Lawit na ang dila ni bantino sa pagtakbo ng bigla siyang natigilan. Napaisip at
napakamot sa puwet. isang hakbang, dalawa, tatlo at isa pang hakbang bago tuluyang huminto si bantino..
bantino : brow bakit ba ako tumatakbow? hindi naman ako nagmamadali. (habang inaamoy ang daliring ikinamot sa puwet) sana makarami akong matulungan ngayon brow.
sa di kalayuan. medyo malayo pala. nakita n'ya si willie na ummiiyak.
bantino : kuya bakit ka po umiiyak?
willie : kasi masakit ang kasukasuan ko. hindi ba bantino nakakapagpagaling ka? tulungan mo naman ako.
bantino : hindi po ako ang nagpapagaling. si brow po.
willie : brow? sino naman si brow?
bantino : si brow po? siya po ang distributor ng mga inilalako kong produkto. si brow na po ang bahala sa inyo. papagalingan ka n'ya. ito ang PAU isang pahid mo lang walang aw sa PAU. (with feelings)
willie : wow. salamat bantino.
masayang umalis si willie matapos ipahid ang pau.
sa pagod nagpahinga muna si bantino sa may puno ng santol. pinagmamassan ang paligid at ang matikas na poster ni mayor. nilipitan ni bantino ang poster. nakita na lang ni bantino ang kanyang sarili na dumukot ng panulat sa kaliwang bulsa. sa kanan palang bulsa. tulad ng ibang bata (pati ng matanda)inilibas ni bantino ang kanyang marker (pentelpen po), nilagyan n'ya ng sungay, buntot, bigote, salamin at lahat ng pwedeng idrawing sa mukha na karaniwang iginiguhit lang dati sa mukha ni mabini sa sampung piso dati (guilty ka?). natapos ang obra ni bantino. kahit malademonyo ang ginawa n'ya sa poster ni mayor naging kamukha lang ito ng mascot sa enchanted kingdom.
dahil kailangan n'ya na ulit maglako nagpatuloy si bantino sa paglalakad. halos ang buong kalye ay iniwanan n'ya ng bakas. bakas sa kalsada. bakas sa bangketa. sa manhole ng minsang mahulog siya. bakas sa lumang owner na ilang taon ng di umaandar dun kasi siya inabutan ng pag-ihi (kinilig pa). sa kanto ng nakita siya ng prospect na customer.
bantino : hi good morning po kuya. ako po si bantino. isa po kami sa distributor ng mga products ni brow. baka sakali pong makatulong ako.
john lloyd : ako naman si john lloyd. kanina pa kasi masakit ang ulo ko. may maitutulong ka bantino?
bantino : kaya po kayong pagalingin ni brow! biogesic lang po katapat nyan.
john lloyd : biogesic. salamat bantino. galing mo talaga.
bantino : kay brow po kayo magpasalamat. pano alis na ko? INGAT!
ilang hakbang pa lang nakita n'ya si rustom na malungkot.
bantino : kuya rustom, bakit ka po malungkot?
rustom : ikaw pala bantino, (ngumiti ng peke) hindi naman ako malungkot. di ba nakangiti pa ako sa'yo?
bantino : sabi po ni brow, hindi lahat ng smiley ay masaya. may pagakakataon lang na ginagamit natin ang ngiti sa harap ng tao para ipakita na wala tayong problema. pero kapag wala na tayong kaharap nasa sulok lang po tayo at umiiyak.
rustom : oo nga bantino.... subalit...
bantino : sabi po ni brow, hindi ko man po mapagaling ang pisikal na kaanyuan maari ko naman pong mapagaling o matulungan ang may sugat na kalooban.
rustom : bantino. bantino.. gusto ko sana maging babae. ....
nagulat si bantino.. walang reaksyon hanggang may naisip na sa suggestion.
bantino : kuya ito po ang calling card ng kilala kong doktor. sa araw po kayo pumunta kasi busy po siya sa pagsayaw ng careless whisper sa gabi. matutulungan nya po kayo.
rustom : talaga bantino.. o ito piso umuwi ka na. maggagabi na. baka hinihintay ka na nina fathers.
umuwi na si bantino sa kasang tinutuluyan. sinalubong siya ng mga fathers. fathers kasi ang tawag n'ya sa mga nagpalaking bugaw sa kanya. ampon lang kasi si bantino. hindi n'ya alam kung sino ang kanyang ama sa mga mokong na mga bugaw. free trial pa kasi ang nanay n'ya noon.
bantino : andito na po ako mga fathers! father gringo, father lacson, father mar, father villar, father lozada, father binay magandang gabi po.
mga fathers : (koryo) magandang gabi naman bantino.
father gringo : napag-isip isip namin bantino na huwag ka ng paglakuin sa kalye bantino. malawak ang kalsada para sa munti mong paa. dito ka na lang tulungan mo akong pabagsakin ang kasalukuyang adminstrasyon. PABAGSAKIN!! joke lang. dito ka na lang may pwesto ka na kasi sa kabila.
father lozada : tama bantino. ipinagtayo ka na namin ng pwesto. para alam namin na sakto ang isinusulit mong benta.
bantino : (inisnob ang dalawang fathers) father mar, bakit sambakol ang mukha mo? napagod ka ba sa pagpedal ng pedicab?
father mar : hindi bantino. gusto ko sana pakasalan si korina. kaso nahihiya ako magsabi. laking points din yun sa eleksyon iniisip ko pa rin kung lalaban talaga ako o lalandiin ko na lang si korina.
bantino : sabi ni brow, minsan lang kumatok ang pagkakataon. kaya dapat pagbukasan bago pa pumasok sa pinto ng iba.
father mar : alin yung eleksyon? hindi pa nga sigurado kung may eleksyon e. may corn ash pa kasi ang mga alaga ni glory.
bantino : si korina ang tinutukoy ko. ang sisiw sa kanyang inahin lang tatahan.
father mar : si korina may sisiw?
bantino : si glory. ewan ko sa'yo father. magbigti ka paminsan minsan para may hobby ka. get a life.
father mar : hay naku! huwag kang hahara hara. for sure sasagasaan kita ng pedicab ko.
bantino : ikaw father villar? anong problema mo? dali bago uminit ang ulo ko.
father villar : gusto ko sana magpatayo ng mga tulay. tulong ko sa mga mahihirap.
bantino : maganda ang naiisip nyo father villar. sabi ni brow, ang pagtulong ay hindi pinag-iisipan ito ay kusang lumalabas sa magandang kalooban.
father villar : eh gusto ko sana maging doble yun kikitain ko.
bantino : sali ako dyan. ganito. sirain mo ulit yun C5. matibay pa naman yun. tapos yung pinagtibagan ang gamitin mo uling kasangakapan. idea ko yan ha. kick back a.
father villar : magnifico! intelehente.
bantino : apir. ikaw naman father binay? spaghetti you like? any problem?
father binay : bantino, sa makati libre ang gamot, libre ang edukasyon hanggang kolehiyo. lolo at lola todo-todo ang benipisyo. ganun sana sa buong bayan.
bantino : e di dun ka sa makati. punta ka ng punta dito. kung libre lahat paano na ang negosyo ko.
si father lacson nasa sa sulok. naglilinis ng baril lumapit si bantino.
bantino : father lacson.... arggg
binaril ni father lacson si bantino. patay.
mga fathers: father lacson bakit mo binaril si bantino?
father lacson : wala lang. trip ko lang. may reklamo?
mga fathers: wala naman natanong lang namin. lilinisin na lang namin ang bakas.
father lacson : yun oh. may bakas pa ng dugo. kilos.. itapon nyo sa cavite.