.Hehe) Biro lang syel pero pwede din seryosohin.
Balik sa rainbow, naliligaw n naman ako. Hinihintay ko ang mga carebears kung mapapadpad sila dun pero nabigo ako. Inisip ko na lang busy sila.
Well, medyo napawi nun ang mga problema ko na di ko masolved ng ilang linggo na. Halos isumpa ko si spongebob sa dami ng problema ko. Sabay-sabay kasi nasira ang mga appliances ko sa bahay. Sabagay kailangan na nilang magretire. Pero sana installment naman spongebob. Installment ko binili ih.
Hindi nga muna ako gumagawa ng kwento kasi dadagdag pa yun sa iisipin ko. Bibili pa nga pala ako ngbarong para sa kasal ng kapatid ko. (tama abay ako sa
kasal, sana wala na naman kapalpakan.)
Ay teka, random thoughts to kaya dapat may thought.
nag-imbento muna ako ng quote.
"may mga bagay na magdadala ng problema, may mga bagay na magbibigay ng saya pero sa akin ka liligaya"