Sa isang talulot nanahan ang isang bubuyog. Inienjoy ang nasa paligid at ninanamnam ang sarap ng nektar..Pinagmamasdan ang pamumukadkad ng iba pang bulaklak.
Sa isang parke nanahan ang isang bata. Inienjoy ang nasa paligid at ninanamnam ang sayang hatid..Pinagmamasdan ang mga bubuyog na umaaligid sa iba't ibang bulaklak.
Sa isang bintana nanahan ang isang dalaga. Inienjoy ang nasa paligid at ninanamnam ang hanging dumadampi sa buhok..Pinagmamasdan ang mga batang nanonood ng mga bubuyog.
Sa isang luma at bulok na seldang bakal nanahan ang isang binata. Inienjoy ang nasa paligid at masayang pinagmamasdan ang pagdampi ng hangin sa buhok ng dalaga sa bintana. Lihim na umiibig, ipinipinta ang bawat araw na masisilayan ang dalaga. Mga likhang sining na natatanggap ng dalaga. Palaging inihahatid ng batang nagmamasid sa bubuyog. Na dahilan ng palagi nyang pagsisilip sa bintana sa pagtatakang saan ito nagmumula.
"
LOVE that is the soul of genius"-mozart