Skinpress Rss

New Year


"Si Mike! Guys si Mike!" sigaw ni Esiquel.

"Wooh! Akala namin di ka darating!" gulat na wika ni Daniel.

"Pwede ba naman 'yon? As usual late ako 'di ba?"

Akbay agad ni Noel. "Tagal kang namiss ng tropa!"

"Now we can say na you are really back on track, Mike. Balitang-balita na nakuha mo ang million peso-deal sa Artiska."

"Chamba mga dre. Old contacts and luck siguro."

"The rich, famous and humble Mike. So, finally you moved on?"

"Ahhmm.. Of course!"

"You mean, pwede na namin imbitahan sa next party si Mara?" maingat na tanong ni Esiquel.

"Actually kaya ako na-late, nagmeet kami ni Mara before pumunta dito. Kinulang ang three hours sa amin."

"Wooohhhhh! Short time."

"Its not what you think guys. We just talk. Eat. Yun lang and konting flash back."

"So from bitterness to betterness."

"So I assume buo na ulit tayo next year. Mara and Mike are okay!"

"Oo naman! I want to end this year with a bang!" Kinalog ni Mike ang alak bago pinalipad ang cork sa ere. "Lets drink!"

Inuman.

Tawanan.

Kwentuhan.

"San tayo sa new year?!" tanong ni Noel.

"Sa bahay. Walang mawawala!" singit ni Mike. "Gusto ko lahat andun kayo including Mara."

"Okay! Yan ang gusto namin madinig at nagmula pa talaga sa'yo.."

Uwian.

Paalaman.

"Walang mawawala sa bahay ha?" paalala muli ni Mike.

Sumakay siya ng kotse. Nang makitang malayo na ang lahat itinutok niya ang baril sa ulo.

BANG!


-wakas-


Super Totit


Sinagip ni Totit ang tutang muntik mahulog sa man-hole. Tumakbo siya ng mabilis para maligtas ito sa panganib. Kahapon lang, sinapak niya ang lalaking umaagaw ng bag kay Digna. Hindi na ito nanlaban bagkus ay lumayo palayo kay Totit. Ilang araw na siyang self-declared superhero.

Nakatingin siya mula sa bintana pababa ng kalsada. Nag-aabang kung may parating na panganib.

Wala.

Nagsindi siya ng lighter.

Nangingig ang kanyang kamay..

Oras na..

Wala siyang sinayang na usok. Lahat sulit.

Nang makatapos tumakbo sya. Nakadinig siya ng humihingi ng tulong.

Wala siyang alinlangang tumalon sa bintana. Sinalubong niya ang lakas ng hangin.. Lumulutang siya tulad ng kanyang iniisip. Lumilipad siya tulad ng tumatakbo sa utak..


"Nandyan na ako!" sigaw niya.

Muntik na naman mahulog ang tuta sa butas. Buti na lamang may taong bumagsak mula sa taas.

-wakas-

Mamang Pulis


Tirik na tirik ang araw. Sumenyas na ang hepe ng pulisya. Simula na. Isang putok ang kasunod na nadinig. Nagkagulo ang lahat. Non-stop na ang sigawan. Napahawak na lamang ako sa noo kong .pawisan

Muling namayani ang katahimikan. Isa. dalawa hanggang sampung segundo. Nagtakbuhan ang mga pulis. Walang humpay na putukan.

Lumapit ako sa iyo.

Mabagal.

Hindi sigurado.

Hiningi ko ang hawak mong baril.

Kasunod ang iyong kamay.


Nakabibinging sigawan.

Tumingala ang lahat. Lumipad ang mga lobo sa loob ng police academy. "Will you marry me?" kabadong tanong ko.

"Yes..." Nanggilid ang iyong luha.


Sigawan..

-wakas-

Tagay


Shoot sa basurahan ang dala kong bulaklak at isang box ng chocolate. Akala ko tatanggapin na this time pero tulad ng nauna, basurahan lamang ang nakinabang. Pinabaunan pa ako ng isang suntok sa balikat bago pinagsarahan ng pinto. Selyado pa ang puso ni Thyra.

"Halika! Ikaw nga!" sigaw ng lola ni Thyra sa akin. "Bago ka umalis maupo ka muna sa harap ko."

Martial Law - Isang Dagli


credits to orig ownwer
Dahil sa napanood na teleserye, nagbaba ng bagong batas si Ermat sa hapag-kainan. Idineklara ang Martial Law sa aming bahay. Base sa Proclamation no 1081, kaming lahat ay may tapyas sa baon sa sinumang mahuling may crush, walang baon ang may girlfriend, patitigilin sa pag-aaral ang may ka-flirt at palalaysin ang magkaka-anak. May umento naman sa baon ng higit sa doble ang MAKAPILI o makapagsusuplong sa itinuturing na ilegal na aktibidad.

Pwersahan kaming pinapirma sa bagong batas. Bukas paglitaw ng araw epektibo na ang Martial Law.

Itetext ko ba si GF? Makikipaghiwalay ba ako?

Magdamag nagcompute ang kapatid kong bading. Wala syang girlriend pero maraming crush. Hindi kawalan ang kaflirt. Kikita siya kung isusumbong niya kami.

Nakatulog na ako pag-iisip.


Kinaumagahan, nagpanic ang lahat.. Nawala si Erpat.

Hiling - Isang Dagli


credits to orig owner
Hiling

Sobrang simple lamang ang hiling ko tuwing pasko pero tila sobrang hirap at hindi makayanang ipagkaloob sa akin. Mula pa pagkabata idinasal ko na iyon. Hindi ko sinubukang magsabit ng medyas sa likod ng pintuan o christmas tree dahil hindi naman kasya hiling ko. Malabong magkasya si Tatay sa medyas. Dapat siguro sako o balde.

Kinalimutan ko ang pasko matapos ang limang taon ng aking paghiling. Kinalimutan ko na si Tatay. Hindi ko na nga matandaan ang kanyang mukha. Naiwan sa lumang bahay ang mga larawang pwedeng magpaalala sa akin. Naniwala ako kay Nanay na huwag umasa sa imposible.

Sa paghahangad ako ng mga bagay na makabubuti sa buhay namin ni Nanay ay nakalimutan ko na ang pagiging mabuti. Nakalimutan kong maging patas. Nilamon ako ng karangyaan. Hindi sumikip ang aking bulsa. Naghangad ako ng sobra sa dapat. Nakalimutan ko ng maging masaya.

Araw ng pasko. Umuulan. Ibinili ko si Nanay ng gusto niyang daster habang pumili siya ng kurtina. "Bilhin mo na ito! Matutupad ang hiling mo," alok ng hindi katandaang lalaki na may bihis pulubi.

Nagtawa ako. "Paano kung ang hiling ko ay mapangasawa ko si Britney Spears?"

"Matutupad pero malamang sa panaginip." Nakatawang niyang sagot. Itinapat niya sa aking mukha ang kumikinang na bakal. Pinatama dito ang matinding sikat ng araw upang manlabo ang aking paningin. Itinakbo niya ang coin purse na hawak ko kapalit ang isinilid na bakal sa paper bag na bitbit ko.

"Loko!" sigaw ko. "Tara na 'nay. 'Nay, bakit?"

Kinusot ni Nanay ang dalawang mata. "Anong nangyari sa kanya? Tuluyan na siyang nilamon ng bisyo."

"Kilala mo siya?"

"Si Rupert... "Isang pamilyar na pangalan na minsan naging laman ng mga dasal at hiling ko. "Ang tatay mo."



-wakas-