Skinpress Rss

  • Si James Yap Kasi

    2008 pala noong huli akong nanood ng pelikula sa sinehan madalas kasi sa bus na lang. Sinaniban ako ng anghel ng kasipagan kaninang umaga. Isinulong ko ang aparador pakanan sa pwesto ng inaagiw na computer monitor. Hindi ko na kailangan maghukay para makatuklas ng mina madalas matatagpuan ito sa...
  • Muggle Studies

    Pinagalitan ako ng prof ko sa Muggle Studies. Kesyo mali ang katwiran ko sa paniniwala niya at ng iba. Binato ako ng pang-aasar. Sang-ayon akong lamang ang may kapangyarihan at madalas nasasamantala ang wala. Ngunit para sa akin, mas mabuting mabuhay bilang ordinaryo. Bilang muggle. Nagtawanan...
  • Media Noche

    credits to mel Media Noche. Ang pinakamahabang minuto ng buhay ko. Ang pinakamasaya. Pinaka-exciting. Nakatayo ako noon sa tapat ng pintuan ng iyong apartment. Hindi ko alam kung ayaw ko pang umalis o may hinihintay. Ngumiti ka bago tuluyang isara ang pinto. Dalawang mabagal na hakbang at...
  • Si James Yap Kasi

    2008 pala noong huli akong nanood ng pelikula sa sinehan madalas kasi sa bus na lang. Sinaniban ako ng anghel ng kasipagan kaninang umaga. Isinulong ko ang aparador pakanan sa pwesto ng inaagiw na computer monitor. Hindi ko na kailangan maghukay para makatuklas ng mina madalas matatagpuan ito sa...
  • Muggle Studies

    Pinagalitan ako ng prof ko sa Muggle Studies. Kesyo mali ang katwiran ko sa paniniwala niya at ng iba. Binato ako ng pang-aasar. Sang-ayon akong lamang ang may kapangyarihan at madalas nasasamantala ang wala. Ngunit para sa akin, mas mabuting mabuhay bilang ordinaryo. Bilang muggle. Nagtawanan...
Previous Next

TINIKLING


Pumasok ako sa silid na puno ng mga bata. Napakasaya nila habang naglalaro. Ika nga nila buti pa ang mga bata, walang iniisip na problema. Napakasaya ng childhood experience kung lumaking madaming kalaro. May pagkakataong masasaktan o masusugatan pero ayos lang kasi masaya naman.

Ang aking pagkabata ay isang sayaw sa kawayan. Isang maling hakbang ay may kalalagyan. Kailangan nasa tyempo. Walang layaw o di ayon sa galaw. Ang alam ko ay may sakit ako. Bawal sa alikabok, balahibo, malansang pagkain, toyo at mga nakapapagod na gawain. Kung iguguhit mo ako sa iyong isip ay hindi nalalayo sa isang poste o kawayan.