Skinpress Rss

Isu Ngarud


Pinili ko muling maglakad mula sa kanto kesa magsakay upang makapag-isip tungkol sa ilang bagay. Mga bagay na may kinalaman sa trabaho, pera, paninindigan, desisyon at higit sa lahat ang aking pamilya. Malamang hindi mahimbing ang tulog ko mamaya.

Malungkot ang gabi. Wala ang mga asong kumakaway ang buntot na nag-aabang sa limos kong tinapay. Maging ang mga talang madalas naming tinitigan sa gabi ay nagdamot ng kanyang liwanag.

Hindi sapat ang hangin upang tuyuin ang namumuo kong pawis sa noo. Pinabigat pa ng lubak sa daan ang aking hakbang. Mali yata ang desisyon kong maglakad. Ni hindi ako nakabuo ng solusyon sa aking mga problema.

Nasa harap na ako ng pintuan na may mabigat na dibdib. Gaya kahapon.

Dalawang katok bago bumakas ang pinto. Sinalubong ako ng matamis na mga ngiti na tila alitaptap sa madilim na gubat.

"Papa!" Patakbo silang lumapit. Yumakap.

Pagkaupo ko ay nag-agawan ang dalawang bata sa paghubad ng suot kong sapatos. Isinuot sa aking mga paa ang pares ng tsinelas saka kusang sumakay sa aking mga hita. Nagkwento na may kasamang eksahirasyon.

Hindi ko namalayan ang pagod kanina. Ang problemang pasan ko buong araw. Ang kawalan ng tiwala sa sarili.

Mukhang mahimbing naman pala ang tulog ko. Maaring may dahilan upang malungkot, may dahilan upang mamoroblema ngunit walang dahilan ang mawalan ng pag-asa. May bukas pa naman.

- wakas-




First Day High


Isa sa pina-kacool ang first day of school, regardless kung bago o luma ang uniform. Syempre exciting. Baka may bagong mukha o mapansin na ni crush. At higit sa lahat, may alibi na sa paggawa ng Mama challenge.

As usual, may struggle pa rin sa paggising at paliligo sa umaga. Ang unang buhos talaga ang torture. Gusto ko nga sana i-propose na pagkatapos ng kadenang ginto ang start ng klase. Cool di ba?

"Huy! Dyan si Bien! Ano ka ba?"

"Ay onga pala. Payagan kaya tayo ni Miss?"