Skinpress Rss

Ang Pansit ni Aling Maria


Masarap ang pansit ni Aling Maria.
Pero hindi kanina. Sobra yata sa betsin. Gusto yata akong lasunin. Pero wala naman binago sa timpla.

Nitong mga nakaraan araw, tinatamad akong magluto. Bukod sa mainit ang singaw sa loob ng bahay, medyo mahina ang daloy ng tubig kaya tumatambak ang hugasin. Plus hindi ko talaga talent ang maghugas ng ano. Basta.

Medyo humirit ako kay Aling Maria para may dagdag ang order ko. Masarap ang luto niya kaya lang konti ang takal. Konting bola at kuratcha. Tumalab naman. Medyo napapadami ang aking kain nitong nakaraan araw. Nag-improve ang buying power ng singkwenta pesos ko. Dati pansit lang at tinapay, ngayon may palamig na libre.

27 Messages


Approximately 5 years ago, may 27 messages ako galing kay Ella. Hindi ito tulad ng sangkatutak na emojis, greetings, words of wisdom, bible verse at kung anu-ano pang kaekekan nya na madalas binabalewala ko lang. Isa iyong nobela. Isang narration how things started to an end.

Isa iyong break-up message. Full of emotions kahit walang emojis. Walang maling typo. Pinaghandaan. Pinag-isipan. May realizations. Lessons. At pamamaalam.