Pumasok ako sa silid na puno ng mga bata. Napakasaya nila habang naglalaro. Ika nga nila buti pa ang mga bata, walang iniisip na problema. Napakasaya ng childhood experience kung lumaking madaming kalaro. May pagkakataong masasaktan o masusugatan pero ayos lang kasi masaya naman.
Ang aking pagkabata ay isang sayaw sa kawayan. Isang maling hakbang ay may kalalagyan. Kailangan nasa tyempo. Walang layaw o di ayon sa galaw. Ang alam ko ay may sakit ako. Bawal sa alikabok, balahibo, malansang pagkain, toyo at mga nakapapagod na gawain. Kung iguguhit mo ako sa iyong isip ay hindi nalalayo sa isang poste o kawayan.
Ang paaralan ay tila isang mapanganib na gubat. Kung hindi mabangis na hayop ay matalim na tinik ang sasalubong. Tila ba walang puwang sa mahina ang sinasabing ikalawang tahanan. Doon ko naranasang sabitan ng watawat sa pagturing na isa akong flag pole.
Madami akong tanong.
Tiis ang sagot.
Hanggang kailan?
Tsaka bakit ako lang? May ginawa ba akong kasalanan?
Dumating sa punto na kailangan nang tuldukan. Isinuko ko ang pag-aaral. Sa isip ko, hindi ako nababagay sa mundo ng mga normal. Patago akong tumatakas at madalas ay nanonood ng mga batang naglalaro. O kaya nakikikanta sa mga day care. Mas masaya. Naeenjoy ko pa kahit hindi ako kasali sa laro nila. Masarap maging bata. Sana lagi akong bata.
Ganoon ang aking set-up hanggang tumanda. Doon ako masaya. Ang manatili sa mundo ng mga bata.
Gaya ngayon.
Pumasok ako sa silid na puno ng mga bata. Nakakatuwa. Tinawag ko ang isa at pinapasok sa mas maliit na silid. Inabutan ng laruan, kendi bago ko tuluyang hinubaran.
- wakas-