Skinpress Rss

Upuan



"Nalusutan ka na naman daw sa area mo? Pang-ilang beses na yan?" salubong na bati ni Frank pagkalabas ko ng cubicle ni bossing. Iniabot niya ang tasa ng kape na may pangalan ko. Iniregalo ng anak ni Frank ang tasa dahil alam niyang mahilig ako sa kape.

"Apat, lima. Ewan.. Minalas na naman. Natapat na naman sa akin." Matagal kong isinahod ang tasa sa coffee maker pero hindi naisipan pindutin para lumabas ang likidong magpapabuhay sana utak kong tulog.

"Kaya pala matagal ka na namang kinausap ni bossing."

"Nakikiusap kasi ako kaya nagtagal. Gusto niya muna akong pagpahingahin. Wala daw kasi ako sa sarili palagi kaya may nananakaw na stocks."

"Oh, ano sabi ni boss?" Umiling lamang ako. "You deserve a rest pare. Hindi din biro ang pagod mo sa bawat araw."

Kung Hindi Pa Ako Nalasing



Iling at buntong hininga ang aming reaksyon habang nakatingin sa mga picture ng Aquatico sa San Juan. Sino nga ba ang hindi maiinggit at manghihinayang kung ang ganitong kagandang lugar ay mararating ng libre? Sa kasamaan palad ang shift namin ang hindi nakasama. Hindi pwedeng walang maiwan sa office para umattend ng mga clients at project concerns. Sabi nga ng mga hindi nakasama dati sa company outing, alam nila ang nararamdaman namin.

"Balita? Anong progress na?" Isang tapik sa aking balikat ang dahilan upang bumalik ako sa reyalidad. Kunot na ang noo ni Jadelyn sa tense. May project nga pala kaming tinatapos kaya kami nasa office. "Madami ng pending orders ng paleta ang PNC."