Skinpress Rss

May Bakas Pa (corny) =))







Lawit na ang dila ni bantino sa pagtakbo ng bigla siyang natigilan. Napaisip at
napakamot sa puwet. isang hakbang, dalawa, tatlo at isa pang hakbang bago tuluyang huminto si bantino..

bantino : brow bakit ba ako tumatakbow? hindi naman ako nagmamadali. (habang inaamoy ang daliring ikinamot sa puwet) sana makarami akong matulungan ngayon brow.

sa di kalayuan. medyo malayo pala. nakita n'ya si willie na ummiiyak.


bantino : kuya bakit ka po umiiyak?

willie : kasi masakit ang kasukasuan ko. hindi ba bantino nakakapagpagaling ka? tulungan mo naman ako.

bantino : hindi po ako ang nagpapagaling. si brow po.

willie : brow? sino naman si brow?

bantino : si brow po? siya po ang distributor ng mga inilalako kong produkto. si brow na po ang bahala sa inyo. papagalingan ka n'ya. ito ang PAU isang pahid mo lang walang aw sa PAU. (with feelings)

willie : wow. salamat bantino.

masayang umalis si willie matapos ipahid ang pau.

sa pagod nagpahinga muna si bantino sa may puno ng santol. pinagmamassan ang paligid at ang matikas na poster ni mayor. nilipitan ni bantino ang poster. nakita na lang ni bantino ang kanyang sarili na dumukot ng panulat sa kaliwang bulsa. sa kanan palang bulsa. tulad ng ibang bata (pati ng matanda)inilibas ni bantino ang kanyang marker (pentelpen po), nilagyan n'ya ng sungay, buntot, bigote, salamin at lahat ng pwedeng idrawing sa mukha na karaniwang iginiguhit lang dati sa mukha ni mabini sa sampung piso dati (guilty ka?). natapos ang obra ni bantino. kahit malademonyo ang ginawa n'ya sa poster ni mayor naging kamukha lang ito ng mascot sa enchanted kingdom.

dahil kailangan n'ya na ulit maglako nagpatuloy si bantino sa paglalakad. halos ang buong kalye ay iniwanan n'ya ng bakas. bakas sa kalsada. bakas sa bangketa. sa manhole ng minsang mahulog siya. bakas sa lumang owner na ilang taon ng di umaandar dun kasi siya inabutan ng pag-ihi (kinilig pa). sa kanto ng nakita siya ng prospect na customer.

bantino : hi good morning po kuya. ako po si bantino. isa po kami sa distributor ng mga products ni brow. baka sakali pong makatulong ako.

john lloyd : ako naman si john lloyd. kanina pa kasi masakit ang ulo ko. may maitutulong ka bantino?

bantino : kaya po kayong pagalingin ni brow! biogesic lang po katapat nyan.

john lloyd : biogesic. salamat bantino. galing mo talaga.

bantino : kay brow po kayo magpasalamat. pano alis na ko? INGAT!

ilang hakbang pa lang nakita n'ya si rustom na malungkot.

bantino : kuya rustom, bakit ka po malungkot?

rustom : ikaw pala bantino, (ngumiti ng peke) hindi naman ako malungkot. di ba nakangiti pa ako sa'yo?

bantino : sabi po ni brow, hindi lahat ng smiley ay masaya. may pagakakataon lang na ginagamit natin ang ngiti sa harap ng tao para ipakita na wala tayong problema. pero kapag wala na tayong kaharap nasa sulok lang po tayo at umiiyak.

rustom : oo nga bantino.... subalit...

bantino : sabi po ni brow, hindi ko man po mapagaling ang pisikal na kaanyuan maari ko naman pong mapagaling o matulungan ang may sugat na kalooban.

rustom : bantino. bantino.. gusto ko sana maging babae. ....

nagulat si bantino.. walang reaksyon hanggang may naisip na sa suggestion.

bantino : kuya ito po ang calling card ng kilala kong doktor. sa araw po kayo pumunta kasi busy po siya sa pagsayaw ng careless whisper sa gabi. matutulungan nya po kayo.

rustom : talaga bantino.. o ito piso umuwi ka na. maggagabi na. baka hinihintay ka na nina fathers.


umuwi na si bantino sa kasang tinutuluyan. sinalubong siya ng mga fathers. fathers kasi ang tawag n'ya sa mga nagpalaking bugaw sa kanya. ampon lang kasi si bantino. hindi n'ya alam kung sino ang kanyang ama sa mga mokong na mga bugaw. free trial pa kasi ang nanay n'ya noon.

bantino : andito na po ako mga fathers! father gringo, father lacson, father mar, father villar, father lozada, father binay magandang gabi po.

mga fathers : (koryo) magandang gabi naman bantino.

father gringo : napag-isip isip namin bantino na huwag ka ng paglakuin sa kalye bantino. malawak ang kalsada para sa munti mong paa. dito ka na lang tulungan mo akong pabagsakin ang kasalukuyang adminstrasyon. PABAGSAKIN!! joke lang. dito ka na lang may pwesto ka na kasi sa kabila.

father lozada : tama bantino. ipinagtayo ka na namin ng pwesto. para alam namin na sakto ang isinusulit mong benta.

bantino : (inisnob ang dalawang fathers) father mar, bakit sambakol ang mukha mo? napagod ka ba sa pagpedal ng pedicab?


father mar : hindi bantino. gusto ko sana pakasalan si korina. kaso nahihiya ako magsabi. laking points din yun sa eleksyon iniisip ko pa rin kung lalaban talaga ako o lalandiin ko na lang si korina.

bantino : sabi ni brow, minsan lang kumatok ang pagkakataon. kaya dapat pagbukasan bago pa pumasok sa pinto ng iba.

father mar : alin yung eleksyon? hindi pa nga sigurado kung may eleksyon e. may corn ash pa kasi ang mga alaga ni glory.

bantino : si korina ang tinutukoy ko. ang sisiw sa kanyang inahin lang tatahan.

father mar : si korina may sisiw?

bantino : si glory. ewan ko sa'yo father. magbigti ka paminsan minsan para may hobby ka. get a life.

father mar : hay naku! huwag kang hahara hara. for sure sasagasaan kita ng pedicab ko.

bantino : ikaw father villar? anong problema mo? dali bago uminit ang ulo ko.

father villar : gusto ko sana magpatayo ng mga tulay. tulong ko sa mga mahihirap.

bantino : maganda ang naiisip nyo father villar. sabi ni brow, ang pagtulong ay hindi pinag-iisipan ito ay kusang lumalabas sa magandang kalooban.

father villar : eh gusto ko sana maging doble yun kikitain ko.

bantino : sali ako dyan. ganito. sirain mo ulit yun C5. matibay pa naman yun. tapos yung pinagtibagan ang gamitin mo uling kasangakapan. idea ko yan ha. kick back a.

father villar : magnifico! intelehente.

bantino : apir. ikaw naman father binay? spaghetti you like? any problem?

father binay : bantino, sa makati libre ang gamot, libre ang edukasyon hanggang kolehiyo. lolo at lola todo-todo ang benipisyo. ganun sana sa buong bayan.

bantino : e di dun ka sa makati. punta ka ng punta dito. kung libre lahat paano na ang negosyo ko.

si father lacson nasa sa sulok. naglilinis ng baril lumapit si bantino.

bantino : father lacson.... arggg

binaril ni father lacson si bantino. patay.

mga fathers: father lacson bakit mo binaril si bantino?

father lacson : wala lang. trip ko lang. may reklamo?


mga fathers: wala naman natanong lang namin. lilinisin na lang namin ang bakas.


father lacson : yun oh. may bakas pa ng dugo. kilos.. itapon nyo sa cavite.

math love letter =)


Don't know the source e. Nakasave lang sa desktop

My Dear Love,

Yesterday, I was passing by your rectangular house in trigonometric lane. There I saw you with your cute circular face, conical nose and spherical eyes, standing in your triangular garden.

Before seeing you, my heart was a null set, but when a vector of magnitude (likeness) from your eyes at a deviation of theta radians made a tangent to my heart, it differentiated.

My love for you is a quadratic equation with real roots, which only you can solve by making good binary relation with me. The cosine of my love for you extends to infinity. I promise that I should not resolve you into partial functions but if I do so, you can integrate me by applying the limits from zero to infinity.

You are as essential to me as an element to a set. The geometry of my life revolves around your acute personality. My love, if you do not meet me at parabola restaurant on date 10 at sunset, when the sun is making an angle of 160 degrees, my heart would be like a solved polynomial of degree 10.

With love from your higher order derivatives of maxima and minima, of an unknown function

mga kumikiliti sa inosente kong isipan =))


hindi ko alam kung baket natatawa ako sa tuwing makikita ko ang mga sumusunod:

***



libertad pumping station
marikina pumping station
metrolipa pumping station
pull lever before pumping =)


***

sa kalsada

slippery when wet
***

sa gotohan

masarap kapag mainit
***

sa palengke

nagtitinda ng karne

***

sa ukay ukay pero may kapareho yung tagline nila..

malinis...
mura...
laging bago...

***

sa bank ci/bi

your indentity is highly confidential

ito malupet ang itinawa ko...

bawal pumasok sa niyugan =))

kaw nakiliti din?

the sight


Sa isang talulot nanahan ang isang bubuyog. Inienjoy ang nasa paligid at ninanamnam ang sarap ng nektar..Pinagmamasdan ang pamumukadkad ng iba pang bulaklak.

Sa isang parke nanahan ang isang bata. Inienjoy ang nasa paligid at ninanamnam ang sayang hatid..Pinagmamasdan ang mga bubuyog na umaaligid sa iba't ibang bulaklak.

Sa isang bintana nanahan ang isang dalaga. Inienjoy ang nasa paligid at ninanamnam ang hanging dumadampi sa buhok..Pinagmamasdan ang mga batang nanonood ng mga bubuyog.

Sa isang luma at bulok na seldang bakal nanahan ang isang binata. Inienjoy ang nasa paligid at masayang pinagmamasdan ang pagdampi ng hangin sa buhok ng dalaga sa bintana. Lihim na umiibig, ipinipinta ang bawat araw na masisilayan ang dalaga. Mga likhang sining na natatanggap ng dalaga. Palaging inihahatid ng batang nagmamasid sa bubuyog. Na dahilan ng palagi nyang pagsisilip sa bintana sa pagtatakang saan ito nagmumula.

"LOVE that is the soul of genius"-mozart

for rent


Inay! Inay! paulit-ulit mong binitawan ang mga katagang iyon sa isang madilim at mainit na silid. Sinasambit para humingi ng tulong, suporta at atensyon..

Ilang minuto pa ang lumipas, tawanan at impit na tinig na lang ang maririnig. Wala na ang boses ng babae na tumatawag sa kanyang ina.

Hinaplos ng higit sa dalawang lalaki ang iyong kaselanan. Ninamnam ang bawat detalyeng hatid ng kaakit-akit na pigura ng katawan. Wala ka ng lakas para tumutol noon. Wala ka ng boses para magmakaawa. Wala ka ng matawagan ng saklolo. Wala ka ng puwang para manlaban at tumakbo palayo sa silid ng kamunduhan.

Unti-unti naglalaho ang kasuotan na bumabalot sa sariwang katawan ng batang hindi hihigit sa edad na labing pito.
Maya-maya pa ay tuluyan mo nang naisuko ang iyong pagkababae sa lalaking ngayon mo lang nasilayan. Hindi maipaliwanag ng lalaki ang nararamdamang kamunduhan dahil siya ang unang bumasag sa inosenteng mundo ng dalaga.

Luha na lang at pagsisi ang kaya mong ibigay. Tumigil ang iyong mundo habang may nagpapasasa sa iyong kaanyuan. Mahapdi ang sugat mong natamo sa pisikal subalit mas mahapdi ang sa sugat sa puso na iniwan nito. Ilang saglit na lang inisip mong pwede ka ng mamatay dahil ang iyong sugat ay bukas habang buhay.

Nasaan ba ang tinatawag mong inay???


"Aling Perly, salamat nga pala napakasariwa pala ng iyong anak"! wika ng isang parokyano

" Balik ka sa isang buwan baka pwede na iyong isa kong anak, nakita kong napapadalas ang pagsusuklay mukhang nagdadalaga na",nakangiting panghihikayat ni Aling Perly.

Legend of A (H1N1)


Dahil nasa pilipinas na ang A(H1N1) (medyo bulol ako dito kapag sinasabe ko ng mabilis). Nagtry ako magresearch ng history or kung paano at saan nagmula ang A(H1N1) eh tinamad ako kaya gumawa na lang ako ng sarili kong version. Corny ito pero ok lang dahil corny naman talaga ako. =)

weird math teacher with his son:


son: itay, ano anu po yung A(H1N1)?
(busy at ayaw magpaabala ang mokong na teacher)
son: itay?
math teacher : A (H1N1) = AHAANA. gets? multiply mo lang e.

...



sa tsismisan arena..

anak: inay! wala daw po kaming pasok bukas dahil po sa A(H1N1). Anu po yung A(H1N1)?

Ina : meeting anak. meeting ng mga teacher.

Tsismosa : meeting ba yun? Akala ko program ni mayor.


...


sa gadget arena..


dude : tol may A(H1N1) ako wag ka lumapit.

tol : dude, damot mo naman. dati naman pinapahiram mo ako ng nintendo wii at psp. Ngayon may bago kang A(H1N1) pinagdamot mo na. Limited edition ba yan?

...


sa u belt..


student : tol may A(H1N1) na daw sa ateneo at la salle?

yosi boy : bagong team ba yun ng basketbol? kelan ang try out?

...


sa bar..


boy adik : may A(H1N1) na daw sa Pinas!

punk : rock n roll! Wow foreign band ulet? Anung latest hit nyan?

...


sa bahay namin.


pamangkin : tito anu yung A(H1N1)?

panjo : swine flu

pamangkin : swine flu? anu po yun?

panjo : 3 years old ka pa lang bawal pa sa'yo mag-isip. Tulog ka na.

init


tiktaktiktak
tangna ala una na ng umaga
dilat pa ang mabibilog na mata
hindi malimot ang pinagsaluhang ligaya
ligaya dulot ng makamundong pagnanasa


tiktaktiktak
sa bawat ikot ng bewang
sa kislot ng katawan
sigaw, daing at impit na tinig
dalawang puso ang naghahabol ng pintig.


tiktaktiktak
malalim.. mainit..makirot
dugo.. iyak..pang-aamo
tubig..nauhaw ako..
natakot, katahimikan

tiktaktiktak
katahimikan, kadiliman
isang gabi ng kahayukan sa laman
isang gabi ng tawag ng katawan
isang buhay sa sinapupunan ng taong hindi naman mahal.