Skinpress Rss

Double Deck


image : home decor
Ganda ni Kara.

Iyong tindera sa Aurora.

Ngumiti.

Tapos sumimangot.

Bumili ako ng kandila.

Libre na daw.

Humingi ako ng juice.

Pinabayaran.

Maganda si Kara.



Ayaw ko talagang matulog sa ibabang parte ng double deck.

Mahirap gumalaw.

Mauuntog.

Mabubukulan.

Parang nakalulunod.

Hirap huminga.

Magigising kapag may malikot sa ibabaw.

Nakalimang ikot na yata si Pete sa taas.



Badtrip talaga ang blackberry.

Walang kagaya ang charger.

Hindi naman makapagtext kapag paubos na ang battery.

Mabuti pa ang nokia.



Tambak ang text ni Norman...

Lima yung pre..

Tatlo yung dre lang ang laman..

Namiss yata si Simsimi.

Hindi naman ako marunong magtranslate.

Yung pinakauna ang pinakamahaba..

May mura pa.

Aso sya!


"Nasan na yung kandila?"

"At yung juice na pinabibili ko."


"Excited? Bukas pa camping dre." reply ko.

"Lowbat na naman blackbery mo? Dami ko text ah. Langya camping pa inalala mo."

"Si Pete nga tulog na tulog pa."

"Naaksidente si Pete. Patay."


Napatayo ako sa double deck.

Nabukulan.

Takipsilim



Ako ay nakangiti habang hawak ang larawan ni Mika. Umiling-iling habang pinagmamasdan ang tumapong tubig mula sa pitsel.

"Buti na lamang hindi ka nabuhusan ng tubig," wika ko sa larawang alam kong hindi iimik. "Punyetang lamesa. Mahina. Walang silbi." Hindi ko alam kung galit ako sa mesa o sa aking katangahan.

Nakatulog na pala ako habang nakaupo sa sahig. Nasa number five na ang maliit na kamay ng orasan. Hindi ko maaninag ang malaking kamay kung nasaan. Malinaw naman ang aking mata subalit ako ay namamanglaw kaya malabo ang aking nakikita.

Gumulong na palapit sa aking paa ang boteng hawak ko kanina. Katulad kahapon at noong mga nakaraan araw, napadami na naman ang ininom ko. Pila na ang mga bote sa tokador.

Sinubukan ko tumayo. Maingat. Mabagal.