Bumili ako ng bulaklak. Tig-iisang pink, red at white. First time ko ginawa ito kaya nakakaproud. #kmjs
"San ka na?"text ni Jenny.
"Palengke pa."
"No gawa mo dyan?"
"Secret."
"Ano nga? Bilis!"
"Bumili ng patuka sa manok."
"Ay akala ko pa naman."
Kagabi, may pangkwentong MMK na naman si Jenny. Madalas naman jolly siya kaso kapag usapang pag-ibig medyo sablay talaga. Dinalahan niya ako ng beer at isang pakete ng chicharon na may unlimited betsin. Hindi sya umiinom, trip nya lang ako kausap na amoy alak. Tinanong niya ako kung bakit wala pa akong lovelife.
"Wala e."
"Tinatamad saka baka hindi ko mapangatawanan. Alam mo na medyo may pagka-oldies tayo."
"Hindi mo kaya mag-adjust? Or try man lang."
"Yun e. Ayaw ko naman ang trial. Gusto ko ang classic love story nina Erpat. Tipong tadhana na ang magtutulak sa inyo. Paggising isang araw mahal na."
"Sabagay. Parang magnet ang parents mo e. Hindi lumalakad ng wala ang isa. Pero sa panahon ngayon may ganon pa ba?"
"Meron pa naman siguro. Ikaw bakit single pa?"
"Ako? Naghihintay lang."
"Hanggang kelan?"
"Pasok December Avenue with Moira!"
"Ano?" Kahit kelan may pagka-alien kausap din si Jenny.
"Basta! Slow ka talaga sa ganyan!"
"Selfie tayo?"
Alam ko kung paano pangitiin si Jenny kahit magmukha akong tanga. Nakadikit ang aming ilong sa gilid ng mesa habang pinalalaki ang mata. Para kaming nanonood ng langgam na magkahawak ang kamay. Titingin siya sa akin. Ngingiti na parang nakasimangot. Minsan pout. Basta ganun.
"Sayang hindi na uso ang padevelop!" panghihinayang ni Jenny.
"Oo nga. Pero pwede pa naman!"
"Sige! Pagawa ka dalawa. Tig-isa tayo tapos lagay natin sa wallet."
Nitong mga nakaraan, hindi na humihingi ng tip si Jenny sa mga bagay ng trip ng lalaki. Nakikipaglaro na lang siya ng Mobile Legends. Minsan inaabot pa kami ng madaling araw. Main hero niya si Karina kaya nga lang kahit sa ML sobrang clingy at dependent ng character nya. Pero kapag nagalit, grabe maniac sa loob ng ilang segudo! Walang pagkakaiba sa pagbugbog niya sa akin.
So ito nga, galing ako ang palengke para bumili ng bulaklak. Ibibigay ko kay Jenny. Hindi ito tulad ng dati na kailangan niyang sabihin para gawin ko. Kusa ito. Deserve nya naman kasi. Nakakaiyak di ba? Sobrang bait niya. Imagine mula pagkabata tropa na kami. Madalas nga kaming pagkamalan na magjowa. Minsan sinasakyan na lang namin. Iniisip ko nga kaya siguro walang manliligaw si Jenny kasi lagi akong nakabuntot. At alam kong gusto din niyang makatanggap ng bulaklak regardless kung bf, kaibigan o stranger. Wag lang chocolate kasi medyo mahal.
Sinalubong ako ni Jenny ng may pinakamatamis na ngiti. Iba talaga ang hatid ng Valentines Day sa mga babae.
"Aba may bulaklak ah!" may nagbigay na pala kay Jenny. Akala ko pa naman ako ang una.
"Syempre! Maganda e!"
"Mukhang natauhan na ah!" May nagparamdam na kay Jenny kahit Jedi sya.
"Talaga! Selos ka no? Hindi bale ikaw naman ang kasama ko sa pag-uwi e."
"Natural! Service mo ako e!"
"Sus! Sinisira mo naman ang moment! Galing lang to sa mga students ko."
"May pantapat ako dyan! Teka lang." Pumunta ako sa tricycle saka iniabot ang binili ko kaninang bulaklak. "Saka itong patuka," tukoy ko sa mumurahing nachos na titirahin namin mamaya habang naglalaro ng ML.
"Rank game mamaya. Game? My place."
"Aba nausuhan! San mo ito pinitas?"
"Ay hindi nakaappreciate?"
"Nakapaninibago lang. Pasweet? May balak? Naku."
"Utot mo! Sabihin na lang natin na reward mo yan."
"Hinawakan ko ang kanyang kamay. Ngumiti sya.
"Wow ha? Kailangan hawak pa?" Sumimangot siya na parang nakangiti tapos pout ulit.
"Valentines e!" Kinutusan ko sya. Natatawa pa ako sa aking maitim na balak. Inilapit ko ang kanyang kamay sa aking likuran saka ko ikinamot sa aking pwet.
umuwi akong may pasa.
"Ligawan ko kaya si Jenny?" tanong ko sa sarili. Umiling ako. "Malamang hindi ako papasa. Wag na lang."
-wakas-